Professional Documents
Culture Documents
Esp 9 Activity m1
Esp 9 Activity m1
1. Katarungan
2. Kapayapaan
3. Kalayaan
4. Pagmamahalan
5. Pagkakaisa
6. Pagdadamayan
7. Respeto
8. Pagtutulungan
9. Paggalang
10. Pagkakaunawaan
Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang salitang TAMA kung ang nakalahad sa
bawat bilang ay sumasalamin sa kabutihang panlahat at MALI naman kung hindi.
___________1. Ang bawat tahanan sa Baranggay Buliran ay nakatanggap ng donasyon mula sa kanilang
Kapitan.
___________2. Hindi pinalabas ng kanilang bahay ang pamilya Dantes dahil sila ay pinaghihinalaang
positibo sa Covid-19.
___________3. Binilhan ni Nanay ng bagong damit si Ate Jaya para sa kanyang JS Prom samantalang
damit naman mula sa ukay-ukay ang kay Kuya Martin na luma na ang mga damit pambahay.
___________4. Ayon sa pambansang ulat, mas dumarami ang bilang ng mga pamilyang di sapat ang
kinakain dahil sa pandemyang kinakaharap ng bansa.
___________5. Nahinto sa pag-aaral si Matteo dahil walang pantustos ang kanilang mga magulang dahil
sa kawalan ng hanapbuhay.
___________6. Kumikita nang malaki ang biyahero ng baboy na si Mang Koko kaysa kay Mang Dennis
na siyang may-ari ng maliit na babuyan.
___________7. Masaya at mapayapang nagdiwang ng kapistahan ang Baranggay Sibul Springs dahil sa
sama-samang pagganap ng tungkulin ng bawat namumuno.
___________8. Tinitipid ni Alden ang kaniyang baon upang makabili ng cellphone na gagamitin niya sa
kanyang pag-aaral. 16
___________9. Pinalayas nang sapilitan ng mga pulis ang mga militanteng raliyista sa harap ng
munisipyo upang maiparating ang kanilang hinaing ukol sa illegal na pagpuputol ng puno.
___________10.Ginalugad ng mga health workers ang lahat ng pamilya sa Sitio Pangarayuman upang
masaksakan ng libreng bakuna kontra Covid-19.
1. Tama
2. Mali
3. Mali
4. Mali
5. Mali
6. Mali
7. Tama
8. Tama
9. Mali
10. Tama
GAWAIN 1: Ano ang larawan ng iyong minimithing lipunan? Sa espasyo sa ibaba, gumuhit o gumupit ng
larawan ng iyong pangarap na lipunan. Isaalang-alang ang mga elemento ng kabutihang panlahat sa
larawan na iyong gagawin. Maging malikhain sa iyong paglalarawan