You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

9 Z est for P rogress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikalawang Markahan- Modyul 4:
Mga Akdang Pampanitikan sa Sil
angang Asya: Talumpati

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang Asya:
Talumpati
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Glydell P. Calago at Lea Jane T. Lañoso


Editor: Jade A. Bengua/Alma R. Santiago, MT-1
Tagasuri: Alma R. Santiago, MT-1
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat: Gerald V. Dumat-ol
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien – Chief Education Supervisor, SGOD
Riela Angela C. Josol – Education Program Supervisor - Filipino
Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

InilimbagsaPilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamalas ng mga mag-aaral ang Ang mag-aaral ay nakasusulat ng


pagunawa sa mga piling akdang sariling akda na nagpapakita ng
tradisyunal ng Silangang Asya. pagpapahalaga sa pagiging isang
Asyano

Magandang araw! Kumusta ang iyong pagbasa sa


isang sanaysay mula sa Silangang Asya? Napakagaling mo
naman. Hindi ba’t napakaganda ng sanaysay na inyong
nabasa? Talagang kapupulutan ng maraming aral.
Sa modyul na ito ay babasahin natin ang talumpati
mula sa Timog Korea (South Korea).

Ihanda ang inyong mga sarili para sa panibagong


kaalaman. Pero bago nating simulan ang makabuluhang
paglalakbay tungo sa karunungan.

Ikaw ay inaasahang makamtan ang mga karunungang:


• Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa
kanyang mga saloobin o opinyon sa isang talumpati. (F9PD-IId-47)
• Naipapahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu
sa talumpating nagpapahayag ng matibay na paninindigan. (F9PS-IId-49)
• Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong isyu sa lipunang
Asya.(F9PU-IId-49)
• Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon,
matibay na paninindigan at mungkahi.(F9WG-IId-49)

Modyul Talumpati: Ukol sa Pagbabago ng


Klima
4

Nagmula sa bansang Timog Korea ang talumpating bibigyan natin ng pansin. Ang
Timog Korea o kilala sa tawag na “South Korea” ay isa sa bansang matatagpuan sa
Silangang Asya. Ang industriya at kultura nito ay unti-unting naangkop sa mga
karatig bansa nito.

1
Ang Timog Korea ay isa sa mga bansa sa Asya na nanguna sa paglunsad ng
greenhouse gas emission trading scheme. Ito ay naglalayong mabawasan ang
produksiyon ng gas ng tatlumpung porsiyento pagdating ng taong 2020. Ang
maalagaan ang ating planeta. Naniniwala silang ang mababang produksiyon
ng carbon ay magbubunga ng pagsulong ng ekonomiya.

Ang kasaysayan ng Timog Korea ay nagsasaad ng kuwento ng isang bansang


umahon sa kahirapan at sa sandaling panahon ay naging isa sa mga tinaguriang
Asian Tigers.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 9

Balikan

Sa ating buhay mayroon tayong mga alaala na


nais nating balikan. Gayundin sa aralin, susubukin
natin kung naalala mo pa ba ang mga nakaraang
tinalakay sa modyul. Handa ka na ba?

KARUNUNGAN NG NAKARAAN!

Panuto: Punan ang hinihingi ng tsart sa ibaba tungkol sa sanaysay na inyong


Pamagat ng Sanaysay
Ano ang Ano ang layunin Tungkol saan ang Paano nabuo ang
kaisipang ng may-akda sa paksa nito? sanaysay?
napaloob sa pagsulat ng
sanaysay? sanaysay?

binasa sa nakaraang modyul.

2
Tuklasin

Bilib ako sa talas ng iyong memorya. Talaga


namang ipinapakita mo ang iyong angking galing.
Huwag kang mag -alala, hindi pa, nagtatapos ang ating
paglalakbay. Ito pa lamang ang simula. Alam kong kaya
mong tapusin ang modyul na ito. Muli, handa ka na ba?

A. Bakit Naging Ganito?


Panuto: Sa panahon ngayon laganap na ang mga problema. Isa na rito ang mga
kalamidad. Ngayon, nais kong magtala ka ng kalamidad na naranasan sa buong
mundo. Itala ang mga dahilan nito. Gamitin ang tsart sa ibaba.

Mga Kalamidad Posibleng Dahilan

B. Isyu Mo! Opinyon Ko!


Panuto: Isulat ang iyong opinyon, mungkahi at matibay na paninidigan hinggil sa
isyung ibinalita sa ABS-CBN News. Isulat ang sagot sa tsart.

Sa kabila ng maraming kalamidad na tumatama sa bansa, mas maraming Pilipino


pa rin ang nagsabing hindi sila handa, batay sa isang pag-aaral.Ayon sa survey na
isinagawa ng Harvard Humanitarian Initiative (HHI), 74 porsiyento o 7 sa bawat 10
Pinoy ang nagsabing wala silang kakayahan mag-invest o maglaan ng pera para sa
paghahanda sa mga sakuna.

3
Tatlumpu't anim na porsiyento o 1 sa bawat 3 Pilipino lang ang nagsabing "fully
prepared" o handang-handa sila sakaling may tumamang kalamidad, batay sa pag-
aaral.Ayon sa pag-aaral ng HHI, malaking balakid sa paghahanda ng mga Pilipino
sa mga sakuna ay ang kawalan ng pondo para rito at ang kawalan ng oras para
maghanda.

Isa sa bawat 2 Pilipino ang nagsabing wala silang ginawa para maghanda sa mga
sakuna sa nakalipas na 5 taon.
Pero 8 sa bawat 10 Pinoy ang nagsabing napag-usapan na ng kanilang pamilya
kung ano ang gagawin sakaling magka-emergency.

"One of the things that they say is despite those discussions, that they remain
underprepared for a variety of reasons, the most significant of which is the lack of
financial resources, " ani Vicenzo Bollettino ng HHI. Walo sa bawat 10 Pilipino ang
nagsabi na wala rin silang tinatawag na "go bag" o iyong bag na nakahanda parati
at dadalhin sakaling kailangang lumikas.

Nagpaalala ang mga eksperto na pag-usapan dapat ng pamilya kung ano ang
gagawin at saan pupunta sakaling tumama ang emergency. Maghanda rin ng go-
bag o balde na may laman na pang-ilaw, pito para mag-signal ng tulong, first aid
kit, pagkain, tubig, pera at mahahalagang dokumento na nakasilid sa isang hindi
nababasang lalagyan. -- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

Ano ang paninindigan mo?


Ano ang maimumungkahi Totoo bang hindi handa ang
Ano ang opinyon mo?
mo? mga Pinoy? Panindigan ang
iyong sagot.

Suriin

Napakagaling naman ng inyong ginawa.


Batid ko ay hindi ka mahihirapang intindihin
ang paksang ating tatalakayin. Lahat ng
inyong pag -aalinlangan ay masasagot na!
Ihanda ang inyong mga sarili. Unawaing

ALAM MO BA?

Ang talumpati o “speech” ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na


pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat
ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng

4
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas
sa harap ng mga tagapakinig.

URI NG TALUMPATI

May anim (6) na uri ng talumpati o pananalumpati:

1. Pampalibang - ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng


anekdota o maikling kwento. Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang
salu-salo.

2. Nagpapakilala - kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at


karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may
pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang kanilang
atensyon sa husay ng kanilang magiging tagapagsalita.

3. Pangkabatiran - ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga


pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga
dalubhasa sa iba’t ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang
makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.

4. Nagbibigay-galang – ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa


isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o
aalis.
5. Nagpaparangal - layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya
magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng
mga sumusunod ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.
a. Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan
b. Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi
c. Pamamaalam sa isang yumao
d. Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo

6. Pampasigla - pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung


saan kalimitang binibigkas ito ng:
a. isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro
b. isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro
c. isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani

BAHAGI NG TALUMPATI

1.Pamagat - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya


upang kunin ang atensiyon ng madla.
2. Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
3. Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati.
Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran
upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.

PARAAN SA PAGBIGKAS NG TALUMPATI

1.Isinaulong Talumpati - karaniwang binibigkas sa mga timpalak sa


pananalumpati. Ang nilalaman ay maaaring hindi gawa ng nagsalita.

5
2.Binasang Talumpati- ang talumpating binabasa ay maaring gawa o di-gawa ng
nagsasalita. Habang binabasa ito sa harap ng madla, kinailangan ipadama sa
madla ang katotohanang nilalaman niyon sa paraang maliwanag at natural.

3.Talumpating Extemporaneous- ito ay talumpating hindi pinaghandaan


sapagkat hindi isinulat ng nagtatalumpati bago bigkasin sa madla. Sa isipan
lamang biubuo ng nagsasalita ang kabuuan ng talumpati upang maayos niyang
maihanay ang kaisipang nais niyang paratingin sa nakikinig.

4.Talumpating Impromptu - ito ay halos katulad ng extemporaneous na


talumpati sapagkat walang paghahanda. Ni sa isipan ay hindi siya nakabubuo ng
balangkas sapagkat ang ganitong talumpati kinakailangang tunay na malawak
ang kaalaman o karanasan ng nagsasalita upang hindi siya mag-apuhap o
mangapa sa sasabihin ng madla.

PAANO GUMAWA NG TALUMPATI

Narito ang ilang payo sa paggawa ng talumpati.

1. Pumili ng magandang paksa.


2. Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon tungkol sa
napiling paksa. Pwedeng mga dating kaalaman o karanasan o kaya ay mga
babasahin na may kaugnayan sa paksang gagamitin.
3. Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa tatlong bahagi; ang
simula, katawan at katapusan.
4. Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na pag-usapan lamang ang tungkol sa
sarili at pansariling kapakinabangan.
5. Iwasan din naman na maging “boring” ang iyong pagtatalumpati. Kung maari ay
magkaroon ng “sense of humor” sa pagdedeliber ng talumpati at laging isipin
ang iyong tagapakinig. https://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpati

Sa pagbibi gay kahulugan,


sinasabing ang talumpati ay isang buod
ng kaisipan o opinyon. Ngayon ay
tatalakayin natin ang ankop na pahayag
sa pagbibigay ng opinyon, matibay na
paninindigan at mungkahi.

ALAM MO BA!

Angkop Na Mga Pahayag Sa Pagbibigay Ng Opinyon, Matibay Na


Paninindigan at Mungkahi

1. Ang pagbibigay ng opinyon ay paglalahad ng sariling palagay o


paniniwalang tungkol sa isang bagay o pangyayari na hindi batay sa isang
pananaliksik o pag-aaral.Mga parirala na maaaring gamitin sa pagbibigay ng
opinyon:
a. sa palagay ko… d. tunay na…
b. sa aking panig… e. talagang…

6
c. para sa akin…

Halimbawa:
Para sa akin, matatagalan pa ang vaccine para sa Covid-19
Sa palagay ko kaya’t naghihirap ang ilang mamamayan dahil sa korupsyon
Talagang napakabait ni Lisa, hinihiling lahat ng lalaki na ang kababaihan ay
maging si Lisa.

2. Sa pagbibigay naman ng paninindigan, magagamit ang mga salitang:


a. kung e. kapag
b. sakali f. nang
c. pag g. upang
d. pagka

Halimbawa:
Kung ako ay mananalo sa Lotto lahat ng tao ay tutulungan ko. Kapag
umalis ka ng bahay ngayon huwag ka ng umuwi pa.

3. Sa pagbibigay ng mungkahi, isaalang-alang ang damdamin ng taong


pinaguukulan ng mungkahi. Ang mga sumusunod ay maaaring gamitin sa
pagbibigay ng mungkahi:
a. higit na mainam d. sikapin mo
b. gawin mo e. maaari kang
c. makabubuti kung

Halimbawa:
Makabubuti kung lahat na manatili muna sa bahay para maiwasan ang
paglaganap ng Covid.
Sikapin mong tapusin ang gawain para hindi ka bumagsak sa
iyong klasi.

Pagyamanin

Ngayon, para mas lubusan nating maintidihan ang tinalakay sa suriin. Bibigyan
ko kayo ng ilang gawain pero basahin muna natin ang isang talumpati ukol sa
pagbabago ng klima na binigkas ng dating Pangulo ng Timog Korea. Bagama’t ang
talumpati ay naisulat ilang taon na ang nakalilipas ay kapansinpansin na
hanggang sa kasalukuyan ay patuloy parin sila sa pagbabantay sa kalikasan.

Ang talumpating ito ay binigkas ni Pangulong Lee Myung-Bak, pangulo ng Timog


Korea sa Copenhagen noong ika-18 ng Disyembre sa pulong ng United Nations
tungkol sa Climate Change.

Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima

7
Una sa lahat, kasama ninyo ako sa pagpapahatid ng pasasalamat sa buong
pamahalaan ng Denmark at lahat ng mamamayan ng Copenhagen sa
paghahanda ng pagtitipong ito. Ang mga desisyong gagawin natin dito ngayon ay
hindi lamang makaaapekto sa ating mga sarili kundi pati sa kabataan at sa
kinabukasan ng ating planeta. Halos pitong bilyong tao ang nanonood sa atin.
Dapat hindi sila mabigo, maging tayo ay hindi rin dapat mabigo.

Kung nais talaga natin ng tunay na pagbabago, ang tanging paraan ay


magsamasama. Imbes na sabihing “ikaw muna,” ay umpisahan nating sabihin
“ako muna.” Ang usapin hinggil sa pagbabago ng panahon ay dapat lamang
magumpisa sa paggawa ng ating bahagi at kapag ito ay nagawa na natin ay saka
pa lamang tayo makapagsisimula ng isang positibong siklo sa mundo. Ito ang
dahilan kung bakit ang Korea ay nagpanukala ng pagpapatala ng NAMA.

Ang mekanismong ito ang mga magpapakilala sa mundo ng mga layuning


kusang inilatag ng mga umuunlad na bansa. Ito rin ang magdadagdag ng
transpency at magbibigay upang matamo nila ang kanilang layunin. Ito ay isang
paraan upang mahikayat ang mga bansang kumilos nang kusa. Katulad ng
ipinangako,ipinahahayag ng Korea ang layuning pagaanin ang problema. Bilang
isang bansa ay nangangako kaming maibigay ang pinakamataas na
pangangailangang inirekomenda ng pandaigdigang komunidad.

Kagaya ng alam ninyo, ang ekonomiya ng Korea ay palaging nangangailangan ng


enerhiya. Sa nakalipas na labinlamang taon dumoble ang produksiyon ng
greenhouse gas ng Korea. Hindi madaling tumupad sa pangako para sa ganitong
bansa, ngunit pinili ng Korea na manguna sa usapin ng pagbabago ng klima.
Maraming mga negosyante ang ilang beses na nagpulong upang makinig sa mga
hinaing at pangangailangan ng isa’t isa. Sa huli ay napagkasunduan naming
gawin ito sapagkat makabubuti ang pagkilos sa atin at sa kabutihan ng mundo.

Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing “ako muna” ang pinakamabilis na
paraan upang sagipin ang mundo. Mga pinuno at mga mamamayan ng buong
mundo! Tayo ay nagkasundong bawasan ang produksiyon ng greenhouse gas,
ngunit papaano? Maraming mga kuro-kuro at opinyon kung paano ang mabisang
pagtugon sa katanungang ito. Kaya rito sa Copenhagen, dapat pagtuonan ang
pagsagot sa kung paano mababawasan ang produksiyon ng greenhouse gas. Kung
tutuosin kapag isinaalang-alang natin ang pagsulong ng ekonomiya, ang paghanap
ng solusyon ay napakahalaga. Sa puntong ito, kinakailangan nating pagtuonan
kung paano mababawasan ang produksiyon ng greenhouse gas kagaya ng
ginagawa natin sa pagtugon kung gaano kadami ang dapat ibawas.

Sa kaso ng Korea, nagtakda kami ng Low Carbon Green Growth bilang bagong
pambansang bisyon naming. Taon-taon ang dalawang porsiyento ng aming GDP
ay inilalaan sa Research and Development ng mga bagong makakalikasang
teknolohiya at impraestruktura. Dahil dito, sa katapusan ng taong ito, ang Basic
Law on Green Growth ay ipapasa. Gagawin namin ang aming makakaya upang
mabawasan ang produksiyon ng carbon, ngunit maghahanap din kami ng mga
makinang magtataguyod ng pagsulong,magbibigay ng maraming trabaho at
berdeng kinabukasan. At umaasa akong maibabahagi ko ito sa inyo. Ito ay isang
dahilan kung bakit ang Korea ay magtatayo ng Global Green Institute o GGGI sa
kalagitnaan ng susunod na taon. Ang GGGI ay tutulong sa bawat isa sa atin
upang maibahagi natin ang ating galing at kaalaman.

8
Pagsasama-samahin natin ang mga iskolar, siyentipiko, at mga lider ng lipunan
sa buong mundo na magkaroon ng mga posibleng solusyon sa ating suliranin. Sa
diwa ng pandaigdigang pakikipag-ugnayan ang GGGI ay maaaring maging global
think tank at maaaring maging tulay upang mapag-ugnay ang mauunlad at
papaunlad pa lang na mga bansa. Kaugnay nito, ang Korea ay handang
tumulong sa pagbubukas ng post 2012 regime sa pamamagitan ng pagiging
bansang pagdarausan ng COP 18sa 2012.

Mga pinagpipitaganan, mga ginoo at binibini, mga mamamayan ng buong


mundo, napagkasunduan natin ang dalawang digring layunin. Ngayon ay
panahon na upang kumilos. Binigyan tayo ng isang makasaysayang
responsibilidad. Huwag nating kalilimutan na kung ano man ang ating gagawin
dito ay siyang huhubog sa ating kinabukasan. Ngayon ay panahon na upang
sama-sama tayong kumilos.

-Malayang salin mula sa talumpating binigkas ni dating Pangulong Lee Myung-bak ng Timog Korea

GAWAIN A: POINT YOUR VIEW!

1. Anong uri ng talumpati ang ginamit?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Ano ang desisyong gagawin sa pagpupulong ng United Nations? Bakit ito
mahalaga?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Ano ang layunin ng Pangulo sa kanyang talumpati?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Batay sa talumpati ni Pangulo Lee Myung-bak, paano mo mailalarawan ang
kanilang ekonomiya?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Sa tingin mo, makakaya kayang gawin ng bansang Pilipinas ang ginawa ng
Timog Korea? Patunayan ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
GAWAIN B: PAHAYAG KO! REAKSYON MO!
Panuto: Unawain at basahing mabuti ang ilan sa mga sinabi ng Pangulo sa
kanyang talumpati. Bigyan ng reaksyon ang bawat pahayag kung sang-ayon ka sa
kanyang sinabi. Ano ang iyong saloobin o pananaw sa kanyang talumpati. Isulat
ito sa mga linyang inilaan.

1. Pahayag: Huwag nating kalilimutan na kung ano man ang makakamit natin
mula rito at kung ano man ang ating gagawin dito ay siyang huhubog sa ating
kinabukasan.
Reaksyon:_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Pahayag:Kung nais talaga natin ng tunay na pagbabago, ang tanging paraan


ay magsama-sama. Imbes na sabihing “ikaw muna,” ay umpisahan nating sabihing
“ako muna.”
Reaksyon:_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

9
3. Pahayag:Ang usaping hinggil sa pagbabago ng panahon ay dapat lamang
magumpisa sa paggawa ng ating bahagi
Reaksyon:_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isaisip

Napakahusay, malapit na tayong matapos sa ating paglalakbay tungo sa


karunungan. Nais ko munang subukan kung talagang naintindihan ang ating
tinalakay sa ilang bahagi ng modyul.

A. SHARE YOUR IDEYA!


1. Paano nga ba nakatutulong ang mga angkop na pahayag sa pagbibigay ng
ating opininyon, mungkahi at paninindigan?
Sagot: ___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ano ang maipapayo mo sa gustong sumulat at magbahagi ng kanilang


talumpati?
Sagot: ___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

B. KULANG KO! PUNAN MO!


Panuto: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba. Isulat sa patlang ang sagot.

1. Ang pagbibigay ng _______________ ay paglalahad ng sariling palagay o


paniniwalang tungkol sa isang bagay o pangyayari na hindi batay sa isang
pananaliksik o pag-aaral.
2. Ang talumpati o “speech” ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
pinababatid sa pamamagitan ng _______________ sa entablado para sa mga
pangkat ng mga tao.
3. Ang talumpating _______________ ay maaring gawa o di-gawa ng nagsasalita.
4. Sa pagbibigay ng mungkahi, isaalang-alang ang _______________ ng taong
pinaguukulan ng mungkahi
5. Ang layunin ng talumpati ay humikayat, tumugon, _______________, magbigay ng
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.

10
Tayahin

Yeheeeeey! Nasa huling pagsubok na tayo. Handa ka na ba? Halina’t


magpkakitang gilas sa iyong natutunan sa modyul na ito.

Kabuuang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan.


Piliin ang titik ng tamang sagot.

Para sa bilang 1-2

Si Liza ay nanood ng balita tungkol sa pandemyang laganap sa ating bansa.


Nasabi niya na “Sa aking palagay, mahihirapan ang Pilipinas sa pagsugpo ng
Covid-19 dahil sa kakulangan ng pundo.”

1. Ano ang pahayag na ginamit ni Liza?


A. Mungkahi
B. Opinyon
C. Paninindigan
D. Suhestyon

2. Ano ang ginamit na pahayag ni Liza sa pagbibigay ng opinyon?


A. dahil sa
B. sa aking palagay
C. tungkol sa
D. nasabi niya

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI opinyon?


A. Naniniwala ako na siya ay makakapagtapos ng pag-aaral.
B. Sa lahat ng kanyang sinasabi ay kasinunggalingan.
C. Ayon sa ilang pag-aaral ng mga siyentipiko, bago matapos ang taon ay may
vaccine na.
D. Walang makakatalo sa kanyang angking talino.

4. Ayon sa talumpati ni Pangulong Lee Myung-bak sinabi niya na “Ngayon ay


panahon na upang sama-sama tayong kumilos.” Ano ang saloobin ang kanyang
ipinapahiwatig?
A. Hayaang magbigay ng tulong ang mayayamang bansa
B. Humingi ng tulong sa ibang bansa para umangat din ang ekonomiya ng isang
bansa
C. Lahat ay kumilos para sa pagbabago
D. Lahat ay kumilos para sa pag-unlad ng isang bansa lamang

5. “Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing “ako muna” ang pinakamabilis na
paraan upang sagipin ang mundo.” Paano ka makakabuo ng sariling panindigan
sa pahayag na ito?
A. Kung tayo ay may disiplina sa sarili walang problema sa pagtulong.
B. Higit na mainam na huwag maging makasarili
C. Sikapin mong magbago para sa bayan.

11
D. Walang mabuting maidudulot ang pagiging makasarili.

6. Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA sinabi niya na “No


Vaccine, No Class.” Paano ka makakabuo ng opinyon sa pahayag na ito?
A. Talagang tama ang desisyon ng Pangulo para sa kaligtasan ng mga bata at
guro.
B. Mainam na ipagpatuloy parin ang pagtuturo kahit walang face to face.
C. Makakabuti kung ipagpaliban mo na ang face to face.
D. Upang madaling masugpo ang Covid-19 dapat na sumunod sa protocol.

7. Anong uri ng talumpati ang ginawa ni Pangulong Lee Myung-bak?


A. Nagpapakilala
B. Pangkabatiran
C. Pampasigla
D. Pampalibang

8. _____________________ walang disiplina sa sarili ang mga taong tumatapon ng


kanilang mga basura. Anong angkop na pahayag ang kailangan sa pangungusap
upang makabuo ng isang opinyon?
A. Kapag
B. Kung
C. Sa tingin ko
D. Higit na
9. “Ang usapin hinggil sa pagbabago ng panahon”. Ano ang nais ipahiwatig ni
Pangulong Lee Myung-bak?
A. Ang ating mundo ay unti-unti ng nasisira
B. Maraming kalamidad ang nararanasan
C. Ang pagbabago ng klima dahil sa pagkasira ng ating planeta
D. Ang kaligtasan ng tao sa pagbabago ng panahon

10. Ang mga sumusunod ay ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng


mungkahi. Maliban sa isa;
A. higit na mainam
B. ngunit
C. makabubuti kung
D. gawin mo

Para sa bilang 11-15

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Ang pagpipilian ay nasa
kahon.

A. Opinyon
B. Mungkahi
C. Paninindigan

___________11. Sa tingin ko mahihirapang makaahon ang buong mundo dahil sa


pandemyang naranasan.
___________12. Nanindigan si Liza na ang “kabataan ang pag-asa ng bayan” kung
kaya’t gumawa siya ng isang awareness campaign.

12
___________13. Makabubuti kung wala kang importanteng dahilan na lumabas sa
bahay ay manatili ka na lamang.
___________14. Pinaniniwalaan ko na matatagalan pa ang bakuna para sa Covid
19.
___________15. Sa palagay ko, mahihirapan ang mga tao at magugutom kung
patuloy na hindi makakapagtrabaho.

Karagdagang Gawain

matatagalan pa ang pandemyang ito.

A. PANINDIGAN MO!
Ngayon ay nais kong sumulat ka ng sampung (10) pangungusap na naglalaman ng
iyong paninindigan sa isang argumentong hinggil sa napapanahong isyu sa ating
lipunan. Huwag kalimutang gamitin ang mga angkop na pahayag sa pagbibigay ng
inyong opinyon, paninindigan, at mungkahi. Ihanda ang inyong kakayahan sa
pangangatwiran.

“Sang-ayon ka ba sa Balik Probinsya, Oo o Hindi”

Pumili ng inyong panig at pangatwiranan:


_________________________________________
Sagot:____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Mga
2 3 4 5
Krayterya
Hindi maayos ang May lohikal na Maayos ang Mahusay ang
organisasyon ng mga organisasyon ngunit organisasyon, pagkakasunodsuno
Organisasyon ideya hindi masyadong pagkabuo ng talata d ng mga ideya sa
mabisa kabuuan ng talata

Hindi lubos na May pang-unawa sa May higit na antas Napakataaas ng antas


Kaalaman / nauunawaan ang ideya/ konsepto. ng pang-unawa sa ng pangunawa sa
Pag-unawa ideya/ konsepto. argumento/ at ideya/ konsepto. ideya/ konsepto.
Saklaw ng argumento/ at patunay patunay sa paksa argumento/ at argumento/ at patunay
Kaalaman sa paksa patunay sa paksa sa paksa

Kailangang baguhin Mga kahinaan Mahusay dahil Napakahusay dahil


dahil halos lahat ng dahil maraming kakaunti lamang walang mali sa
Paggamit ng
pangungusap ay may mali sa ang mali sa gramar, baybay at
wika at
mali sa gramar,baybay gramar,baybay at gramar, baybay at gamit ng bantas may
mekaniks
at gamit ng bantas gamit ng bantas gamit ng bantas mayamang
bokabularyo
Presentasyon Mahirap basahin dahil May kahirapang Malinis ngunit hindi Malinis at maayos ang

13
sa hindi maayos at unawain ang lahat ay maayos pagkakasulat ng talata
malinis na pagkakasulat at ang pagkakasulat at
pagkakasulat ng pangungusap ang mga
pangungusap

Sanggunian

Aklat:

Filipino Melcs
Pinagyamang Pluma 9 Aklat 1 nina Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Mary
Grace G. del Rosario pahina 260-265
Panitikang Asyano 9

Internet:

https://news.abs-cbn.com/news/02/26/19/mas-maraming-pinoy-nagsabing-di-handa-sa-kalamidad

https://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpati https://tl.wikipedia.org/wiki/Timog_Korea

https://pinoycollection.com/talumpati/

Larawan:
Bitmoji app

14

You might also like