You are on page 1of 5

BALANGKAS

Ang Balangkas o tinatawag na “outline” sa ingles ay ang kalipunan ng mga salita at pangungusap na
nag tataglay ng pagkasunod sunod ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin sa pamamagitan ng
pagsulat ng mga mahahalagang punto hingil sa paksa. Ito ay ginagamit upang mabigyan ng tamang
kaayusan ang mahahalagang bahagi ng isang sulatin o kwento.

3 BAHAGI NG BALANGKAS

1. PAMAKSANG BALANGKAS (topic outline)-


Paraan ng pagsasagawa ng Balangkas

-Pagnunumero at paggamit ng mga letra.

- Indensyon.

- Pagbabalantas at Pagpapalaking letra sa mga ulo o pangunahing ideya.

-Pagpapangkat-pangkat ng mga ideya.

- Ang pagpapare-pareho ng mga ulo o pangunahing paksa at suportang ideya.

- Ang pangunahin at pantulong na ideya.

- Ang haba ng balangkas.


Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Balangkas

 Basahin muna nang pahapyaw ang isang tekto bago magtala ng mga paksa o detalye.
 Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa ayos na
kronolohikal, mula sa simple patungo sa kumplikadong mga ideya, sanhi at bunga, malawak
na paksa patungo sa mga tiyak na ideya, mga tiyak na ideya patungo sa malawak na paksa
o lohikal na ayos at iba pa.
 Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga o pangunahing ideya at ang mga pantulong na
ideya.
 Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.
 Sundin ang halimbawa ng pormat ng balangkas na nakalarawan sa teksto.
 Gumamit ng wastong bantas.
 Tandaan na ang balangkas ay maaaring baguhin o palitan kung kinakailangan.

Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Balangkas

1. Piliin ang mga pangunahing paksa. Gamitin ang bilang Romano tulad ng I, II, III, o IV. Ayusin
ang mga bilang nang magkakapantay.
2. Isulat ang maliliit na paksa tungkol sa pangunahing paksa. Gamitin ang malalaking titik tulad
ng A, B, C, o D. Lagyan ng tuldok ang malaking titik at isulat nang may kaunting pasok ang
maliit na paksa.
3. Para sa mga detalye ng bawat maliit na paksa, gamitin ang mga bilang na 1,2,3,4 at iba pa.
4. Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangunahing paksa, maliliit na paksa at mga detalye.

You might also like