You are on page 1of 12

9

PANGALAN:_____________________________________
.
BAITANG/SEKSYON:_______________________________

EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO
Kwarter I – Linggo 2
May Magagawa Ako

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I– Linggo 2: May Magagawa Ako
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
Contextualized Learning Activity Sheets na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa Contextualized Learning Activity Sheets na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets


Manunulat: Robelyn P. Bonilla
Pangnilalamang Patnugot: Ireneo B. Bonilla Jr.
Editor ng Wika: Bles T. Basanes, Angelina D.Baterzal
Tagawasto: Analen N. Gerbolingo
Tagasuri: Shirley F. Lilang, at Armor T. Magbanua,PhD
Tagaguhit: Robelyn P. Bonilla
Tagalapat: Daniel C. Tabinga Jr.
Tagapamahala: Servillano A. Arzaga CESO V SDS
Loida P. Adornado PhD CESO VI ASDS
Cyril C. Serador PhD CID Chief
Ronald S. Brillantes EPS-LRMS Manager
Shirley F. Lilang EPS- EsP
Eva Joyce C. Presto PDO II
Rhea Ann A. Navilla Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon


Armor T. Magbanua, Glenda T. Tan at Joseph Aurelio

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin
May Magagawa Ako
MELC: Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o
sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at
pangkapayapaan EsP9PLIb-1. 4

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga gawain o proyekto na makatutulong sa isang
pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at
pangkapayapaan sa panahon ng pandemya.
2. Naiisa-isa ang kabutihang maidudulot ng pagtulong sa sarili, kapwa at
pamilya sa panahon ng pandemya
3. Nakabubuo ng isang plano ng aksyon ng isang gawain/proyekto na
nagpapakita ng pagtulong sa kapuwa sa panahon ng pandemya.

Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng pinaka
angkop na sagot.

________1. Ano ang tawag sa kusang loob na pagbabahagi o pagbibigay ng iyong mga
biyaya sa kapuwa ng hindi naghihintay ng kapalit?
A. kamanggagawa B. kawawa C. kawanggawa D. katiwala

________2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa gawaing higit na makatutulong sa


pangangailangang pangkabuhayan ng pamayanan lalo na sa panahon ng
pandemya?
A. Pagsunod sa curfew
B. Pagsali sa organisasyong sumusuporta sa Organic Gardening
C. Pagtulong sa “repacking” ng mga goods na ipamamahagi ng inyong barangay
D. Pagsuporta sa mga gawaing pang-agrikultura sa inyong barangay.

________3. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga gawaing magpapanatili ng


kapayapaan at kaayusan sa pamayanan sa panahon ng pandemya?
A. Pagsunod sa alituntunin ng social distancing
B. Pagsusuot ng face mask sa lahat ng oras at panahon
C. Palagiang paghugas ng kamay o paggamit ng hand sanitizer/alcohol
D. Pagkain nang lokal at masustansyang pagkain (saging, kamote, talbos ng kamote,
bayabas at iba pa)

1
________4. Ang sumusunod ay mga kabutihang maidudulot ng pagtulong sa sarili, kapuwa
at pamayanan MALIBAN sa isa.
A. Personal na paglago
B. Pasimuno ng kaguluhan sa pamayann
C. Daluyan ng biyaya para sa ikabubuti ng kalagayan ng kapuwa
D. Personal na kasiyahang hindi matutumbasan ng kahit anong halaga

________5. Buuin ang isang plano ng aksyon ng gawain na akma ngayong panahon ng
pandemya. Ayusin ang pagkakasunod ayon sa mga tips na tinalakay.
1. Makapagbigay ng facemask at tubig sa mga frontliner
2. Natuwa ang mga frontliner at nagpasalamat
3. Free Facemask and Water For You
4. Itala ang mga target na bibigyan at ipamigay ito sa kanila nang libre
5. Mga traffic enforcer at security guard

A. 5-4-3-2-1 C. 3-2-4-1-5
B. 3-1-5-4-2 D.1-2-3-4-5

Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan ng Balakid
Kawanggawa – ito ay ang pagbibigay natin ng anumang bagay o biyaya sa
ating kapuwa nang walang hinihintay na kapalit.

Kamusta ka? Binabati kita sapagkat natutuhan mo ang kahulugan ng lipunan at ang
dakilang layunin nito. Nawa ay marami kang aral na nahinuha mula rito.
Sa modyul na ito ay ating pag-aaralan ang kahalagahan ng pagtulong sa kapuwa.
Bilang isang simpleng mag-aaral, ano kaya ang kaya mong ibigay upang makatulong sa
sa iyong kapuwa lalo na sa panahon ng pademya? Handa ka na bang alamin ito? Tara
simulan na natin!

Maraming ginagamit na instrumento ang Diyos upang maipahatid ang kaniyang mga
biyaya at kabutihan para sa kaniyang mga nilikha. Kabutihan at biyaya na araw-araw
nating nararanasan. Subalit, magkakaroon lamang ito ng higit na saysay at halaga kung
ibabahagi mo ito sa iba. Ang pagbabahagi sa iyong kapuwa nang bukas sa kalooban ay
higit na marangal, kapuri-puri at kalugod-lugod sa paningin ng Panginoong Diyos. Maaari
nating ibahagi sa ating kapuwa ang ating oras talento at mga materyal o yaman na mayroon
tayo.

Tandaan natin, ang lahat ng mga bagay na mayroon tayo sa ngayon ay pawang pahiram
lamang sa atin ng Diyos na tunay na nagmamay nito. Kapag hindi mo iningatan,
pinagyaman at ibinahagi ay puwede ring bawiin. Ipagpasalamat mo ang lahat ng ito sa
Kaniya. Makuntento tayo sa mga biyaya na mayroon tayo ngayon. Ibahagi mo ito sa iba
nang hindi naghahangad nang anumang kapalit. Ito ang tinatawag na kawanggawa.

2
Upang lalo mong maunawaan ang pagkakawanggawa ay narito ang ilan sa mga gawaing
makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang:

B. PANGKABUHAYAN - Mga gawaing makatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan


ng pamilya at pamayanan sa panahon ng pandemya.
1. Pagtulong sa “repacking” ng mga goods na ipamamahagi ng inyong barangay
2. Pagsali sa organisasyong sumusuporta sa Organic Gardening
3. Pagtulong sa on-line selling business ng magulang o kapatid
4. Pagsuporta sa mga gawaing pang-agrikultura sa inyong barangay.

C. PANGKULTURAL – Mga gawaing magpapanatili at magpapaunlad sa kultura ng


pamilya at pamayanan sa panahon ng pandemya.
1. Pagtangkilik sa mga lokal na produkto.
2. Pagbabahaginan ng biyaya sa panahon ng pandemya
3. Pagpapahalaga sa pamilyang Pilipino
4. Pagkain ng lokal at masustansyang pagkain (saging, kamote, talbos ng
kamote, bayabas at iba pa)

D. PANGKAPAYAPAAN - Mga gawaing magpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa


pamayanan sa panahon ng pandemya.
A. Pag “Stay at Home” bilang pagsunod sa alituntuning ang layon ay labanan o sugpuin
ang pandemyang dulot ng COVID-19.
B. Pagsusuot ng face mask sa lahat ng oras at panahon
C. Pagsunod sa alituntunin ng social distancing
D. Pagsunod sa oras ng curfew
E. Palagiang paghugas ng kamay o paggamit ng hand sanitizer/alcohol
F. Pagpapalakas ng resistensya o immune system sa panahon ng pandemya

Sa simpleng mga paggawa, pamamaraan at pagsunod ay maaari tayong maging


kabahagi nang kabutihan para sa lahat. Maliban sa pakikiisa at pagtugon sa mga gawaing
nabanggit sa itaas ay maaari rin tayong gumawa ng mga proyekto na makatutulong sa
ating kapwa lalong lalo na ngayong panahon ng pandemya katulad ng:

 Paggawa nang face mask na ipamamahagi sa mga mga kapit bahay


 Paggawa ng face shield na ipamimigay sa sa mga frontliner.
 Pagluluto ng pagkain para ipamigay sa mga frontliner.
 Pagtulong sa mga magulang sa mga gawaing bahay.

Kabutihang Maidudulot ng Pagtulong sa Sarili, Kapuwa at Pamayanan


G. Personal na paglago
H. Personal na kasiyahang hindi matutumbasan ng kahit anong halaga
I. Daluyan ng ng biyaya para sa ikabubuti nang kalagayan ng kapuwa
J. Kapayapaan sa pamayanan
K. Sama samang uunlad at makaaahon sa kahirapan

Narito ang mga Karagdagang Tips sa Pagpaplano ng Isasagawang Aksyon ng Pagtulong


1. Tukuyin ang tiyak na gawain.
2. Alamin ang layunin
3. Alamin ang mga taong tutulungan o makikinabang
4. Itala ang mga paraan ng pagsasagawa
5. Isulat ang resulta ng ginawa

(Pinagkunan: Sheryl T. Gayola et.al., Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Pasig City: Department of


Education, 2013, 114-118.)

3
Tayo’y Magsanay

Gawin 1
Panuto: Tukuyin ang mga gawain o proyekto sa ibaba. Isulat sa patlang ang
Pangkabuhayan kung ang pahayag ay makatutulong sa pangkabuhayan ng
mga pamayanan, Pangkultural kung makatutulong sa pangkultural at
Pangkapayapaan kung ito naman ay makatutulong sa usaping pangkapayaan ng
pamayanan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

_______________1. Pagsali sa organisasyong sumusuporta sa Organic Gardening

_______________2. Pagpapahalaga sa pamilyang Pilipino

_______________3. Pagsunod sa oras ng curfew

_______________4. Pagtulong sa “repacking” ng mga goods na ipamamahagi ng inyong barangay

_______________5. Pag “Stay at Home” bilang pagsunod sa alituntuning ang layon ay labanan o
sugpuin ang pandemyang dulot ng COVID-19.

Gawain 2
Panuto: Iisa-isahin ang mga pahayag sa loob ng kahon. Kulayan ng Orange ang
petals ng bulaklak kung ang pahayag sa bilang na kinakatawan nito ay
nagpakikita ng kabutihang maidudulot ng pagtulong sa sarili, kapuwa, at
pamayanan sa panahon ng pandemya at Green naman kapag Hindi.

1. Personal na
paglago
3.
2. Daluyan ng biyaya
para sa ikabubuti 2.
ng kalagayan ng 4.
kapuwa

3. Yayaman ka at
magiging tanyag sa
buong mundo 1.
5.
4. Personal na
kasiyahan

5. Sama-samang
uunlad at
makakaahon sa
kahirapan

Maliban sa bagay na tinalakay natin kaugnay sa pagtulong, anu-ano pa


kaya maaari mong maibahagi sa iyong kapuwa para higit nating maipadama
ang ating pagmamahal sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila?

4
Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: : Piliin mula sa kahon ang kabutihang dulot ng iyong ginawang pagtulong
sa iyong pamilya lalo na sa panahon ng quarantine. Kulayan ng Dilaw ang
kaserola kung ang pahayag sa bilang na kinakatawan nito ay nagpakikita ng
kabutihan sa pamilya at Itim naman kapag Hindi.

1. Mayroong makakain
ang buong pamilya
3.
2. Nagkaroon ng pera
dahil sa suhol 4.
3. Nakatipid sa gastusin 2.
4. Nahasa ang personal
na kasanayan sa
pagluluto

5. Nagkaroon ng 5.
maraming oras sa 1.
paglalaro ng ML

Gawain 2
Panuto: Buuin ang isang ng Plano ng Aksyon ng isang gawain. Isulat lamang ang
Letrang tamang sagot sa mga nakalaang patlang sa loob ng kahon na nasa
kanang bahagi para mabuo ang diwa

A. Magkukusa akong kunin GAWAIN: ______________________


ang mga labahin sa
______________________________
lalagyan at ilalagay ko ito
sa batya.
LAYUNIN:________________________
B. Paglalaba

C. Nakatulong at nabawasan
ang gawain ni nanay at ate.
TUTULUNGANG TAO:_________________
D. Bubuhusan ko ang batya __________________________
ng tubig at kukusutin ko
nang maigi ang mga damit.
PARAAN:_________________________
E. Nanay at ate

F. Makatulong sa gawaing
bahay. RESULTA_______________________

Gaano kahalaga para sa iyo ang pagtulong sa kapuwa? Bakit?

5
Ang Aking Natutuhan

Panuto:
Piliin ang angkop na salita sa loob ng kahon. Isulat ito sa nakalaang patlang sa loob
ng bowl sa ibaba upang mabuo ang diwa ng pahayag.

oras talento yaman kasiyahan kawanggawa

Aking natutunan na ang pagbibigay nang walang hinihintay


na kapalit ay tinatawag na 1. ______________.

Marami tayong maaring maibahagi sa ating kapuwa ng hindi


nangangailangan ng kapalit katulad na lamang ng pagbibigay natin
ng ating 2. __________, 3. _______________ at 4._______________.

Akin ding natunghayan na ang pagtulong sa kapuwa ng


hindi naghihintay nang kapalit ay nakapagbibigay sa atin ng

personal 5. ____________na hindi matutumbasan ng kahit

anumang halaga o mateyal na bagay dito

sa mundo

6
Ating Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng pinaka
angkop na sagot.

________1. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa gawaing higit na makatutulong sa


pangangailangang pangkabuhayan ng pamayanan lalo na sa panahon ng
pandemya?
A. pagsunod sa curfew
B. Pagsali sa organisasyong sumusuporta sa Organic Gardening
C. Pagtulong sa “repacking” ng mga goods na ipamamahagi ng inyong barangay
D. Pagsuporta sa mga gawaing pang-agrikultura sa inyong barangay.

________2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga gawaing magpapanatili ng


kapayapaan at kaayusan sa pamayanan sa panahon ng pandemya?
A. Pagsunod sa alituntunin ng social distancing
B. Pagsusuot ng face mask sa lahat ng oras at panahon
C. Palagiang paghugas ng kamay o paggamit ng hand sanitizer/alcohol
D. Pagkain nang lokal at masustansyang pagkain (saging, kamote, talbos ng kamote,
bayabas at iba pa)

________3. Ano ang tawag sa kilos ng kusang loob na pagbabahagi o pagbibigay ng iyong
mga biyaya sa kapuwa nang hindi naghihintay ng kapalit?
A. kamanggagawa B. kawawa C. kawanggawa D. katiwala

________4. Ang sumusunod ay mga kabutihang maidudulot ng pagtulong sa sarili, kapuwa


at pamayanan MALIBAN sa isa.
A. Personal na paglago
B. Pasimuno ng kaguluhan sa pamayanan
C. Daluyan ng ng biyaya para sa ikabubuti nang kalagayan ng kapuwa
D. Personal na kasiyahang hindi matutumbasan ng kahit anong halaga

________5. Buuin ang isang plano ng aksyon ng gawain na akma ngayong panahon ng
pandemya. Ayusin ang pagkakasunod.
1. Makapagbigay ng facemask at tubig sa mga frontliner
2. Natuwa ang mga frontliner at nagpasalamat
3. Free Facemask and water For You
4. Itala ang mga target na bibigyan at ipamigay ito sa kanila ng libre
5. Mga Traffic enforcer at Security Guard

A. 5-4-3-2-1 C. 3-2-4-1-5
B. 3-1-5-4-2 D.1-2-3-4-5

7
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1. A 2. A 3. D 4. B 5. B

Tayo’y Magsanay
Gawain 1
1. Pangkabuhayan
2. Pangkultural
3. Pangkultural
4. Pangkabuhayan
5. Pangkapayapaan

Gawain 2
1. Orange
2. Orange
3. Green
4. Orange
5. Orange

Ating Pagyamanin
Gawain 1
1. Dilaw
2. Itim
3. Dilaw
4. Dilaw
5. Itim

Gawain 2
1. GAWAIN- B
2. LAYUNIN- F
3. TUTULUNGANG TAO- E
4. PARAAN-A at D
5. RESULTA - C

Aking Natutuhan
1. Kawanggawa
2. -4 oras, taltnto, yaman (in any order)
5. kasiyahan

Ating Tayahin
1. A 2. D 3. C 4. B 5. B

8
Sanggunian
Aklat

Bogot, Regina Mignon C., Romualdez R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S. Logarde, Marivic
R. Legarde, Marivic R. Leaňo, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rhea May T. Paras,
Edukasyon sa Pagpapakatao 8. Pasig City: Department of Education. 2013.

9
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba at ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

10

You might also like