You are on page 1of 2

Katitikan ng Pulong sa VIGOPHARM

KATITIKAN NG PULONG SA ISANG KOMPANYA, NA TINATAWAG NG VIGOPHARM,


SA ISANG SKANDALO NA GINANAP SA SILID ARALAN NG SEKSIYONG STEM F,
KIDAPAWAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL (KCNHS) NOONG IKA-10 NG
OKTUBRE 2022

MGA DUMALO: MGA DI-DUMALO:

1. Nieva Dane Licatan – CEO


2. Lilliane Cataguran – Sekretarya
3. Mayzaree Teves
4. Fhoebe Ajoc – Board Member
5. CloudyRain Jubila – Board Member
6. Arnulfo Bautista – Board Member
7. Sophia Booc – Board Member
8. Catherine Impuerto – Board Member
9. Chemee Alvarez – Board Member
10. Xerxes Kee – Board Member

Ang pagpupulong ay itinayo ni Nieva Licatan, ang CEO ng kumpanyang VIGOPHARM,


sa ganap na ika-11:25 sa umaga ay pinasimulan ng isang panalangin na pinamumunuan ni
Mayzaree Teves. Kasunod ng panalangin ay ang pangunguna ni Licatan para sa kanilang
pagpupulong, kung saan ipinahayag niya ang kanilang sitwasyon na sila’y nakasuhan ng
kanilang mamimili dahil sa paggamit nila ng kemikal na Mercury sa kanilang produkto.
Tinanong ni Licatan ang kaniyang sekretarya, si Lilliane Cataguran, kung magkano ang multa
laban sa kumpanya, at ang tugon naman nito ay 1.8 Billiong Dolares sirado at walang
negosasyon. Dagdag pa ni Cataguran na 2 Billiong Dolares lamang ang total asset ng kanilang
kumpanya, at hindi kayang makabangon muli kung iyon nga ang sitwasyon. Tinanong naman ni
Nieva Licatan ang mga board members patungkol at pasulong sa kanilang sitwasyon. At,
nagmungkahi naman si Arnulfo Bautista na sabihin na lamang nila ang totoo upang at habang
makontrol pa ang pinsala, ngunit tinutulan ito ng CEO at iba pang board members.
Nagmungkahi rin si Catherine Impuerto na baguhin na lamang ang formula ng cosmetics, kung
saan tinutulan nanaman ng CEO. Si Chemee Alvarez nama’y nag angkin na bawasan na lamang
ito at magsimula muli sa 200 Million, kung saan tinutulan naman ni Jubilan at sinang-ayunan ni
Licatan ang tutol na ito.
Sa pagpaliwanag ni Jubilan sa kaniyang rason sa pagtutol, isinaad ni Sophia Booc sa
kaniyang pagmumungkahi na maaaring may maimungkahi o makapag-bigay tulong ang kanilang
abogado sa kumpaniya. Sa pagdating ng nasabing abogado, Si Xerxes Kee, ibinahagi niyang
malulutas nila ang kanilang problema sa paggamit ng metodolohiya ng pag-embezzle o paglustay
ng assets para mailipat ito patungo sa ilang kumpanya, sa SHELL Company. Magkunwari na
biglang ninanakaw ang mga assets upang hindi malaman ng FDA at hindi na makabayad ng
multa ang VIGOPHARM. Dagdag pa niya, pagdating sa court hearring sa susunod na ikalawang
linggo, gagamitin ang kaalaman at kakayahan at mga loopholes ng konstitusyon. At, dahil
malaking kumpanya ang VIGOPHARM, siningil lamang ni Kee ang 10% kumpara sa
nakasanayang 15%.
Matapos nang magpaliwanag si kee, siya ay nagbigay ng mga paalala sa mga Board
members na susunod sa ikalawang linggo. Mag sisimula na ang court hearing ng kumpanyang
VigoPharm laban sa customers at mayroon silang pagpupulong sa ikatlong linggo tungkol sa
court hearing. Natapos ang pagpulong ng 11:35 nang umaga sa maikling pagsabi ng problema sa
kanilang kumpanya at pinangunahan na ni Tevez ang panapos na panalangin.

Inihanda ni:

Markiel Justine A. Domosmog


SSG Auditor

Nagpapatotoo:

___Nieva Dane Licatan_____


Panumbayan/Tagapangulo

You might also like