To Read

You might also like

You are on page 1of 1

May Lakad Kami ni Tatay

Espesyal ang araw na iyon sapagkat ang araw na iyon sila ay pupunta ng kanyang ama sa Parke upang mag
ehersisyo at kumuha ng mga litrato.
Sinabi ng ama sa kanyang anak na si Ramon na kailangan nilang kumilos sapagkat hindi malusog ang
mataba. Nagsalita ang batang si Ramon sa kanyang ama, sinabi niya dito na ang kanyang Lola at Ina ay
mabibilog. Sumagot ang ama kay Ramon sinabi niyang isusunod din nila ang lola at ang kanyang ina.
Hindi sila sasakay ng jeep o traysikel papunta sa parke. Sila ay nag-inat ng mga braso at binti, inikot-ikot ang
kanilang mga balikat at giniling-giling ang kanilang mga balakang.
Una nilang nadaan si Aling Tasya na nagdidilig ng mga alaga nitong bulaklak. Ito ay kanilang pinag-igib ng
limang baldeng tubig. Ito ay nagpasalamat sa kanila.
Naglakad uli sila ng mabagal tapos ay bibilis. Babagal at bibilis muli. Sila ay pawis na sa kanilang paglalakad.
Nang dumaan ang mga siklista sila ay nagulat. Kinunan nila ito ng litrato. Ninais ni Ramon na magkaroon din
siya ng bisikleta katulad ng kanyang ama. Gusto niyang tularan ang ama na nagbibisikleta lamang papuntang
trabaho.
Nang makarating sa parke, masaya sa buong Parke nakakaindak ang musika at panay masasaya ang mga
tao. Ang batang si Ramon ay humalo at nakisaya sa mga tao.
Natapos ang ehersisyo ngunit pakiramdam ni Ramon ay umiindak-indak pa din ang paligid niya.
Nag aya ang kanyang ama na sila ay mag-meryenda muna. Ipinakita ng kanyang Tatay ang mga larawan na
kanilang kinunan.
Si Ramon ay nasasabik na sa susunod na Linggo. Sa susunod na lakad nila ng kanyang Tatay.

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang pamagat ng kwento?
2. Sino ang mga tauhan sa kwento
3. Saan pumunta ang mag-ama?
4. Bakit pumunta sila sa parke?
5. Sumakay ba sila ng jeep o traysikel?
6. Sino ang una nilang nadaanan?
7. Ano ang nangyari sa kanilang paglakad ng mabilis at mabagal?
8. Ano ang nais ni Ramon na magkaroon?
9. Ano ang gustong tularan ni Ramon sa kanyang tatay?
10. Ano ang ginawa nilang mag-ama pakatapos nilang mag ehersisyo?

You might also like