You are on page 1of 2

SCRIPT FOR NATIONAL TEACHERS MONTH 2023 KICK-OFF

Jen & Chen: Magandang umaga sa lahat.


Jen: Ngayon ay isang makabuluhang pagdiriwang na nakatuon sa paggalang at pagpapahalaga sa
ating mga bayani.
Chen: Hindi ang mga bayani na namatay sa mga laban na nagpoprotekta sa ating bansa, at hindi
rin ang mga bayani na nagbigay ng serbisyo sa ibang bansa.
Jen: Ang mga bayani na ito ay ang mga kasama natin na nagtuturo sa atin kung paano
mabibilang, magbasa at sumulat.
Chen: Kilala niyo ba sila?
Jen: Ang mga bayani na pinag-uusapan natin ay ang ating mga guro.
Ang isang-buwan pagdidiriwang na ito ay nagsimula noong 2011 sa ilalim ng nilagdaan
Proclamation 242 ng dating pangulong Benigno Aquino III

Chen: In line with this, the Department of Education (DepEd) has announced that the theme for
this year’s NTM is “Together4Teachers.”

Jen & Chen: “Sama-sama nating ipagdiwang ang husay at kadakilaan ng mga Pilipinong guro na
katuwang ng Kagawaran sa pagtupad ng isang bansang makabata at mga batang makabansa!”
Chen: Para simulan ang isang buwan selebrasyong ito, umpisahan natin sa isang munting alay na
kanta mula sa mga mag-aaral ng Grade 5. Bigyan natin sila ng malakas na palakpakan.
( intermission no. Grade 5)
Jen: Ngayon naman ay pakinggan natin ang mensahe mula sa ating School Head , sir Larino B.
Berbal. Bigyan natin siya ng malakas na palakpakan.
( message ni sir Berbal…)
Chen: Sa puntong ito ay magpapakitang gilas sa sayaw ang mga mag-aaral ng Grade 6. Isang
bagsak ng palakpak naman diyan.
(intermission no. Grade 6)
Jen: Ngayon na man ay sabayan natin ang ating mga guro sa pagkanta ng
“I Am A Teacher”. Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang ating mga guro.
( I Am A Teacher)
Chen: Bago natin tapusin ang munting programang ito ay sabay-sabay nating alayan ng dasal ang
ating mga magigiting na mga bayani, ang ating mga guro.
( Teachers’ Prayer)
Jen & Chen: At dito nagtatapos ang pagbubukas na programa ng National Teachers’ Month.
Jen: Ako ang inyong SELG President, Jenelle __ Bulaybulay.
Chen: Ako naman ang inyong YES-O President, Chenayah ___ Menterio.
Jen & Chen: Maraming salamat sa inyong pakikilahok.

You might also like