Maam/sir, siguro kayu ay nagtataka ,kung sinu itong gwapong estudyanteng
nakikita ng inyung mga mata,mayroon lang po akong regalong naisulat, na sana’y sa puso ninyo ay bumakat’ Ilang buwan palamang ay dami na agad napagdaan,di ko maipagkakaila sa una ako ay Nagalinlangan, sa tagal ng,nagkikita lang sa aking malabong monitor,maliit na cellphone at sa apat na sulok Ng madilim kong kwarto,minsan nga ay tulog pa at naka off cam lang ako,salamat mam dahil kahit sitwasyon ay ganto,ay nandyan ka parin aming guro,di masusukat ng mga pisara at mga aklat, ang mga sakripisyo mo para saming lahat,kaya mam/sir pasensya,pasensya kung may maingay, pasenya kung may pasaway, pasensya kung ilang beses na naming pinanis ang inyung laway,pasensya po sa aming mga away,pasensya po kung naging sakit kami sa ulo,sana po ay kahit sa isang tula ay mabawasan namin ang aming maling nagawa,at makita sa inyung mga mata ang tunay na galak tuwa,salamat sa inyung sakripisyo,ang pagiging estudaynte nyo ay isang malaking benipisyo,hindi man ninyu naipanganak ay ama’t ina na ang turingan,salamat sa inyo at naging tahanan ang eskwelahan,kaya mula sa inyung upuan at sa aking kinatatayuan may gusto lamang akong ipahayag,na mam/sir gusto kanaming ikiss sabay hug,pero walang halong biro,salamat at mahal namin kayu aming mga guro,nakabakat ang alala at inyung mga turo saking puso,masayang araw sa inyo,sana ay nagustuhan nyu ang regalo kong ito Happy teachers day po aming mahal na guro By: Eduard jurhed Castillo G10-AGONCILLO