You are on page 1of 19

ANG MAGANDANG PAROL

Isang papel itong ginawa ng lolo


may pula, may asul, may buntot sa dulo;
sa tuwing darating ang masayang Pasko
ang parol na ito’y makikita ninyo.
Sa aming bintana doon nakasabit
kung hipan ng hangi’y tatagi-tagilid,
at parang tao ring bago na ang bihis
at sinasalubong ang Paskong malamig.

Kung kami’y tutungo doon sa simbahan


ang parol ang aming siyang tagatanglaw,
at kung gabi namang malabo ang buwan
sa tapat ng parol doon ang laruan.

Kung aking hudyatin tanang kalaguyo,


mga kapwa bata ng pahat kong kuro,
ang aming hudyatan ay mapaghuhulo:
“Sa tapat ng lolo tayo maglalaro.”

Kaya nang mamatay ang lolo kong yaon,


sa bawat paghihip ng amihang simoy,
iyang nakasabit na naiwang parol
nariyan ang diwa noong aming ingkong.

Nasa kanyang kulay ang magandang nasa,


nasa kanyang ilaw ang dakilang diwa,
parang sinasabi ng isang matanda:
“Kung wala man ako’y tanglawan ang bata.”
MAIKLING KWENTO
ANG ARAL NG DAMO
May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng
nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.

"G. Punongkahoy, ikaw ba'y maligaya?" tanong ng anghel.

"Hindi," ang sagot sa tinig na walang sigla, "sapagkat ako'y walang bulaklak."

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. "Bb. Bulaklak, ikaw ba'y maligaya sa
iyong paligid?"

"Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda
roon. Siya'y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!"

Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. "Ano ang masasabi
mo sa iyong halimuyak?"

"Ako'y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya'y natatanaw
ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!"

Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, "G. Saging, kumusta?
Ikaw ba'y nasisiyahan sa iyong sarili?"

"Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas ang
hangin lalo't may bagyo, ako'y nababali! Nais ko sanang matulad sa narra!"

Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, "Anong palagay mo sa iyong matibay na


puno?"

"Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis. Ang
mga ito'y nagsisilbing proteksiyon!" pakli ng narra.

Ang anghel ay nagpunta sa damo. "Kumusta ka ? Ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?"

"Masaya ako !" sagot ng damo . "Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga.
Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko'y ako'y ako... hindi nananaghili kaninuman pagkat
maligaya!"
ALAMAT NG SAMPAGUITA

Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang
pangalan.

Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan. Hindi naging


kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang naging mga manliligaw.

Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa
kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay dinala
sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pangunang lunas. Iyon ang naging daan ng
paglakalapit nila.

Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa’t-isa sa maikling panahon ng pagkikilala.

Nang gumaling si Tanggol ito ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya. Anang
binata ay susunduin ang ama’t ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga.

Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol.

Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako.
Ilang pagsikat na ng buwan mula nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang natanggap.

Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na hindi na
babalik si Tanggol dahil may asawa na ito.

Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni Liwayway.


Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili lang ang makagagamot sa karamdaman kung kaya ilang
linggo lang ay naglubha ang dalaga at namatay.

Bago namatay ay wala siyang nausal kundi ang mga salitang, “Isinusumpa kita! Sumpa
kita…”

Ang mga salitang “Isinusumpa kita! Sumpa kita…” ang tanging naiwan ni Lwayway kay
Tanggol.
PABULA
ANG GORILYA AT ANG ALITAPTAP
Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang kaibigan.
Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito. “Hoy,
Iput-Iput, bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” Sumagot si Iput-Iput, “Dahil natatakot ako
sa mga lamok.”

“Ah, duwag ka pala”, ang pang-uuyam ng gorilya.

“Hindi ako duwag!” ang nagagalit na sagot ng alitaptap.

“Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” ang pang-aasar ni
Amomongo.

“Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay makikita ko
sila kaagad at nang sa gayo’y maipagtanggol ko ang aking sarili”, ang tugon ni Iput-Iput.

Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga itong gumising at ipinamalita sa


lahat ng kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput ay dahil duwag ito.
Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita.

Nang mabalitaan ito ng alitaptap, nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo sa bahay ni
Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang kanyang ilaw sa
mukha nito hanggang sa ito ay magising.

“Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko sa’yong hindi
ako duwag, hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa sa plasa sa susunod na Linggo
ng hapon.”

Pupunga-pungas na nagtanong ang gorilya.

“Mayroon ka bang mga kasama?”

“Wala!” ang sigaw ni Iput-Iput. “Pupunta akong mag-isa.”

Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dili’t isang maliit na insekto ang humahamon
sa kanya ng away. Nagpatuloy ang alitaptap.

“Hihintayin kita sa plasa sa susunod na Linggo sa ganap na ikaanim ng hapon!”

“Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong gorilya na mas


malalaki pa sa akin.”

Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa pakiwari niya ay nasisiraan ng
ulo.

Ngunit sumagot si Iput-Iput, “Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa!


Paalam!”
Pagkaalis ng alitaptap, tinipon ng gorilya ang kanyang mga kasamahan at ipinaalam sa mga
ito ang nakatakdang pagtutuos. Inutusan niya ang mga ito na kumuha ng tig-isang pamalo
na may habang tatlong dangkal at pumunta sa plasa nang ika-anim ng gabi sa susunod na
Linggo. Ikinabigla ito ng kanyang mga kasamahan, ngunit nasanay na silang sundin ang
kanilang pinuno kaya ipinangako nilang pupunta sila sa itinakdang oras at lugar.

Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na ang mga
dambuhalang gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na naghihintay sa kanila.
Maya- maya, tumunog ang kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng orasyon o
pagdarasal. Iminungkahi ng alitaptap sa mga gorilya na magdasal muna sila. Pagkatapos
magdasal, agad sinabi ni Iput-Iput na nakahanda na siya. Inutusan ni Amomongo ang
kanyang mga kasama na humanay. Pumuwesto siya sa una bilang pagpapakilalang siya ang
pinuno ng mga ito.

Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ng gorilya at inilawan niya ito. Hinampas ng kasunod na
gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng gorilya ay ang ilong ni
Amomongo na halos ikamatay nito. Dumapo si Iput-Iput sa ilong ng pangalawang gorilya.
Hinampas ng pangatlong gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakalipad, kaya ang
nahampas niya ay ang ilong ng pangalawa na ikinamatay nito. Muli, inilawan ni Iput-Iput ang
ilong ng pangatlong gorilya. Hinampas ng ikaapat na gorilya si Iput-Iput na kaagad na
kalipad. Muli, namatay ang pangatlong gorilya dahil sa lakas ng pagkakahampas ng ikaapat
na unggoy sa ilong nito. Nagpatuloy ang ganitong pangyayari hanggang si Amomongo na
lamang ang natirang buhay na gorilya na halos hindi makagulapay dahil sa tinamong sakit.
Nagmakaawa ito kay Iput-Iput na patawarin na siya, at huwag patayin. Pinatawad naman
siya ni Iput-Iput, ngunit simula ng hapong iyon, nagkaroon na ng malaking takot ang mga
gorilya sa mga alitaptap.
MAIKLING SANAYSAY TUNGKOL SA KABATAAN

Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na
hindi naman natin nakikita. Kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam.
Mga lamang-lupa daw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote,
sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din naman iyon.

Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit
mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka,
kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito
ay nagkakandangiwi na rin sa simangot. At may batok ka galing kay Tatay kapag nailuwa
mo at naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot.

Ipapanood sa iyo sa TV ang mas lalong pinakamalalaking kasinungalingan. Sesame Street


na hindi mga totoong tao ang gumaganap. Palakang nagsasalita, mag-partner na puppet na
parehong lalaki (sino kaya ang bading?), halimaw na mahilig sa biscuit, bampirang
hanggang 10 lang ang kayang bilangin (minsan up to 12), ibon na kasing laki ng elephant at
elepanteng balbon (saan ka nakakita ng elepanteng pagkahahaba ng balahibo sa katawan?)
at isang nilalang na mahilig mag-ipon ng basura at nakatira sa basurahan. May tagalog
version ito dito sa Pilipinas, ang Batibot. Ang problema, ang pinakabida sa program na ito,
isang tuso at isang tanga.

Ililipat naman sa ibang channel na ang tampok ay mga magkakaibigang superheroes.


Marami sila sa istorya at lahat ay may angking super powers. Ipinakikita lamang dito ang
kanilang kahinaan, na hindi pala kaya ng isang superhero lang ang problema ng mundo.
Kailangan din ang tulong ng iba para masagip ang daigdig. Kawawang Superman, walang
sinabi. Hindi kayang tumayo sa sariling mga paa.

Tapos ka nang manood ng kasinungalingan este palabas pala sa TV. Gusto mong maglaro
sa labas kasama ng ibang mga bata sa kapitbahay. Pero narinig mo ang sinabi ni Nanay.
May bumbay na nangunguha ng bata sa kalsada. Tarantadong bumbay ito. Akalain mong
pati mga batang nananahimik ay gustong kidnapin. Pero ang totoo niyan, hindi ka pwedeng
lumabas dahil bagong paligo ka. At magkakalkal ka na naman ng dumi sa kalye kapag
nakipaglaro ka. Tinatamad na si Mommy na maglinis sa iyo.

Ayaw mong matulog sa tanghali? Lagot ka, andiyan ang “lizard”. Pikit ka na, bababa na
yung “lizard”.

Kaya, kasama sa paglaki ng bata na kahit ang pinakamaliit na problemang kasing liit ng
butiki ay hindi kayang masolusyunan dahil “lagot ka, kayang-kaya ka ng lizard”.

Sa hapunan, hindi pwedeng hindi mo uubusin ang pagkain. Mabubulag ka. Kahit
magkandasuka ka sa pagsubo, ubusin mo. Hindi dahil sayang ang inihanda sa mesa. Kung
hindi bahala ka, mabubulag ka.

Isasama pa ba natin dito ang mga kasinungalingan tungkol kay Santa Claus, ang tatlong
hari, ang mga pamahiin ni Lolo at Lola, ang pagiging “disente” (daw) ni Rizal,
nakakabungang-araw ang pagkain ng sobra ng mangga at ang tungkol sa mga alamat ng
pinya at Olongapo? Huwag na. Ayoko nang dagdagan ang mga kasinungalingan dito.
Lumalaki ang bata sa kasinungalingan. At sa kaniyang pagtanda, pag-aasawa at
pagkakaroon ng sariling mga anak, uulitin niyang muli ang istoryang ito ng mga
kasinungalingan. Mga Sanaysay sa Filipino 2011.
KWENTONG BAYAN
PINOCCHIO
Mayroong isang mabait na matanda. Ang pangalan niya ay Geppetto. Isa siyang manlililok.
Umuukit siya ng iba't ibang bagay mula sa kahoy.
Walang anak si Gappetto. Dahil sa kahiligan niya sa mga bata naganyak siyang umukit ng
isang batang lalaki. Masaya siya habang ginagawa ito. Sa wakas ay nayari niya ang isang
batang lalaki. Pinangalanan niya itong Pinnocchio.
Bukod kay Pinnocchio, ang matanda ay may iba pang alaga. Ang pusang si Pigaro at ang
isdang si Cleo.
Tinalian niya ng pisi ang mga kamay at paa at ulo ni Pinnocchio. Dahil dito ay napapasayaw
niya ang taong maliit na gawa sa kahoy.
"Sana ikaw ay isang tunay na batang lalaki," ang sabi ng matanda, "marahil ang saya natin
palagi."
"At ako naman, hindi ba ninyo ako isasali?" ang tanong ng pusang si Pigaro.
"Ho-ho-ho, ikaw ay lagi naming kasali't isasama kahit saan." Tawagin mo siyang Pinnocchio
ang sabi ng matanda sa pusa.
Si Pinnocchio ay may sadyang tulugan. Isang maliit nakama na ginawa ng matanda. Alas
nuwebe kung matulog si Pinnocchio. Lagi nitong binubuksan ang bintana na kung saan ay
tanaw na tanaw ng bituing panggabi.
"Oh, magandang bituin, sana nga ay maging tunay na bata si Pinnocchio," ang sabi ng
matandang Geppetto.
Nakatulog na ang matanda nguni't ang pusa ay hindi. Iniisip pa rin niya ang kahilingan ng
matanda. Maya-maya'y nakarinig ng magandang awitin ang pusa at ang bituing panggabi ay
bumaba mula sa langit at nagtuloy sa kanilang kuwarto. Ang bituin ay naging anghel.
Lumapit ang anghel kay Pinnocchio.
"Gising, gising Pinnocchio. Mula ngayon ay magkakaroon ka ng buhay. Maging maibait ka
sana. Bigyan mo ng kaligayahan si Geppetto. Naririto ang kakambal mo, si Jimmy Cricket.
Siya ang kaibigan at katulong mo." At biglang nawala ang anghel.
Kinaumagahan ay laking gulat ni Geppetto nang makita si Pinocchio na buhay na buhay.
Laro nang laro ang bata.
"Ako ngayon ay isa nang tunay na bata at mabait," ang sabi ni Pinnocchio sa matanda.
Nagsimula nang mag-aral si Pinnocchio. Kasama niyang lagi ang kanyang kaibigan, si Jimmy
Cricket. Ito ang tanungan niya ng anumang kanyang gagawin.
Nguni't isang araw ay nakalimutan ni Pinnocchio ang kanyang kaibigang si Jimmy Cricket.
Naiwan niya ito. Dahil dito ay naglakad siyang mag isa. Bigla na lamang siyang bumagsak sa
daan. Nang itaas niya ang mukha ay nakita niya si Matandang Fox at si salbaheng Pusa.
Pinatid ni Matandang Fox ang paa ni Pinnocchio kaya ito ay nadapa.
Hinikayat ng dalawa si Pinnocchio na sumama sa kanila. Nang dumating si Jimmy Cricket ay
wala na si Pinnocchio at ang dalawang salbahe. Gayunpaman ay sinundan niya ang mga ito.
Naabutan niya ang tatalo.
Nang may dumaang karuwahe ay pinahinto ni ito ng dalawang salbahe. Inabot nila sa
kutsero si Pinnocchio kapalit nang isang supot na may laman, Ipinagbili nila sa kutsero si
Pinnocchio. Natakot si Jimmy Cricket, nguni't sumakay na rin siya upang mabantayan si
Pinnocchio.
Sa loob ng karuwahe ay marami pa ring ibang bata. Nagkakagulo ang mga bata. Ang
pinakapinuno ng mga bata ay naging kaibigan ni Pinnocchio. Subalit ang mga batang ito ay
mga salbahe. Pinagbawalan ni Jimmy si Pinnocchio na makisama sa mga salbaheng bata.
Araw-araw ang mga bata ay naglalaro. Kumain ng kendi at sorbetes. Nagbabasag ng mga
bintana at naghahagis ng mga puntik sa bahay. Sinisira rin nila ang mga kasangkapan.
"Pinnocchio, tama na iyan," ang wika ni Jimmy Cricket. Hindi nakinig si Pinnocchio.
"Sige, umalis ka na Jimmy. Nasusuya na ako sa iyo," ang sagot ni Pinnocchio.
Nang walang anu—ano'y nakita ni Pinnocchio ang isang kasama niyang bata. Nagkaroon ito
ng mahabang tenga at ni labasan ng mahabang buntot. Ito ay naging isang kabayo. Sinilo
ito ng kutsero at hinila.
"Ngayon ay mayroon na akong ipagbibiling kabayo." ang natuwang sabi ng kutsero.
Naramdaman ni Pinnocchio na siya rin ay tinitubuan ng mahabang tenga at buntot. Nang
makita ito ng kutsero ay hinabol na rin si Pinnocchio upang siluhin. Ngayon ay may isa na
naman siyang kabayo naipagbibili.
Tumakbo si Pinnocchio kasama si Jimmy Cricket hanggang sa tabi ng dagat. Lumundag
silang dalawa upang makalayo sa masamang ta. Bumalik sila sa bahay ni Geppetto subalit
wala doon ang matanda. Naghahanap ang matandang Geppetto at ng kanyang pusang si
Pigaro. Hinahanap nila si Pinnnocchio.
Umiiyak si Pinnocchio at nagsisisi sa nagawang kasalanan. Naghanap sila nang naghanap.
Maraming lugar ang kanilang narating makita lamang si Geppetto. Maraming gulo at hirap
silang dinanas. Nguni't hindi rin nila nakita si Geppetto.
Ang anghel na bituin ay laging nakasubaybay kay Pinnocchio. Isang araw ay nakita rin nila si
Geppetto. Pinagdudahan ng matanda ang kaanyuan ni Pinnocchio dahil sa mahabang tainga
at buntot ni Pinnocchio.
"Nagsisisi na ako, aking ama. Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan," ang sabi ni
Pinnocchio. "Ngayon ay magiging mabait na bata na ako."
Biglang nag liwanag ang kanilang kuwarto. Lumabas ang anghel na bituin. Nilapitan niya si
Pinnocchio at hinipo ito.
"Dahil sa iyong pagsisisi mula ngayon ay magiging tunay na bata ka na," ang sabi ng
anghel. "At ikaw naman, Jimmy, ay bibigyan ko ng isang gintong bituin."
Magmula nga noon ay naging isang tunay na bata na si Pinnocchio. Isang mabait na bata.
Kwentong bayan Tagalog version mula sa gintongaral.com
DULANG MELODRAMA
PAG IBIG NGA NAMAN
NI ELAINE ANNE GUMAYAGAY

Tauhan :
Olmoguez – Jasmine
Blanquisco – Kate
Glydel – Camille
LLanda – Joren
Marvilla – Evo
Carranza -Lea
--
( koro o classmates , Guro )
Tagpuan : Paaralan
Labas I
( lahat ng tauhan )

Classmate ( nag-iingay sa classroom )


Jasmine at Lea ( Hinahanap ang klase nila dahil bago )
Kate , Lea at Darah (nasa balcony)

Nag kasalubong sila Jasmine at Kate


Kate at kasama : ang baho naman ang baduy ng suot nila ahahah Promdi ewww KONYO ..
Jasmine ( snob )
Lea : ( pabulong ) kala mo naman magaganda .. mas maganda pa tayo jan
Jasmine : yaan mo nalang sila
Kate at Kasama bumalik na sa Classroom dahil parating na ang guro ng nasa room na ..
Buong klase : magandang hapon mam
Guro ; umupo kayong lahat may ipapakilala ako sa inyo
Umopo ang lahat
Guro : Jasmine at Lea pumasok na kayo rito at magpakilala.
(Buong klase nag bubulungan ng kung ano anong bagay)
Jasmine : ako nga pala si Jasmine De Jesus 17 taong gulang galling akong Cebu .
Lea : ako naman si Lea Amparo 17 taong gulang galling din ako Cebu
Guro : ayan kilala niyo na sila .
Jasmine doon ka umupo sa may dulo katabe nung lalake na yon. At ikaw Lea Doon ka sa
tabe nung babae na yon .

(Guro nagtuturo na .. ng biglang nagbell )


Guro ; takda magdala kayo ng Libro bukas . classdismiss
(uwian na)
Labas II
Lea (pumunta sa bahay ni Jasmine)
Lea : Bhes una na ko sayo ha si Tatay kasi sabi sabay na daw ako sakanya.
Jasmine : Sige bhes mamaya pa ko ee
(Nasa paaralan )
(Jasmine Naglalakad papunta sa school pinagtitinginan ng mga estudyante )
Klase : sino kayo ung maganda na un at nagulat ang lahat pumasok sa room nila at
kumunta ng
(Just the way you are)
1.o : parating na si mam
Buong klase tumahimik
At ng anjan na si mam
Guro : asan na ang takda niyo ?
Buong klase ng labas ng takda maliban kay
Jasmine kaya si Jeron binigay nia nalang ang libro niya .
Guro : lumabas ka at mag skawt 20 mins.
(Jeron nag skawt sa labas)
Ng matapos na ang klase
Jasmine : lea saglit lang kakausapin ko lang si Jerron aa
Lea : sige
Jasmine: (papalapit kay jeron )hoy ! bat mo binigay ung Libro mo saken ,,
Pero salamat kaso bat mo ginawa un ?
Jeron : ayoko lang mangyare un sayo .
Amm bangin kaba ?
Jasmine : hah bakit ?
Jeron : kasi nahuhulog na ko sayo
Jasmine : (tumawa) baliw kaba ?
Jeron : ou baliw sayo ! ( naka ngiti )
Jasmine : adik ka na ata ee
Jeron : adik sayo ..
Jasmine : korni mo .
Jeron : liligawan kita Jasmine ha.
(Sabay takbo )
Jasmine : baliw talaga un .( Tinawag si Lea)
Lea !!
(Lea lumapit)
Lea : ano pinag-usapan niyo ?
Jasmine : wala naman nagpasalamt lang ako at sabi niya liligawan nia daw ako.
( naglalakad sila pauwi)
Kate: hi Jasmine pwede kabang maging friend ?
Camille : ano ba kate serious kaba ? (pabulong na salita)
Kate : ( pabulong ) wala to no plaplastic lang (ngumiti ng bahagya )
Camille : buti naman
Kate : Jasmine ito nga pala si Camille , Darah , at ito ang Bf ko si Evo .
Evo : (nakipag-kamay kay Jasmine ) nice meeting you
( bumilis ang tibok ng puso)
(lahat : kakanta ng pag-tumibok ang puso )
Jasmine : ok
Lea : ahm sige may gagawin pa kame ng bff cko
Lea at Jamine ( umuwi na )
(makalipas ang ilang buwan )
Jeron : kelan mo ba ko sasagutin ?
Jasmine : okey.2x sinasagot na kita
Jeron : yes sinagot mo narin ako tagal ko ng hinihintay to ee ( masayang Masaya )
Ang galing mo pala sa puzzle…
Jasmine : bakit ?
Jeron : Kase kakaumpisa pa lang ng araw ko, binuo mo na.
Jasmine : bolero ka talaga
Jeron : tayo na nga ba talaga ?
Jasmine : ou nga
Jeron : wola ng bawian yan aa ( nka ngiti )
( Naglalakad ng sabay habang magkahawak kamay )
Labas III
(Jeron sinundo si Jasmine sa bahay)
Jeron : Jas ?
Jasmine : O ! tra pasok
Jeron : nagpapaganda ka pa ee matagal ka ng maganda
Jasmine : ahahah ewan inom ka ng Juice o
( inabot ang juice )
Jeron : salamat
Jasmine : Saglit lang aa kukunin ko lang bag ko
( jasmine pabalik na sa sala )
Jeron : tara na .
(nagpunta sila sa Luneta )
( umupo sila sa isang bench at nag-usap )
Jeron : hulog kaba nang langit?
Jasmine :bakit?
Jeron: kasi mukang ang sama nang pagkabagsak mo! Ahaha
Jasmine: ganyanan pala ha.., hulog kaba nang langit?
Jeron: bakit?
Jasmine: kasi sure ako, bawal ka dun! HAHAHA
(kakantahin ng mga koro ikaw lamang- Silent Sanctuary)
(jasmine at jeron nagsusubuan sweet na sweet ng biglang umulan )
Jeron : mahal kita
Jasmine : mahal din kita
( biglang magkikiss )
Labas IV
( magkasabay pumasok sila Jeron , Jasmine at Lea . naglalakad sila habang nag uusap )
Jeron : may naaalala kaba ngayon Jasmine ?
Jasmine : ha nao ba ngayon ?
Lea : hal ka nakalimutan
Jasmine : nakalimutan ang alin ?
Jeron : di mo alam ?
Jasmine : ang ano nga ?
Jeron : nakakainis ka aa
Jasmine : ( ngumiti ) happy 3rd mot.2 (inabot ang gift )
Jeron : kala ko nakalimutan muna ee
Jasmine pwede ba naman yun ?
Lea : more mot.2 to come less tampuhan
Jasmine and Jeron : ( natawa )
(pagpasok nila sa room may nakita sila sa Blackboard na ILoveyou Jasmine Mahal kita by
Secret admirer)
Jeron : sino nagsulat nito ?
Klase : ewan naming nakita lang naming ganyan yan
Jasmine : halika na nga trip lang yan
( nang umpo sila may nakita si Jasmine na Teddy bear at roses sa upuan nia ng dahil dun
sobrang nagalit si Jeron)
(Jeron at jasmine nag-usap)
Jasmine : yaan na naten wag mo nalang intindihin
Jeron : hays !! ( galit )
(hanggang sa matapos ang klase badtrip parin si Jeron di sila nag uusap ni Jasmine kaya
minabuti ni Jasmine na hayaan muna ito mag isa)
Labas V
(Kate , Camille , Darah at Evo magkakasama sa Likod ng school )
(Kate at Evo nag-uusap)
Evo : Kate may sasabihin ako sayo ?
Kate : ano ba usto mo sabihin ?
Evo ; Kate Break na tayo
Kate : ha ? bakit ? (paiyak na )
Evo : dina kita mahal
Kate : (humahagolgol) anung nagawa ko sayo bat ginaganto moko?
Evo : kate paalam .. tnx sa lahat
Kate : (iyak ng iyak )
Darah at Camille : (kinocomfort si Kate) sis ayos lang yan di lang naman siya ang lalake sa
mundo
Kate : pero mahal ko siya
Koro kakanta : Biglaan by 6cyclemind
Kate : mahal na mahal ko siya ( umiiyak )
Camille : sisters dito lang kayo ha CCr lang ako
(evo at jasmine magkakasalubong ng biglang gustong kausapin ni evo si Jasmine at nakikita
ito ni camille )
Camille : ( makikinig na nakatago sa usapan ni Jasmine at evo )
Evo : jas ?
Jasmine : o ?
Evo : pwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang may pagtatapat sana ko sayo
Jasmine : ano un ?
Evo : Gusto kita ( hahawakan ang kamay ni Jasmine )
(Koro ; kakanta ng Mahal Kita Pero Di Mo Lang Alam rocksteady)
Camille : (kinuhaan ng litrato ang paghawak kamay ni evo kay jasmine ) (pabulong na
nagsasalita ) ikaw pala ang dahilan ng pag iyak ni sistaret ko .
(Camille tumakbo pabalik )
Jasmine : ano ba tigilan mo nga ko . ( lumakad palayo)
Evo : maghihintay ako sayo ( sigaw)
Labas Vi
Camiile : (nagsasalita mag-isa habang naglalakad ) gawan ko kaya toh ng istorya para
magbreak rin sila Jeron at jasmine malay natin magpalitan pa sila ng JOwa edi Masaya
( tumawa )
(Camille tumatakbo papunta kela Kate at Darah )
Camille : sis may papakita ako sa inyo .
Darah ; ano naman yan ?
Camille : basta tignan nio nakita ko yan kanina parang si Evo at jasmine na kaya
nakipagbreak sayo si Evo ee
Kate : walang hiya pala ung babae nay un ee
Darah : eww tymer
Kate : sasabunutan ko un ( galit)
Camille : wag na masasabihan pa tayong war freak nian pakita nalang natin to kay Jeron .
Darah : thats right girl ano tara na puntahan nalang naten si Jeron.
(pumunta sila kela jeron)
Darha : jeron ?
Jeron : bakit ?
Camille : jeron may ipapakita kami sayo pero pwamis di ka magagalit ?
Jeron : ha bakit ano bay un ?
Kate : ayan ow niloloko tayo ng mga syota natin .
Jeron : (nagulat sinapak ang pader ) pano nia to nagawa saken ?
Kate : kaya nga ee kaya pala nki pag break sakin si evo dahil jan .
Jeron : walang hiya sila ( galit at napaiyak )
Kate : ano gagawin mo ngayon ?
Jeron ; ano pa nga ba edi kakausapin si jasmine
Camille : naku ! malamang syempre magsisinungaling yun
Darah : tama . ganun ung mga tymer nuh
Kate : kaya ang gwin mou mkipag break ka nalang
Jeron : (naguluhan at umalis)
Labas Vii
Jeron ; (tinitxt si jasmine) jas mag usap tayo may sasabihin ako sayo importante ! andito ko
sa tambayan natin hihintayin kita dito
Jasmine : (may natanggap na txt pagkabasa ay nagreply agad ) ok sige punta nako jan wait
moko (pumunta na sa tambayan )
(nasa tambayan na )
Jasmine : o bakit ano ung importanteg bagay na sasabihin mo ?
Jeron ; break na tayo ayoko na
Jasmine : ha bakit ?
Jeron : anong bakit ee nakita ko kayo ni EVo mag kahawak kamay tapos sasabihin mong
bakit ? at alm ko narin na kayo na dahil may nagsabi sakin ( gait )
Jamine : hindi kami ( umiiiyak) edi kung wala kang tiwala sakin mag break nalng tayo .
( galit na naiiyak )
Jeron : tignan mo nga ed may relasyon nga kayo . tposin na natin to ( galit )
Koro: kakanta ng di lang ikaw by juris

Labas VIII
(jeron umuwi na at andun parin sila kate )
Jeron : inuman tayo ?
Camille : sure
(nag-iinuman sila)
Camille : lasingin natin I Jeron at kunwari may mangyayari sa inyong dalawa para maging
kayo at masaktan mo si jasmine mang aagaw
Darah : ou nga para di ikaw ang umiiyak jan
Kate : tama kayo jan sis
(nag-inuman hanggang nalasing at pag kagisig nagulat si Jeron katabi nia si Kate )
Jeron : may nangyari satin ?
Kate : (umaarte kunwari na wala maalala ) ow my ! anong nangyare satin .
(at nagpasaya na sila na magiging sila )

Labas iX
(magkasama si Kate at Jeron magkahawak kamay sa room )
Klase : hala sila na
1.o : ou nga sila na
2.o : diba si jeron at jasmine ?
3.o : o my gosh
(Jasmine sobrang nasaktan sa nangyari nagwalk –out at umiyak sinundan naman ni Evo )
(Jasmine nasa likod ng school umiiyak )
Evo ; jas wag kana umiyak
Jasmine : ang bilis nia magpalit
Evo : edi palitan mo narin sia andito naman ako at pag ginawa mo yon siya rin ang
masasaktan hindi yung ganto umiiyak ka ipakita mo sakanya na kung kaya nia kaya mo rin .
Jasmine : sabagay Sige na nga
Labas X
(ipinapakita ang mga pagkakailangan Ni jeron at Jasmine dahil bakas naman sa dalawa na
mahal prin nilang ang isat isa at kakanta ang koro ng hanggang ngayon )
Labas Xi
(magkasama sila Kate at si Jeron , si jeron nagpapahinga nakapikit kunyari at sila kate ay
naguusap usap )
Kate : ang saya .2 ko dahil kay jeron
Camille : ee kung di naman dahil sa plano ko na pagbreakin sila JOren at Jasmine edi sana
di magiging kayo.
Darah : hah ? anong ibig mong sabihin ?
Camille : hello hindi naman si Jasmine at Evo talaga ee tinatanung lang ni Evo kung pwede
bam aging sila tapos hinawakan ni evo ang kamay ni jasmine tapos pinicture ko at kung
hindi ko sinaggest sayo kate na kanwari may nangyari sa inyo ni jEron magiging kayo ba ? .
Darah : ahah tama
Joren : ano ? mga sinungaling pala kayo ee maninira ng relasyon ( galit at aalis )
Kate : san ka pupunta ?
Joren : edi Kayla Jasmine
Kate : bakit mahal mo paba siya ?>
Evo : ou mahal na mahal
(Evo umalis )
Camille : guys sorry
Kate : hayaan nalang natin siya siguro talagang di siya para sakin ( umiyak )
Darah ; wag kana umiiyak madmi naming iba jan ee makakakita rin ikaw ng para sayo .
Camille : sorry talaga
Labas XII (wakas )
(jeron pumunta sa bahay nila jasmine at andun si Jasmine t EVo )
(jeron dirediretso pumunta kay jamine )
Jeron ; jasmine sorry kung nagpadalos-dalos ako sorry kung di ako naniwala sayo sorry
talaga jasmine mahal parin kita
Jasmine : Mahal din kita
Evo : teka GF ko yan aa ( sasapakin si evo )
Jasmine : saglit kung mahal muko papakawalan mucu dahil alam mong dito ko Masaya.
Evo : (napaiyak ) kung talagang Mahal mu sia sige papakawalan na kita kahit mahirap ee
mahal kita
( tumakbo palabas )
Joren: salamat at tinanggap moko ulit salamat
Jasmine : ikaw pa ee mahal kita
Joren : ang talino mo talaga
Jamine : bakit ?
Joren : kase alam mong ako parin ang kulang sa buhay mo
Koro : kakanta ng habang buhay by yeang and sam
(wakas)
EPIKO
Indarapatra at Sulayman (Epiko ng Maguindanao)
Ang Indarapatra at Sulayman ay isang epikong-bayan ng mga Maguindanao sa Mindanao.
Inaawit na ito bago pa man dumating ang paniniwalang Islam sa isla. Pangunahing tauhan
nito ang magkapatid na sina Raha Indarapatra at Raha Sulayman at kung paano nila
iniligtas ang Mindanao laban sa mga halimaw. Hari si Indarapatra ng Mantapuli, isang
malaki at dakilang lungsod na pinamamahayan ng maraming tao, samantalang magiting na
mandirigma si Sulayman. Bukod sa epikong-bayang ito, lagi ring nababanggit si Indarapatra
sa ibang kuwentong-bayang Maguindanao, at maituturing siyang kanilang maalamat na
bayani.

Nagsisimula ang Indarapatra at Sulayman nang mababalitaan ni Indarapatra ang malimit na


pananalakay ng mga dambuhala at mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao, sa
labas ng kaniyang kaharian ng Mantapuli. Ipinatawag niya ang kapatid na si Sulayman.
Papakiusapan niya itong puksain ang mga halimaw, at ipahihiram ang kaniyang
mahiwagang singsing at mahiwagang kris, ang Juru Pakal, na animo’y may sariling isip
sapagkat káya nitóng lumusob sa kalaban nang mag-isa. Pagkatapos ng iba pang tagpo at
labanan, sa dulo ng salaysay ay ipanganganak sina Rinamuntaw at Rinayung, kambal na
anak na lalaki at babae ni Indarapatra at sinasabing ninuno ng ilan sa mga tribu ng rehiyon
ng Lawang Lanao.

Ayon sa aklat ni Damiana L. Eugenio, umaayon ang lunan ng epikong-bayan sa lupaing


pamilyar sa mga Magindanaw, tulad ng mga bundok Kabalalan, Matutun, Bita, at Gurayn.
Kahit may nakapasok na mga pangalang Arabe, nananatili pa rin daw tapat ang naratibo sa
katutubong tradisyon ng mga Magindanaw.

Buod ng Indarapatra at Sulayman


Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na
pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng
Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas
ng kaharian ng Mantapuli.

Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal.


Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala
sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si
Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, “Sa pamamagitan ng
halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito,
nanganaghulugang ikaw ay namatay.”

Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao.
Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si Kurita.
Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni
Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris.

Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng


tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman
sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni
Sulayman ng kanyang espada.

Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay nakain
na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang
biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais
dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang
Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang
ikinamatay.

Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni


Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si Sulayman.

Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang
kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni
Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita
niya ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang
bangkay ni Sulayman. Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay
ni Sulayman. Sa di kalayua’y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang
bangkay at muling nabuhay si sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na
pagtulog. Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan.

Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito’y


wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong
ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon.

Hinanap niya ang mga tao. May nakit siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng
tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa
taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa
yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga
pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. sinabi rin
niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng
buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita
ni Indarapatra sa batisan.

You might also like