You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 1
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PANGASINAN II

DIAGNOSTIC TEST
ARALING PANLIPUNAN, KONTEMPORARYONG ISYU
Grade 10

Pangalan: _________________________________________________ Marka: _________________


Baitang at Pangkat: ________________________________________ Petsa: __________________
MARAMIHANG PAGPILI: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa pagpipilian. Isulat
ang letra ng tamang sagot bago ang bawat bilang.

1. Tumutukoy sa mga taong sama-samang naniniwala sa isang organisadong komunidad na may iisang batas,
tradisyon at pagpapahalaga.
A. lipunan B. bansa C. komunidad D. organisasyon
2. Ang bulubundukin ng Sierra Madre ay likas na pananggalang sa mga bagyong dumarating sa bansa gaya ng
Super Typhoon Karding. Anong uri ng likas na yaman ang Sierra Madre?
A. Yamang Tubig B. Yamang Lupa C. Yamang Gubat D. Yamang Mineral
3. Batas at legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa.
A. RA 9003 B. RA 8742 C. RA 7942 D. RA 7586
4. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sector ng lipunan sa pagsugpo ng mga suliraning
pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran
B. Masalimuot na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa
lipunan.
C. Makakatipid ang pamhalaan sa pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran.
D. Sisigla ang turismo kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran.
5. Paano makatutulong ang CBDRM Approach sa paglutas ng mga suliranin at hamong pangkapaligran?
A. Isinusulong nito ang top-down approach.
B. NGO’s ang namumuno sa pagbuo ng Disaster Management Plan.
C. Hinihikayat nito ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng lipunan.
D. Pamahalaan ang bumubuo ng Disaster Management Plan.
6. Alin sa mga sumusunod ang mga suliraning dulot ng walang habas na pagputol ng puno sa ating mga
kagubatan?
A. pagbaha at soil erosion
B. pagkaubos ng yamang gubat
C. pagbaba ng kita ng mga mamamayan
D. pagbaha, soil erosion at pagkasira ng tahanan ng mga hayop
7. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng capacity assessment ng isang komunidad
A. upang matukoy ang mga natural hazard
B. upang mapanumbalik ang kaayusan sa komunidad
C. upang masukat ang kakayahan ng komunidad
D. upang masuri ang kakayahan ng komunidad

Address: Mac Arthur Highway, Canarvacanan, Binalonan, Pangasinan


Telephone Number: (075) 637-6227
Email Address: pangasinan2@deped.gov.ph
8. Kailan dapat isagawa ang paglikas kung may banta ng pagbaha?
A. pagkatanggap ng babala C. pagdating ng mga rescuers
B. habang lumalakas ang buhos ng ulan D. pagkatapos maisaayos ang lahat ng gamit sa
bahay
9. Ano ang nilalayon sa yugto ng Disaster Rehabilitation and Recovery.
A. mapanumbalik ang kaayusan sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad
B. magkaroon ng kaalaman kung paano harapin ang kalamidad
C. mapanumbalik ang normal na kinagawian ang komunidad
D. maipagpatuloy ang operasyon ng lokgal na pamahalaan pagkatapos ng kalamidad
10. Alin ang magkakaugnay na epekto ng Climate Change?
A. Pagkakaroon ng landslide
B. Pagkasira ng balance ng kalikasan
C. Pagkakaroon ng iba’t ibang sakit ng mga mamamayan
D. Pagbaba ng kalidad ng edukasyon
A. ABC B. BCD C. ABD D. ACD
11. Ito ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsanib ng iba’t-ibang prosesong pandaigdig.
A. globalisasyon B. migrasyon C. urbanisasyon D. transisyon
12. Ano ang pinakaangkop na paglalahad sa integrasyon ng mga bansa dahil sa globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng
kapinsalaan.
D. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ng mga
bansa.
13. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyokultural maliban sa isa.
Alin ito?
A. paggamit ng mobile phones ` C. E-commerce
B. pagsunod sa K-Pop culture D. pagpapatayo ng JICA
14. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa kompanya na may kaukulang bayad upang ito ang
gagawa ng mga serbisyong kailanganupang maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng Negosyo. Ano ang
tawag dito?
A. outsourcing B. fair trade C. subsidiya D. pagtulong sa bottom billion
15. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay pag-iral ng Sistema ng mura at flexible labor.
A. Ito ay paraan ng ng mga namumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng
kanilang magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad ng
malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
16. Isa sa mga isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa kaugnayang paglaki ng unemployment at
underemployment ay ang paglaki ng job mis-match. Bakit ito nangyari?
A. Dahil sa kakulangan sa iba’t-ibang kasanayan ng mga manggagwang Pilipino
B. Ang mga kursong pinili ng mag-aaral ay taliwas sa kanilang interes at kakayahan
C. Dahil sa kulang ang kaalaman ng mga nagtapos ng kolehiyo batay sa itinakda ng kompanya
D. Hindi makasabay ang mga nakapagtapos ng kolehiyo sa dapat na kasanayan at kakayahan na kailangan ng
kompanya.

Address: Mac Arthur Highway, Canarvacanan, Binalonan, Pangasinan


Telephone Number: (075) 637-6227
Email Address: pangasinan2@deped.gov.ph
17. Sa pagdagsa ng mga dayuhang namumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon, ipinatupad nila ang mura at
flexible labor sa bansa na nakaaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga sumusunod
na pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
A. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa manggagawang Pilipino.
C. Pag-iwas ng mga namumuhunan sa krisis dulot ng labis na produksiyon sa iba’t-ibang krisis.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.
18. Bakit nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng iba’t-ibang isyung sa
paggawa?
A. Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas
B. Nais ng pangulo na magkaroon ng Negosyo ang lahat ng Pilipino
C. Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
D. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad
ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa.
19. Ang globalisasyon ay nagdudulot ng maraming suliranin sa paggawa. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang?
A. Demand ng bansa para sa iba’t-ibang kakayahan o kasanayansa paggawa ng globally standard
B. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga local na produkto na makilala sa pandaigdigang pamilihan
C. Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbaksyon o umiwassa mga intriga na
ipinupukol sa kanila ng mga taong galit sa kanila
D. Binago ng globalisasyon ang mga pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng
iba’t-ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa
paggawa.
20. Isa sa mga naidulot ng globalisasyon ay pagtaas ng demand ng bansa para sa iba’t-ibang kasanayan sa
paggawa na globally standard. Paano ito tinutugunan ng ating bansa?
A. Pagdaragdag ng sampung taon sa basic education ng mga mag-aaral.
B. Pagtatayo ng mga paaralan na maglilinang sa mag-aaral upang maging globally competitive
C. Pagdaragdag ng mgasignatura sa sekondarya na may kinalaman sa kalakalan at pagmamanupaktura.
D. Pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education at linangin sa mga mag-aaral ang mga kasanayan na
pang 21st century upang sila ay maging globally competitive
21. Sa wikang Filipino ang salitang _______ ay ginagamit upang bigyan ng kahulugan ang sex at gender.
A. Kasarian B. Edad C. Estado sa buhay D. Wala sa mga nabanggit
22. Tumutukoy sa indibidwal na kung saan ang pag-iisip, kilos at pag-uugali ay taliwas sa kaniyang natural na
kasarian. Halimbawa ang isang babae na ay maaaring mag-isip, kumilos at magbihis bilang isang lalaki o
vice versa.
A. Gay B. Transgender C. Lesbian D. Bisexual
23. Karahasan na madalas nangyayari sa loob ng tahanan.
A. Human Trafficking B. Sexual Harassment C. Domestic Violence D. Prostitusyon
24. Ang sumusunod ay nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki maliban sa isa.
A. Ang lalaki ay may testosterone habang ang babae ay may estrogen.
B. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang dalaw, ang mga lalaki naman ay hindi.
C. Ang pribadong bahagi ng katawan ng babae ay iba sa pribadong bahagi ng katawan ng lalaki.
D. Ang mga lalaki ang magtataguyod sa pamilya samantalang ang mga babae ay inaasahang gagawa ng mga
gawaing bahay.
25. Si Kelvin ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtrabaho sa ibang bansa upang matustusan nito ang
pangangailangan ng kaniyang pamilya. Ngunit, pagkalipas ng isang taon ay hindi na ito nagpadala ng pera sa
kaniyang pamilya. Anong Act of Violence Against Women and their

Address: Mac Arthur Highway, Canarvacanan, Binalonan, Pangasinan


Telephone Number: (075) 637-6227
Email Address: pangasinan2@deped.gov.ph
Children ang nilabag ni Kelvin?
A. Pinansiyal B. Pisikal C. Sikolohikal D. Seksuwal
26. Kung si Edna ay biktima ng domestic violence, alin sa mga sumusunod ang maaari niyang naranasan?
A. Pinagbantaan siya ng karahasan.
B. Sinabihan siya na ang mga lalaki ay natural na bayolente.
C. Tinawag siya sa ibang pangalang hindi maganda (name calling).
D. Humingi sa kaniya ng tawad ang taong may sala at nangakong magbabago.
27. Bakit nararapat na ipagbigay-alam ng isang empleyadong lalaki sa kanyang employer ang pagdadalang-tao at
ang inaaasahang petsa ng panganganak ng kanyang asawa?
A. Sapagkat ito ay kanyang karapatan
B. Dahil siya ay magpa-file ng paternity leave
C. Dahil nais niyang ipaalam na siya ay may-asawa
D. Upang maiwasan niya ang pagliban sa trabaho ng walang dahilan.
28. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng karahasan na maaaring maranasan?
A. laging may nakahandang sorpresa ang kaniyang asawa.
B. ibinibigay sa kaniya ang lahat ng kaniyang pangangailangan.
C. pinipigilan siyang makipagkita sa kaniyang pamilya at kaibigan.
D. madalas siyang nakatatanggap ng tsokolate mula sa kaniyang asawa.
29. Ayon sa GAD ang lalaki at babae ay mayroong pantay na pagkakataon sa pagkukunan ng kabuhayan para sa
pamilya. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita nito?
A. pantay na pagtrato sa pagpapaunlad na kaalaman
B. pantay na access sa ligtas at malusog na kapaligiran
C. patas na pagbibigay ng mga insentibo sa pagbili ng pangangailangan
D. pantay na pakikilahok sa mga pagpapasya sa lahat ng antas sa trabaho
30. Si Josie ay isang biktima ng pang-aabuso na humantong sa pagpatay nito sa kaniyang asawa. Batay sa
imbestigasyon, nalaman ng husgado na nagkaroon ito ng Battered Women Syndrome. Sa iyong palagay,
maaari pa bang mapatawad ng batas si Josie sa kaniyang ginawang kasalanan?
A. Hindi, sapagkat ito ay mortal na kasalanan
B. Hindi, dahil pinatay ang kaniyang mahal na asawa
C. Oo, dahil nararapat lamang na ipagtanggol niya ang kaniyang sarili
D. Oo, sapagkat nalaman ng korte na kabilang siya sa mga naging biktima ng pang- aabuso kung kaya
nagkaroon siya ng Battered Woman Syndrome.
31. Bawat Pilipino ay may karapatang malaman ang mga bagay tungkol sa kanilang pagkamamamayan. Sa anong
artikulo ng Saligang Batas ng 1987 siya sasangguni?
A. Artikulo IV B. Artikulo V C. Artikulo III D. Artikulo I
32. Ang pagkamamamayan ay maaaring mawala sa pamamagitan ng:
I. kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa
II. panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa
III. ipinanganak sa Pilipinas na may magulang na Pilipino.
IV.Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
A. I,II B. I,IV C. I,II,III D. I,II,IV
33. Noong panahon ni Haring Cyrus pinalaya ang mga alipin at ipinahayag na malaya na silang pumili ng
relihiyon at magiging pantay na ang lahat ng lahi. Anong dokumento ito?
A. Human Rights Declaration C. World’s first charter of Human Rights
B. Human Rights Commission D. Univerasal Declaration of Human Rights

Address: Mac Arthur Highway, Canarvacanan, Binalonan, Pangasinan


Telephone Number: (075) 637-6227
Email Address: pangasinan2@deped.gov.ph
34. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo tungkol sa Karapatang Pantao?
I. Nakabatay sa prinsipyo ng paggalang sa isang indibidwal
II.Bawat isa ay nararapat na tratuhin nang may dignidad
III.Marami sa mga tao ang gustong yumaman
IV. May kaniya-kaniyang gusto at pangangailangan ang mga tao na dapat irespeto
A. I, II, IV B. I, II, III C. I, II, III, IV D. I, III, IV
35. Si Mang Anton na isang magsasaka na walang pinag-aralan ay dumulog sa husgado dahil kinukuha ng
kaniyang kapitbahay ang kaniyang sinasaka ng napakatagal nang panahon na walang anumang babala. Nanalo
si mang Anton dahil walang karapatan ang kaniyang kapitbahay. Alin sa mga halimbawa ng karapatang
pantao ang sitwasyon?
A. karapatan sa pananalita C. karapatan sa pagkapantay pantay sa batas
B. karapatan sa kapaligiran D. karapatan sa edukasyon
36. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay nahaharap at nakararanas ng mabigat na isyung panlipunan o COVID 19.
Paano ka makakatulong sa pamahalaan?
A. Maghintay ng ayuda galing sa gobyerno.
B. Makibahagi sa programang ipinapatupad ng pamahalaan tulad ng pagsunod sa health protocol.
C. Karapatan mong lumabas ng bahay kaya maaari kang pumunta sa gusto mong puntahan.
D. Pagsabihan ang mga kamag-anak na magsuot lamang ng Face Mask kung nasa pampublikong lugar.
37. Ang Participatory governance ay paraan upang maisakatuparan ang iginigiit ng mga mamamayan na
pagbabago. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa Participatory Governance?
A. Ang mga mamamayan ang palaging nasusunod sa paggawa ng proyekto.
B. Mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga
solusyon sa suliranin ng bayan.
C. Ang taong-bayan ang nag-iisip ng solusyon at hindi ang pamahalaan.
D. Ang pamahalaan lamang ang karapat-dapat na gumawa ng paraan o solusyon sa mga isyung panlipunan.
38. Kinikilala ang napakahalagang papel ng mamamayan sa pamamahala. Alin dito ang magpapatunay dito?
A. Tama ang pahayag dahil kung walang mamamayan, walang pamahalaan.
B. Mali dahil nakakaya ng pamahalaan ang pamamahala sa bansa na mag-isa.
C. Tama dahil ang tagumpay ng isang programa o proyekto ay responsibilidad ng mamamayan
at pamahalaan.
D. Mali dahil mamamayan lamang ang dapat na gumawa at mapatupad sa programa ng
pamahalaan.
39. Tumutukoy sa paniniwalang kayang magbago ang mga lumang sistema ng pamahalaan para sa ikabubuti ng
mamamayan, pagbuo at pagkuha ng tiwala ng mamamayan, pagpapatatag ng kakayahan ng pamahalaan.
A. Progressive development perspective C. People’s Participation
B. Functional partnership D. People’s Organization
40. Sa pagkamit ng good governance, mahalagang katangian ang partisipasyon ng mamamayan. Alin sa mga
pahayag ang nagpapakita ng mabuting pamamahala?
A. nararapat na ipatupad ang mga batas at igalang ang karapatang pantao para sa mayayaman,
B. pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon na mapaunlad ang kanilan kagalingan,
C. kakayanin ng pamahalaan ang epektibong pamamahala nang walang stakeholder pampubliko o pribado
D. pinahahalagahan ang pag-iral ng kabutihan sa isang komunidad, organisasyon o bansa para lamang sa mga
mahihirap.

Address: Mac Arthur Highway, Canarvacanan, Binalonan, Pangasinan


Telephone Number: (075) 637-6227
Email Address: pangasinan2@deped.gov.ph

You might also like