Professional Documents
Culture Documents
AP Grade 9
AP Grade 9
9
ARALING PANLIPUNAN 9
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat lamang ang
titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
15. Aling sektor ang itinuturing na “Gulugod ng Ekonomiya” dahil ito ang
nagtutustos sa pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan?
A. Agrikultura
B. Industriya
C. Paglilingkod
D. Impormal na sektor
20. “Bumili ang magsasaka ng baka, ginatasan niya ito saka ipinagbili ang
gatas. Mula sa tinubo, magbabayad siya ng buwis sa pamahalaan.” Anong
sistemang pang-ekonomiya ang angkop na naglalarawan sa kuwento sa itaas?
A. Command economy
B. Market economy
C. Mixed economy
D. Traditional economy
24. May-ari ng isang panaderya si Robert, nang tumaas ang presyo ng butter
napilitan siyang gumamit ng margarine para sa kanyang tinapay. At dahil hindi
bumababa ang presyo nito, margarine na ang kanyang ginagamit sa lahat ng
kanyang produkto maliban sa cake na butter pa rin ang sangkap. Ano ang
tumpak na paliwanag sa sitwasyong ito?
A. Higit na mas masarap para sa tinapay ang margarine kaysa butter.
B. May piling produkto lamang na pwede ang butter at margarine.
C. Ang margarine ay murang pamalit o cheaper substitute para sa butter.
D. Maaaring gumamit ng margarine o butter depende sa presyo ng isang
Produkto.
33. Walang bansa ang kayang mabuhay nang mag-isa. Hindi maiiwasan na
siya’y makipag-ugnayan sa ibang bansa lalo’t nasa panahon tayo ng tinatawag
na globalisasyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang pangunahing dahilan ng
pakikipag-ugnayan ng isang bansa lalo sa larangan ng kalakalan?
A. Maipagmalaki ang sariling produkto sa pandaigdigang pamilihan.
B. Pagkakataon ito upang kumita ng malaki mula sa kalakalang panlabas.
C. Madagdagan ang panustos sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya.
D. Upang dumami ang mga produktong banyaga na maaaring gayahin.
38. Maituturing na makabagong bayani ang mga OFW kagaya ni Maria na isang
nurse sa Italy, dahil nagagawa niyang makapag-ambag sa dalawang
ekonomiya. Ang kanyang kinikita bilang OFW sa Italy ay kabilang sa
____________.
A. Gross Domestic Product (GDP) ng Italy at Pilipinas
B. Gross National Income (GNI) ng Italy at Pilipinas
C. Gross Domestic Product ng Pilipinas (GDP) at Gross National Income
(GNI) ng Italy
D. Gross Domestic Product (GDP) ng Italy at Gross National Income (GNI)
ng Pilipinas
(A)
(B)
P
(C)
D1 D2
Q
P
(D)
D1, D2
Q
46. Suriin ang talahanayan sa kanan na Agencies with biggest share in the
nagpapakita ng 6 na ahensiya na may Proposed 2022 National Budget
pinakamalaking budget sa taong 2022. Education sector (Deped,
773.6 Billion
CHED, SUCs, TESDA)
Batay sa talahanayan, anong serbisyong Department of Public
panlipunan o social services ang Works and Highways 686.1 Billion
prayoridad ng pamahalaan? (DPWH)
Department of Interior and
A. Kalusugan Local Government (DILG)
250.4 Billion
B. Libreng edukasyon Department of National
222.0 Billion
C. Pagpapatayo ng mga imprastraktura Defense (DND)
Department of Social
D. Pagtulong sa mga mahihirap na Welfare and Development 191.4 Billion
sektor ng lipunan (DSWD)
Department of Health
242.0 Billion
(DOH)
Pinagkunan: https://tinyurl.com/58x9xpab
49. Karamihan sa mga bansa sa gitnang silangan tulad ng UAE, Qatar, Kuwait
at Saudi Arabia ay nagtamo ng mabilis na pag-unlad sa kanilang ekonomiya
dahil sa malaking kita mula sa langis. Sa anong salik ng pagsulong ng
ekonomiya ito nabibilang?
A. Kapital
B. Likas na yaman
C. Teknolohiya at inobasyon
D. Yamang tao