You are on page 1of 1

ALCHEMY OF SOULS

Pasimula:

Ang dramang ito ay tungkol sa makapangyarihang pamilya na naninirahan sa Daeho Village. Si


Jang uk ang bidang lalaki samantalang si Naksu naman ang bidang babae. Si Naksu ay isang Shadow
Assasin kung saan nilalabanan niya ang mga tao na anino lang ang makikita sa kanya. Noong siya ay bata
pa lamang pinatay ang kanyang pamilya ng mga makakapangyarihang pamilya. Ngayong siya ay may
kakayahan ng maghiganti nakipaglaban siya kay Park JIn na tito ni Jang uk. Sa kasamaangpalad natalo
siya. Si Jin Buyeon ay isang bulag ngunit nakapangyarihang nilalang. Sumanib ang kaluluwa niya kay
Naksu. Simula noon ang katawan ni Naksu na mayroong dalawang kaluluwa ay namuhay bilang Mudeok.

Gitna:

Si Jang Uk ay may kakayahang magkaroon ng kapangyarihan dahil ang tunay niyang Ama ay isang
hari, ngunit ang kinikilala niyang ama na si Jang Gang ay tutol sa pagkakaron niya ng kapangyarihan.
Simula pagkabata ay naghahanap na siya ng Master na pwedeng magsanay sa kanya ngunit ang mga
Master na ito ay hindi ganon kalakas. Sa isang Restawran nagkatagpo ang landas ni Mudeok at Jang uk,
unang pagkikita pa lamang ay alam na ni Jang uk na si Mudeok ang makakatulong sa kanya. Naging
katulong si Mudeok ni Jang dahil kailangan niya ng trabaho para mabuhay, samantalang Master naman ni
Jang uk si Mudeok dahil alam ni Jang uk na kaya ni Mudeok na sanayin siya para magkaroon ng
kapangyarihan na matagal niya nang hinahangad. Lumipas ang mga araw nang pagsasanay si Jang uk ay
naging isang malakas at makapangyarihan na Mage.

Wakas:

Dahil sa tagal na rin nang pinagsamahan ng dalawa, sila ay nagmahalan. Balak na nila
magpakasal ngunit ang ang kaluluwa ni Naksu na nasa katawan ni Mudeok ay kinontrol ni Jin Mu, si Jin
Mu ang kontrabida sa drama na ito, siya ang nagpalaki kay Naksu. Dahil sa ginawang pagkontrol ni Jin Mu
sa kaluluwa ni Naksu ito ay nagresulta ng masamang trahedya, kung saan napatay niya ang ama ni Jin
Buyeon at nasaksak niya sa puso si Jang uk, ang taong mahal na mahal niya. Dahil alam niyang hindi niya
ginusto ang nangyari at siya ay biktima lamang ni Jin mu. Hindi niya kinaya ang pagsisisi kaya siya ay
tumalon sa bangin.

You might also like