You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Aralin 29
Ispiritwalidad: Nagpapaunlad ng Pagkatao

Bilang ng araw ng Pagtuturo:


5 Araw (30 Minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pagkaunawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling kapayapaan
(inner peace) para sa pakikitungo sa iba.

Pamantayan sa Pagganap:
Nisasabuhay ang pagkamabuting tao na may positibong pananaw bilang patunay sa pag-
unlad ng ispiritwalidad.

Pamantayan sa Pagkatuto

I. LAYUNIN:
I.1 Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad.
Code: EsP6PDIV-a-i-16
II. PAKSA: Pagpapaliwanag na ispiritwalidad ang pagkakaroon ng mabuting
pagkatao anuman ang paniniwala.
a. Sanggunian: EsP - K to 12 CG p. 89
b. Kagamitan: powerpoint presentation, videoclips, Iba’t-ibang Paraan sa
Pagsamba sa Diyos, Knowledge Channel, mga larawan, metacards, manila
paper, permanent marker at masking tape
c. Pagpapahalaga: Pagiging mabuting tao/Pagmamahal sa Diyos

III. PAMAMARAAN

Unang Araw
A. Panimulang Gawain:
a. Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
b. Pagtatala kung sinong liban sa klase.
c. Ilahad ang mga larawan.
a. Ano ang ipinapakita ng mga larawan?
b. Ibigay ang pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga ito?
c. Paano nakaka apekto ang relihiyon sa pananaw o buhay ng tao?

B. Panlinang na Gawain

1. Alamin Natin
Ipapanuod sa klase ang video. Iba’t-ibang Paraan sa Pagsamba sa Diyos,
Knowledge Channel
Ipasabi sa mga bata ang pamantayan sa panonood ng video.
Magkaroon ng talakayan pagkatapos mapanood ito.

Itanong:
a. Tungkol saan ang nakita ninyong video?
b. Isa-isahin ang mga katangian ng mga iba’t ibang relihiyon.
c. Paano natin ipapakita ang respeto sa ating pagkakaiba-iba?
d. Sa inyong palagay maipapakita mo ba ang pananampalataya sa Diyos sa
pamamagitan ng ating kapwa, kahit iba-iba ang ating relihiyon? Sa paanong
paraan?

Naisasabuhay ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa


kapwa.

Ikalawang araw
2. Isagawa Natin

a. Pagbati sa mag-aaral.
b. Balik-aral. Itanong :
1. Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?
2. Ano ang pagpagpapahalaga ang iyong natutuhan tungkol sa aralin?
c. Ipaayos ang mga pinaghalo-halong letra, bumuo ng mga salitang may kaugnayan
sa aralin.(Pagiging Matapat, Pagmamahal, Paggalang, Pagrespeto, Pagtulong.)
d. Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral
e. Ibigay ang rubrics para sa gawain.

f. Pangkatin ang mag-aaral sa lima at ipakita sa masining na pamamaraan ang mga


mabubuting ugali bunga ng matibay na pananampalataya sa Diyos.
g. Bigyan sila ng limang minuto para sa preparasyon at karagdagang dalawang
minuto sa presentasyon.

Pangkat Gawain
Unang pangkat Dula-dulaan
Ikalawang pangkat Rap
Ikatlong pangkat Tula
Ikaapat na pangkat Islogan
Ikalimang pangkat Anunsyo
Naisasabuhay ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa
kapwa.

Ikatlong Araw
3. Isapuso Natin
a. Balik-aral sa nakaraang talakayan.
b. Sumulat ng liham Pasasalamat sa Diyos, dahil ginawa Niya tayong isang
mabuting tao.
c. Ipabasa sa mga mag-aaral ang naisulat na liham pasasalamat sa Diyos.
Magkaroon ng malayang talakayan.

Tandaan natin:

Naisasabuhay ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa


kapwa.

C. Pangwakas na Gawain

Ikaapat na Araw
4. Isabuhay Natin

a. Sumulat ng isang ugali na nais mong baguhin sa iyong sarili. Ihulog ito sa
palayok at hayaang unti-unti itong masunog. Ipaliwanag sa dalawang
pangungusap kung bakit ito ang gusto mong baguhin sa iyong sarili. (Gawin sa
labas ng silid-aralan)
b. Pagpoproseso ng mga kasagutan ng mga mag-aaral

Naisasabuhay ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa


kapwa.
Batas Kontra Droga
Ikalimang Araw
IV. Pagtataya
5. Subukin Natin
Sumulat ng isang maikling sanaysay.
Paano mo napauunlad ang iyong pagkatao sa pamamagitan ng iyong
pananampalataya sa Diyos?

V. Takdang -aralin
Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagiging isang mabuting tao.

Repleksiyon:

(Paalala sa guro: Maaaring itala ng guro ang repleksiyon pagkatapos ng aralin.


Halimbawa ng closure:

Pagbati! Natapos mong muli ang isang aralin. Naniniwala akong kaya mong
mapaunlad ang iyong pagkatao sa pamamagitan ng iyong pananampalataya sa Diyos.
Ipagpatuloy mo ang mabuting gawain ito. Pagpalain ka ng Diyos!

Ginawa at Isinumite nina:

MA. CECILIA T. CAJAYON – NCR, SAN JUAN

JORGE M. VILLAREAL – REGION V, SORSOGON CITY

ALVIN T. ROSARE – REGION V, SORSOGON

GEORGE P. ACUÑA – REGION III, ZAMBALES

JOSE ANGELO AQUINO – REGION V, CATANDUANES

MA. GRACE V. LODRONIO – REGION V, SORSOGON

FELICES P. TAGLE – NCR, LAS PIÑAS

MYLINE C. TUVILLEJA – NCR, MUNTINLUPA

JACQUELINE C. TUAZON – REGION III, BATAAN

MARJORRIE S. LAZATIN – REGION III, CABANATUAN CITY

JACQUELINE T. ROXAS – NCR, MANILA

JESSCELYN L. BILLONES – REGION V, MASBATE.

You might also like