You are on page 1of 16

ISANG DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 11

I. MGA LAYUNIN

Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. natutukoy ang kaibahan ng katotohanan at opinyon sa pamamagitan ng mga


panandang ginagamit sa mga ito

2. nakapagbibigay ng sariling saloobin patungkol sa kahalagahan ng katotohanan at


opinyon sa panahong ito

3. nakalilikha ng malikhaing pagtatanghal sa pamamagitan maikling dula-dulaan


patungkol sa katotohanan at opinyon

II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa: Pagkilala sa Katotohanan at Opinyon

B. Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik,


pahina 10-13

C. Kagamitan: Proyektor, biswal (canva), karton, wooden stick, laptop, speaker

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

1. Pagbati

Kumusta naman ang pogi at magaganda


kong mag-aaral mula sa Grade 11- Humss

Mabuti naman po Sir!

Nais ko lamang kayong batiin ng


Magandang umaga

Magandang umaga rin po Sir!

2.Panalangin

Bago tayo magsimula tayo muna ay


manalangin, magsipagtayo ang lahat 11-
Humss. Maari mo ba kaming pangunahan
sa panalangin, Simon.

Panginoon maraming salamat po sa araw


na ibinigay Niyo po sa amin. Gabayan
Niyo po si sir sa kanyang pagtuturo at
bigyan Niyo po kami ng katalinuhan at
galing upang makasagot kami sa mga
tanong na itatanong po sa amin. Ito
lamang po ang aming dalangin sa
pangalan ni Hesus, Amen

Maraming Salamat, Simon


Ayan 11-Humss , maari bang pakipulot ng
mga kalat sa ilalim ng inyong upuan malaki
man o maliit. Pagkatapos ay maari ng
umupo nang tahimik

3. Pagtatala ng mga lumiban sa klase

Maari ko bang malaman kung sino-sino


ang mga lumiban ngayon klase,
Francesca?

Wala pong absent ngayong araw Sir!

Salamat, Franchesca

Magaling, dahil diyan maari niyo bang


palakpakan ang inyong mga sarili

(papalakpak ang mga mag-aaral)

4.Pagbabalik-Aral

Kahapon 11-Humss ay ating tinalakay ang


mga uri ng tunggalian, ano kaya ang
natatandaan o naaalala mo sa aralin natin
kahapon, Myka?

Sir ito po ay may dalawang uri ang una ay


Panloob na tunggalian at ikalawa nama’y
Panlabas na tunggalian.

Mahusay! Myka

Magbigay nga ng halimbawa ng panloob


na tunggalian, Chaz?

Sir, Tao laban sa sarili

Maari mo bang ipaliwanag kung ano ito


Chaz?
Ibigsabihin po nito sir kalaban po mismo
ng pangunahing tauhan ang kanayang
sarili.
Magaling! Chaz bigyan nga natin ng
dalawang palakpak si chaz

(papalakpak ng dalawa ang mga mag-


aaral)

Ano naman ang halimbawa kapag


panlabas na tunggalian? Maevelyn?

Sir, Tao laban sa tao po

Ano naman ito Maevelyn?

Sir para po itong bida vs. kontabida,


napapanood ko ito sir sa mga palabas sa
tv.

Mahusay! Maevelyn

Tunay ngang naunawaan niyo na ang


ating aralin kahapon at ngayon ay dadako
na tayo sa bagong aralin. Handa na ba
kayo 11-Charity?

Opo Sir!

B. PAGGANYAK

Sa umagang ito para sa ating pasimulang


gawain, susubukin natin ang inyong mga
kahusayan pagdating sa pagtingin kung
ano ang katotohanan at opinyon

Ang ating panimulang gawain ay

Magpapakita ako ng mga pahayag o


statement na napapanahon sa social
media, sino rito ang gumagamit ng social
media?

(tataas ang mga kamay ng mga mag-


aaral)

Handa na ba ang 11-Humss?


Opo sir!

Pero may twist ang ating panimulang


gawain, itataas niyo ang mukha ni Jam
Magno kung ang pahayag ay base sa
katotohanan

Kilala niyo ba si Jam Magno 11-Humms?

Opo sir yung sa Tiktok, yung mahilig mag-


english

Kapag ang pahayag o statement naman ay


“opinyon” itataas niyo naman ang mukha ni
Rendon Labador

Kilala niyo ba si Rendon 11-Humss

Opo sir siya yung mahilig magbigay ng


opinyon siya sa Facebook

Ngayon ay ipapamigay ko na yung mga


piktyur kard sa buong klase
(Kukuha ang bawat mag-aaral ng piktyur
kard)

Ang unang kategorya sa ay si Pangulong


Bongbong Marcos

Para sa unang pahayag patungkol kay


Pangulong Bongbong Marcos

Ito ba ay Opinyon o Katotohanan


(tataas ang piktyur kard ng mga mag-
aaral)

Ang Tamang sagot ay


(sabay-sabay na sasagot ang mga mag-
aaral)

Mahusay!

Sunod naman na pahayag ay

Ito ba ay Opinyon o Katotohanan?


(tataas ang piktyur kard ng mga mag-
aaral)

Ang pahayag ay isang

(sabay-sabay na sasagot ang mga mag-


aaral)

Tumpak! 11-Humms

Sunod naman na pahayag ay

Ito ba ay Opinyon o Katotohanan?

(tataas ang piktyur kard ng mga mag-


aaral)

Ang pahayay ay isang

(sabay-sabay na sasagot ang mga mag-


aaral)
Mahusay! 11- Humsss

Ang sunod naman na pahayag ay

Ito ba ay Opinyon o Katotohanan?

(tataas ang piktyur kard ng mga mag-


aaral)

Ang pahayay ay isang

(sabay-sabay na sasagot ang mga mag-


aaral)

Para naman sa susunod na kategorya, ang


ating Pangalawang Panguno naman na si
Sara Duterte

Ang susunod na pahayag ay

Ito ba ay Katotohanan o Opinyon?

(tataas ang piktyur kard ng mga mag-


aaral)

Ang pahayag ay isang

(sabay-sabay na sasagot ang mga mag-


aaral)
Ang susunod na pahayag ay

Ito ba ay Katotohanan o Opinyon?

(tataas ang piktyur kard ng mga mag-


aaral)

Ang pahayag ay isang

(sabay-sabay na sasagot ang mga mag-


aaral)

Mahusay 11- Humms kahit na hindi ko na


siguro ituro ang aralin na ito ay alam na
alam niyo na. Palakpakan niyo nga ang
inyong sarili 11-Humms

(papalakpak ang mga mag-aaral)


C. PAGLALAHAD
Napakahusay niyo naman sumagot 11-
humss, base sa ginawa natin sa
pasimulang gawain o sa ginawa natin may
ideya na ba kayo kung ano ang ating
magiging aralin sa umagang ito?

Opo Sir

Ano ang iyong ideya Roger?

Sir patungkol po sa pag-oobserba sa


paligid

Salamat, Roger malapit-lapit na


Ikaw naman Brad may ideya kaba?

Opo sir patungkol po ito sa katotohanan at


opinyon

Magaling! Brad

Ang paksang ating tatalakayin sa umagang


ito ay patungkol sa pagkilala sa
katotohanan at opinyon

D. PAGTATALAKAY SA PAKSA

Sa pagtatapos ng ating talakayan ang


bawat isa sa inyo ay inaasahang

Pakibasa nga ng malakas at malinaw ang


ating mga layunin, Anabelle

1. matukoy ang kaibahan ng katotohanan


at opinyon sa pamamagitan ng mga
panandang ginagamit sa mga ito

2. makapagbigay ng sariling saloobin


patungkol sa kahalagahan ng
katotohanan at opinyon sa panahong ito

3. makalikha ng malikhaing pagtatanghal


sa pamamagitan maikling dula-dulaan
patungkol sa katotohanan at opinyon

Salamat Anabelle

Magsimula na tayo sa pagtatalakay sa


pagkilala sa katotohanan at opinyon
Maari mo bang basahin ang kahulugan ng
katotohanan, Erika

(babasahin ni Erika ang kahulugan ng


katotohanan sa proyektor)

Salamat! Erika

Ang Katotohanan ay isang pahayag na


nagsasad ng ideya o pangyayaring
napatunayan at tanggap ng lahat na totoo
at hindi mapapasubalian kahit sa ibang
lugar. Hindi ito nagbabago at maaring i-
verify ang pagkamakatotohanan nito sa
sanggunian tulad ng mga babasahin at
mga taong nakasaksi nito.

Sa maikling pagpapaliwanag 11-Humss ito


raw napatunayan na at hindi lang basta
napatunayan kundi may sanggunian. Hindi
lang ito nakabase sa sinasabi ng ibang tao
base sa kanilang nararamdam o sariling
opinyon. May pananaliksik ng naganap.

Malinaw ba 11-Humms?

Paano naman natin malalaman kung totoo


ang isang pahayag?

Shane may ideya ka ba?

Sir kapag legit yung kinuhanan tapos base


sa pananaliksik

Magaling, Shane at isa pa 11-Humms para


malaman natin kung ang isang pahayag ba
ay base sa katotohanan ay may mga
pananda tayo na p’wedeng gamitin ito ay
mga sumusunod:
 Pinatutunayan ni

 Mula kay

 Tinutukoy sa/ ni

 Mababasa na

 Batay sa resulta

 Sang-ayon sa

 Mababasa sa

May mga halimbawa ako na ibibigay.

1. Batay sa tala ng Department of


Education, unti-unti ng nababawasang ang
mga out-of-school youth.

Ano kaya ang panandang ginamit sa


pahayag kung bakit ito ay naging
halimbawa ng katotohanan? Rosie
Sir yung “batay po”

Mahusay! Rosie at mayroon ding pag-aaral


ang ginawa ng Department of Education
upang makuha ang resulta.

Kahit na walang pananda may mga


pahayag pa rin na base sa katotohanan
halimbawa

2. Si Jose Rizal ay ang ating Pambansang


Bayani

Bakit sa tingin natin katotohanan pa rin ito


kahit walang pananda, Willa
Sir kasi po malaki ang konribusyon ni Jose
Rizal sa kasaysayan at ito ay patuloy na
kinikilala.

Magaling! Willa

Maari mo bang basahin ang kahulugan ng


opinyon Chery?

(babasahin ni Chery ang kahulugan ng


opinyon sa proyektor)
Ito raw ay isang pananaw ng isang tao o
pangkat na maaaring totoo pero p’wedeng
pasubalian ng iba. Ito rin ay isang
paniniwala na mas malakas pa sa
impresyon, mas mahina sa positibong
kaalaman na batay sa obserbasyon at
eksperimento

Sa madaling salita nakabase lang ito sa


sariling pananaw ng isang tao o pangkat
ng mga tao. Maaring ito ay galing sa
obserbasyon lamang o impresyon ng isang
tao.

Malinaw ba Grade 11-Humms?

Opo sir!

May mga pananda rin tayong ginagamit


para matukoy kung ang isang pahayag ay
opinyon lang, ito ay ang mga sumusunod:

 Sa aking palagay

 Sa tingin ko

 Sa nakikita ko

 Sa pakiwari ko

 Kung ako ang tatanungin

 Sa ganang akin

Halimbawa ng pahayag na opinyon ay

1. Para sa akin, si Jomarie ang


pinakamaganda sa lahat.

Bakit kaya ito ay isang opinyon lang Kurt?

Sir Kasi po gumamit ng panandang “para


sa akin” at tsaka base lang naman kay
Jomarie sir, feeling niya po siguro
maganda siya.

Mahusay! Kurt

Ikalawang halimbawa
2. Ang tsokolate ang pinakamasarap
dessert sa lahat.

Kahit walang panandang nakalagay ang


ay mananatiling opinyon sapagkat base
lang ito sa opinyon o oberbasyon. Maaring
sa kanya ang tsokalate ang
pinakamasarap sa iba naman ay hindi.

Nauunawaan ba ang ating aralin 11-


Humms?
Opo Sir!

E. PAGLALAHAT

Alam kong lubos niyo ng naunawaan ang


ating aralin sa umagang ito patungkol sa
pagkilala sa katotohanan at opinyon
ngayon nais ko lang kayong tanuning

Sa inyong palagay dapat mahalaga ba ang


pagkilala sa katotohanan at opinyon sa
panahon natin ngayon?

Ikaw nga Maevelyn?

Sir para po sa akin mahalaga ito kasi sa


panahon natin ngayon marami ng
impormasyon sa social media minsan po
fake news.

Magaling! Maeveyn

Ikaw naman Elizabeth?

Sir para po sa akin sobrang halaga kasi


kung hindi po natin alam yung
kahalagahan nung dalawa baka malito po
tayo sa kung anong opinyon at
katotohanan.
Salamat Elizabeth sa napakagandang
sagot

Apakahusay niyo naman 11-Humms maari


niyo bang palakpakan ang inyong mga
sarili sa matagumpay na talakayan.

(papalakpak ang mga mag-aaral)

F. PAGLALAPAT

Panuto: Hahatiin ko ang buong klase sa


apat na pagkat o grupo. Ang bawat grupo
ay kinakailangang maghanda ng
malikhaing dula-dulaan patungkol sa
pagkilala sa katotohanan at opinyon. 3
minuto lamang ang kailangan kainin ng
bawat grupo sa gagawing dula-dulaan.
Magbilang na mula isa hanggang apat.
Ang bawat grupo ay bibigyan ng puntos
base sa pamantayan na aking ginawa.

MGA PUNTOS NATAMONG


BATAYAN PUNTOS
Nilalaman 10
Presentayos 10
Kaayusan 10
Kabuuan=

Bibigyan ko kayo ng 5 minuto upang


maghanda ng dula-dulaan

(maghahanda ang mga mag-aaral sa dula-


dulaan sa loob ng limang minuto)

(nagtatanghal na ang bawat grupo)

Mahusay ang bawat isa, tunay nga na


mahusay ang 11-Humms naipakita ninyo
sa inyong dula-dulaan kung gaano
kahalaga ang pagkilala sa opinyon at
katotohanan. Iba’t ibang kaganapan ang
inyong ipinakita ngunit iisa lang ang nais
iparating ng bawat grupo.

Ang unang grupo ay bibigyan ko ng 28 na


puntos. Ang ikalawang grupo ay bibigyan
ko rin ng 28 na puntos. Ikatlong grupo
naman ay bibigyan ko ng 29 na puntos.
Ang pang-apat na grupo ay 30 na puntos.
Maari niyo bang palakpakan ang inyong
mga sarili 11-Humms. Mahusay!

(papalakpak ang mga mag-aaral at


masaya sa dula-dulaan)

IV. PAGTATAYA

Panuto: Maglabas ng 1/4 na papel para sa ating maikling pagsusulit. P’wedeng may
bura kasi lahat naman ay nararapat makatanggap ng pangalawang pagkakataon.
Bahala ka rin kung gusto mo MALALAKING LETRA, kung ayan ang magpapasaya sayo.

Tukuyin kung ang pahayag ay katotohanan o opinyon. Isulat ang K kung ang pahayag
ay base sa katotohanan at O kung ito naman ay opinyon.

1. Mahalaga ang tiwala sa isa’t isa sapagkat nagpapatibay ito ng relasyon.

2. Ayon sa opisyal na datos ng PSA umabot ng 2.4 milyon ang bilang ng mga OFW na
nagtatrabaho sa ibang bansa.

3. Sa aking palagay mas mainam ang gamot mula sa China kaysa sa Amerika

4. Mula sa eksperto ang pananatili sa loob ng tahanan ay makakaiwas na mahawaan


ng sakit na Covid-19

5. Si Maria Rivera ang pinakamagandang babae sa buong mundo.

B. Tukuyin kung ang panandang ginamit ay mula sa Katotohanan o Opinyon

6. Sa pakiwari ko

7. Mababasa sa

8. Tinutukoy sa

9. Sa ganang akin

10. Kung ako ang tatanungin

MGA SAGOT:

1O

2K

3O

4K

5O

6 OPINYON

7 KATOTOHANAN

8 KATOTOHANAN

9 OPINYON

10 OPINYON
V.KASUNDUAN

Panuto: Isulat sa kwaderno ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong, siguraduhin
ang angkop ang hahanaping impormasyon at huwag kalimutan ang sanggunian ng
pinagkuhanan ng impormasyon.

1. Ano ang infographics? Bigyan ng malawak na pagpapakahulugan

2. Magbigay ng halimbawa ng infographics.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon at partisipasyon Grade 11- Humms, sa


susunod na talakayan ay ating titignan kung tama ba ang inyong mga nasaliksik at
nabasa. Hanggang sa muli, huwag pabayaan ang sarili mag self-love muna kayo at
pokus lang sa pag-aaral. Salamat ulit 11-Humss.

Inihanda ni:

Jomarie V. Paule

You might also like