You are on page 1of 7

Homogeneous Na Wika

Dahil sa pagkakahati sa pulo ng ating lugar na kinasasakupan tayo ay nagkaroon ng ibat-ibang uri
o baryasyon ng wika. Iisang bansaman ang ating ginagalawan, tayo ay nahahati o nauuri pa rin ayon sa
wikangating ginagamit.

Maraming lahi din ang sumakop sa atin na nakapagbigay ng impluwensiya sa uri ng ating
pananalita, dagdag ang pagpapapalit- palit nghenerasyon sa ating lipunan, mga aspetong nagbigay ng
dahilan ng pagkakaroon ng barayti ng wika.

Kahulugan ng Homogeneous na Wika

Sa paglipas ng panahon maraming uri ng salita ang nabuo at patuloy na ginagamit ng mga tao
ngayon. May mga salitang ibat-iba angbaybay, ngunit sa pangkalahatan ay iisa lamang ang tinutumbok
na kahulugan. Ito ang uri ng mga wikana kung tawagin ay “Homogeneous”. Mula sa isang pang-uri na
salita na ang ibigsabihin ay pare-pareho o pagkakatulad.

Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan ng pagbabaybay at


intonasyon o aksent sa pagbibigkas itoay nagkakaroon ng ibang kahulugan.

Sa Heterogenous naman ay nauuri ang mga wika sa ibat ibang baryasyon o barayti. May mga
aspetong sumasaklaw sa pagkakaiba-ibanito, gaya ng heograpiya, kasarian, edad, grupo, antasng
pamumuhay at uri ng sosyodad na ginagalawan ng nagsasalita.Maihahanay din sa Heterogenous ang
mga salitang di pormal at mga naimbento lamang ng mga ibat- ibang grupo sa ating lipunan. Ito ay mga
salitang ginagamit sa iba’t-ibang pamamaraan at istilo pero ang kahulugan ay iisa din lamang. Andiyan
ang mga salitang nabuosa mga kalye o mga pabalbal na uri ng mga salita.

Gaya ng tinatawag na gay linggo o salita ng mga bakla, ang tawag nila sa ama nila ay fudra o
fader, mudra, maderaka o mama namansa kanilang ina. Magkakaibang bansag, magkakaibang baybay,
magkakaibang tunog ngunit iisa rin ang ibig sabihin, ina at ama.

Kadalasang nagdudulot ng kalituhan ang Homogeneous at Heterogeneous na wika. Halimbawa


nito ay ang di pagkakaintindihan ng indibidwal na may kanya-kanyang uri ng dayalektong ginagamit. Sa
salitang Ilocano ang ibig sabihin ng daga ay lupa, at sa salitangtagalog naman ay isang uri ng hayop. Ang
mga simpleng halimbawang ito ay nagdudulot nang malaking kalituhan, na minsan ayumaabot sa
diskusyon at away.

Dahil sa ganitong mga hindi pagkakaunawaan naisipan ng noo’y Presidente na si Manuel Luis
Quezon na bumuo o lumikha ng isang wikang pambansa, isang komon na wika kung saan tayo ay
makakapag intindihan, at ito ay ang wikang Filipino na siyang ginagamitnatin ngayon.

Heterogeneous Na Wika

Sa buong daigdig, isa ang Pilipinassa may pinakamaraming wika. May kabuuang 175 na wika ang
ating bansa. Isang daan at pitompu’t isa dito ay ginagamit pa at ang apat naman ay lumipas na o hindi na
ginagamit ng mga Pilipino.
Sa kadahilanang ang Pilipinas ay isang kapuluan, ang mga Pilipino ay nahahati rin sa ibat-ibang
grupo, na may ibat-ibang uri ngdayalektong gamit. Ganun pa man tayo ay pinagbubuklod pa rin ng iisang
pangunahing wika – ang wikang Filipino.

Kahulugan ng Heterogeneous na Wika

Dahil sa masusing pag-aaral at pananaliksik tungkol sa sosyolohikal at linggwistika, nabuo ang


teorya ng sosyolinggwistik. Ito angnaging batayan ng mga linggwistiko para magkaroon ng
heterogeneous na wika. Ang heterogeneous ay isang pang-uri na salita. Mulasa salitang heterous
(magkaiba) at genos (uri/lahi) nabuo ang heterogeneous.

Dahil sa pagkakaiba ng mga indibidwal at grupo ng tao, ayon sa lipunan na kanyang


ginagalawan, antas ng pamumuhay, edad, lebel ngedukasyon na natamasa at interes sa buhay,
nagkaroon ng ibat-ibang barayti ang ating wika. Una ay ang permanenteng barayti kungsaan ay
nakasama dito ang mga idyolek at dayalektong uri ng wika.

Ito ay ang mga uri ng wikang karaniwang ginagamit sa pakikipag-interaksyon sa araw-araw.


Bawat rehiyono lugar ay may partikularna dayalektong ginagamit.

Ang susunod naman ay ang pansamantalang barayti. Kinabibilangan ito ng mga salitang may
pagkapare-pareho ng baybay peromagkakaiba ang kahulugan ayon sa aspeto ng pag-gamit dito.

Halimbawa ay ang pag-gamit ng salitang heneral at general na kung saan ito ay tumutukoy sa
dalawang kahulugan: military atpangkalahatan. Kasama pa sa ibang barayti ng wika ay pidgin, creole,
ekolek, sosyolek, etnolek at register.

Halimbawa dito ay ang mga salitang jejemon, coño, mga salitang pabaliktad ang baybay
(halimbawa: erap-pare), mga lenggwahe ngmga grupo ng mga bakla (halimbawa: shinits itey?-sino ito?)
at iba pa na uri ng mga salita na lumalabas sa makabagong panahon athenerasyon.

Antas Ng Wika

Ang tao ay nilalang na may pinakamataas na antas ng kaanyuang pisikal at intelektwal. Dahil dito
tayo rin ay nabiyayaangng kakayahanna makapag-pahiwatig ng ating mga saloobin gamit ang sari-saring
uri ng wika.

Wika na daan sa pagkakaisa, pakikisalamuha, pakikipagtalastasan at higit sa lahat, paglilinang ng


katalinuhan ng buong sangkatauhan.

Ang bawat indibidwal ay nabibilang sa iba’t-ibang uri ng antas sa lipunang kanyang ginagalawan.
Tandaan na walang parehongindibidwal ang mayroong eksakto o parehong uri o istilo ng pananalita.
Nababatay ang pagkakaiba sa antas sa mga sumusunod na aspeto:

1. Katayuan o estado sa buhay

2. Edad

3. Kasarian

4. Grupo o pangkat etniko na kanyang kinabibilangan


5. Antas ng natapos

6. Kasalukuyang propesyon

7. Pagiging dayuhan o local

Impormal na Wika

Mula sa pagsilang ng isang tao mayroon na tayong mga unang salita na natututunan. Nauuri ang
mga salitang ito bilang mga impormalna wika. Ang impormal na wika ay kinabibilangan ng mga salita na
karaniwang ginagamit na pang araw-araw.Mga wika na kadalasan nating naririnig at ginagamit sa loob
ng bawat tahanan. Impormal ang tawag natin sa mga salitang ito dahilhindi kailangan na pumasok sa
isang paaralan para ito ay matutuhan.

Lalawiganin

Naayon ang wika na ginagamit ng isang indibidwal depende sa lugar na kanyang tinitirahan. Ang
bawat probinsiya o rehiyon ay maysariling wika o lenggwahe na kanilang gingamit. Lalawiganin ang
tawag sa mga salitang ito. Sa pamamagitan ng mga wikanglalawigan,ang bawat indibidwal na
gumagamit nito ay nagkakaroon ng sariling tatak o pagkakakilanlan saan man dako sila mapadpad.

Gamit ng Lalawiganin na Wika

Kadalasang may ibang tono o punto ang istilo ng pananalita ng mga tao sa lalawigan o
probinsiya. Ang bawat wikang lalawiganinay may magkakaibang punto bigkas. Ito ang kanilang mga
natatanging karakter na sadyang mahirap gayahin kung hindi ka taal sa isang lugar.

Halimbawa dito ay ang pagsasalita ng mga Ilonggo. Sadya silang malambing ang mga Ilonggo at
halos hindi mo alam kung sila ay galito naglalambing pa rin.

Andiyan rin ang mga taga Pangasinan. Pang galatok ang kanilang lenggwahe. Aakalain mo na
para silang mga ibonkung magsalitadahil sa kanilang mabilis at madiin na pamamaraan ng pananalita.
Kapag sila ay nagkukwentuhan akala mo sila ay nag-aaway lagi.

Halimbawa ng Lalawiganin na Wika

 Aahon ka ba?– Gamit ng mga Taga-Nueva Ecija tuwing magtatanong kung aakyat ba ng
isang mataas na lugar (Halimbawa:Baguio at Tagaytay)
 Buang! –Madalas itong marinig sa telebisyon at sa radio ngayon dahil sa madalas na
pagbanggit nito ng ating Presidente.Ang ibig sabihin ng buang at baliw. Ito ay ginagamit
madalas ng mga Bisaya.

Balbal at Kolokyal

Mula sa mga wikang panlalawigan na sariling gamit, ang mga indibidwal ay natuto at gumgamit
rin ng mga wilkang kolokyal at balbal.Ang mga wikang ito ay karaniwan na gingamit pang araw-araw ng
mga ordinaryong indibidwal.
Ito ay kadalasang naririnig lalo na sa mga makabagong milenyal ng ating panahon. Sa mga
matatanda sa lipunan, hindi masyadong tanggap ang ganitong uri ng mga salita dahil brutal at mayroong
mga magaspang na kahulugan ang mga wikang kolokyal at balbal.

Gamit ng Balbal at Kolokyal

Sa mga kabataan lalo na yong mga tambay sa kanto, mabenta sa kanila ang mga salitang balbal
at kolokyal. Sila-sila na rin mismoang mga nag-iimbento ng bawat wika na kanilang mga ginagamit.
Salitang kanto kung tawagin ito ng ilan.

Hindi man ito makikita sa ating mga diksionaryo ay sikat ito at patuloy na ginagamit sa
sirkulasyon ng mga kabataan pati na rin mgaiba pang mga tumatamambay sa kanto. Ang kanilang
prinsipiyo sa, buhay ay hindi sila “in” o kabilang sa grupo kapag hindi sila marunong gumamit ng kanilang
mga wika.

Halimbawa ng mga Salitang Balbal at Kolokyal na Ginagamit ng Milenyals

Noong mga naunang mga dekada, nauso ang pagbabaligtad nila ng mga salita tulad na lamang
ng erpats at ermats na ibigsabhin at tatay at nanay. Ngayon, nakikita ang pagbabalik ng ganitong estilo
ng mga pananalita tulad na lamang sa mga pauso sa telebisyon na “Lodi” at “Werpa”.

Buhat ng pag-usbong na pagbabaliktad ng mga salita, naririning ulit ang mga sumusunod :

 Erap o repapeps para sa salitang pare


 Tomguts kapag gutom naman
 Sugbo o “solve na” ang tawag naman nila pag busog na

Napakaarami pang mga ibang balbal na salita na minsan ay nakakainis at mahirap intindihin
pero sa kalaunan ay nagiging bahagi na rinng ating mga pananalita mapabata, matanda, babae man o
lalaki.

Halimbawa ng mga Salitang Balbal at Kolokyal na Ginagamit ng Bakla

Ang gay lingo, at ang mga salitang konyo ay karaniwan rin nating naririrnig lalo na sa mga grupo
ng mga bakla. Nauuri angpananalita ng gay lingo ayon sa antas ng buhay na kanilang kinalakihan at
kinabibilangan.

Mayroong mga gay lingo na talagang magaspang at brutal at mayroon namang mga medyo
sosyal. Maging sa istilo ng kanilangpagbigkas ng mga gay lingo, iba ang mga pangmahirap at iba rin ang
gamit ng mga mayroong kaya sa buhay.

Ang mga ibang gay lingo na wika ay may halo pang mga banyagang salita at mga karakter para
lamang maiba ang dating ng kanilangmga salita.

 “Chaka chaka ng junakis mo.” – ang ibig sabihin nito ay ang pangit naman ng anak mo.
 “Naku baka ma Miss Colombia ka,” – Naalala mo pa ba ang pangyayari noong Miss
Universe 2015, kung saan nagkamalingkinoronahan si Miss Colombia? Buhat noon ay
nauso ang kasabihan na ito. Ang ibig sabihin ay baka magaya ka kay Miss Colombiana
umuasa sa wala.

Halimbawa ng mga Salitang Balbal at Kolokyal na Ginagamit ng mga High School at Kolehiyala

At sino bang makakalimot sa mga salitang pinaghalong ingles at tagalog. Ang mga salitang ito ay
naimbento ng mga nag-uusbunganggrupo sa ating lipunanan. Karamihan sa mga imbentong salita ng
mga grupong ito ay sumisikat ng matagal habang ang mga iba namanay kusang naglalaho mula sa
kanilang pang araw-araw na sirkulasyon. Halimbawa ng mga salitang ito ay girl, beshie,
momshie,frennies at iba pa.

Mga Ibang Paraan ng Pagbuo ng Wikang Balbal at Kolokyal

Bukod sa pagbabaliktad ng mga salita, marami pang ibang paraan sa pagbuo ng mga salitang
pabalbal. Halimbawa ay ang paghiram ng mga salitang banyaga tulad ng epek na galling sa salitang
“effect” at na-futbol na ibig sabihin ay napaalis o napatalsik.

Isa pang popular na paraan ay ang pagbibigay bagong kahulugan sa mga ordinaryong salita
gamit ang konotasyon tulad ng salitangbuwaya na ginagamit para sa mga taong sakim.

Pormal na Wika

Sa ating paglipat ng lugar na ating ginagalawan at sa pag-angat ng ating mga estado sa buhay
tayo ay natuto ng mas mataas pa naantas ng wika. Ito ay ang tinatawag na pormal na wika. Mga wikang
ginagagamit at kinikilala sa ating alta sosyiodad. Lehitimo kungituring ang mga salitang pormal.

Ginagamit ito sa loob ng mga paaralan, sa opisina, at halos sa lahat ng bahagi at ahensiya ng
ating lipunan. Maging sa paglilimbag ngmga aklat, ito rin ang ating tanging gamit.

Tumataas ang kalidad ng mga wika na ginagamit ng bawat indibidwal naayon na rin sa antas ng
katalinuhan at posisyon sa buhay.Nagiging mapanuri at mapili sila sa mga wika o salita na kanilang
ginagamit. Lalo na yong mga propesyonal at may mga katungkulan sa lipunan.

Ang bawat organisadong grupo ng mga propesyonal ay may kanya-kanyang pormal sa wika na
ginagamit, naayon na rin sa antas ngedukasyon na natapos nila. Halimbawa ay mga doctor mayroon
silang mga pormal na wika na sila lamang ang nakakaintindi atnakakaunawa kung ano ang kahulugan ng
mga ito.

Pambansang Wika/Lingua Franca

Ang bawat bansa ay mayroong sariling wikang pambansa. Ito ay tatak na sumisimbolo at
sumasalamin sa kung anong lahi at bansanabibilang ang isang indibidwal. Ang bansang Pilipinas ay may
pambansang wika– ito ay ang wikang Pilipino.
Bagamat binubuo ang bansang ito ng maraming kapuluan, rehiyon, probinsiya, bayan, siyudad at
mga barangay, lahat ay nagkakaisa parin sa paggamit ng kanilang wikang pambansa.

Sa paglipas ng panahon at pagdaan ng iba’t-ibang salin lahi naging mas produktibo ang paggamit
sa wikang pambansa. Andiyan angpagkakaroon ng mga batas sa ating lipunan, na Pilipino ang dapat
gamitin sa paglimbag ng mga aklat sa halos lahat ng mga asignaturasa paaralan, mapapubliko man o
pribado. Layunin nito na maipreserba ang wikang pambansa at patuloy itong tangkilikin lalo na ng
mgamakabagong henerasyon.

Halimbawa ng Pambansang Wika

Anak, Asawa, Ina, Ama, Sambayanan, Experto, Baliw, Eskwelahan, Pagsusulit,

Pampanitikan

Maging sa larangan ng medya, radio man o telebisyon, wikang pambansa pa rin ang karamihan
sa ginagamit.Sa larangan ng mga sining,sa pinilakang tabing lalo na sa paggawa ng mga kanta hindi rin
mapag-iiwanan ang wikang pambansa. Pilit na itinataguyod ng ating mga mang-aawit ang pagtangkilik sa
“original Pilipino music” o ang OPM.

Gumagamit rin ang mga manunulat ng mga mabubulaklak at mga matatalinhagang mga salita.
Ito ang kanilang mga panghikayat sakanilang mga parokyanos. Ang mga matalinhagang salitaay puno ng
mga misteryo na lalaong nagbibigay ng interes sa mga nakakabasa nito. Kaya sa mga panitikang Pilipino
ito ang kadalasan na nakikita mula sa mga may akda.

Tanyag dito ang mga gawa ni Francisco Baltazar na Florante at Laura. Hindi rin dito pahuhuli ang
limbag na aklat ni Jose Rizal naNoli mi Tangere at El Filibusterismo. Mga aklat na tunay na klasikal at
lalong sumisikat sa pagtagal at paglipas ng panahon. Sa pagtangkilik at paggamit ng sariling pambansang
wika ay napapahalagahan ito, naprepreserba upang hindi ito tuluyang mawala sa sirkulasyon ng
komunikasyon.

Halimbawa ng Pampantikang Wika

 Kabiyak ng aking puso–“Si Teresa ang kabiyak ng akin puso.” Ang ibig sabihin nito ay
kasintahan niya si Teresa.
 Ilaw ng tahanan -“Ang ilaw ng tahanan ang siyang nag-gagabay sa paglaki ng mga
anak.”Ang ilaw at ay tumutukoy sa ina
 Bunga ng aming pagmamahalan“Si Brian ang bunga ng aming pagmamahalang mag-
asawa”. Ang ibig sabihin nito ay anak.
 Mababaw ang luha–Sadyang mababaw ang luha ng akin Ina. Lagi siyang umiiyak kapag
nanonood ng soap opera.” Ang ibig sabihin nito ay madaling umiyak.
 Bukas palad–“Bukas palad kaming tinanggap sa bahay ng mag-asawang doctor noong
bumabagyo.” Ang ibig sabihin ng bukaspalad ay maluwag sa pusong pagtulong.
Sa paghubog ng katalinuhan ng bawat tao, ang wika ang pinakamabisang sandata para hasain
ito. Maging ang mga salat sa paningin ay kayang ipaintindi at makapag-pahayag ng kanilang mga
damdamin sa pamamagitan ng wika.

Kapos man sa salita ay wika pa rin ang gamit sa bawat kumpas gamit ang mga kamay. Ang wika
ay hindi lamang bahagi ng kultura ngisang bansa bagkus ito ay natatanging biyaya sa atin hindi lamang
para sa paglinang ng sangkatauhan ay para sa pagkakaunawaan.

Kasabay ng pagbabago ng antas ng bawat indibidwal ay nagbabago rin ang antas ng wika na
mayroon at ginagamit natin.Malaki angimpluwensiya na ating kapaligiran. Kung ano ang ating naririnig
ay siya ring ating ginagaya. Pormal, inpormal, lalawiganin, kolokyal,balbal, wikang pambansa o anu pa
mang antas ng wika ang mahalaga ay maging mapanuri tayo sa bawat salita na ating binibitawan.

You might also like