You are on page 1of 3

V.

Abolisyon ng Monopolyo

Ang hinaing para sa tuluyang abolisyon ng monopoly ay nagsimula noong 1850s at nagmula sa ibat-
ibang panawagan ng mga mangangalakal at opisyales. Isa sa mga unang nagsulong nito ay ang mga
opisyal ng British Consular na may kaparehong pananaw sa mga Kastilang mangangalakal na hindi pabor
sa restriktibong polisiya ng monopolyo. Panghuli, ay ang mga opisyal mismo na nangangasiwa sa
monopoly na kung saan naunawaan nila na ang abolisyon ay isang mahalagang bahagi para sa radikal na
reforma ng piskal na Sistema ng kolonya. Ang mga argumento na inhain ng mga opisyal para sa
abolisyon ay pawang kakikitaan ng iisang tema ng hinaing sa mga problema sa monopolyo. Ang mga
problemang ito ay siyang pangunahing nagtulak sa kolonya sa tuluyang abolisyon ng monopolyo.

Smuggling

Isa sa mga pangunahing problema na naghatid sa monopolyo sa abolisyon nito ay ang illegal na
pagpupuslit ng mga Tabako na talamak sa Luzon sa pangunguna ng mga infieles at mga propesyonal na
grupo naman sa Visaya. Makikita na ang pagtaas sa demand ng Tabako sa labas ng bansa at ang
mababang kalidad na proprodus sa loob ng bansa ang siyang nagbigay bagong motibasyon sa
kontrabnadong kalakalan. Bagamat iba-iba ang kalidad ng mga kontrabadong Tabako, hindi maikakaila
na mas madali itong mabili sa merkado, ito ay sa kadahilanan na ang mga matataas na kalidad ng Tabako
ay hindi nakakarating pa sa mga ordinaryong tindahan. Gayundin, mas mababa ang presyo nito kumpara
sa presyo na itinakda ng monopolyo. Karagadagan dito, ang problema sa pananalapi ay pumabor sa
kontrabandong kalakalan ng Tabako sa kadahilanang tumatanggap ito ng iba pang produkto bilang
pambayad kumpara sa monopolyo na kinakailangan ng pera.

Habang lumalala ang kaso ng smuggling ay tumataas din ang gastos ng monopolyo para makontrol ito.
Noong 1824, ang kolonya ay nagpadala ng karagdagan suportang militar para sa mga lugar ng
Pangasinan at Ilocos kung saan mataas ang kaso ng smuggling. Noong 1836 naman, ang bilang ng mga
kasundaluhan ay nasa 20 opisyal at 500 sundalo. Resulta nito ay pumalo sa 15,000 hanggang 16,000
pesos ang gastos ng pamahalaan kada taon . Sa kabuuang gastos, pumapalo sa 145,000 pesos ang gastos
ng pamahalaan sa seguridad ng monopolyo ng Tabako, mas mataas kaysa sa monopolyo ng alak na
44,000 at sa mga pabahay na 13,000. Ngunit sa kabilang banda, ang pagdadagdag sa seguridad ng
monopolyo upang makontrol ang illegal na pagpupuslit nito ay hindi nging matagumpay. Lalo lamang
naging problema ito ng pamahalaan matapos ang mga ulat ng pang aabuso ng mga resguardo sa mga
misyonaryo at manlalakbay.

Ang kabiguan ng mga resguardo na kontrolin ang illegal na pagpupuslit ng Tabako at ang pangangailang
upang pataasin ang produksyon ng Tabako ay siyang nagtulak sa pamahalaan upang gumawa ng
kompromiso sa pagpapatupad ng monopolyo. Sa partikular na kaso, ang hakbang sa abolisyon ng
monopolyo ay unti-unti nang naisasaayos.Makikita na sa ikalawang bahagi ng ikalabingsiyam na
daangtaon ang regulasyon sa Tabako ay may pagkakaiba depende sa rehiyon. Sa Visayas, ang mga tao ay
may Kalayaan na magtanim at makipagkalakan ng Tabako, ngunit pinagbabawalan sila ng pamahalaan
magluwas nito palabas ng bansa at kadalasan sila binibiktima ng pagsasamantala ng monopolyo. Habang
sa Luzon naman, ang sapilitang pagtatanim ng Tabako ay ipinatupad ng pamahalaan. Partikular sa mga
lugar ng Cagayan at Isabela kung saan mataas ang demand sa produksyon, ngunit may Karapatan pa din
silang gumagamit ng Tabako, kaiba sa Nueva Ecija kung saan sapilitan silang pinagtatanim at
kinakailangan pa nilang bumili sa pamahalaan ng Tabako para sa kanilang pagkonsumo.
Problema sa Pananalapi

Isa pang problema ang lumutang sa pagtatapos ng monopolyo ng Tabako ay sa aspeto ng pananalapi.
Isang halimbawa nito ay ang nangyari sa Cagayan kung saan sa huling dalawang dekada ng monopolyo
ay nalubog sa pagkakautang ang kolonya at hindi nila nagawang bayaran ang mga magsasaka. Ang
badyet ng kolonya ay lubhang sobrang baba at noong 1863 ay umabot sa punto na nagpalabas sila ng
mga papeletas, o mga sertipiko ng pagkakautang imbis na tseke o aktwal na pera. Ang pagkakautang ng
pamahalaan sa mga magsasaka ay lalong lumala kung saan umabot ito sa 1.6 milyong piso noong 1871
para sa mga taong 1869 at 1870 pa lamang.

Ang kakulangan sa pambayad ng pamahalaan ay nagresulta sa kahirapan ng pamumuhay ng mga tao sa


Cagayan, ngunit mas lubha itong problema ng mga nasa monopolyo ng Tabako sapagkat sa pasahod ng
monopolyo lamang sila umaasa di gaya ng mga magsasaka na maari nilang ikonsumo ang kanilang
sinakang bigas. Sa kaso ng mga magsasaka sa monopolyo, ang pagpapakilala ng mga sertipiko bilang
pambayad ay hudyat ng mas Malaki nilang problema nilang pinansyal. Bilang remedyo, karamihan sa
kanila ay payag ibenta ang mga sertipikong ito sa 20 hanggang 50 porsyento sa tunay na halaga nito.

Ang hinaing sa Kolonyal na Pamahalaan

Ang kalagayan ng mga tao sa ilalim ng monopolyo ang siyang dumagdag sa lumalakas pang sentimyento
sa abolisyon ng monopolyo. Para sa mga Kastilang liberal, ang kita ng monopolyo ay hindi sapat bilang
danyos sa hirap at kawalang katarungan na nararanasan ng mga tao sa ilalim ng patakarang ito. Ang
kaisipang ito ay sumusuporta sa argumento na kung hindi sososlusyunan ng pamahalaan ang problema
sa monopolyo ay maari itong maging mitsa ng paglaban at pag-aalsa ng mga tao sa pamahalaang
kolonya. Bilang patunay dito, ang mga ulat galling sa British Consul ay nagpapakita ng iilang kaso ng pag-
aalsa ng mga indio gaya ng panununog nila sa mga bodega ng Tabako, gayundin ang pagtaas ng tension
sa mga lugar ng Nueva Ecija, Pangasinan, Tayabas at Cavite. Partikular nito ang serye ng pag-atake ng
apatnapung kalalakihan sa hukuman sa Pangasinan,pagkuha sa mga armas ng kapulisan at pagnanakaw
sa simbahan. Gayundin ang pagkidnap ng walong kalalakihan sa gobernadorcillo ng isang bayan sa
Pangasinan. Isa pang halimbawa ng pag-aalsa na may kinalaman sa monopolyo ng Tabako ay ang
nangyari sa Cavite noong 1872, kung saan bagamat nag ugat ito sa hinaing ng mga tao hinggil sa hindi
tamang pagpapasahod at koleksyon ng Tributo, ay binigyan ito ng ibang interpretasyon ng kolonya. Para
sa kanila, isa itong malaking pakikipagsabwatan upang pabagsakin ang pamahalaan ng Espanya. Sinisi ng
mga konserbatibo ang pamamahala ng governor-general na si Carlos Maria Dela Torre, at bilang tugon
dito ay itinuro niya na isa mga naging dahilan ng galit ng mga indio ay ang monopolyo ng Tabako.

Ang pananaw ng mga banyaga patungkol sa monopoly ay pawang negatibo din, isa sila sa mga
nagsusulong sa abolisyon ng monopolyo dahil sa hindi makataong pamamahala nito. Ilan sa mga
banyagang manunulat na nagsulat ng mga aklat ay tahasang diniin na ang monopolyo ay ang
pinakamalalang pinagkukunan ng kita ng pamahalaan at nagdudulot lamang ng pasakit sa mga tao. Ang
negatibong puna ng mga banyaga ay nagbigay takot sa kolonya dahil na din sa hinala nila na maaring
nakikipagsabwatan ang mga ito sa mga lokal upang maglunsad ng pag-aalsa.

Ano pa man ang magpapagaan na sirkumstansya sa kalagayan ng mga tao sa ilalim ng monopolyo ay
hindi nito maalis ang katotohanan na hindi ito naging maayos ang sistema ng pamamahala nito. Ang
mga magsasaka ay pawang galit sa monopolyo, ang mga mamimili ay hindi nasisiyasahan sa produkto at
maski ang kolonya ay hindi masaya sa takbo ng monopolyo. Makikita na nabigo ang kolonya upang
gamitin ang ibat-ibang oportunidad sa industriya ng Tabako sa pagsisimula ng ikalabingsiyam na
daangtaon. Ang digmaang sibil sa Amerika ay nagpahinto sa kalakalan ng Tabako nito, na isang
kakumpitensya ng Europa. Ang pagbubukas ng Suez Canal na siyang nagpalapit sa Pilipinas sa Europeong
Merkado, gayundin ang lugar ng Australia at California ay nagalok na espasyo sa pagpapalawak. Ngunit,
nabigo ang kolonya na tumugon sa mga panibagong hamon na ito. Ang produksyon ay nasa mababang
estado para iluwas palabas ng bansa. Ang mga produkto na isinusubusta ay nasa mababang kalidad at
mataas na halaga kung kaya’t walang kumukha. Ang mga mamimili sa ibat-ibang panig ng mundo ay may
hinaing din sa kalidad ng produkto, ang Tabako na iniluluwas palabas ng bansa ay may mababa ang
kalidad, patunay na hindi maayos ang paggawa nito.

Sa huling bahagi, ang mahalagang usapin ay saan kukuha ng kita ang kolonya pagkatapos ng abolisyon
ng monopolyo.Sa paghahanap ng garantibong kita mula sa monopolyo ay

You might also like