You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF NEGROS ORIENTAL
Siaton 3 District
CAMBONBON NATIONAL HIGH SCHOOL

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Midterm Exam (SY 2022-2023)
Pangalan:_________________________________ Iskor________
Petsa:____________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik na katumbas ng tamang
sagot.

1. Makipagtalo upang mapatunayan ang katotohanan at nang maipahayag at matanggap ng bumabasa ang
katotohanang ito.
A. argumentatib B. impormatib C. persweysib D. naratib
2. Isinasaad ang mga kabatiran nang naaayon sa mga tunay na pangyayari batay sa nasasaklaw na kaalaman ng
tao.
A. Naratib B. Impormatib C. Persweysib D. Prosidyural
3. Mga serye ng impormasyon tungkol sa isang bagay upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta.
A. Argumentatib B. Deskriptib C. Prosidyural D. Impormatib
4. Maaaring magtaglay ng anekdotang naglalarawan ng mga tauhan, eksena at mga detalye ng mga pangyayari.
A. argumentatib B. Impormatib C. Persweysib D. Naratib
5. Maglahad ng mga konsepto, pangyayari, bagay o mga ideyang nanghihikayat sa mambabasa.
A.Persweysib B.deskriptib C. prosidyural D. argumentatib
6. Ang mambabasa ay tila direktang nakasaksi sa mga pangyayaring inilalahad sa pamamagitan ng masining na
paglalarawang ginagamit ng manunulat.
A. naratib B.deskriptib C. prosidyural D. argumentatib
7. Anong uri ng teksto ang naghahatid ng wastong kaalaman?
A. deskriptib B. naratib C. impormatib D. persweysib
8. Anong uri ng teksto na ginagamitan ng masining na paglalarawan ng isang manunulat?
A. persweysib C. prosidyural B. naratib D. deskriptib
9. Ano ang layunin ng tekstong impormatib?
A. madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa.
B. maglarawan ng isang bagay, tao, lugar o pangyayari.
C. manghikayat ng mga mambabasa sa konseptong nais ihayag.
D. maglahad ng mga hakbang kaugnay sa pagsasagawa ng isang bagay
10. Anong uri ng teksto na isinasaad ang kabatiran sa mga tunay napangyayari?
A. naratib B. impormatib C. persweysib D. argumentatib
11. Anong uri ng teksto na sinusunod ang mga paraan sa pagluto ng mgakakanin?
A. naratib B. impormatib C. prosidyural D. persweysib
12. Anong uri ng teksto na nakikipagtalo ng ideya /opinyon upang mapatunayanang katotohanan at nais
ipatanggap sa mga mambabasa?
A. naratib B. impormatib C. persweysib D. argumentatib
13. Alin sa pagpipilian ang gagamitin bilang panghalili sa pangngalang nagamit na sa parehong pangungusap?
A. panghalip B. pandiwa C. pangngalan D. pangatnig
14. Alin dito ang isa sa mga halimbawa ng panghalip?
A. ang B. ito C. sa D. tungkol
15. Alin dito ang panandang kohesyong gramatikal?
A. pangngalan B. pandiwa C. elipsis D. pangatnig
16. Ito ay ginagamit upang makaiwas sa pag-uulit ng pangngalan o salitang ginagamit sa pagpapahayag.
A. pagpapatungkol B. pang-ugnay C. pagpapalit D. kohesyong gramatikal
17. Ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pamalit sa pangngalang nasa unahan.
A. anapora B. ellipsis C. katapora D. pagpapalit
18. Ito ay mga panghalip na matatagpuan sa unahan ng pangngungusap bilang pamalit sa pangngalang nasa
hulihan.
A. anapora B. katapora C. pagpapalit D. ellipsis
19. Anong hakbang na pinaparaanan ng tingin ang kabuuan ng akda bago tuluyang binabasa?
A. ikatlo B. ikalawa C. una D . ikaapat
20. Anong bahagi ng artikulo ang naglalaman ng kabuuan ng akda?
A. panimula B. katawan C. pagganyak D. konklusyon
21. Anong hakbang ang nagsasaad na masukat ang katotohanan ng pahayag?
A. ikatlo B. ikalawa C. una D. ikaapat
22. Anong hakbang ang nagsasaad na mahalagang malaman ang kahulugan ng mga salita o konseptong hindi
pamilyar?
A. ikalawa B. ikatlo C. una D. Ikaapat
23. Sa anong hakbang hinahanap ang palatandaan sa mga pamagat, subtitles,pagkilala o pasasalamat at iba pang
bahagi ng teksto?
A. ikatlo B. ikalawa C. una D. Ikaapat
24. Alin sa mga sumusunod na gabay na katanungan ang makikita sa ikalawang hakbang?
A. Paano nagiging buo ang artikulo?
B. Makabuluhan ba ang teksto?
C. Ano ang pangunahing layunin?
D. Ano ang pananaw ng may-akda?
25. Ano ang tawag sa kaisipang naglalaman ng pinakabuod ng isang teksto?
A. pansuportang ideya B. pantulong na ideya C. payak na ideya D. pangunahing ideya
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF NEGROS ORIENTAL
Siaton 3 District
CAMBONBON NATIONAL HIGH SCHOOL

26. Saan matatagpuan sa loob ng isang teksto ang pamaksang pangungusap?


A. unahan B. gitna C. huli D. lahat ng nabanggit
27. Ano ang tawag sa kapwa paraan ng pagkatuto, komunikasyon at paraan ng pagbabahagi ng impormasyon at
ideya?
A. pagbasa B. pag-unawa C. pagsulat D. pakikinig
28. Ano ang tawag sa emosyong nangingibabaw habang binabasa ang isang akda?
A. tono B. damdamin C. pananaw D. hinuha
29. Alin sa pagpipilian ang tinutukoy na maaaring masaya, malungkot, mapang-inis at iba pa ang isang teksto?
A. pananaw B. damdamin C. tono D. opinyon
30. Ano ang tinutukoy sa estilo ng salitang ginamit, pagkakabuo ng mga pangungusap at paraan ng
presentasyonng teksto?
A. damdamin B. hinuha C. opinyon D. tinig at saloobin
31. Ang pahayag ay may__________ kung nagtataglay ito ng sumusunod na katangian – makatotohanan,
nababakas ang katapatan at binibigyang halaga ang dignidad ng isang tao.
A. bisa B. kalinawan C. kaugnayan D. pahayag
32. Ito ay tumutukoy sa pahayag na angkop sa konteksto at hindi maligoy ang detalye.
A. bisa B. kalinawan C. kaugnayan D. pahayag
33. Ito ay tumutukoy sa pahayag na tuloy-tuloy ang daloy mula simula hanggang dulo.
A. kalinawan B. bisa C. kaugnayan D. pahayag
34. Ito ay tumutukoy sa wastong gamit ng mga salita at angkop na pagkabuo nito sa pangungusap.
A. pahayag B. bisa C. kaugnayan D. kalinawan
35. Ang mabisang _________________ ay dapat nagtataglay ng tatlong pangunahing katangian.
A. pahayag B. bisa C. kaugnayan D. kalinawan
36. Ito ay pagbabahagi ng mga pananaw, mga paniniwala at kaalaman sa pamamagitan ng anyong pasalita o
pasulat.
A. pagbasa B. pagpapahayag C. pagsulat D. paniniwala
37. Ito ay gumagamit ng estilong may-akda-taon sa pagbanggit ng sanggunian.
A. ALA B. CPA C. APA D. MLA
38. Gumamit ng estilong may-akda-pahina sa pagbanggit ng sanggunian.
A. APA B. CPA C. ALA D. MLA
39. Talang pinagsama-sama sa katapusan ng papel.
A. endnotes B. indensyon C. pagbabantas D. sanggunian
40. Ito ang limang espasyo sa kaliwa, sunod ang superscript, sunod ang isang espasyo at kasunod ang mga
impormasyong bibliograpikal.
A. endnotes B. indensyon C. superscript D. pagbabantas
41. Isang nakaangat na numerong Arabiko. Inilalagay ito pagkatapos ng salita, grupo ng salita, pangungusap o
talatang naglalaman ng hinalaw na ideya o nais bigyang-diin.
A. indensyon B. endnotes C. superscript D. pagbabantas
42. Ito ay ang maingat na pagkilala sa mga hiram na ideya sa pamamagitan ng talataba o mga talata, talang,
parentetikal, bibliograpiya at listahan ng mga sanggunian.
A. pagbabantas B. sanggunian C. talababa D. dokumentasyon
43. Ano ang kahulugan ng reaksyong papel?
A. paglalahad ng makatarungan, patas sa mga sitwasyong may kinalaman
sa mga tao, bagay, pook at mga pangyayari
B. isang panunuring papel
C. paglalarawan ng isang bagay, tao, pook at pangyayari
D. pagpapabatid ng isang pangyayari
44. Ilan ang bahagi ng reaksyong papel?
A. tatlo B. apat C. lima D. anim
45. Ano ang nilalaman ng panimula ng reaksyong papel?
A. nagsasaad ng pangunahing kaisipan
B. maikling pahayag ngunit naglalaman ng mga detalyadongImpormasyon
C. mga kaisipang pumupukaw sa interes ng mga mambabasa
D. naglalahad ng mga pansuportang kaisipan
46. Ano ang nilalaman ng kongklusyon ng reaksyong papel?
A. nailalahad ang pansuportang ideya ng papel
B. nakasaad dito ang sariling kaisipan ukol sa mga pangunahing ideyang papel
C. nailalarawan ang laman ng reaksyong papel
D. naglalaman ng impormasyon ukol sa mga pangunahing ideya na nasaad sa reaksyong papel
47. Ilang pangungusap ang dapat ilagay mula sa orihinal na papel na pinagaaralan ang panimula?
A. tatlo hanggang limang pangungusap
B. tatlong pangungusap lamang
C. limang pangungusap lamang
D. dalawang pangungusap lamang
48. Nakasaad dito ang iyong mga sariling kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-
aaralan.
A. Ang introduksyon o panimula B. Ang katawan
C. Ang kongklusyon D. Ang pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon

God Bless!!
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF NEGROS ORIENTAL
Siaton 3 District
CAMBONBON NATIONAL HIGH SCHOOL

-ksl-

You might also like