You are on page 1of 5

NARINIG PO NATIN ANG ATING MGA PAGBASA AT ITO PO AY MGA

PAALALA TUNGKOL SA PANALANGIN.


ANO PO YUNG NAIS ITURO NG MGA PAGBASA TUNGKOL SA
PANALANGIN.
UNA, LAYUNIN NG PANALANGIN NA TAYO AY BAGUHIN. SA
PANALANGIN HINDI ANG DIOS ANG BINABAGO NATIN. MINSAN
PO KASI AKALA NATIN ANG LAYUNIN NG PRAYER AY
KUMBINSIHIN ANG DIOS…PARA BAGUHIN ANG PLANO AT
DESISYON NG DIOS.
MINSAN AY NANAWAY PO SI HESUS DAHIL MAY MGA
NAGDARASAL NA GUMAGAMIT NG MARAMING MGA SALITA. SABI
NYA, ANG LAYUNIN NG PANALANGIN AY HINDI PARA BAGUHIN
ANG DIOS, HINDI PARA BAGUHIN ANG PUSO NG DIOS, HINDI
PARA BAGUHIN ANG ISIP NG DIOS.
SA PRAYER TAYO DAPAT ANG NABABAGO. MAGANDA PO YUNG
ISANG PREPASYO SA MISA.
“FATHER YOU HAVE NO NEED OF OUR PRAISE. YET OUR DESIRE
TO THANK YOU IS ITSELF YOUR GIFT. OUR PRAYER OF
THANKSGIVING ADDS NOTHING TO YOUR GREATNESS BUT MAKES
US GROW IN YOUR GRACE.”
YUNG PRAYER PO NATIN HINDI NAKAKADAGDAG SA PAG KA DIOS
NG DIOS….SA KADAKILAAN NG DIOS…KABANALAN NG DIOS.
PARA SAAN ANG PRAYER? PARA SA ATIN. PARA TAYO AY
LUMAGO. WHEN GOD TOUCHES US WE ARE CHANGED. WE ARE
TRANSFORMED IN PRAYER. IN PRAYER WE DO NOT DEAL WITH
THE GOD WHOSE MIND AND WHOSE HEART WE CHANGE. IN
PRAYER, IT IS US, WHO MUST BE CHANGED.
BUBUKSAN NATIN ANG ATING MGA SARILI PARA BAGUHIN NG
DIOS. BINABAGO NG DIOS ANG ATING MGA PINA PAHALAGAHAN,
HINAYAAN NATIN NA BAGUHIN NG DIOS ANG ATING PAG-
UUGALI.
KAYA PO NARINIG NATIN SA IKA- 2 PAGBASA, YUNG BUNGA NG
ENCOUNTER NATIN SA DIOS SA BANAL NA KASULATAN AY
KABUTIHAN, NAGIGING MABUTING TAO KAPAG TAYO AY
BUMABABAD SA DIOS SA PRAYER.
RETREAT MASTER, ANG DASAL PARA KA LANG NAG MAMARINADE
KA PORK CHOP (ADLIB)…YUNG PORKCHOP KAPAG MAS MATAGAL
NAKA BABAD MAS LALASA ANG TIMPLA…SABI NYA GANYAN DIN
SA DASAL MAS MATAGAL NA NAKABABAD SA PRAYER, NABABAD
TAYO SA DIOS, NAGIGING KAMUKHA NATIN ANG DIOS.
KAYA PO DIBA YUNG MGA MAGASAWA, MAGKASINTAHAN,
HABANG TUMATAGAL, LULALIM ANG KANILANG PAGMAMAHAL. AT
NAGIGING MAGKATULAD SA MARAMING BAGAY. YUNG MGA MAG
ASAWA NAGIGING MAGKAMUKHA,
(YUN NGANG KATABI ANG ASAWA TINGNAN NGA PO NINYO ANG
PROBLEMA PO KAPAG KAMUKHA ANG KAPITABAHAY)
HABANG MAS LUMALALIM ANG PAGMAMAHAL, NAGIGING MAS
MAGKAMUKHA, MINSAN PAREHO NA NG GRADO NG MATA,
NAGHIHIRAMAN NA NG SALAMIN, MINSAN PAREHO NARIN NG
SUKAT NG PUSTISO..UNAHAN NALANG SA PAGGAMIT…
AT GANITO PO ANG NANGYAYARI SA DASAL. HINDI ANG DIOS
ANG BINABAGO NATIN SA DASAL. SA ATING EBANGHELYO, HINDI
LANG NAMAN YUNG JUDGE ANG NABAGO, YUNG BALO DIN,
NATUTO SYANG MAGING MATYAGA…
TAYO DIN PO KAPAG MATYAGA SA PANALANGIN, NAGIGING
MATYAGA DIN SA PAGIBIG. TAYO ANG BINABAGO NG PRAYER.
PANGALAWA, SA PRAYER PINALALALIM ANG RELASYON NATIN SA
DIOS. SA KHIT ANO NAMAN PONG RELASYON KAPAG
PINAGLALAAANAN NG PANAHON, LUMALALIM ANG RELASYON,
LULALIM ANG PAGIBIG SA ISAT ISA. KAYA PO YAN ANG REKLAMO
MINSAN NG MGA NAGIIBIGAN, WALANG PANAHON SA ISAT ISAT,
DYAN PO NAGSISIMULANG MAGHIWALAY ANG MAGKASAINTAHN.
MAHALAGA PO KASI ANG PANAHON.
AT SA PAGBIBIGAY MO NG PANAHON LUMALALIM ANG
RELASYON, LUMALALIM ANG PAGMAMAHAL. KASI PO ANG PAG
IBIG HINDI PWEDENG TINGI TINGI, PAKONTI KONTI…
LOVE CANNOT SURVIVE WITH ONLY SCRAPS OF OUR TIME,
SCRAPS OF OUR THOUGHTS, SCRAPS OF OUR SELVES. KAPAG PO
NAG MAMAHAL BINIBGAY ANG BUONG SARILI. GANYAN DIN PO
SA PAGDARASAL, NAGLALAAN TAYO NG PANAHON PARA MATUTO
TAYONG Y SURRENDER ANF LAHAT LAHAT SA DIOS. SA PRAYER
PINALALALIM NATIN ANG ATING RELASYON SA DIOS.
IKA-3, MASAYA PO TAYO, WHEN GOD ASNWERS OUR PRAYERS.
ALAM KO PO NA KAYA TAYO NAGSISIMBA AY DAHIL MAY MGA
KAHILINGAN TAYO. YUNG IBA GUSTO MAKAPAG-ASAWA,
YUMAMAN, MAGKA TRABAHO, MAKAPASA SA BOARD EXAM…
MASAYA PO TAYO KAPAG SINASAGOT NG DIOS ANG ATING MGA
DASAL. PERO MERON PONG MAS MASAYANG KARANASAN DYAN…
HINDI LANG KAPAG SINASAGOT NG DIOS ANG DASAL MO,,,KAPAG
IKAW ANG NAGIGING SAGOT SA DASAL NG KAPWA MO. HINDI PO
BA MAS MASAYANG KARANASAN YUNG WHEN U BECOME THE
ANSWER TO SOMEBODY ELSE’S PRAYER.
SA UNA PONG PAGBASA NARINIG NATIN, NA KAPAG MAY LABAN
PO ANG MGA ISRAELITA SA MGA AMALIKTE, NANANALO PO SILA
KAPAG ITINATAAS NI MOISES ANG KANYANG MGA KAMAY. HINDI
PO YAN AY TANDA NG PAGDARASAL, NG PAGSUKO SA DIOS.
PERO KAPAG NAMAN DAW PO BINABABA NYA YUNG MGA KAMAY
NYA, NATATALO ANG MGA ISRAELITA. BAKIT NYA BINABABA
YUNG KAMAY NYA? KASI NAPAPAGOD DIN SYA, KASI
NANGANGAWIT DIN SYA.
PERO ALAM NYO YUNG KAGANDAHAN NG KWENTO SA UNANG
PAGBASA: HINDI PO HINAYAAN NG DIOS NA MATALO ANG BAYAN
NG ISRAEL SA KANILANG PAKIKIPAGLABAN.
PAANO PO NAPANATILI NI MOISES NA NAKATAAS ANG MGA
KAMAY NYA? MERON PO SYANG 2 KAIBIGAN: SI AARON AT SI
HUR, AT SA TUWING MAPAPAGOD NA SYA AT NAIBABA NYA YUNG
MGA KAMAY NYA, TUTULUNGAN SYA NUNG 2, ITATAAS NILA
YUNG MGA KAMAY NYA.
MAGANDA PONG BALIKAN NATIN: SINO KAYA YUNG MGA AARON
AT HUR SA BUHAY NATIN? MAY MGA MOISES DIN SA BUHAY
NATIN NA NAGIGING DAHILAN NG TAGUMPAY NATIN.
PERO SALAMAT SA DIOS, KASI YUNG MGA TAGUMPAY NATIN
NANGYAYARI DAHIL MAY MGA TAONG HINDI TAYO SINUSUKUAN.
KAPAG NAPAPAGOD NA TAYO, KAPAG NANG HIHINA NA TAYO.
HINDI BA DUMARATING PO YUNG PUNTO SA SARILI NATIN NA
PARANG PAGDUDUDAHAN NATIN YUNG MGA KABUTIHAN NATIN
KASI MAY MGA TAONG MANINIRA SA ATIN, MAY MGA TAONG
HINDI MAGANDA YUNG SASABIHIN SA ATIN…
KAYA NGA TATANUNGIN NATIN YUNG MGA SARILI NATIN,
MABUTING TAO BA AKO? AT YUNG MGA PAGKAKATAONG ITO,
PARANG NATATALO TAYO SA MGA LABAN NG BUHAY NATIN.
PERO SALAMAT SA DIOS MAY MGA AARON AT HUR, NA ITATAAS
ANG MGA KAMAY NATIN SA MGA LABAN NG BUHAY NATIN SA
MGA PANAHONG NAPAPAGOD NA TAYO.
MAG 5 BUWAN NAPO AKONG PARI, SAMPUNG TAON KO PO SA
SEMINARYO, HINDI KO PO AABUTIN ANG PANAHONG ITO KUNG
HINDI DAHIL SA MGA AARON AT HUR NA TUMULONG SA AKIN SA
MGA PANAHONH NANGANGAWIT, NAPAPAGOD AT NASASAKTAN
AKO.
DITO PO SA INYO DA VDLR, MARAHIL ANG MGA AARON AT HUR
SA PAROKYA NYO YUNG MGA TAHIMIK PERO MASIPAG NA
TUMUTLONG SA SIMBHAN.
MARAHIL SA INYONG LUGAR ANG MGA AARON AT HUR AY
INYONH MGA MAGULANG, NANAY AT TATAY, NA HINDI
NAPAPAGOD, MGA KAIBIGAN NA HANDA KANG SAMAHAN AT
DAMAYAN SA MGA PROBLEMA MO,
DUMARATING PO SA BUHAY NATIN NA PARA TAYONG SI MOISES,
NAPAPAGOD, NASASAKTAN, NAHIHIRAPAN, NAIBABA YUNG
KAMAY SA LABAN NG BUHAY, PERO MAY MGA AARON AT HUR NA
PINAPADALA ANG DIOS PARA MAGWAGI SA MGA LABAN SA
BUHAY.
MASAYA PO TAYO KAPAG SINASAGOT NG DIOS ANG DASAL
NATIN. PERO SALAMAT SA DIOS KAPAG IKAW ANG NAGIGING
SAGOT SA PANALANGIN AT HILING NG IYONG KAPWA.
BE THAT MIRACLE, BE THAT ANSWER TO SOMEBODY ELSES
PRAYER, BE THAT BLESSING…
WAG MO LANG HILINGIN NA SAGUTIN NG DIOS…HILINGIN MO
NA IKAW MISMO ANG MAGING SAGOT SA DASAL NG IBA, NA
IKAW MISMO MAGING HIMALA PARA SA KAPWA, IKAW MISMO
MAGING BIYAYA SA IBA.

You might also like