You are on page 1of 3

Filipino Q4] Ibong Adarna

Buod:

Noong unang panahon sa kaharian ng Berbanya, may haring ngalan ay Fernando at kabiyak nitong Reyna Valeriana.
Sila ay may tatlong anak na prinsipe sina Don Pedro, Don Diego, Don Juan na pawang mga nakalinya na susunod na
maging hari ng Berbanya.

Sa di malamang kadahilanan, nagkaroon ng malubhang karamdaman ang hari at napag-alaman na ang tanging
lunas lamang ay ang awit ng mahiwagang ibong Adarna.

Hinanap ni Don Pedro ang Ibong Adarna at narating niya ang puno ng Piedras Platas subalit hindi niya nakita ang
ibon dahil siya ay naging bato.

Sumonod naman ay si Don Diego, nakita niya ang Adarna subalit nakatulog sa ganda ng awit ng Adarna kaya naging
bato.

Maluwalhati namang nakarating si Don Juan sa tuktok ng bundok Tabor at doon ay may nakita siyang ermitanyo.
Binigyan siya nito ng pagkain at ilang impormasyon tungkol sa ibong adarna pati na rin 7 dayap at isang labaha
upang hindi makatulog.

Nang marating niya ang puno, ginamit niya ang mga dayap at labaha at hinuli ang ibong Adarna. Pinabuhusan ng
tubig ang dalawang kapatid at naglakad sila patungo sa Berbanya. Upang masolo ang kaharian, pinagtulungan ng
dalawa si Don Juan.

Ang adarna ay malungkot ganoon din si Haring Fernando nang makitang hindi kasama ng dalawa si Don Juan.
Ginamot ng isang uugod-ugod na matanda si Don Juan at umuwi na sa Berbanya. Nakita ng adarna si Don Juan at
ito ay umawit at nagamot si haring Fernando.
Iminungkahi ng adarna na gawing hari si Don Juan. Iniutos ng hari na ipatapon ang dalawa, ngunit dahil humiling si
Don Juan na huwag na lang, ito ay ipinatigil. Pinabantay ng hari ang adarna sa tatlong magkakapatid, ngunit
pinuyat ng dalawa si Don Juan kaya nakatakas ang Adarna.

Pinahanap ng hari ang maysala. Doon sa Armenya, ang magkakapatid ay nagkita-kita. Hinikayat nila si Don Juan na
doon na lang manirahan. May nakita silang ipot sa balon at tinangka nilang marating ang ilalim ngunit tanging si
Don Juan lang ang nagtagumpay.

Namangha si Don Juan sa ganda ng ilalim ng balon at doon ay nasilayan niya ang kagandahan ni Juana. Nag-ibigan
ang dalawa. Napatay ni Don Juan ang higante. Paalis na sana sila nang ipasundo ni Juana kay Don Juan ang bunso
niyang kapatid na si Donya Leonora. Umibig din si Don Juan kay prinsesa Leonora. Sa huli, ay napaibig din niya si
Leonora.

Sa tulong ni Leonora ay natalo ni Don Juan ang ahas gamit ang balsamo. Sila ay umalis ng balon kasama si Juana.
Naalala ni Leonora ang kanyang singsing kaya nakiusap sya kay Don Juan na balikan ito ngunit nang babalikan na
ito ay pinatid nang kayang dalawang kapatid ang tali.

Inaya ng dalawang magkapatid si Juana at Leonora na sumama na sila sa kaharian ng Berbanya. Nag alala si
Leonora kay Don Juan kaya pinasundan niya si Don Juan sa kanyang kaibigang lobo.

Advertisement

Nanaginip si Haring Fernando tungkol kay Don Juan. Nalungkot ang hari nang di makita si Don Juan. Hiniling ni Don
Pedro na ipakasal na sila ni Leonora ngunit hindi pumayag si Leonora. Sinabi nitong siya ay may panata na hindi
muna magpapakasal sa loob ng 7 taon.

Sa halip ay sina Don Diego at Juana ang ipinakasal. Lumakas si Don Juan nang mapahidan ng tubig mula sa ilog-
Hordan sa tulong ng lobo. Hinanap ni Don Juan ang ibong Adarna at natagpuan nya ito at sinabi sa kanyang
kalimutan na si Leonora. At sa halip siya’y maglakbay patungo sa Reyno de los Cristal upang makita si Maria Blanka.
Hinintay naman ni Don Pedro si Leonora subalit si Don Juan lang ang nasa puso ng prinsesa. Sumakay si Don Juan
sa isang agila ng ermitanyo patungong De los Cristal.

Nahirapan si Don Juan bago marating ang kaharian ng De los Cristal. Doon ay nakilala at umibig sya kay prinsesa
Maria. Pinatuloy ni haring Salermo si Don Juan. Sa kagustuhan ni Don Juan na pakasalan si Maria, si haring Salermo
ay nagbigay ng mga pagsubok.

Napagtagumpayan ni Don Juan ang anim na pagubok subalit hindi pa rin pumayag ang hari na sila ay magpakasal.
Kaya ang dalawa ay nagpasya na magtanan na lamang. Ito ay lubos na ikinalingkot ng hari at ito ay namatay.

Mag-isang bumalik si Don Juan sa kaharian ng Berbanya at nagsaya ang buong kaharian. Hiniling niya sa hari na
magpaksal sila ni Leonora. Doon ay sinundan siya ni Maria sa Berbanya ngunit hindi siya nakilala ni Don Juan.
Nagsagawa ng pagtatanghal si Maria patungkol sa mga pangyayari at pagsubok nilang dalawa ni Don Juan,at
naalala na niya na ang mahal niya ay si Maria. Nagpakasal sina Maria at Don Juan, at bumalik sila sa Reyno de los
Cristal. Doon sila ay namuno at namuhay. Si Leonora naman at si Don Pedro ang nagkatuluyan.

Mga Tauhan:

 Don Juan – ang bunso at determinadong anak.


 Don Pedro – ang panganay. May pag-inggit kay Don Juan
 Don Diego – ang pangalawa
 Haring Fernando – magiting na hari ng Berbanya
 Donya Valeriana- Kabiyak ng Hari
 Ermitanyo- Malaking nagging tulong kay Don Juan
 Donya Leonora- nagging asawa ni Don Pedro
 Donya Juana- naipakasal kay Don Diego
 Maria Blanka- nangako na papakasalan ni Don Juan
 Haring Salermo- Ama ni Maria Blanka

You might also like