You are on page 1of 32

ANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Katangian at Kasaysayan ng Wikang Filipino


-Yunit 3 -Ilalaang oras: 8
Introduksiyon:
Pangunahing tuon ng yunit na ito ang pagtalakay sa kasaysayan ng
wikang Filipino wikang Pambansa at ang katangian ng wikang Filipino. Hindi
naging madali ang pagpoposisyon sa wikang Filipino bilang wikang Pambansa
lalo sa isang bansang minsang naging kolonya ng Espanya, Amerika, at Hapon.
Malalaman sa bahaging ito ang mga hakbang na naisagawa sa pagsusulong ng
isang wikang pambansa at ang mga isyu o usapin kaugnay ng pagsusulong ng
wikang Pambansa. Sasaklawin din nito ang naging ebolusyon o mga pagbabago
sa sistema ng pagsulat ng mga Pilipino. Ipakikita rin ang mahahalagang
katangiang taglay ng wikang Filipino kung kaya’t patuloy itong nagiging mabisang
behikulo sa ugnayan sa sambayanang Pilipino.
Mga Layunin:
Matapos mong mapag-aralan ang mga aralin sa modyul na ito ay inaasahan
namin na makatutugon ka sa mga sumusunod:
● Natutukoy ang kasaysayan ng Wikang Filipino.

● Naisasalaysay ang mahahalagang pangyayaring naganap sa pag-unlad


ng Wikang Pambansa.
● Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang
Pambansa.
● Nailalahad ang mga katangian ng wikang Filipino bilang wikang
Pambansa.
● Naipapaliwanag ang ebolusyon ng wikang pambansa.

● Natataya ang mga naging bunga ng pag-aaral at pagsusuri sa wika,


kultura, at lipunan.

Paunang Pagtatáya:
Panuto: Halika at subukin natin muli ang iyong mga natutuhan batay sa
dati mong kaalaman hinggil sa wikang Filipino. Sagutin mo ang mga pahayag sa
bawat bilang. Piliin mo sa tatlong titik ang may malaking kaugnayan sa bawat
pahayag sa ibaba. Isulat mo lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang.
a. Tagalog b. Pilipino c. Filipino
__________ 1. Batayan ng wikang pambansa.
__________ 2. Kasalukuyang wikang pambansa
__________ 3. Wikang Pambansa na nakabatay sa lahat ng umiiral na wika sa
bansa.
__________ 4. Abakada
__________ 5. Wikang opisyal noong panahon ng Amerikano
__________ 6. Unang ipinangalan sa wikang pambansa.
__________ 7. Dalawampu’t walong (28) letra
__________ 8. Lope K. Santos
__________ 9. Lingua Franca sa Bulacan
__________ 10. Balarila
__________ 11. Pambansang Lingua franca
__________ 12. Saligang Batas 1987
__________ 13. Corazon Aquino
__________ 14. Tawag sa mga taong nakatira sa Pilipinas
__________ 15. Panagbëngá
__________ 16. Ortograpiyang Pambansa
__________ 17. Carbon Dioxide
__________ 18. Wikang nakatugon sa tatlong pamantayan sa pagpili ng
magiging batayan ng wikang pambansa
__________ 19. Surian ng Wikang Pambansa
__________ 20. Wikang opisyal ng mga Pilipino sa panahon ng mga
pakikipaglaban sa mga Espanyol.

Mga Susing Salita:


Wikang Pambansa Batas Pambansa Lingua Franca
Filipino Pilipino Tagalog

Aktibidad (Motibasyon):
Paganahin muna natin ang iyong isipan sa munting gawain na ito. Isulat
ang mga nawawalang titik sa mga patlang upang makabuo ng isang salita.
1. W__k__ __g P__m__a__s__ —deskripsiyon sa wikang Filipino.
2. __eb__a__o—wikang sinasalita sa probinsiya ng Cebu.
3. M__n__el L__is __ue__on—Tinaguriang Ama ng wikang Pambansa.
4. Int__l__kt__w__l__s__do—katangian ng wikang Filipino na nagagamit hindi
lamang sa pangkaraniwang komunikasyon kundi maging sa ibang larang gaya
ng agham
5. __ __ __a__og—dominanteng wika na sinasalita sa malaking bahagi ng
gitnang Luzon at rehiyon IV.
6. __ __ __les—wikang opisyal bukod sa wikang Filipino.
7. w__k__a—pangunahing behikulo sa komunikasyon at nagsisilbing
pagkakakilanlan ng bawat indibidwal na kabilang sa isang lugar o komunidad.
8. Es__p__ny__l—wikang ginamit ni Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere
at El Filibusterismo.
9. l__o__a__o—dominanteng wika na sinasalita sa rehiyon I at rehiyon ng
lambak Cagayan.
10. D__yal__kt__—tumutukoy sa varayti ng wika gaya ng Tagalog-Bulacan at
Tagalog-Rizal.

Pagtalakay:
Aralin 1 Ebolusyon ng Wikang Pambansa
Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa unang Pambansang
Asamblea noong 27 Oktubre 1936, sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa,
na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay “dapat
magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.”
Ang totoo, una nang naitadhana sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato
noong 1897 ang pagsisikap na magkaroon tayo ng opisyal na wikang gagamitin
sa pakikipagtalastasan ng mga Pilipinong mula sa iba’t ibang dako ng bansa na
may sari-sariling din namang wika.
Ang Saligang Batas ng Biak-na-Bato noong 1897 ay nabuo matapos ang
pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa pamahalaang Espanyol noong 1896.
Itinatadhana ng Saligang Batas na “Ang wikang Tagalog ang siyang magiging
wikang opisyal ng mga Pilipino.” Bunga ito ng malakas na paniniwala ng mga
Pilipinong lider noon na makakamit ang kasarinlan ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng isang wikang nauunawaan ng lahat.
Ngunit hindi naging madali ang pagsasakatuparan nito lalo na nang
dumating ang mga Amerikano noong 1900.
Pinagtibay noong 1901 ng Philippine Commission sa pamamagitan ng
Batas Blg. 74 na gawing panturo sa mga paaralan ang wikang Ingles sa kabila
ng mga pagtutol ng mga mambabatas, mamamahayag, at mga gurong Pilipino.
Si Teodoro Kalaw, isang mamamahayag ay nagbigay ng puna sa patakaran ng
mga Amerikano sa pagpapagamit ng Ingles sa mga paaralang Pilipino. Taong
1925, lumabas sa isang survey ng Monroe Educational Survey Commission na
mabagal ang pagkatuto ng mga batang Pilipino kung Ingles ang wikang panturo
sa paaralan. Kaya naman, ang mga mababatas na Pilipino ay nagpanukala ng
batas pangwika noong 1931 gaya ng Panukalang Batas Blg. 577 na nag-utos sa
kalihim ng Public Instruction na gamitin bilang panturo sa mga paaralang
primarya ang katutubong wika mula taong panuruan 1932–1933. Sa mga
panahong ito naging masalimuot ang usapin hinggil sa wika. Hindi malaman
kung ano ang magiging wikang opisyal ng mga Pilipino—Espanyol, Ingles, o
Tagalog.
Sa panunungkulan ni dating Pangulog Manuel Luis Quezon ay nadama
niya ang hirap sa pakikipagtalastasan sa mga mamamayan ng Pilipinas na hindi
marunong umunawa ng Ingles at Espanyol. Sa tuwing magtatalumpati siya sa
pook ng mga hindi Tagalog ay hindi niya alam kung anong wika ang gagamitin
upang maunawaan siya ng mga mamamayan. Ito ang nagmulat sa kaniya na
lubhang kailangan ng isang wikang Pambansa na magiging daan sa
pakikipagtalastasan ng mga mamamayan tungo sa pagkakaisa at pag-unlad ng
bansa. Kaya naman ipinaglaban ng mga delagado [na hindi Tagalog] sa
Kumbensiyong Konstitusyonal noong 16 Agosto 1934 ang pagkakaroon ng
sariling wikang Pambansa. Kabilang dito sina Felipe R. Jose (Mountain
Province), Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte), Tomas Confesor (Iloilo),
Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental), at Norberto Romualdez (Leyte).
Makikita sa ibaba ang ilang mga pahayag ni Kgg. Felipe R. Jose na sinipi mula
sa kaniyang talumpating binigkas sa Kumbensiyong Konstitusyonal na may
pamagat na “Kailangan ang Sariling Wikang Pambansa.”
“Kailangan natin na ngayon pa’y mahalin ang Kalayaan at
kaluluwa ng bayan—ang wikang sarili. Kayâ lámang táyo
maging marapat sa kalayaan ay kung maipagsasanggalang
natin ang banal na kaluluwa ng bayan, ang wikang sarili”.
Ipinahayag ni Pang. Manuel Luis Quezon sa Unang Pambansang Asamblea
noong 27 Oktubre 1936 na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at
isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.”
Taóng 1935 nang suportahan niya ang pagsisikap na magkaroon ng isang
wikang Pambansa. Ipinanukala sa kaniya ng isang pangkat na binubuo nina
Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Sofronio Calderon, Jose N. Sevilla, at iba pa ang
isang mungkahi tungo sa pagkakaroon ng isang wikang Pambansa. Iyon ang
naging daan para sa pormal na probisyon na magkaroon ng wikang Pambansa.
Kung kaya naitadhana sa Artikulo Blg. XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng
1935 ay sinasabi ang ganito:
Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapatibay
at pagpapaunlad ng isang wikang Pambansa na ibabatay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan. Hangga’t ang
batas ay hindi nagtatakda ng iba, ang mga wikang Ingles at
Kastila ay mananatiling mga wikang opisyal.
Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 noong 13 Nobyembre 1936.
Alinsunod dito, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) “na mag-aaral
ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay
ng isang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.” Humirang ang Pangulong
Quezon noong 12 Enero 1937 ng pitong palaaral na mga Pilipino na siyang
kauna-unahang bumuo sa pamunuan ng nasabing tanggapan. Sila ang gumawa
ng pag-aaral sa mga umiiral na katutubong wika sa buong bansa. Pinamunuan
ito ni Jaime C. de Veyra (Waray), at kinabibilangan ng mga kasaping sina
Santiago A. Fonacier (Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano), Casimiro F. Perfecto
(Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay), Hadji Butu (Moro), at Cecilio Lopez
(Tagalog).
Mula sa pagkakahanay ng mga taong bumuo sa lupon na gagawa ng pag-
aaral upang piliin ang wikang Pambansa, makikita na sila ay mula sa iba’t ibang
panig ng Pilipinas at nagsasalita ng ibang mga wika. Kaya masasabing sa
ginawang pamimili ay hindi nangibabaw ang tinatawag na “regionalism.” Inihanda
ng lupon ang sumusunod na pamantayan sa pagpili ng wikang magiging batayan
ng wikang Pambansa:
1. Ginagamit na nakararaming Pilipino, lalo na sa Maynila na siyang sentro
ng kalakalan.
2. Ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikang Filipino.
3. Wikang may pinakamaunlad na balangkas at mayamang mekanismo at
madaling matutuhan ng mga mamamayang Pilipino.
Wikang Tagalog ang nakatugon sa pamantayang ito. Tampok sa pagpili
sa Tagalog ang pagkilala rito “na ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mga
mamamayan, bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga lokal na
pahayagan, publikasyon, at manunulat. Noong 30 Disyembre 1937, sinang-
ayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin ang
Tagalog “bilang batayan ng wikang Pambansa ng Pilipinas.” Ngunit nagkabisa
lamang ang nasabing kautusan pagkaraan ng dalawang taon—30 Disyembre
1939.
Dalawang mahalagang ambag ng SWP ang pagbubuo A Tagalog-English
Vocabulary at Balarila ng Wikang Pambansa na nalathala noong 1 Abril 1940 sa
bisa ng Kautusan Tagapagpaganap Blg. 263 na nilagdaan ni Pangulong Quezon.
Noong 7 Hunyo 1940 ay pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas
Komonwelt Blg. 570 na kumikilala wikang Pambansa bilang isa sa mga opisyal
na wika ng bansa. Gayunman, noong 1942 ay inihayag ng Komisyong
Tagapagpaganap ng Pilipinas [Philippine Executive Commission] ang Ordinansa
Militar Blg. 13 na nagtatakda na ang Nihonggo at Tagalog ang magiging mga
opisyal na wika sa buong kapuluan. Napawalang bisa ang nasabing ordinansa
nang lumaya ang Pilipinas sa pananakop ng Hapon. Muli namang ipinalaganap
ang paggamit ng Ingles sa mga transaksiyon sa pamahalaan, akademya, at
negosyo. At upang matupad ang mithing wikang Pambansa, sari-saring seminar
ang idinaos. Naging daan ang isang Kautusang Pangkagawaran na ipinalabas
noon ng Kalihim ng Pagtuturong Pambayan na si Jorge Bacobo upang
masimulang ituro ang wikang pambansa sa mga publiko at pribadong paaralan
noong 19 Hunyo 1940. Iminungkahi din ang paglalaan ng seksiyon para sa
wikang pambansa sa mga pahayagang pampaaralan upang masanay magsulat
ang mga estudyante gamit ang wikang ito. Kaya naman sa parehong taon ay
lumabas ang Bultin Blg. 26 na nag-utos na ang lahat ng mga pahayagang
pampaaralan ay dapat magkaroon ng isang pitak sa wikang Pambansa.
Pinasimulan naman noong panunungkulan ni Julian Cruz Balmaseda ang
Diksiyonaryong Tagalog. Lumikha ng mga talasalitaan sa mga espesyalisadong
larang ang termino ni Cirio H. Panganiban, halimbawa sa batas, aritmetika, at
heometriya. Noong 4 Hulyo 1946, sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570, inihayag
bilang wikang opisyal ang wikang pambansa.
Ipinatupad ang Linggo ng Wika, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 12 na
nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa mula Maro 2–4 Abril. Nakapaloob pa sa panahong saklaw
ang pagdiriwang ng Araw ni Balagtas (Abril 2). Sa bisa naman ng Proklamasyon
Blg. 186 na nilagdaan pa rin ni Pangulong Magsaysay bilang susog sa
proklamasyon noong 1954, inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo na
Wikang Pambansa sa 13–19 Agosto bilang paggunita naman sa kaarawan ni
Manuel Luis Quezon na kinilalang “Ama ng Wikang Pambansa. ”
Isinalin sa wikang pambansa ang pambansang awit nang ilang beses
bago naging opisyal ang pambansang awit noong 1956, at binuo ang Panatang
Makabayan noong 1950. Nagpatuloy pa rin ang mga pag-aaral sa iba pang mga
wikang katutubo sa bansa. Itinampok ang lingguwistikang pag-aaral sa wikang
pambansa at mga katutubong wika sa Pilipinas noong panahon ni Cecilio Lopez.
Pagsapit sa termino ni Jose Villa Panganiban ay isinagawa ang mga palihan sa
korespondensiya opisyal sa wikang pambansa. Nailathala ang English-Tagalog
Dictionary; at pagkaraan ay tesawro-diksiyonaryo.
Taong 1956, buwan ng Pebrero nang rebisahin ang Lupang Hinirang at
Panatang Makabayan at ipinagamit ito sa mga paaralan. Sa mga panahon ding
ito nirebisa ang bersiyon ng Pambansang Awit sa pangunguna ng noon ay
kalihim ng edukasyon, Gregorio Hernandez, Jr. Lumabas pagkatapos ang
sirkular 21 na nilagdaan ng noon ay direktor ng mga paaralang bayan, ang
pagtuturo at pag-awit ng pambansang awit.
Taong 13 Agosto 1959 naman nang magpalabas ng Kautusan
Pangkagawaran Blg. 7 ang kalihim ng edukasyon na si Jose E. Romero na nag-
aatas na tawaging “Pilipino” ang Wikang Pambansa. Hangarin sa paggamit ng
“Pilipino” na maiwasan ang usapin Tagalog ang wikang Pambansa. Mahalagang
mailinaw na batayan lamang ng wikang pambansa ang Tagalog sa mga
panahong ito at ang wikang pambansa na batay sa Tagalog ay tatawaging
Pilipino. Kaya naman, inilahad sa isang kautusang pangkagawaran na iniutos ng
Kagawaran ng Edukasyon noong Nobyembre 1962 ang pagsasa-Pilipino ng mga
sertipiko at diploma ng mga paaralan. Sa ibaba ng mga salitang Pilipino ay ang
salin ng mga salita sa wikang Ingles. Ngunit, hindi lahat ay sang-ayon dito.
Naging malaking hamon sa pagpapalaganap ng wikang pambansa ang
pangyayari noong 1965 na pagsasampa ni Inocencio Ferrer ng kasong sibil
laban kay Direktor J.V. Panganiban at mga kagawad ng SWP. Nagsampa rin ng
kaso ang Madyaas Pro-Hiligaynon Society at iba pang tagapagsalita ng wikang
Sebwano laban sa ‘Pilipino” na para sa kanila “puristang Tagalog” ang terminong
ito. Ngunit nanalo ang panig ng SWP at ayon sa korte kinikilala nila na
pagpapayaman sa mga katutubong wika ay kaugnay na proseso ng
pagpapaunlad sa wikang pambansa.
Sa bisa naman ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nilagdaan ng
dating Pang. Ferdinand E. Marcos noong 1967 ay ginamit ang Filipino sa
pagpapangalan sa mga gusali, edipisyo, at tanggapan ng ating pamahalaan.
Bling susog sa ganitong hakbangin ng Pangulong Marcos, nagpalabas naman ng
isang Memorandum Sirkular noong 1968 si Kalihim Tagapagpaganap Rafael
Salas na nagpapahayag na pati ang mga letterhead ng mga kagawaran,
tanggapan, at sangay ng pamahalaan ay nararapat na ring isulat sa Filipino na
may kalakip na teksto rin sa Ingles. Iniutos din na ang mga pormularyo sa
panunumpa sa tungkulin ay gawin sa Filipino. Nanawagan din si Kalihim Salas
na dumalo ang mga pinuno at kawani sa mga tanggapan ng pamahalaan sa mga
seminar sa Filipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa. Lumabas din sa
taong ito ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nilagdaan din ng dating
Pangulong Marcos na nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan,
at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang Filipino sa mga opisyal na
komunikasyon sa mga transaksiyong pampamahalaan. Sa pamamagitan ng
Memo Sirkular Blg. 227, ang noon ay Kalihim ng Edukasyon Ernesto Maceda ay
nag-utos na ang mga pinuno at kawani ng mga tanggapan ay dumalo sa mga
seminar na idaraos kaugnay ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187.
Naging wikang panturo naman ang wikang pambansa sa mga paaralang
primarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 70 na lumabas noong 1970. Ang
hakbanging ito ay sinundan ng paghaharap ng Kilusang Pilipino ng Pambansang
Lupon sa Edukasyon na ipatupad sa lahat ng kolehiyo at unibersidad—pribado at
publiko ang paggamit ng Pilipino bilang panturo sa mga kursong Rizal,
Kasaysayan ng Pilipinas at Pamahalaan noong 25 Pebrero 1970. Kasabay nito,
iminungkahi ng direktor ng mga paaralang bayan sa pamamagitan ng isang
memorandum ang paggamit ng salin sa Pilipino ng mga salitang Ingles na gamit
sa pagmamarka sa mga mag-aaral.
Mayo 1973 nang tanggapin ang pagsang-ayon ng Kalihim ng Katarungan
Vicente Abad Santos hinggil sa pagiging opisyal ng Pilipino bilang wikang
Pambansa sa Bagong Konstitusyon. Ang “Pilipino” na ibinatay nang malaki sa
Tagalog ay maghuhunos na “Filipino” alinsunod sa atas ng Saligang Batas 1973
na ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa
paglinang at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na
tatawaging Filipino. Kasabay nito ang pagiging asignatura at midyum ng
pagtuturo sa lahat ng antas ng pag-aaral. Sa taong ito ay pinagtibay rin ang
Resolusyon Blg. 73-7 ng Pambansang Lupon sa Edukasyon na nagsabing ang
Ingles at Filipino ay isama sa kurikulum mula unang baitang ng mababang
paaralan hanggang sa kolehiyo—sa lahat ng paaralang pribado at publiko. Ang
Resolusyon Blg. 73-7 ang nagluwal sa Patakarang Bilingguwal sa Edukasyong
Pilipino.
Noong Hunyo 1974, nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Kagawaran
ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatakda
ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilingguwal sa
mga paaralan na magsisimula sa taong-aralan 1974–1975. Inilabas naman
noong Oktubre 1975 ng Surian ng Wikang Pambansa ang isang aklat na may
pamagat na “Mga Katawagan sa Edukasyong Bilinggwal.” Layunin nito na
makatulong sa mabilis na pagpapalaganap ng bilingguwalismo. Lumabas din ang
isang kautusan mula sa kagawaran na ipatupad ang bilingguwalismo sa
pagtuturo sa mga kolehiyo.
Lumabas naman noong 1978 ang Kautusang Pangministri ng Kagawaran
ng Eduaksyon na siyang nag-utos ng pagkakaroon ng 6 yunit na Filipino sa lahat
ng kurso sa tersiyarya at 12 yunit ng Filipino sa mga kursong pang-eduaksyon.
Nang sumusnod na taon, 1979, ipinag-utos din ng kagawaran na sa mga
kursong Medisina, Dentista, Abogasya, at Paaralang Gradwado ay magkakaroon
na rin ng Filipino sa kanilang kurikulum. Pati na rin ang mga estudyanteng
dayuhan sa bansa ay pinakuha ng asignaturang Filipino.
Kaugnay ng masigasig na pagnanais na mapalaganap ang edukasyong
bilingguwal sa kabila ng di-maikakailang kakulangan ng suportang pinansiyal ng
pamahalaan, may mga samahang nagdaos ng mga Pambansa, panrehiyon, at
lokal na mga seminar sa pagtuturo ng Filipino sa konteksto ng edukasyong
bilingguwal.
Sa pagtatayang ginawa ng Surian ng Wikang Pambansa, batay sa ulat ng
Tanggapan ng Pambansang Sensus at Estadistika noong 1970, 1975, at 1980,
isandaang bahagdan (100%) ng mga mamamayan ang gagamit ng Filipino sa
kanilang pakikipagtalastasan. Inaasahang mangyayari ito sapagkat sa mga taong
ito ay maraming mga palatandaan ng unti-unti nang tinatanggap ng marami ang
paggamit ng wikang sarili sa pagtalakay sa mga mahahalagang isyu sa bansa.
Marami nang pagkakataon na kapag gumagamit ng Ingles sa pagtalakay, ang
mga mamamayan mismo ang humihiling na Filipino ang gamitin upang lalo itong
maintindihan ng maraming mamamayan.
Noong 1986, naging katuwang ang SWP sa paghahanda ng salin ng
Saligang Batas ng 1986, at sa naturang batas din kinilalang ang pambansang
wika ay “Filipino.” Sinasabi sa batas na, “habang nililinang ang Filipino ay dapat
itong payabungin at pagyamanin nang nakasalig sa mga katutubong salitang
umiiral sa wikang Filipino at iba pang wika.”
Noong Enero 1987, sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na
nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino ay nalikha ang Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas (LWP) na pumalit sa SWP.
Artikulo XIV, Seksiyon 6
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.
Artikulo XIV, Seksiyon 7
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi
na pantulong sa mga wikang panturo roon.

Artikulo XIV, Seksiyon 8


Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at
dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at
Kastila.
Kaugnay nito, nilagdaan naman ni Pangulong Corazon Aquino noong 25
Agosto 1988 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-aatas sa lahat ng
kagawaran, kawanihan, tanggapan, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan
na na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang
Filipino sa opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.
Samantala, nangangahulugan naman ang Seksiyon 6 na ang “Filipino” ay
nangangailangan ng isang ahensiyang pangwika na magtataguyod sa nabanggit
na simulain na dapat itong payabungin at pagyamanin nang nakasalig sa mga
katutubong wika ng bansa. Ang “Filipino” ay hindi na ang “Pambansang Wika” na
nakabatay lamang nang malaki sa Tagalog, bagkus idiniin ang
pangangailangang payabungin ito sa tulong ng mga panrehiyong wika sa
Pilipinas, bukod pa ang tinatanggap na mga salita sa ibang internasyonal na
wika. At upang “mapayabong” ang pambansang wika ay kinakailangan ang isang
institusyong pampananaliksik, na may mandatong higit sa itinatakda ng
“pagsusuri” ng mga wika. Makikita sa ibaba ang presentasyon ng konsepto ng
Tagalog, Pilipino at Filipino.
Pigura 1: Konsepto ng ebolusyon ng wikang pambansa mula Tagalog patungong Pilipino
hanggang sa maitadhana ang Filipino. Kung babalikan ang naging talakay sa kasaysayan
habang inuunawa ang pigura makikita na maliit na bilog na kumakatawan sa Tagalog ay
nangangahulugang pagsisimula ito ng pagsisikap sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Paglaon
ay ginamit naman ang “Pilipino” bilang pangalan ng wikang pambansa na batay pa rin sa
Tagalog. Kumakatawan naman ang malaking bilog sa itinatadhana ng 1987 Konstitusyon sa
Filipino bilang wikang pambansa. Mapapansin na pinakanukleo ng Filipino ang Tagalog na unang
naging wikang batayan nito. Gayunman, patuloy na yumayaman at nalilinang ang Filipino salig sa
mga katutubong wika ng bansa at sa patuloy na pagpasok ng mga bagong termino dulot ng
modernisasyon.

Kaya naman kasama sa pinagtibay sa Saligang Batas ng 1987 ang


pagtatatag ng isang komisyon ng pambansang wika.
Artikulo XIV, Seksiyon 9
Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang
pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t-ibang mga
rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga
wika.
Naisakatuparan ito nang maipasa ang Batas Republika 7104 noong 14
Agosto 1991, na nagtatag sa Komisyon sa Wikang Filipino. Kailangan ang
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) dahil ito ang ahensiyang
makapagmumungkahi ng mga hakbang, plano, patakaran, at gawain hinggil sa
mga wika, lalo na sa paggamit ng Filipino bilang pambansang wika.
Unang pinamunuan ito ni Ponciano B.P. Pineda, at ng mga kasamang
komisyoner na sina Ernesto H. Cubar, Nita P. Buenaobra, Andrew P. Gonzales,
Florentino H. Hornedo, Angela P. Sarile, at Bonifacio P.Sibayan. Noong 13 Mayo
1992, pinagtibay ng mga komisyoner ang Resolusyon Blg. 92-1 na naglalahad ng
batayang deskripsiyon ng Filipino na:
Ito ay ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro
Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang
sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng alinmang
wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika
ng Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t
ibang baryedad ng wika para sa iba-ibang sitwasyong sosyal,
sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang sanligang sosyal, at
para sa mga paksa ng talakayan at matalisik na pagpapahayag.
Ang mga probisyong ito at ang mga pagsisikap na ginawa ng mga
samahang pangwika pati na ang mga suportang mula sa pangulo ng bansa, at
ang pakikiisa ng bawat Pilipino ang siyang inaasahang maglalagay sa wikang
pambansa sa kalagayang magiging mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng
industriya at ekonomiyang Pilipino.
Taong 1996, inilabas ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukayon
(CHED) ang CHED Memorandum Order (CMO) Blg. 59, Serye 1996 ang hinggil
sa New General Education Curriculum (GEC) na nagsasaad na kailangang
magkaroon ng 9 yunit sa pangkalahatang edukasyon sa kolehiyo—ang Filipino 1
(Sining ng Komunikasyon), Filipino 2 (Pagbasa’t Pagsulat sa Iba’t Ibang
Disiplina), at Filipino 3 (Retorika).
Sa bisa naman ng Proklamasyon Blg. 1041 noong 1997, sa atas ng
Pangulong Fidel V. Ramos ay ipinahayag ang 1–31 Agosto nilang Buwan ng
Wikang Pambansa na taunang ipagdiriwang at pangungunahan ng mga pinuno
at kawani sa sektor ng pamahalaan, mga pinuno at guro sa sektor ng edukasyon,
mga kinatawan ng pakikipag-ugnayang pang-madla, mga pinuno at miyembro ng
iba’t ibang organisasyong pangwika, pang-edukasyon, pangkultura at sibiko, at
mga organisasyong di-pampamahalaan.
Taong Hulyo 2009, inilbas ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 74 na may pamagat na “Institutionalizing Mother Tongue-
Based Multilingual Education (MTB-MLE). Iniaatas nito na gamitin ang unang
wika ng mga bata bilang wikang panturo mula pre-school hanggang baitang 3.
Mula dito, ang Filipino, Ingles, at iba pang dagdag na wika ay ipakikilala bilang
bukod na sabjek. Ihahanda ang mga mag-aaral at unti-unting ipagagamit bilang
wikang panturo mulang Baitang 3 at patuloy pa ring gagamitin ang unang wika
bilang pantulong sa pagtuturo hanggang sa antas sekundarya.
Samantala, noong Agosto 2013, sa ilalim ng pamumuno ng Pambansang
Alagad ng Sining Virgilio S. Almario, naglabas ng kauna-unahang depinisyon ng
Filipino ang KWF sa bisa ng binuong Resolusyon Blg. 13-39 na:
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong
Filipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pabigkas at sa
pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong
kapuluan. Sapagkat isang wikang buháy, mabilis itong
pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t
ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng
saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin
at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga
malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga
katutubong wika sa bansa.
Taong 2013 din nagdulot ng pagkabalisa sa mga guro sa Filipino,
mananaliksik-wika, at mga tagapagtanggol ng wikang pambansa ang paglabas
ng CMO Blg. 20 Serye 2013 na nag-aalis sa Filipino sa GEC sa kolehiyo. Sa
halip ay inilipat ito sa Senior High School sa ilalim ng binagong kurikulum na K to
12. Bunga ng mga kabi-kabilang petisyon at di-pagsang-ayon sa CMO Blg. 20,
naglabas ng Temporary Restraining Order ang Korte Suprema sa
implementasyon nito noong Abril 2015. Ngunit taong 2018 ay inalis din ng Korte
Suprema ang TRO sa CMO Blg. 20. Hanggang sa kasalukuyan ay itinuturing pa
rin ito ng mga tagapagtanggol ng wikang pambansa na isang malaking hamon sa
patuloy na pagpapayabong at pagpapaunlad ng wikang pambansa.
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino
Maaari nating ugatin ang kasaysayan ng ortograpiya ng wikang Filipino
mula sa sinaunang panahong gumamit ang mga Pilipino ng katutubong paraan
ng pagsulat na tinatawag na baybáyin. Sinasabing napakahalaga ng baybáyin
dahil isa ito sa mga natatanging malinaw na ebidensiya na taglay na sariling
kultura at talino ng mga sinaunang Pilipino, bago pa dumating ang mga
Espanyol.
Larawan 1: Mga karakter sa sinaunang
paraan ng pagsulat ng mga Pilipino—ang
Baybayin. (Larawan mula sa KWF Manwal
sa Masinop na Pagsulat 2015)

Bilang patunay na
baybayin talaga ang tawag dito,
maraming mga unang pag-aaral
sa sinaunang pagsulat ng mga
Pilipino ang bumabanggit na
tinawag itong baybayin ng mga
sinaunang Pilipino at hindi alibata. Halimbawa ay ang pag-aaral ni Pedro Andres
de Castro na may pamagat na Ortograpiya at mga tuntunin sa Pagsulat sa
Wikang Tagalog at ang pag-aaral ni Trinidad Pardo H. de Tavera na may
pamagat na Contribucion para el Estudio Antiguos Alfabetos Filipinos (Mga
ambag sa Pag-aaral ng Sinaunang Alpabeto ng mga Filipino) noong 1884.
Sa pag-aaral ni Trinidad Pardo de Tavera noong 1884, ipinakita niya ang
iba’t ibang katutubong paraan ng pagsulat sa iba-ibang wika sa bansa, hindi lang
ang sa Tagalog. Kinuha niya lahat na mga sampol at nakaipon siya ng apat sa
Tagalog, dalawa sa Ilokano, dalawa sa Bisaya, isa sa Pangasinan, isa sa
Kapampangan, at dalawa mula sa talâ ng Lingguwistang Aleman ngunit hindi pa
nalalaman kung anong wika sa bansa ang pinanggalingan. Patunay ito
na nakakalat na sa Pilipinas ang baybayin bago pa dumating ang mga Espanyol.
Patunay din ito na kahit may pagkakaiba ang paraan ng pagsulat ay halos
magkakahawig ang karakter.
Larawan 2: Mga talâ sa iba’t ibang paraan ng pagsulat ng baybayin
na tinipon ni Pardp H. de Tavera (larawan mula aklat na Isang
Sariling Wikang Pambansa, 2015, pahina 76).
Sa ulat naman ng ibang misyonerong
Espanyol, isa na rito si Padre Pedro Chirino,
nadatnan niláng 100 porsiyentong letrado ang mga
Tagalog at marunong sumulat at bumása sa
baybáyin ang matanda’t kabataan, laláki man o
babae. Ilang patunay dito ay ang sumusunod:

Larawan 3: Batong Monreal na nadiskubre sa


Isla ng Ticao, Monreal, Masbate at ang
Palayok ng Calatagan na kapuwa ay ukit ng
Baybayin na pinaniniwalaang ginamit ng mga
sinaunang Filipino. (larawan mula sa lektura ng
KWF hinggil sa Ortograpiyang Pambansa)

Dahil dito, kailangan ilimbag ng


mga Espanyol ang unang aklat sa
Pilipinas, ang Doctrina Christiana (1593), nang may bersiyon ng mga dasal at
tuntuning Kristiyano sa paraang baybáyin.
Ngunit mula noong ika-16 Siglo, unti-unting naging romanisado ang
baybayin o ang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino nang turuan tayo ng
alpabetong Espanyol o abecedario.

Kung kailan marami nang Pilipino ang marunong bumasa at sumulat sa


paraang ito, sila Rizal din ang nakapansin na parang maraming mali sa paraan
ng pagsulat na iyon. Parang hindi angkop sa tunog ng mga Pilipino ang mga
ginagamit na karakter. Kaya sila din ang unang nagsulat ng reporma sa
ortograpiya o orthographic reform. Ang una nga dito ay Sobre la nueva ortografia
de la lengua tagala (1890). Ipinanukala niya rito ang paggamit ng K at W;
pagsasaayos ng pantig na GUI at QUI; at pagsasaayos ng diptonggo na AO.
Noong nakadestiyero siya sa Dapitan, isinulat naman niya Estudios sobre la
lengua tagala na nalathala noong
1899. Kasáma sa mga panukala
niyang reporma sa ortograpiyang
Tagalog ang alpabetong may limang
patinig at labinlimang katinig. Ang mga
titik na ito ang naging batayan ng abakada na binuo ni Lope K. Santos nang
kaniyang sulatin ang Balarila (nalathala, 1940). Idinagdag sa orihinal na mga titik
ng baybáyin ang katinig na R at ginawang lima ang patinig: A, E, I, O, U kayâ
dalawampu (20) ang mga titik ng lumaganap na abakada hanggang sa panahong
tinatawag ang Wikang Pambansa na wikang Filipino.
Hindi isináma sa abakada ang mga letra para sa mga tunog na C, CH, F,
J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, Z. Nanatili ang mga ito sa mga pangngalang pantangi,
gaya sa Carmen, Pacheco, Fullon, Jaro, Magallanes, Cariño, Quirino,
Barrameda, Vizcaya, Maximo, at Zamboanga. Ngunit marami sa mga salitang
hiram sa Espanyol at nagtataglay ng naturang mga titik ay tinapatan ng mga
tunog sa mga titik ng abakada, gaya ng nagaganap na noong paghiram sa mga
naging palasak na salitang Espanyol. Ang iba pang gabay sa pagsulat, gaya ng
kung paano gamitin ang ng at nang, kung kailan nagiging R ang D, o kung bakit
nagiging U ang O sa dulo ng salita kapag inulit, ay hinango sa mga tuntunin mula
sa Balarila ni Lope K. Santos. Ang makabuluhang mga tuntunin ay tinipon ng
Surian ng Wikang Pambansa makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pinamagatan itong Mga Batayang Tuntuning Sinusunod sa Pagsusuring Aklat
(walang petsa) na inihanda ni Bienvenido V. Reyes sa isang hiwalay at
nakamimeograp na polyeto at naging gabay ng mga guro, manunulat, at editor.
Kasabay ng mga pangyayaring naganap sa kasaysayan ng wikang
pambansa mula sa pagpapalit ng pangalan mula Pilipino na batay sa Tagalog
patungong Filipino, nagkaroon din ng mga pagbabago sa tuntunin sa pagsulat
wikang pambansa. Lumabas ang iba’t ibang mga gabay sa orograpiya gaya ng
nabuo noong 1976 at nalathala sa anyong mimeograp noong 1977 sa pamagat
na Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino. Makikita dito ang pagbabago sa
abakada na naging tatlumpu’t isa (31) ang mga titik sa pamamagitan ng dagdag
na labing-isang (11) titik. Bunga ito ng napagkasunduan sa isang serye ng mga
simposyum noong 1976 at ikalawa ang lumang Patnubay na Sinusunod sa
Pagwawasto ng mga Aklat Babasahin na noon pang dekada 60 ginagamit. Dahil
sa dami ng mga titik ng bagong alpabeto ay tinawag itong “pinagyamang
alpabeto”; ngunit sinundan ng mga puna na lubhang pinarami ito kaysa
kailangang mga bagong titik.
Pagkatapos ng muling pagsusuri dito, binago itong mulo at nalathala
noong 1987 ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na may dalawampu’t walo (28) ang mga titik.
Idinagdag dito ang mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z. Pinalaganap din ang
isang “modernisadong alpabeto” na ipinababása ang mga titik sa paraang Ingles,
maliban sa Ñ mulang alpabetong Espanyol, gaya ng sumusunod: A /ey/, B / bi/,
C /si/, D /di/, E /i/, F /ef/, G /dyi/, H /eyts/, I /ay/, J /dyey/, K /key/, L /el/, M /em/,
N /en/, Ñ /enye/, NG /endyi/, O /o/, P /pi/, Q /kyu/, R /ar/, S /es/, T /ti/, U /yu/, V
/vi/, W /dobolyu/, X /eks/, Y /way/, Z /zi/. Ngunit may mga usapin sa ispeling na
hindi pa nasagot sa nabanggit na patnubay.
Kung kaya’t may mga sumunod pang nailabas na mga gabay ang KWF
mula noong itadhana ng 1987 Konstitusyon ang Filipino bilang wikang pambansa
gaya ng sumusunod (kwf.gov.ph/tungkol-sa-kwf):

● 2001 – muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino. Itinaguyod


nito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa pamamagitan ng pagluluwag
sa panghihiram ng salita at pagsasalin, karamihan mula sa Ingles at Espanyol,
gamit ang walong karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j, ñ, q, v,
x, z.

● Oktubre 9, 2006 – sa kahilingan ng KWF, ang DepEd ay nagpalabas ng


isang memorandum na pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng
“2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”.
● Agosto, 2007 – inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang
Pambansa.

● Mayo 20, 2008 – inilabas ng KWF ang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang


Pambansa.
Taóng 2013 nang maglabas muli ng bagong gabay sa Ortograpiyang
Pambansa ang KWF na siyang ginagamit hanggang sa kasalukuyan.
Mungkahing babasahin:
1. De las Lenguas de las Filipinas (1604) / Padre Pedro Chirino
2. Hinggil sa mga Wika sa Filipinas Salin ni Virgilio S. Almario
3. The Language Situation in the Philippine Islands (1931) / Dr. Cecilio P.
Lopez Ang Sitwasyong Pangwika sa Filipinas Salin ni Kriscell Largo Labor
4. Kailangan ang Sariling Wikang Pambansa (1934) Kgg. Felipe R. Jose
5. Shall the Philippines Have a Common Language? (1931) / Vice Governor
George C. Butte Dapat Bang Magkaroon ng Wikang Panlahat ang
Filipinas? Salin ni Michael John E. De Juan
6. Si Rizal hinggil sa isang Wikang Filipino (1937) Pangulong Manuel Luis
Quezon.

Analisis:

Dahil natapos mo na ang aralin 1 sa modyul 3 ay nais namin na suriin mo


ang salitang “Filipino o Pilipino”. Alin sa tingin mo ang dapat gamitin bilang
pantukoy sa kultura, tao at wika? Ipaliwanag ang iyong sagot sa loob ng kahon.
FILIPINO o PILIPINO
Kultura
Tao
Wika

Aplikasyon:

Pagbulayan natin ang iyong natutuhan sa aralin 1 ng modyul 3. Nais


namin na ipaliwanag mo ang konsepto at katangian ng Filipino bilang wikang
Pambansa at kung paano ito naiiba sa wikang Pilipino, Tagalog, at iba pang wika
sa Pilipinas. Ilahad ang inyong pananaw/opinyon sa pinakamahusay na paraan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
__________________________________________________________

Aralin 2 Wikang Filipino: Wikang Pambansa

Aktibidad (Motibasyon):

Paganahin natin muli ang iyong kaisipan. Maglagay ng kahit anong


sampung (10) angkop na salita na maituturing na bahagi ng wikang Filipino.

FILIPINO
Katangian ng wikang Filipino bilang Isang wikang Pambansa
Ang pag-isahin at pagbuklurin ang lahat ng mga Pilipino sa buong
Pilipinas ay ang unang napakahalagang gampanin ng Wikang Filipino. Malinaw
itong ipinahihiwatig ng konstitusyon ng Pilipinas mula nang itadhana ang
pagiging wikang pambansa ito. Sa kabila ng mga pinagdaan nito gaya ng
inilahad sa kaniyang kasaysayan, nananatili pa rin ang aktibong pag-iral ng
wikang Filipino sa kasalukuyan at nakikita rin ang patuloy pang pagyabong nito
sa darating na hinaharap. Ang lahat ng ito ay naging possible at magiging
possible dahil taglay ng wikang Filipino ang mahahalagang katangiang dapat
taglayin ng isag wika upang makapagpatuloy at manitiling mabisang behikulo sa
ugnayan ng sambayanang Pilipino. Ang mga katangiang ito ay ang sumusunod:
1. Ang Filipino ay nakabatay sa mga wikang umiiral sa bansa
2. Ang Filipino ay buhay, dinamiko, at nagbabago
3. Ang Filipino ay intelektuwal
4. Ang Filipino ay moderno at episyente
5. Ang Filipino ay batay sa kultura

Ang Filipino ay nakabatay sa mga wikang umiiral sa bansa


Malinaw na nakasaad sa konstitusyon na ang Filipino ay pagyayamanin at
pauunlarin salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Sa simula pa lamang ay
taglay na ng wikang Filipino ang katangiang ito sapagkat pinakanukleo nito ang
Tagalog na isa sa mga katutubong wikang umiiral sa bansa. Sa patuloy na
paggamit ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, nagsisilbi itong lingua
franca o wikang komon sa mga tagapagsalita ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.
Dahil dito nagiging pangalawang wika ng halos maraming mamamayan ang
wikang Filipino kung kaya likas na naiimpluwensiyahan ng kanilang unang wika
ang wikang Filipino. Sa pangyayaring ito, natural na pumapasok sa leksikon ng
Filipino ang mga katutubong termino. Gayundin, ang katutubong tunog, punto, at
bigkas ay pumapasok sa Filipino. Ang lahat ng ito ay nagdudulot ng pagyaman
ng talasalitaan ng wikang Filipino na nagagamit sa pagtatalastasan ng mga
mamamayang Pilipino.
Halimbawa:
● Mga salitang pumasok sa talasalitaan ng Filipino bunga ng pang-araw-
araw na paggamit nito ng mga Pilipino sa buong bansa.
Pakbet – mula sa Ilokano; putahe ng iba’t ibang gulay na iginisa sa kamatis,
kaunting tubig, at bagoong.
Payyo – mula sa mga wika ng Ifugaw; tumutukoy sa bukirin ng palay na iniukit na
tíla hagdan-hagdan paakyat sa bundok, mas kilala ito sa pangalang hagdan-
hagdang palayan.
Uswag – mula sa Sebwano, Hiligaynon, at Waray; nangangahulugang pagsulong
tungo sa higit na mahusay, higit na ganap, o higit na makabagong kalagayan.
Katarungan – mula sa terminong Hiligaynon, Sebwano, at Kapampangan na
tarong na ibig sabihin ay wastong pag-iral ng batas o pagbibigay ng karapat-
dapat na pasiya.

Ang Filipino ay buhay, dinamiko, at nagbabago


Sa patuloy na paggamit ng mamamayang Pilipino sa wikang Filipino,
patuloy itong nagkakaroon ng mga pagbabago. Hindi masamang bagay ang
pagababago sa isang wika. Isa itong natural na penomenon. Hindi buhay ang
wika kung hindi ito gumagalaw o kumikilos kasabay ng pagkilos ng mga taong
gumagamit nito. Isang halimbawa na lamang ng mga pagbabagong naganap sa
wikang pambansa ay ang paghuhunos nito sa “Filipino” mula Filipino at Tagalog.
Sapagkat hindi na lamang batay sa Tagalog ang wikang pambansa, marapat
nang tawagin itong “Filipino” na kung titingnan ang kasalukuyang alpabeto at
ortograpiya nito ay nagtatampok na ng mga representasyong letra at karakter ng
mga katutubong tunog. Natutuklasan ang mga pagbabagong ito sa patuloy na
paggamit ng mga mamamayang Pilipino. Nakasalalay ang pagiging buhay at
dinamiko ng isang wika sa mga taong gumagamit nito. Kapag namatay na ang
mga taong gumagamit nito, mamamatay rin ang wika. Kapag piniling hindi na
gamitin ang Filipino, unti-unti na lang itong hahantong sa pagkamatay nito.
Ang Filipino ay Moderno at Episyente
Moderno at episyente ang wika kung nakatutugon at nakasasabay ito sa
pangangailangan ng kasalukuyang panahon. Ang pagkakaroon ng
modernisadong alpabeto ang nagpapakilala sa wikang Filipino na kaya nitong
tumugon sa hamon ng makabagong panahon. Ang pagpasok ng samot saring
mga terminong pang-agham at pantekonolohiya dulot na modernong panahon ay
kayang-kaya nating mabigkas, mailahok sa mga diskursong Filipino, at maisulat
gamit ang ating alpabeto. Sa ganitong paraan nagiging episyente rin ang wikang
Filipino. Sa kasalukuyan ay patuloy na nagagampanan ng Filipino ang pagiging
pambansa nito sapagkat gamit ang bagong ortograpiya nito ay naipapaloob din
ang ibang mga katangian ng mga katutubong wika ng bansa. Ang lahat ng mga
nabanggit ay hindi kayang tupdin ng Tagalog lamang [kung nanatiling batay sa
Tagalog lamang ang wikang pambansa].

Halimbawa:

● Gamit ang walong bagong letra sa alpabetong Filipino, episyenteng naisusulat


ang sumusunod;
(Para sa pagiging moderno)

✔ Mga bagong hiram na salita na babaybayin sa Filipino


selfi projector

✔ Mga bagong hiram na salita na hindi binabago ang baybay


visa zigzag level fern jam
✔ Mga pangngalang pantangi
John McDonald Nueva Vizcaya Mexico

✔ Mga katawagang siyetipiko at teknikal


Chlorophyll zeitgeist quorum Albizia falcataria

✔ Mga mahirap dagliang ireispel


bouquet jaywalking quiz pizza
(Para sa pagiging episyente)

✔ Mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa katutubong wika ng


Filipinas
feyu (Kalinga) – pipa na yari sa bukawa o sa tambo
jambangan (Tausug) – halaman
zigattu (Ibanag) – silangan
falendag (Teduray) – plawtang pambibig
vakúl (Ivatan) pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bílang
pananggalang sa ulan at init ng araw
kuvát (Ibaloy) digma
vuyú (Ibanag) bulalakaw
zigattú (Ibanag) silangan
zinága (Ibanag) dinuguan
zinanága (Ibanag) pamana
majáw (Butuan) maganda
marajáw (Surigao) maganda

Ang Filipino ay Intelektuwalisado


Intelektuwalisado ang isang wika kung ito ay nagagamit hindi lamang
bilang wika ng tahanan, wika ng lansangan, wika ng malikhaing panitikan, kundi
bilang wika rin ng agham, teknolohiya, at iba pang mataas na antas at
sopistikadong lawak ng karunungan (Santiago, 1990). Itinuturing itong vertical na
pag-unlad ng isang wika. Ang ilang mga batayan ng pagiging intelektuwalisado
ng wikang Filipino ay nagagamit sa pagsulat ng mga desisyon sa korte;
nagagamit sa pagsulat ng mga panukala o ipinasang batas sa kogreso, sa
senado, o sa official gazette; sa pagtuturo ng pananaliksik at pagsulat sa larang
ng edukasyon; pagtuturo o pagsusulat ng publikasyon o mga teksto sa batas at
medisina; pagkakaroon ng mga seksiyong Filipino sa pahayagan; at iba pa.
Kung pagbabatayan ang historikal na pagtingin sa wikang pambansa,
maituturing na nagsimula ang intelektuwalisasyon ng wikang pambansa noon
pang 1937 nang sinisimulan ang pagpili sa wikang pambansa at maipalimbag
ang unang balarila sa Tagalog. Nagkaron din noon ng Tagalog wordlist ang
SWP. Ang pagkakabuo rin ng mga diksiyonaryo ng SWP at LWP noon ay mga
panimulang gawain para sa intelektuwalisasyon ng wikang pambansa. Bagaman
naging banta ang wikang Ingles, nagpatuloy pa rin ito hanggang sa panahon ni
Virgilio Enriquez bilang tagapagtaguyod ng Pambansang Samahan sa
Sikolohiyang Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Isang mahalagang
patunay sa pagtuturo ng pananaliskik gamit ang wikang pambansa ang
pagtataguyod nila sa paggamit ng wikang pambansa sa pagsulat ng mga
artikulo, publikasyon, at mga ulat sa mga isinagawang pananaliksik. Sinundan
din ito ng paglalathala ng UP Sentro ng Wikang Filipino ng mga babasahin sa
iba’t ibang disiplina gamit ang ang wikang Filipino. Ilan sa mga ito ay ang
Batayang Pisika (1996), Batayang Kemistri (1997), Embriolohiya ng Vertebrata
(1997) na isang manwal panglaboratoryo, Heometriya (1996) na isang teksbuk
sa Hemometriya sa sekundarya, at marami pang iba.
Gayunman, para sa kasalukuyang estado ng wikang Filipino,
kinakailangang malampasan nito ang paglikha at pagsasalin lamang ng mga
terminolohiya o katawagan at paglalahatla gaya ng mga mahahalagang
publikasyon na nabanggit sa itaas. Ang lalong mahalaga ay ang pagkakaroon ng
isa malaking pangkat ng mga akademisyan at mga dalubhasa sa iba’t ibang
disiplina na gagamit ng Filipino sa pagtuturo, pananaliksik, at patuloy na
paglalathala ng mga publikasyon.
Iba pang tunguhin ng wikang Filipino
Batay sa Medyo Matagalang 2017–2020 ng Komisyon sa Wikang Filipino,
hangarin ng institusyong pangwika na ito at maituturing din na malaking hamon
sa Filipino ang estandardisasyon at armonisasyon para sa matagal nang
nilulunggating maging sagisag ito ng diwang maugnayin hinggil sa pangangalaga
ng mga katutubong wika ng bansa.
Ang totoo, lubhang magkakaugnay ang estandardisasyon,
intelektuwalisasyon, at armonisasyon. Tumutukoy ang estandardisasyon sa
proseso ng pagiging magkakaanyo, o uniporme ng isang wika para sa higit na
malawakang pagtanggap at paggamit nito (Fortunato 1991). May binigay na apat
na hakbang si Elinar Haugen upang maging estandardisado ang isang wika—
seleksiyon ng pamantayan, kodipikasyon ng pamantayan, implementasyon, at
elaborasyon. Mula dito, mahalaga ang ginagampanang papel ng ortograpiya ng
wikang pambansa. Ito ang maituturing na pamantayan sa pagsisimula ng
estandardisasyon. Kaya naman, ganoon na lang ang pagsisikap ng KWF
(bagaman mula pa SWP at LWP) na bumuo at magpalaganap ng gabay sa
ispeling at ortograpiya na naglalaman ng tuntunin sa pagsulat sa wikang
pambansa. Maituturing na isang malaking hadlang sa intelektuwalisasyon ng
wikang Filipino bilang wikang pambansa ang hindi pagkakaisa sa ispeling. Ayon
sa KWF 2013, kailangan ang estandardisadong pagbaybay ng mga salita upang
higit na maging mabilis at ekonomiko ang pagtuturo sa mga bata. Kailangan din
ito upang maging magaan ang pagsulat lalo na ng mga akdang akademiko at
siyentipiko at maakit ang mga siyentista at iskolar na gamitin ang wikang Filipino
sa mga pormal na diksurso at usaping intelektuwal. Narito pa ang direktang sipi
mula sa monograp ng KWF na Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa
noong 2013:
Mahirap na tungkulin ang estandardisasyon at nangangailangan ng
kooperasyon ng mga gumagamit ng wika, lalò na sa akademya,
gobyerno, at mga sektor na umiimpluwensiya sa mga mamamayan.
Ang estandardisasyon ay susi sa paggamit ng Filipino bílang wika ng
karunungan—bílang wika sa mga importanteng dominyo ng lipunan—
sa agham at teknolohiya, pamahalaan, edukasyon, negosyo at
industriya, hukuman at batas, atbp.
Samantala, isinabay ng KWF sa estandardisasyon ang pagsusulong ng
armonisasyon sa mga ortograpiya ng wikang katutubo, lalo na ang mga
ginagamit sa MTB-MLE. Ito ay sa layuning maitawid ang pagtuturo ng Filipino sa
K–3 upang matamo ang pambansang literasi. Kung iisipin, nangangahulugan ito
halimbawa na ang isang batang Pilipino na Ilokano ang unang wika at pinag-
aralan ito sa K–3 ay makakabasa pa rin ng isang teksto na nakasulat sa iba pang
katutubong wika sa bansa. Posible ito dahil hindi siya maninibago sapagkat
armonisado ang tuntunin sa ispeling na natutuhan niya sa Ilokano sa iba pang
wika sa bansa.
Sa kasalukuyang kalagayan ng Filipino na sapagkat malaganap na sa
bansa ay ginagamit ng marami bilang pangalawang wika, nagkakaroon ito ng
iba’t ibang varayti. Dahil dito, mas madali ang pagiging istandard sa pasulat sa
halip na sa pasalita.
Mga babasahin hinggil sa Intelektuwalisasyon ng Filipino
1. Pambansang Wika at ang Isyu ng Intelektuwalisasyon ni Dr. Jose Abueva
(1992)
2. Intelektuwalismo at wika ni Renato Constantino 2015
3. Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Agham:
Panayam kay Prop Fortunato Sevilla III nina Wennielyn Fajilan at Reynele
Bren Zafra.
4. Agham sa wikang Filipino, bakit hindi? Ni Tomas U. Santos nasa The
Varsitarian
Ang Filipino ay batay sa kultura
Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang
wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa
ibang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan.
Sa kontekstong Pilipino, makikita ang mga salitang kakabit ng kultura na
pagpapahalaga sa pamilya at kamag-anakan. Halimbawa, sa mga salitang may
kinalaman sa mag-anak, hiniram natin ang mga salitang “kuya,” “diko,” “sangko”
bilang katawagan sa mga kapatid na lalaki; at “ate,” “ditse,” “sanse” para naman
sa mga kapatid na babae. Bukod sa indikasyon ito ng pagkakaroon ng malaking
pamilya, idinidiin din na nagpapahiwatig ito ng pagkakaroon ng magkakaibang
tungkulin at ekspektasyon sa mga anak sa loob ng pamilya kaya naman
kailangang may tiyak at tanging katawagan sa bawat anak. Sa mga termino para
sa mag-anak pa rin, mayroon tayong “biyenan,” “manugang,” “bayaw,” “hipag,”
“bilas” na ang katumbas lahat sa Ingles ay “in-laws.” Ano kaya ang maaaring
ipinapahiwatig tungkol sa kulturang Pilipino ng ganitong partikularidad ng
katawagan?
Analisis:
Suriin natin ang iyong natutuhan sa ikalawang aralin sa modyul na ito
batay sa mga salita na nasa loob ng bilog. Ipaliwanag mo ang mga pagbabagong
naganap sa mga salita batay sa sariling interpretasyon.

Ermat

Ilaw ng
Ima
tahanan

Mommy Nanay

Aplikasyon:
Nais namin na i-apply mo ang inyong natutuhan sa araling ito. Bilang mag-
aaral ay hinihikayat ka namin na gumawa ng isang poster higgil sa kahalagahan
ng Filipino bilang wikang pambansa. Ipaliwanag ang bawat kulay at simbulo
mong gagamitin sa pagbubuo nito.
Halimbawa: Kalapati – nangangahulugan ng kalayaan.
Pula - katapangan o digmaan
Rubriks sa paggagrado sa poster.

Batayan sa Pagmamarka 5 4 3 2 1
Kaugnayan sa Tema
Mga Simbulong Ginamit
Mga Kulay na Ginamit
Kalinisan ng Gawa
Pagpapaliwanag

Pinakamahusay 21 – 25
Mahusay 16 - 20
Katamtamang Mahusay 11 - 15
Di – gaanong Mahusay 6 - 10
Walang husay 1–5

Kabuoang Puntos: ______


Komento:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Repleksiyon:
Pagkaraang mong mabasa ang mga pangyayari sa kasaysayan ng wikang
pambansa at malaman ang mga katangian ng wikang Filipino ay nais namin na
malaman kung ano ang iyong mga realisasyon o mga napagtanto mo sa aralin?
Ilahad ang mga ito sa pamamagitan ng pagtugon sa sumusunod na katanungan.
1. Ano ang pinagdaanan ng wikang Pambansa sa paglipas ng panahon,
paano mo ngayon tinitingnan ang wikang Filipino bilang wikang pambansa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________
2. Ano ang iyong opinyon sa pagtatanggal ng Filipino sa kolehiyo? Paano
mo susuportahan ang wikang Filipino bilang asignatura sa kolehiyo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________

Pagtatása:
Ngayong natapos mo ang modyul 3 ay nais namin na sagutin mo ang mga
katanungan sa ibaba. Bilugan mo lamang ang titik ng tamang sagot.
1. Kilala ang alpabetong Romano sa tawag na _____________.
a. ABAKADA b. Abecedario
c. Alibata d. Baybayin

2. Siya ang nagsampa ng kaso laban sa pamunuan ng SWP at nagparatang na


puristang Tagalog ang “Pilipino”
a. Jose Romero b. Geruncio Lacuesta
c. Jose Villa Panganiban d. Felipe R. Jose

3. Pangulo na naglabas ng kautusan na ang linggo ng wika ay gagawing buwan


ng wika.
a. Ramon Magsaysay b. Ferdinand Marcos
c. Cory Aquino d. Fidel Ramos

4. Unang ginamit na pangalan para sa wikang Pambansa ng Pilipinas


a. Ingles b. Tagalog
c. Filipino d. Pilipino

5. Unang naging tagapangulo ng SWP.


a. Lope K. Santos b. Ponciano B.P Pineda
c. Alejandro Q. Perez d. Jaime C. De Veyra

6. Pangulo na lumagda na dapat lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng


pamahalaan ay papangalanan sa Filipino.
a. Manuel Quezon b. Francisco Balagtas
c. Lope K. Santos d. Ferdinand Marcos

7. Ang kahulugan ng SWP ay _________________.


a. Sambayanan ng Wikang Pambansa
b. Sanggunian ng Wikang Pambansa
c. Samahan ng Wikang Pambansa
d. Surian ng Wikang Pambansa.

8. Taon kung kailan itinadhana ang Filipino bilang wikang Pambansa Pilipinas.
a. 1959 b. 1987
c. 1949 d. 1945

9. Ang KWF ay kumakatawan sa _________________.


a. Kapisanan sa Wikang Filipino b. Kagawaran ng Wikang Filipino
c. Komisyon sa Wikang Filipino d. Komisyon ng Wikang Filipino

10. Sa kaniya unang iginawad ang linggo ng wika at tinaguriang Ama ng


Balagtasan.
a. Manuel Quezon b. Francisco Balagtas
c. Lope K. Santos d. Ferdinand Marcos
11. Tumutukoy ito sa proseso ng pagiging magkakaanyo, o uniporme ng isang
wika para sa higit na malawakang pagtanggap at paggamit nito.
a. globalisasyon b. intelektuwalisasyon
c. armonisasyon d. estandardisasyon

12. Titik sa Alpabetong Filipino na binabasa nang hindi pa-Ingles.


a. x b. z
c. ñ d. q

13. Bilang ng simbolo ng patinig sa Baybayin.


a. 2 b. 3
c. 4 d. 5
14. Isinabay ito ng KWF sa pagsusulong ng estandardisasyon na may layuning
maitawid ang pagtuturo ng Filipino sa K–3 upang matamo ang pambansa literasi.
a. globalisasyon b. intelektuwalisasyon
c. armonisasyon d. estandardisasyon

15. Katangian ng wika bilang wikang nagagamit sa larang ng agham,


teknolohiya, at iba pang mataas na antas at sopistikadong lawak ng
karunungan.
a. globalisado b. intelektuwalisado
c. armonisado d. estandardisado

16. Wika na naging batayan ng wikang Pambansa.


a. Sebwano b. Kapampangan
c. Tagalog d. Bikol

17. Tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.


a. Corazon Aquino b. Manuel Quezon
c. Ferdinand Marcos d. Ramon Magsaysay

18. Sa kaarawan ng manunulat na ito unang pinagbatayan ang selebrasyon ng


“Linggo ng Wika”.
a. Lualhati Bautista b. Lope K. Santos
c. Francisco Balagtas d. Jose Rizal

19. Memorandum na inilabas ng CHEd na nagtatakda ng pag-aalis sa Filipino sa


General Education Curriculum sa kolehiyo.
a. CHEd Memorandum Order Blg. 19
b. CHEd Memorandum Order Blg. 20
c. CHEd Memorandum Order Blg. 21
d. CHEd Memorandum Order Blg. 22

20. Ang sumusunod ang naging pamantayan na nabuo ng SWP sa pagpili ng


batang ng wikang Pambansa maliban sa ___________:
a. Ginagamit na nakararaming Pilipino, lalo na sa Maynila na siyang
sentro ng kalakalan.
b. Ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikang Filipino
c. Wikang may pinakamaunlad na balangkas at mayamang mekanismo at
madaling matutuhan ng mga mamamayang Pilipino.
d. Wikang ginagamit sa loob at labas ng bansa
A. Pagpapaliwanag. Para sa ikalawang bahagi ng pagtatasa ay nais naming
makuha ang inyong pananaw hinggil sa mga sumusunod na pahayag sa ibaba.
1. Mula sa naging talakayan hinggil sa kasaysayan ng wika at ebolusyon ng
alpabetong Filipino, gumawa ng timeline na nagpapakita ng mahahalagang
pangyayari dito.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
______________________________
2. Ipakita ang katangian ng wikang Filipino batay sa pagbibigay ng mga
kongkretong halimbawa.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________

Mga Mungkahing Babasahin:


SALINDAW: Varayti at Baryasyon (2012) nina Jovy Peregrino, Pamela C.
Constantino, Nilo S. Ocampo, Jayson D. Petras. Sentro ng Wikang Filipino
Kahingian:
Bahagi ng pagkatuto sa modyul na ito ang mga kahingian kaya ninanais
namin na maghanda ka ng isang posisyong papel hinggil sa panukalang
pagbabalik ng pag-aaral ng Filipino sa mataas na antas ng edukasyon, makikita
mo ang hakbang sa pabubuo ng posisyon papel sa modyul 9, pahina 199.
Makikita sa ibaba ang rubriks ng paggagrado.
Rubriks
PAMANTAYAN (4) (3) (2) (1)
Napakahusay Mahusay ang May Magulo ang
ng pagkakabuo kahusayan pagkakabuo ng
NILALAMAN pagkakabuo ng talata, ang talata at hindi
ng talata. Malinaw at pagkakabuo malinaw ang
Malawak, tiyak ang mga ng talata. mga paliwanag
malinaw at paliwanag. Tiyak ang mga
tiyak ang mga paliwanag.
paliwanag.

Lubhang Malinis ang May kalinisan Madumi ang


malinis ang pagkakagawa. ang pagkakagawa.
pagkakagawa. Maganda at pagkakagawa. Hindi maayos
KALINISAN maayos ang Maayos ang ang sulat-
Napakaganda sulat-kamay. sulat-kamay. kamay.
NG GAWA at maayos ang
sulat-kamay.

Lubhang May mahusay May Hindi gaanong


mahusay ang na organisasyon maintindihan
ORGANISASY organisasyon organisasyon at ang mga
ON at at pagkaugnay- pahayag at
pagkaugnay- pagkaugnay- ugnay ng mga walang
ugnay ng mga ugnay ng mga pangungusap pagkakaugnay-
pangungusap pangungusap at talata. ugnay ang mga
at talata. at talata. pangungusap

Angkop ang Karamihan sa Hindi gaanong Hindi angkop


lahat ng mga mga salita at angkop ang ang mga salita
WASTONG salita at pangungusap mga salita sa sa paksa at
PAGGAMIT pangungusap ay angkop sa paksa at mambabasa.
NG SALITA sa paksa at paksa at mambabasa. Napakaraming
mambabasa. mambabasa. Maraming mali mali sa balarila.
Walang mali Ilan lamang sa balarila.
sa balarila ang mali sa
balarila.

Lubhang Mahusay ang May Magulo ang


mahusay sa paglalahad ng kahusayan paglalahad ng
KAUGNAYAN paglalahad ng mga idea ang idea tungkol sa
SA PAKSA mga idea tungkol sa paglalahad ng paksa. Walang
tungkol sa paksa at may idea tungkol kaugnayan.
paksa at may maayos at sa paksa at
maayos at malinaw na may
malinaw na kaugnayan. kaugnayan.
kaugnayan.

Halaw ang pamantayan sa aklat na “SIPAT: ARALING PILIPINO (Wika, Edukasyon,


Kultura at Midya” nina Saguinsin, Ocampo, De Jesus at Iba pa

Mga Sanggunian:
Almario, Virgilio S. (2014). “Pagsulyap sa Kasaysayan Bilang Panimula.”
Manwal sa Masinop na Pagsulat. Manila: Komisyon sa Wikang
Filipino.
Almario, Virgilio S. (2010). UP Diksiyonaryong Filipino. Lungsod Pasig:
Anvil Publishing, INC.
Añonuevo, Roberto T. (2013). Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang
Filipino.na-access sa
https://komisyonsawikangfilipino.wordpress.com/2013/12/01/
kasaysayan/
Fortunato, T. F.. (1991). Ortograpiyang Filipino: Isang Pag-aaral sa
Istandardisasyon ng Wika. MALAY, 9(1). Retrieved from
http://ejournals.ph/form/cite.php?id=7761
Labor, Kriscell L. (2015). “Hinggil sa mga Wika ng Filipinas (1934).” Isang
Sariling Wikang Pambansa. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino,
Labor, Kriscell L. (2015). “Kailangan ang Sariling Wikang Pambansa
(1934).” Isang Sariling Wikang Pambansa. Manila: Komisyon sa
Wika.
Lorenzo, Carmelita S. (1994) Sining ng Pakikipagtasang Panlipunan.
Lungsod Quezon: Kalayaan Press.

You might also like