You are on page 1of 3

PAGTUTURO NG FILIPINO BATAY SA SIMULAIN

I. MGA SIMULAING KOGNITIBO

A. OTOMATISITI
 Isinasaad ng simulaing ito na ang mabisang pagkatuto ng wika ay nakasalalay sa
isang sistematiko at limitadong pagkontrol ng ilang anyo ng wika na maglulundo
tungo sa otomatikong pagproseso ng hindi mabilang na mga anyo ng wika.
 Tumutugon din ang simulaing ito sa paniniwalaang natututuhan ng mga bata ang
kanilang unang wika nang walang kamalayan o hindi binibigyang pansin ang anyo ng
wikang sinasalita.

B. MAKABULUHANG PAGKATUTO- Sa payak na pananalita, isinasaad ng simulaing


ito na ang makabuluhang pagkatuto ay nagbubunga ng higit na pangmatagalang
pagkatuto kaysa sa pagsasaulo lamang.

MGA IMPLIKASYONG PANGKLASRUM

1. Puhunanin ang kahalagahan ng makabuluhang pagkatuto sa pamamagitan ng pagpukaw sa


kawilihan at interes ng mga mag-aaral, pag-alam sa kanilang tunguhing pang-akademiko, at mga
layuning panghinaharap.
2. Sa tuwing maglalahad ng bagong paksa, sikaping maiugnay ito sa dating alam ng mga mag-aaral
upang maging makabuluhan ang kanilang pagkatuto.
3. Iwasan ang maaaring negatibong bunga ng rote learning gaya ng:
a. Labis na pagpapaliwanag ng gramatika
b. Labis na drill o pagsasanay
c. Mga gawaing di-tiyak ang mga layunin
d. Mga gawaing malayo sa pagtatamo ng mga layunin
e. Mga teknik na mekanikal na kung saan nakapokus ang interes ng mga mag-aaral sa kayarian
ng wika sa halip na mensahe o kahulugan nito.

C. PAG-ASAM NG GANTIMPALA- Ang simulaing ito ay maipapahayag sa tulong ng


OPERANT CONDITIONING PARADIGM ni Skinner. Isinasaad nito na ang bawat tao
ay nagaganyak na kumilos sap ag-asang may matatamong gantimpala o pabuya na
maaaring material o di-materyal.

D. PANSARILING PANGGANYAK- Ang simulaing ito ay nagsasabi na ang


pinakamabisang gantimpala ay yaong pagganyak na bukal sa sarili.

 Naniniwala ang simulaing ito na ginagawa ng mga mag-aaral ang gawain dahil sa
ito ay kawili-wili, mahalaga o di kaya ay mapanghamon at hindi sa ano pa mang
gantimpala maging ito ay kognitibo o pandamdamin man na maaaring galling sa
guro.

E. STRATEGIC INVESTMENT
 Ang mga pamaraan, batayang aklat at mga balangkas pambalarila ang
kinikilalang mga pangunahing salik sa matagumpay na pagkatuto.
 Ang mga “paraan” na ginagamit ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng wika ay
kasinghalaga rin ng mga paraan na ginagamit ng guro.
 Isinasaad ng simulaing ito na ang matagumpay na pagkatuto ng wika ay
nakasalalay sa “puhunang” inilalaan ng mga mag-aaral gaya ng oras, pagsisikap
at atensyon sa wika sa pamamagitan ng mga pansariling istratehiya upang
maunawaan at masalita ang wikang pinag-aaralan.

F. LANGUAGE EGO
 Isinasaad ng simulaing ito na habang natututuhang gamitin ng tao ang wikang
pinag-aaralan, nagkakaroon din siya ng bagong paraan ng pag-iisip, pakiramdam
at pagkilos na katulad ng taong nagsasalita ng target ng wika.
MGA IMPLIKASYONG PANGKLASRUM

1. Lahat ng mag-aaral ng wika ay dapat pakitunguhan nang may pagmamahal at pagkalinga.


2. Ang mga teknik na ginagamit sa pagtuturo ay kailangang may sapat na hamon sa kaisipan subalit
hindi naman makalulunod sa damdamin ng mag-aaral.
3. Upang maisaalang-alang nang lubos ang language ego kinakailangang alamin ng guro kung:
 Sino ang tatawagin sa pagkaklase;
 Sino ang hihingan ng impormasyon;
 Kailan iwawasto ang mga pagkakamali;
 Paano ipaliliwanag ang isang bagay;
 Paano ang pagpaplano ng mga gawain;
 Sino ang pagsasamahin sa isang pangkat; at
 Paano ka magiging “matatag” sa iyong mga mag-aaral.

G. PAGTITIWALA SA SARILI (Kaya ko Ito)- Ang pinakapuso ng anomang tagumpay


sa pagkatuto ng wika ay ang katotohanang may tiwala ang mag-aaral sa kanyang sariling
at naniniwala siyang mapagtagumpayan niya ang anomang Gawain.

MGA IMPLIKASYONG PANGKLASRUM

1. Magbigay ng sapat na kapanatagan ng loob sa mga mag-aaral, pasalita man o sa ibang paraan.
2. Ihanay o pagsunud-sunurin ang mga pagsasanay mula sa madadali patungo sa mahihirap na
gawain.

H. PAKIKIPAGSAPALARAN- Isinasaad ng simulaing ito na sa matagumpay na pag-aaral


ng wika, bahagi na nito ang pakikipagsapalaran para lamang maipahayag at
maipaliwanag ang sarili sa target na wika.

I. UGNAYANG WIKA AT KULTURA- Binibigyang diin ng simulaing ito na sa


sinomang nagtuturo ng wika, kasabay na itinuturo ang isang sistema ng kultura at
kaugalian, pagpapahalaga, paraan ng pag-iisip, pagkilos, at pagdama ng mga taong
gumagamit ng target na wika.

II. MGA SIMULAING LINGGWISTIK

A. EPEKTO NG UNANG WIKA- Ang simulaing ito ay nagsasaad na ang katutubong


wika ay magsisilbing mahalagang sistema para maging sandigan ng mga mag-aaral
sa paghula ng sistema o balangkas ng target na wika.

MGA IMPLIKASYONG PANGKLASRUM

1. Ipalagay ang mga pagkakamali ng mga mag-aaral na mahahalagang landas upang mabigyan
daana ng angkop na pidbak sa nagawang pagkakamali.
2. May mga matagumpay sa pagkatuto ng wika na nanghahawakan sa nagagawa ng unang wika
upang mapadali ang pagkatuto ng pangalawang wika.
3. Sikaping maganyak ang mga mag-aaral na mag-isip nang tuwiran sa target na wika upang
maiwasan ang pagkakamali na bunga ng katutubong wika.

B. INTERLANGUAGE- Isinasaad nito na ang mga mag-aaral ng pangalawang wika ay


pumapailalim sa isang masistemang proseso ng pag-unlad habang lubusan nilang
nauunawaan ang target na wika.
 Isang malaking hamon sa mga guro ang prosesong ito sa pag-aaral ng wika.
Kailangang maging maingat ang guro sa pagbibigay ng pidbak lalo at higit
kung ang mag-aaral ay gumagamit ng interlanguage.

C. KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO- Para masabing ang isang tao ay may


kakayahang komunikatibo sa isang wika, kailangang magtaglay siya ng linguistic
competence, sociolinguistic competence, discourse competence at strategic
competence.

You might also like