You are on page 1of 8

COR 004: PAGBASA AT PAGSUSURU NG IBA’T IBANG

TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

A. Deskripsyon ng Kurso:

Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t-ibang anyo at uri ng teksto na nakakatulong sa


pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik.

B. Layunin:
Sa pagtatapos ng asignaturang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang:
1. nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa at daigdig
2. nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa.
3. nagagamit ang kasanayang komunikatibo (linggwistik, sosyolinggwistik,diskorsal at istratedyik.

Mga Katanungan

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik?

-Mahalagang pag-aralan ang pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik
upang malaman natin ang kahalagahan ng pagbabasa at pagsusuri sa isang pananaliksik. Makagawa rin
tayo ng isang pananaliksik na maraming impormasyon na makukuha.

2. Magagamit ba namin ang mga natutunan sa asignaturang ito sa pag-aaral sa kolehiyo?

-Magagamit ang mga natutunan sa araw na ito hanggang sa mag-kolehiyo sapagkat ang
pananaliksik ay hindi lamang ginagawa sa Senior HighSchool bagkus ay mas inihahanda lamang sila sa
mas mahirap na pananaliksik sa kolehiyo.

TEKSTONG IMPORMATIV/IMPORMATIBO
-Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari bagong paniniwala at mga bagong
impormasyon. Bukod dito, ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad ng buong linaw at
kaisahan; kaugnayan at kagamitan.

SANAYSAY

-Isang maikling sulating naglalaman ng mga ideyang may tiyak na direksyon at maaring isulat sa paraang
pormal at impormal. At nalilinang nito ang kakayahan sa pagsusuri, paghahambing, at pag-iiba,
panghihikayat at pagpapaliwanag.
PROSESO
-Nagpapaliwanag kung papano maisasagawa ang simpleng trabaho o bagay sa pamamagitan ng mga
hakbang na madaling masunod ng mga mambabasa.

SURIMBASA O REBYU
-Isang maingat na komentaryo sa isang akdang nabasa, napanood o napakinggan. At naglalaman
din ito ng opinyon na may katapat na paliwanag na nakabase sa akda.
EDITORYAL

-Nagbibigay ng laya sa manunulat na gamitin ang unang panauhan ng panghalip. Ipinapahayag dito
nang malinaw ngunit hindi maligoy ang mga detalyeng nagpapatunay na mas wasto ang kanyang
paniniwala ngunit ito'y nakaangkla sa katotohanan.

BALITA O ULAT
-Ito ay tekstong nagbibigay ng detalyadong paliwanag tungkol sa mga bagay na kagaganap pa
lamang. Sa pagsulat nito, kailangang wasto ang mga detalye na naglalaman ng 5Ws na siyang
pinakaesensyal sa pagbabalita: What, Who, When, Where, at Why.

TEKSTONG DESKRIPTIV O DESKRIPTIBO

Ang tekstong ito ay nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang
tao, lugar, o bagay gamit ang limang pandama. Ipinamamalas dito ang pagbuo ng detalye upang
luminaw ang isang tiyak na impresyon o kakintalan o pangunahing larawan.

Uri ng Tekstong Deskriptiv Ayon sa Layunin:

1. Karaniwan

Naglalayong maibigay ang karaniwang ayos at anyo ng inilalarawan ayon sa limang pandama;
panlasa, pandinig, paningin, panalat at pang-amoy.

2. Malikhain o Masining

Naglalayong mapagalaw ang guniguni ng mambabasa upang makita ang larawan ayon sa pandama,
damdamin at isipan ng naglalarawan.

FAQs (Mga Maaaring Katanungan)


1. Ano ang pinagkapareho ng tekstong informativ at tekstong deskriptiv?
-Ang pinagkapareho ng tekstong informative at tekstong deskriptiv ay parehas nagbibigay
impormasyon sa pangunahing ideya.
2. Bakit kinakailangan malaman o pag-aralan ang dalawang tektong ‘to?

-Kinakailangan pag-aralan ang dalawang teksto upang kapag pinagawa ka ng isa sa mga tekstong ito
ay magagawa mo na lamang ito nang mabilis at maayos.

Layuning Pampagkatuto:
Sa katapusan ng aralin, ikaw ay inaasahan na:
1. natutukoy ang kahulugan, katangian ng tekstong persweysib at tekstong narativ, at
2. nakasusulat ng sulating persweysiv at narativ

Konseptong Aralin
Pag-aaralan at unawain mabuti ang bawat kahulugan, katangian ng tektong persweysiv at narativ. Sa
pagtatapos ng konseptong aralin ay dumako sa Panlinang na Gawain upang mas malinawan at sagutin
ang mga katanungan na inihanda.

TEKSTONG PERSWEYSEV/PANGHIKAYAT

Layunin ng tekstong persweysiv na maglahad ng isang opinyong kailangang mapanindigan at


maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa na
pumanig sa manunulat.

Mga Kailangan Isaalang-Alang sa Pagsulat ng Tekstong Persweysiv:

1. Tono (Tone)

2. Damdamin (Emotion)

3. Pananaw (Point of View)

TEKSTONG NARATIV/NARATIBO

Ito ay isang uri ng teksto na nagsasalaysay o nagkukuwento ng isang karanasan, nasaksihan,


napakinggan, nabasa o likhang-isip ayon sa pagkasunud-sunod.

Mga Kailangan Isaalang-Alang sa Pagsulat ng Tekstong Narativ:

1.Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapanapanabik at napapanahon.

2. Mahalagang paksa o diwa.


3. Maayos at di-maligoy na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

4.Kaakit-akit na simula

5.Kasiya-siyang wakas

A PROPAGANDA DEVICE NA GINAGAMIT SA TEKSTONG PERSWEYSIV O PANGHIHIKAYAT

Ito ay pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang


produkto o katunggali upang hindi tangkilikin.
1. Name Calling

Ito ay ang magaganda at nakasisilaw na pahayag


ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala
2. Glittering Generalities at pagpapahalaga ng mambabasa.

Ito ay paggamit ng isang sikat na personalidad


upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.
3. Transfer

Ito ay naisasakatuparan kapag ang isang sikat na tao


ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto sa
4. Testimonial pamamagitan ng mga ebidensya at sariling testimonya.

Hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto


o sumali sa isang pangkat o makisabay sa kung ano ang
5. Bandwagon patok dahil lahat ay sumali na

BAHAGI NG NARATIV O NARATIBO

1. Simula Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa


kung dapat bang ipagpatuloy ang pagbabasa ng
kuwento o hindi.

2. Tunggalian Dito nakikita ang suliranin sa kuwento kung sino ang


mga bida at kontrabida, at kung ano ang problemang
dapat bigyan ng solusyon.

May iba’t ibang uri ito:

a. Tauhan laban sa ibang tauhan

b. Tauhan laban sa sarili

c . Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan

3. Kasukdulan Sa bahaging ito unti-unting nabibigyang solusyon


ang sulirain kung magtatagumpay ba ang pangunahing
tauhan o hindi.

4.Kakalasan Sa bahaging ito naman bumababa ang takbo ng


kuwento. Ito ay nagbibigay daan sa wakas.

Wakas Dito naman nakasaad ang panghuling mensahe ng


kuwento, lantad man o tago.

Ginabayang Pagsasanay

Panuto: Nagagalak akong naisagawa ang mga gawaing nasa itaas. Kaya maaari mo nang simulang ang
iyong sariling pagsulat ng tekstong informativ at tekstong deskriptiv. Isulat ang kasagutan sa isang buong
papel.

FAQs (Mga Maaaring Katanungan)


1. Ano ang pinagkapareho ng tekstong persweysiv at tekstong narativ?
-Ang pagkakapareho ng tekstong persweysiv at tekstong narativ ay ibinibigay ang pangunahing
paksang nais iparating.
2. Bakit kinakailangan malaman o pag-aralan ang dalawang tektong ‘to?
-Kinakailangan pag-aralan ang dalawang tekstong ito sapagkat dito mas marami tayong
makukuhang mga impormasyon na masasabi nating mga katotohanan.

Pagtalakay sa Tekstong Argumentativ


Mga Layuning Pampagkatuto:
Sa katapusan ng aralin, ikaw ay nararapat nang:
1. nauunawaan ang kahulugan at layunin ng tekstong argumentativ; at
2. nakasusulat ng sulating tekstong argumentativ

B. Paksang-Aralin

Pag-aaralan at unawain mabuti ang kahulugan at layunin ng tekstong argumentativ? Sa pagtatapos ng


konseptong aralin ay dumako sa Panlinang na Gawain upang mas malinawan at sagutin ang mga
katanungan na inihanda.
TEKSTONG ARGUMENTATIV/ARGUMENTATIBO
Hangarin ng paraang ito na mapatunayan ang isang katwiran, katotohanan o
proposisyonupangmakuhang mapaniwala, mahikayat at maimpluwensyahan ang tagapakinig o
mambabasa sa paninindigan at pananaw ng nagsasalita o manunulat.

Mga Layunin:

1. Upang mabigyang-linaw ang isang mahalagang usapin o isyu


2. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya
3. Makapabahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. Mapananatili ang kanyang saloobin
6. Makaimpluwensya ng ibang tao na kumilos nang naaayon sa tama

Sa pagsulat ng komposisyong argumentativ, maaaring mangibabaw ang argumentasyon subalit


hindi ibig sabihin nito’y ang buong komposisyon ay pawang pangangatwiran lamang, maaring gamitin
ang mga sumusunod na uri ng teskto (Abad at Ruedas, 2000).
1.Narasyon - upang bigyang-linaw ang pangyayaring kaugnay sa paksa
2.Deskripsyon - upang mapatingkad ang puntong ibig patunayan
3. Eksposisyon - upang mapaunawa ang puntong nangangailangan ng paglilinaw
Bagamat ginagamit ang lahat ng ito sa komposisyong argumentativ, nakatanaw ito sa iisang
layunin: ang makaimpluwensiya, mula sa simpleng pangungumbinsi tungo sa pagpapakilos (Abad at
Ruedas, 2000).

Ano ang tungkulin ng Narasyon, Deskripsyon at Eksposisyon sa komposisyong argumentativ?


-Ang tungkulin nito’y upang maimpluwensyahan mula sa simpleng pangungumbinsi tungo sa
pagpapakilos ang mga mambabasa at tagapakinig.

FAQs (Mga Maaaring Katanungan)


1. Ano ang kagandahan sa pagsulat ng tekstong argumentativ?
-Ang kagandanhan ng pagsulat ng tekstong argumenatativ ay naipapakita ang nais mong sabihin at
magagamit mo rito ang pagiging mapanuri mo sa binigay na paksa.
2. Bakit kinakailangan malaman o pag-aralan ang tekstong argumentativ?
-Kinakailangan pag-aralan ang tekstong argumentative upang maipaglaban mo rin ang mga
ninanais mong sabihin sa maayos na paraan.

Pagtalakay sa Tekstong Prosidyural


Layuning Pampagkatuto: Sa katapusan ng aralin, ikaw ay inaasahan na:
1. natutukoy ang kahulugan at katangian ng tekstong prosidyural; at
2. nakakasulat ng sulating tekstong prosidyural.
B. Paksang-Aralin
Pag-aaralan at unawain mabuti ang kahulugan at layunin ng tekstong argumentativ? Sa pagtatapos ng
konseptong aralin ay dumako sa Panlinang na Gawain upang mas malinawan at sagutin ang mga
katanungan na inihanda.

TEKSTONG PROSEDYURAL

Tekstong nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod nang malinaw na hakbang sa


pagsasakatuparan ng anumang gawain. Ang pagsunod sa mga hakbang na ito ay magbibigay nang
maayos na output ng anumang gawain.

Katangian ng Tekstong Prosidyural

a.Tunguhin - nilalahad kung ano ang gagawin at para saan ito.

b.Kasangkapan- nilalahad ang mga kinakailangang materyal upang mais akatuparan ang gagawin.
c . Pamaraan - nilalahad ang mga eks aktong pagkasunod-sunod ng mga hakbang na gagawin.
d.Ebalwasyon - nilalahad kung paano mas usukat nang matagumpay ang is inasagaw.

Mga Salitang Ginagamit sa Pagbibigay ng Prosidyur

1 .Gumagamit ng payak na pananalita at nasa kontemplatibong as pekto ng pandiwa


2 .Tumutukoy sa pangkalahatang mambabasa o manonood at hindi s a indibidwal na tao
3 .Gumagamit ng mga salitang nags asaad ng kilos o pandiwa upang ihayag ang tamang pamamaraan
4 .Gumagamit ng mga pang-ugnay na s alita upang ipakita ang pagkas unod-sunod ng bawat hakbang
5 .Detalyadong tuntunin kung paano, saan at kailan gagawin ang prosidyur

6 .Detalyadong paglalarawan s a materyales na maaaring gamitin

1.Kailangang isaalang-alang sa pagsulat ng tekstong prosidyural.

-Ang kailangang isalaang–alang sa pagsulat ng tekstong prosidyural ay ang paggamit ng mgapayak na


pananalita, tamang pagkakasunodsunod ng mga hakbang at gumagamit ng mga pandiwa upang ihayag
ang tamang pamamaraan.

2. Kailangan sundin ang katangian ng teskstong prosidyural


-Kailangang sundin ang mga katangian nito upang maging maayos at malinaw sa tagapakinig at
tagapanood ang mga layunin ng iyong isinasagawang bagay.
Malayang Pagsasanay
1.Bumuo ng isang prosidyural na napag-susunod-sunod ang iyong ginagawa simula ng paggisingnang
umaga. Isulat ang sagot sa nakalaan na patlang sa ibaba.

FAQs (Mga Maaaring Katanungan)

1. Ano ang kagandahan sa pagsulat ng tekstong prusidyural?


-Ang kagandahan sa pagsulat ng tekstong prosidyural ay mapagsusunod-sunod ang mga ideya at
sa huli makukuha ang pinaka pangunahing paksa.
2. Bakit kinakailangan malaman o pag-aralan ang tekstong prusidyural?
-Mahalagang pag-aralan ang prosidyural upang hindi maligaw ang bawat ideya at maayos mo ito
base sa pagkakasunod-sunod.

You might also like