You are on page 1of 14

Filipino 9

Filipino – Ika-siyam na Baitang


Unang Markahan–Modyul 15: Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng katotohanan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Ruby M. Bacsafra/ Ginalyn S. Pertudo
Editor: Imelda T. Tuaṅo/ Jay-ar S. Montecer
Tagasuri: Nida A. Leaṅo
Teknika: Glady O. Dela Cruz
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 9
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Mga Ekpresyong Nagpapahayag ng Katotohanan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO BAITANG 9 ng Modyul
para sa araling Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng katotohanan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO BAITANG 9 Modyul ukol sa Mga


Ekpresyong nagpapahayag ng katotohanan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang magpapamalas ng


sumusunod na layunin

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo,


talaga, tunay, at iba pa).

MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO:

A. Naiisa-isa ang wastong paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng


katotohanan sa isang pahayag o pangungusap.
B. Nakabubuo ng sariling pangungusap gamit ang mga ekpresyong
nagpapahayag ng katotohanan.
C. Nakasusulat ng dayalogo na naglalaman ng mga ekpresyong nagpapahayag
ng katotohanan sa pamamagitan ng komiks strip.

PAUNANG PAGSUBOK
Alamin natin kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa
nilalaman ng aralin na ito. Basahin nang mabuti ang sumusunod na
pangungusap at salungguhitan ang mga ginamit na ekspresyong
nagpapahayag ng katotohanan.

1. Batay sa resulta, maraming Pilipino ang patuloy na naniniwala sa relihiyong


Katolisismo.
2. Tunay na may mga taong nakalilimot sa Diyos dahil mas pinahahalagahan nila
ang mga materyal na bagay.
3. Sa pangyayari sa ating buhay, totoong dumaraan tayo sa mga pagsubok para
patatagin ang ating paniniwala sa Diyos.
4. Batay sa pag-aaral, totoong naimpluwensiyahan tayo ng mga Kastila sa
relihiyon.
5. Napatunayang mabisa ang salita ng Diyos sa ating buhay.
BALIK-ARAL

Bago tayo mag-umpisa sa ating panibagong aralin, alamin muna


natin kung natatandaan mo pa ang ating nakaraang paksa. Handa ka na
ba?

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang pahayag kung ito ay nagpapakita ng mga


pangyayari sa dulang Tiyo Simon at ekis (X) naman kung hindi.

_____1. Masayang-masaya si Boy sa bago nitong laruan.

_____2. Umuwi si Tiyo Simon sa kanilang tahanan na dala ang manika na kanyang
kinuha mula sa batang nasagasaan.
_____3. Si Tiyo Simon ay nabulag dahil sa kapabayaan nito sa kanyang sarili.

_____4. Ang nanay ni Boy ay natutuwa sapagkat si Tiyo Simon ay sasama sa


pagsisimba.
_____5. Sinabi ni Tiyo Simon kay Boy na huwag na huwag niyang tatanggihan ang
pagsisimba.

ARALIN
Gamit ang 4 pic 1 word tukuyin mo ang hinahanap na salita.

https://ph.lovepik.com/image-400223375/thinking-boy.html
https://www.google.com/search?q=imbestigador&tbm=isch&ved=2ahUKEwjph4vjv57qAhULAKYKHZdGA6oQ2-cC
https://www.google.com/search?q=magnifying+glass+detective&tbm=isch&ved=2ahUKEwjc1LT0vp7qAhVBUpQKH
WSlCS4Q2-

Anong salita ang iyong nabuo? Ito ay KATOTOHANAN, ngayon alamin


natin ang mga salitang nagpapahayag ng katotohanan.
Ang Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan

- Ang isang pahayag ay may katotohanan kung itoy may suportang datos,
pag-aaral, pananaliksik at suportang impormasyong napatunayang tama o
mabisa para sa lahat.
- Sa pagpapahayag ng katotohanan, kailangan maging tumpak at wasto ang
pahayag, salita at gramatika
Narito pa ang ilang halimbawa ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan
Tunay… * Mababasa sa…
Totoo… * Ayon sa…
Talaga… *Dapat
Sang-ayon sa/kay…
Batay sa…
Mula sa/kay…
Tinutukoy ng…
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-mga-ekspresyong-nagpapahayag-ng-katotohanan-at-
opinyon
https://vdocuments.site/filipino-9-mga-ekspresyong-nagpapahayag-ng-katotohanan-at-opinyon.html

Narito ang mga halimbawa:

1. Batay sa pag-aaral, ang Corona virus ay isang malaking pamilya ng mga


virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang
sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-
CoV)
2. Totoong wala pang bakuna para sa bagong Corona virus at walang tiyak na
gamot para sa COVID-19.
3. Ayon sa Department of Public Health maraming mga Corona virus ang
natural na nakakahawa sa hayop, ngunit ang ilan ay maaari ding
makahawa sa tao.
4. Dapat gumamit ng face shield bilang proteksyon kung pupunta sa mataong
lugar.
5. Mula kay DOH Secretary Duque III, ang Pilipinas ay nasa 2nd wave na ng
COVID-19.
MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY I:

Maglahad ng napapanahong isyung panlipunan na ginagamitan ng mga


ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan. Narito ang ekspresyon na
durugtungan mo ng pahayag.

1. Tuny na________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
2. Totoong______________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
3. Ayon sa dalubhasa, napatunayan na___________________________________
_____________________________________________________________________.
4. Talagang__________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
5. Sang-ayon sa _________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

PAGSASANAY 2
PANUTO: Punan ng angkop na ekspresyon ang bawat pahayag upang mabuo
ang konsepto ng pananaw sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Mababasa sa Ayon kay Talagang Tunay Sadyang


Ayon sa Totoong Sang-ayon sa Batay sa Dapat

1. _________________________ Kagawaran ng Kalusugan(DOH), muling naitala ng


Pilipinas ang bagong record high single-day increase sa kaso ng COVID-19 noong
ika-23 ng Hunyo, 2020 na may kabuoang bilang na 31,825.
2. _________________________pahayagan at telebisyon ang labis na galit ng mga
mamamayan sa paglobo ng kanilang mga bayaran sa Meralco at Maynilad.
3. ________________________ Joint Task Force COVID Shield Commander Police
Lieutenant General Guillermo Eleazar sa mga may-ari ng pribadong sasakyan na
hindi gamitin ang mga lanes na para sa mga bisekleta.
4. ________________________ kagamit-gamit ang mga bisekleta ngayon bilang
essential mode of transportation sa gitna ng limitadong bilang ng mass transport
vehicles para sa mga commuters sa ilalim ng General Community Quarantine.
5. Inihayag ni DepEd Secretary Leonor Briones na mas gusto ng mga guro na
magtrabaho sa mga paaralan kaysa sa kanilang mga bahay sa gitna ng banta ng
Covid-19, __________________ nais ng mga guro ng conducive environment para
magtrabaho.
6. ___________________maraming pagbabagong naganap sa pamumuhay ng bawat
isa sa atin ngayon na nasa new normal na ang ating bansa.
7.___________________mapanganib ang virus na kumalat sa buong mundo.
8.___________________laging naka-face mask kung lalabas ng bahay.
9. ____________________hindi pa rin nawawala sa mga Pilipino ang bayanihan lalo
sa oras ng kagipitan.
10. __________________palakasin ang katawan laban sa sakit na hindi nakikita at
kumitil na ng maraming buhay.

PAGSASANAY 3
PANUTO: May nakahandang komiks istrip sa ibaba. Punan ito ng dayalogo na
naglalaman ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.

Pamantayan sa Pagmamarka

Wastong paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohana----5 Puntos

Angkop na dayalogo ng mga larawang guhit na tauhan------------------------3 Puntos

Wastong paggamit ng bawat salita----------------------------------------------2 Puntos

KABUOANG PUNTOS--------------------------------------------------------------10 Puntos


https://www.shutterstock.com/search/comic+strips
PAGLALAHAT

Bilang pagtatapos, suriin mo ang mga pahayag na ito. Iguhit sa tabi


ng bilang ang puso ( ) kung ang pahayag ay tumutukoy sa mga ekspresyong
nagpapahayag ng katotohanan at tala ( ) kung hindi.

_______1. Ang ilang halimbawa ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan


ay tunay, totoo, talaga, sang-ayon sa/kay at iba pa.
_______2. Ang mga ito ay dapat tandaan upang malaman mo ang kaibahan ng
katotohanan sa opinyon.
_______3. Ang pagbibigay ng sariling opinyon ay pagpapahayag din ng katotohanan.

_______4. Sa pagpapahayag ng katotohanan, kailangan maging tumpak at wasto


ang pahayag, salita at gramatika.
_______5. Kung ang pagpapahayag ay madamdamin kahit hindi gamitan ng mga
ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ay maituturing na totoo.

PAGPAPAHALAGA

Ilahad mo ang mga natutuhan sa araling ito. Isulat sa papel ang sagot.

Masasabi
kong…

Napag-alaman Mahalaga
kong… pala ang…

https://ph.lovepik.com/image-400223375/thinking-boy.html
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Kahunan ang ginamit na ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan


sa pangungusap.

1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti nang nababawasan ang


mga out-of-school youth.
2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista, unti-
unting umuunlad ang turismo sa ating bansa.
3. Totoong dumarami ang kaso ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19.
4. Maliban sa talino, tunay na makatutulong sa isang mag-aaral kung siya ay
may sipag at tiyaga.
5. Mababasa sa Saligang Batas, karapatan ng isang bata ang magkaroon ng
dekalidad na edukasyon.
SUSI SA PAGWAWASTO

10. Dapat 5. Totoong


9. Totoong 4. Talagang
8. Dapat 3. Ayon kay
7. Sadyang 2. mababasa sa
6. Totoong 1. Ayon sa
PAGSASANAY II
5. Mababasa sa 5. napatunayan 5.
4. Tunay 4. batay sa/totoong 4.
3 Totoong 3. totoong 3. X
2. Mababasa sa 2. tunay 2.
1. Batay sa 1. batay sa 1. X
PANAPOS NA PAGSUBOK PAUNANG PAGSUBOK BALIK-ARAL

Sanggunian
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-mga-ekspresyong-nagpapahayag-
ng-katotohanan-at-opinyon
https://vdocuments.site/filipino-9-mga-ekspresyong-nagpapahayag-ng-
katotohanan-at-opinyon.html
https://www.shutterstock.com/search/comic+strips
https://ph.lovepik.com/image-400223375/thinking-boy.html
https://www.google.com/search?q=imbestigador&tbm=isch&ved=2ahUKEwjph4vjv
57qAhULAKYKHZdGA6oQ2-cC
https://www.google.com/search?q=magnifying+glass+detective&tbm=isch&ved=2a
hUKEwjc1LT0vp7qAhVBUpQKHWSlCS4Q2-

You might also like