You are on page 1of 4

Kalusugan ay Kayamanan:

Mga Paraan ng Pagpapanatiling Malusog ang Katawan

Ang kalusugan ay ang yaman ng isang nilalang na hindi nasusukat sa pera o sa mga
makamundong ari-arian. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang kalusugan ay isang estado
ng pagiging masigla hindi lamang sa isip at pangangatawan ngunit maging sa pakikisalamuha sa
ibang tao. Isang estado ng katawaan na kung saan ito ay napapanatiling malusog at mayroong
kaganahang maisakatuparan at gumawa ng mga bagay sa kanyang buhay. Sa makatuwid, mahalaga na
maging malusog ang isang tao upang kanyang magawa ang mga bagay na inaasahan mula sakanya
tulad ng pagtratrabaho upang siya ay mabuhay ng tahimik, sagana, masigla, at produktibo.

Ang kalusugan ay isang responsibilidad ng bawat isa sa sarili at sa kapwa. Kailangang


mapangalagahan para sa sariling kapakanan at ng mga tao sa iyong kapaligiran. Ang bawat tao ay
dapat magkaroon ng pagkakataon na makamit ang pinakamainam na kalusugan. Sa pamamagitan ng
pagsunod sa ilang mga paraan at alituntunin ng pagpapanatili ng malusog na katawan, makakamtan ng
bawat isa ang isang masigla, maganda, at malusog na katawan. Una, panatilihin ang isang mabuting
gawi; ito ang pagkain ng malusog at masustansyang pagkain at pag- iinom ng suplemengtal na
bitamina. Pagkain ang isa sa mga nagbibigay energiya at lakas sa isang tao sapagkat ito ang isa sa
mga pinanggagalingan ng mga bitamin at mineral na siyang kailangan ng ating katawan. Ang pagkain
ng gulay at prutas ay mahalaga sa katunayan, bukod sa iba’t ibang bitamina na dala ng mga ito,
nakakatulong din upang maiwasan ng isang tao ang maraming uri ng sakit na siyang mas nagpapahina
ng ating kalusugan (1). Ikalawa, ugaliing mag- ehersisyo araw- araw. Ang pag-eehersisyo ayon sa
eksperto ay mahalaga sapagkat nakakatulong ito na panatilihing masigla at gumagana nang husto ang
puso at baga ng isang tao. Nakakatulong din ito na maiparating sa buong katawan ang daloy ng
oxygen at dugo nang mas maayos, mas mabilis at mas mabisa (2).

Ikatlo, matulog sa tamang oras. Ang sapat na tulog na nasa tamang oras ay makatutulong nang malaki
sa pagpapanatiling malusog ng pag-iisip, at maayos na paggana ng mga sistema ng katawan. Ito rin ay
nagbibigay ng malakas na resistensya ng katawan at maayos na paglaki at paglago ng mga buto at
kalamnan lalong lalo na sa mga kabataan (3). Ika- apat, kumain sa tamang oras. Ang hindi pagkain sa
tamang oras ay maaaring maging dahilan ng over-eating o ang pagkain ng higit sa ating kailangan.
Maaari maging sanhi ito ng pagkakaroon ng impeksyon sa katawan gaya lamang ng stomach ulcer,
maaari ring makaranas ng hilo, pagod, labis na pagkagutom at iba pang impeksyon (4). Ika-lima,
piliin ang mga pagkaing mababa sa asin, asukal, taba, mantika, at sagana sa fiber. Ang pagkain ng
matatamis at maaalat ay maaari sa ating katawan ngunit kung ito ay nasobrahan nakakasanhi ito ng
mga di pangkaraniwang mga sakit na siyang lalong nagpapababa ng immune system ng isang tao.
Maaari itong magsanhi ng mga sakit sa kidney at ang pagkakaroon ng diabetes sa isang tao. Ang taba
at mga mamantikang pagkain naman ay nakakasama rin sa katawan lalong lalo na kung ang mga ito
ay nasobrahan sapagkat nagsasanhi rin ito ng mga sakit gaya ng bato sa apdo o gallstone sa ingles (5).
Ika-anim, iwasan ang pagkain ng mga street foods, softdrinks at mga junk foods. Ang mga pagkaing
street foods, softdrinks, at mga junk foods ay kabilang sa mga pagkaing tinatawag na process food na
kung saan ang mga ito ay maraming additive ingredients lalong lalo na ang mga fish ball, kikiam at
squid ball upang hindi ito mabilis mapanis at masira. Ayon sa mga eksperto, ang mga soft drinks at
junk foods naman ay tinatawag din bilang discretionary choices. Ibig sabihin, ito ang mga pagkain at
inumin na walang sustansiyang binibigay sa katawan dahil ang mga ito ay may mataas na calories
mula sa sugar o fat at nagtataglay ng mababang components with nutritional value tulad ng dietary
fiber, protina, bitamina, at mineral (6).

Ika-pito, uminom ng sapat na baso ng tubig. Ang tubig ang bumubuo ng 60% hanggang 70% ng ating
katawan kung kaya’t ito ay mahalaga sa ating kalusugan. Halos lahat ng mga pangunahing sistema ng
iyong katawan ay nakasalalay sa tubig upang gumana at mabuhay. Ayon sa mayo clinic, ang tubig sa
katawan ay nakakatulong sa pagkokontrol ng temperatura ng katawan, ito rin ay nagmo-moisten ng
mga tissue sa mata, ilong at bibig, pinoprotektahan nito ang mga organ at tisyu ng katawan, at
nagdadala ng mga sustansya at oxygen sa mga cell o selula (7). Ika-walo, kontrolin at pangasiwaan
ang iyong stress. Isa sa mahalagang papel upang mapanatili ang malusog at masiglang katawan ay ang
pagkakaroon ng malusog na kaisipan. Ang stress ay tunay na mahirap iwasan ngunit, maaari itong
kontrolin. Ang pangmatagalang stress ay maaaring negatibong nakakaapekto sa pang-araw-araw na
paggana, maaari rin itong bumuo ng mga pisikal na problema sa kalusugan gaya ng pagtaas ng
presyon ng dugo o blood pressure, pagkawala ng pokus at konsentrasyon, depresyon, at paghina ng
immune system. Maari itong makontrol sa pamamagitan ng pag isip ng positibo, pag- eehersisyo,
pagyo yoga, pagmumuni- muni, at pakikipagbonding sa mga mahal sa buhay upang mailayo ang
katawan sa mga sanhi ng stress (8).

Ika-siyam, maging malinis. Kalinisan ay isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng malusog na


pangangatawan, tunay na mainam na ang isang tao ay naliligo araw- araw, nagsisipilyo ng dalawa
hanggang tatlong beses sa isang araw, at nagpapanatili ng maayos na personal hygiene. Sa katunayan,
ayon sa Mayo Clinic, ang paghuhugas ng kamay ang “isa sa pinakamainam na paraan para maiwasan
ang sakit at ang pagkalat nito.” Madaling nakakahawa ang sipon o trangkaso kapag naihawak mo sa
iyong ilong o mata ang kamay na kontaminado ng mikrobyo. Ang pinakamagandang panlaban dito ay
ang laging paghuhugas ng kamay (9). Panghuli, iwasan ang paninigarilyo at pag inom ng alak. Ang
mga bisyo ay hindi maganda sa kalusugan gaya lamang ng paninigarilyo at pag inom ng alak. Ang
usok ng sigarilyo ay sumisira sa dingding ng mga ugat at napag-alaman din na ito ay
nakapagpapakipot ng mga ugat sa katawan. Samantalang ang pag inom ng alak ay naghahatid rin ng
masamang epekto sa katawan ng isang tao gaya ng sakit sapuso, pagbara ng mga ugat, at pagkasira ng
iba’t ibang internal organ ng isang tao (10).
Kalusugan ay tunay na kayamanan, ito ay isang ari- arian na hindi mapapantayan ng kahit
kasaganahan. Ito ay higit pa sa gintong kayamanan sapagkat ito ay kusang ibinigay satin nang tayo’y
nasa sinapupunan pa ng ating magulang. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga paraan kung
paano mapanatili ang malusog na katawan. Mula noon hanggang ngayon, tanaw parin ang
kahalagahan ating kalusugan. Dapat tayong makipagtulungan upang maatim ang isang estado na
magpapahintulot sa katuparan ng kahulugan ng kalusugan. Ang ating kalusugan ay ating pangalagaan
nang sa gayon magkaroon at mapanatili natin ang kasiglahan, kahalagahan, at kabuluhan ng ating
katawan.

SANGGUNIAN

1. Donev et al. (2017, DIsyembre) “Concepts and definitions of health and health-related values
in the knowledge landscapes of the digital society”
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5778676/
2. Dr. Doratan. MD (2022. Nobyembre 21) “Pabgkain ng Junk Food: Ano ang Epekto Nito sa
Kalusugan?” https://hellodoctor.com.ph/fil/masustansiyang-pagkain/pagkain-ng-junk-food/
3. Dr. Ong. MD (2013, Oktubre 27) “Bakit mahirap itigit ang sigarilyo?”
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2013/10/27/1249965/bakit-mahirap-itigil-
ang-sigarilyo#:~:text=Malaki.,dito%2C%20tumataas%20ang%20ating%20presyon.
4. Mediko Philippines (2020, Enero 17) “Kahalagahn ng Pag-eehersisyo”
https://mediko.ph/kahalagahan-ng-pag eehersisyo/#:~:text=Ang%20pag%2Deehersisyo
%20ay%20mahalaga,mas%20mabilis%20at%20mas%20efficient.
5. National Nutrition Council (2016, Disyembre 31) “Mga Paalala Paraa Mapanatiling Malusog
ang Pangangatawan Ngayong “Holiday Season”
https://www.nnc.gov.ph/index.php/mindanao/autonomous-region-in-muslim-mindanao/1811-
mga-paalala-para-mapanatiling-malusog-ang-pangangatawan-ngayong-holiday-season.html
6. Wergin, R.D.N. (2022, Septyembre 29) “Water: Essential for your body”
https://www.mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/water-
essential-to-your-body
Practical Research

Essay

Submitteb by:
Kimberly A. Dalag

Submitted to
Ms. Pauline Badua

11- Honesty

You might also like