You are on page 1of 2

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Paano pahahalagahan ang mga opinyon at ideya ng iba?


A. Matamang makinig sa suhestiyon bilang paggalang sa ideya ng iba.
B. Barahin agad ang suhestiyon kapag hindi nagustuhan.
C. Pagalitan ang magbibigay ng salungat na suhestiyon.
D. Takpan ang tainga habang nagsasalita ang kausap.
_____ 2. Bakit mahalaga ang makinig din sa ideya at suhestiyon ng iba?
A. Upang makabuo ng tamang solusyon sa problema.
B. Upang makabuo ng di kanais-nais na solusyon sa problema.
C. Upang makabuo ng mas maraming problema na sosolusyonan.
D. Upang makabuo ng nakalilitong pagpupulong tungkol sa problema.
_____ 3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may paggalang at pagmamalasakit sa kapwa?
A. Hindi raw maganda ang boses mo kaya huwag ka ng kumanta pa.
B. Huwag ka na lang sumali dahil hindi ka naman magaling sumayaw.
C. Huwag na tayong mag-aral. Mangopya na lang tayo bukas sa pagsusulit.
D. Huwag kang sumuko ipagpatuloy mo lang ang pagtutula mo, magiging mahusay ka rin.
_____ 4. Kung may kumontra o sumalungat sa iyong ideya, ano ang gagawin mo?
A. Iinsultuhin mo siya sa harapan ng lahat ng nasa pulong.
B. Hahamunin mo siya ng debate sa harapan ng mga nasa pagpupulong.
C. Patitigilin mo siya sa kaniyang sinasabing mga suhestiyon at ideya.
D. Alamin at pakinggan ang ideyang ibinabahagi ng nagsasalita.
_____ 5. Pinapatigil si Esmael ng Nanay niya sa paglalaro ng video games sa gabi upang hindi mapuyat. Ano ang dapat niyang
gagawin sa suhestiyon ng nanay niya?
A. Itutuloy pa rin ang ginagawang paglalaro sa gabi kapag tulog na ang nanay.
B. Susundin nang buong puso ang nanay dahil para ito sa sariling kapakanan.
C. Magagalit sa nanay dahil pinakikialaman ang oras ng kaniyang paglalaro.
D. Magtatampo sa nanay dahil sa ginagawang pagbabawal sa kaniyang paglalaro.
_____ 6. Sino sa mga sumusunod ang gumagawa ng tama hinggil sa mga ideya at suhestiyon?
A. Tinulungan ni Agnes ang kanyang kapatid sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ideya hinggil sa kaniyang
pagsusulat ng tula.
B. Tinutulugan ni Romy ang kapatid na nanghihingi ng magandang suhestiyon tungkol sa paggawa ng islogan.
C. Kinukutya ni Eric ang mga ideyang ibinabahagi ni Carmina sa kanyang mga kaklase tungkol sa paggawa ng poster.
D. Pinapangaralan ni Amor si Donald na hindi kailanman makinig sa anumang ideya o suhestiyong ibibigay ng kanyang
kaibigan.
_____ 7. Gaano kahalaga ang pagiging bukas ang isip sa mga ideya o suhestiyong matatanggap?
A. Napakahalaga ang katangiang ito upang makabuo ka ng tamang desisyon.
B. Mahalaga ang katangiang ito para sa pansariling kapakanan lamang.
C. Hindi mahalaga ang katangiang ito dahil may tiwala ka sa iyong sarili.
D. Walang halaga ang katangiang ito dahil walang maitutulong ito sa iyo.
_____ 8. Paano maipapakita ang paggalang sa pagtanggap ng ideya o suhestiyon?
A. Tanggapin ang mga suhestiyon at pag-aralan kung ito ba ang tamang solusyon sa iyong kinakaharap.
B. Ipagwalang bahala ang lahat ng mga suhestiyong natatanggap dahil ikaw lang ang tama.
C. Pakinggan lang ng wala sa kalooban ang mga ideya at suhestiyong ibinibigay.
D. Ipagkibit-balikat lang ang mga ideya at suhestiyon ng mga mahal sa buhay.
_____ 9. Suriing mabuti ng mga pahayag. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng may pagsang-ayon?
a. ‘Salamat sa iyong suhestiyon’.
b. ‘Walang kwenta ang iyong sinabi’.
c. ‘Naniniwala ako sa maaring kahi-natnan ng iyong plano’.
d. ‘Walang patutunguhan ang pag-uusap natin’.
e. ‘Binabati kita. Narito lamang ako upang tulungan ka’.

A. a, b, at c B. a,c, at d C. a, c, at e D. a, b, at e
_____ 10. Aling suhestiyon ang may kalakip na pagmamalasakit?
A. Hindi na natin ipagpatuloy ang proyektong ito at hindi naman tayo tinutulungan ng ating mga kagrupo.
B. Paki sabihan naman ang kapatid mo na gumising nang maaga para hindi na siya mahuli sa klase.
C. Sa dami ng iyong sinasabi hindi na kita maiintidihan kaya kung pwede tumigil ka na lang.
D. Wala na akong pakialam kung tama o mali itong gagawin nating proyekto, bahala na!
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad na mga sitwasyon ay wasto at MALI naman kung di wasto.
__________ 1. Ang pananalig sa Diyos ay nagbibigay ng pag-asa sa tao.
__________ 2. Kapag tumulong ka sa kapuwa mo ay tiyak na uunlad ang buhay mo.
__________ 3. Ang pananalig ay ang pagtitiwala sa Diyos kahit hindi siya nakikita ng personal.
__________ 4. Sa lahat ng oras at anomang pagkakataon, dapat tumulong sa kapuwa.
__________ 5. Ang paggawa ng hindi mabuti sa kapuwa ay pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.
__________ 6. Napauunlad ang ispirituwalidad ng isang tao kapag isinasabuhay niya ang pananalig sa Diyos.
__________ 7. Ang pagtulong sa kapuwa ay sapat na upang maipakita iyong kabutihan.
__________ 8. Mahalaga na palagi tayong may positibong pananaw, pag-asa at pagmamahal sa Diyos
__________ 9. Kapag dumaranas ng problema, ang pagdarasal ay nakapagbibigay ng pag-asa.
__________ 10. Magiging magaan ang mga pagsubok sa buhay kung ito ay inialay sa sariling kapakanan.

1. A
2. A
3. D
4. D
5. B
6. A
7. A
8. A
9. C
10. B
11. TAMA
12. MALI
13. TAMA
14. TAMA
15. MALI
16. TAMA
17. MALI
18. TAMA
19. TAMA
20. MALI

You might also like