You are on page 1of 27

St.

Paul University Philippines


Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

ANG HUMANIDADES ay may kaugnayan sa kultura at sining tulad ng sayaw, musika, arkitektura,
pagpipinta, pelikula, dula at panitikan.

PANTAONG SINING/HUMANIDADES

-Inilalarawam sa pamamagitan ng mga kwento ideya, at mga salita na tumutukoy sa atin upang maging
higit na makabuluhan ang ating buhay.

ISTANDARD NA WIKA

-Ito ang mga wikang gamit sa edukasyon, pamahalaan at midya. Tumutukoy ito sa mga wikang
ginagamit sa pormal na pagsulat o kabilang sila sa pormal na antas ng wika.

SAYAW

Ang sayaw ay isang katutubong paraan ng pagpapahayag ng damdamin, ng pag-ibig, ng lungkot, galit at
ng iba’t ibang masalimuot na damdaming kinapapalooban ng dula ng buhay.

Ang mga Sayaw na naging Kristiyano

1. Pagtutulad sa mga Ibon

-kinabibilangan ng Itik-Itik (buhat sa itik); Kalapati (buhat sa kalapati); at Tinikling (buhat sa


ibong-palay na tinikling na nagsisikap na umiwas sa bitag ng kawayan.

2. Panliligaw

- Subli (umiikot ang lalaki upang ipahayag ang kaniyang panliligaw hanggang sa mapasagot ang
babae.)

- Maramion ng Cebu (Nanganahulugan ng bango, nagpapabango ang babae upang maakit ang
lalaki, lumuluhod pa ang mga lalaki wari’y magpapahabag sa mga babae.

3. Paglalaban

- kinabibilangan ito ng Sakuting at Palo-palo

4. Paghahanapbuhay
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

- kinabibilangan ng Maglalatik

5. Pang-aliw

- Binasuan- tinitimbang ng mananayaw ang basong may lamang alak sa kaniyang ulo at mga
kamay habang gumugulong sa lapag.

- Pandanggo sa Ilaw - tinitimbang ng mananayaw ang mga sinding ilaw sa ulo niya’t sa likod ng
dalawang kamay habang umiindak sa saliw ng padanggo

MGA URI NG AWITING BAYAN

1. OYAYI o HELE – awit sa pagpapatulog ng sanggol

2. KUNDIMAN- awit sa pag-ibig

3. TALINDAW – awit sa pamamangka

4. SOLIRANIN- awit sa pagsasagwan

5. DIONA- awit sa kasal

6. KUMINTANG- awit sa pakikidigma

7. DALIT- awit na panrelihiyon

8. KALUSAN- awit sa paggawa

9. 9. SAMBOTANI- awit ng pagtatagumapy

10. 10. PANANAPATAN- awit sa paghaharanna ng mga Tagalog

11. 11. BALITAW- awit sa paghaharana ng mga Bisaya

12. 12. PANGANGALUWA- awit sa araw ng patay ng mga Tagalog

13. 13. DUNG-AW- awit sa patay ng mga Ilokano

SAYAW

-Kandingan at Sua-sua (sayaw ng pag-iisang dibdib ng Sulu)

-Sagayan (sayaw pandigma ng Lano at Cotabato)


St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

-Tahing Baila (sayaw panseremonya)

-Singkil (mas masalimuot kaysa sa tinikling sapagkat apat na kawayan ang ginagamit at sumasayaw ay
kumatawan sa isang prinsesa na pinapayungan pa.

-Kaprangkamanis (sayaw panghukuman)

-Kapiil sa Munsala (ginagamit ng mga bandana)

PANITIKAN

- Ang salitang panitikan ay nagmula sa unlaping pang- na nagiging pan- kung ang kasunod na salitang-
ugat ay nag-uumpisasa titik sa d,l,r,s,t. Sasalitang ugat na titik, nawawala ang letrang t sa pagkakasunod
sa pan- at sa hulaping –an, kaya nagiging pang-titik-an. Ito ay nangangahulugan sa Ingles na literature, sa
kastila ay literatura na ibinatay sa salitang Latin na litera na ang ibig sabihin ay letra o titik.

- Paglalahad ng mga makulay na damdaming Pilipino na may kinalaman sa mga bagay-bagay sa daigdig
sa kanilang pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika at sa pananampalataya
nila sa Diyos sa pamamagitan ng pasalita at pasulat na paraan.

URI NG PANITIKAN

1. PROSA o TULUYAN

-ito ay tumutukoy sa mga akdang nakasulat sa karaniwang takbo ng pangungusap, at madalas


nakasulat sa mga talata.

SANAYSAY

Isang maiksing komposisyon na kadalasang naglalaman ng personal ma kuro-kuro o opinion ng may-


akda. Nauuri ito sa dalawa:

Maanyo o Pormal at Malaya o di Pormal.

MAANYO O PORMAL

-tinatalakay rito ang isang paksang nangangailangan ng masusing pananaliksik, ginagamitan ng mga
salitang pormal at matalinghaga.

MALAYA O DI PORMAL
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

-may himig itong nakikipag-usap, madaling maintindihan dahil gumagamit ang may-akda ng mga
simpleng pananalita.

2. PATULA

-itoay naglalaman ng mga salitang may sukat at tugma.

Sukat- dami o bilang ng pantig ng mga salita sa isang taludtod

Tugma- pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig ng mga huling salita bawat linya sa tula

Taludtod- ito ay ang bawat linya na bumubuo sa tula.

Saknong- tawag sa grupo ng bawat taludtod.

Ang akdang Patula ay nahahati sa Apat na Uri:

 Tulang Pasalaysay

 Tulang Pandamdamin o liriko

 Tulang Patnigan

 Tulang Pantanghalan

TULA

-Isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay at kalikasan bunga ng malikhaing guniguni o


imahinason ng makata.

Anyo ng Tula

 Tradisyunal na tula

-May sukat at may tugma

 Malayang Taludturan

-walang sukat at walang tugma

 Berso Blangko

-walang sukat pero may tugma o may sukat ngunit walang tugma.
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN


AGHAM PANLIPUNAN

ay isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao, kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito, kasama
ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan.

Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan

1. Sosyolohiya

- pag-aaral ng kilos, pag-iisip at gawi ng tao sa lipunan at gumagamit ng emperikal na obserbasyon,


kuwalitatibo at kuwantitatibong metodo.

2. Sikolohiya

- pag-aaral mga kilos, pag-iisip at gawi ng tao, gumagamit ng empirical na obserbasyon.

3. LINGGUWISTIKA

- pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura at baryasyon nito. Bahagi ng
pag-aaral ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sintaks at gramatika at gumagamit ng lapit na
deskriptibo o pagpapaliwanag sa pag-aaral ng katangian ng wika, gayundin ng historikal na lapit o
pinagdaanang pagbabago ng wika.

4. Antropolohiya

- pag-aaral ng mga tao sa iba’t ibang panahong ng pag-iral upang maunawaan ang kompleksidad ng mga
kultura at gumagamit ng participant-observation o ekspiryensiyal na imersyon sa pananaliksik.

5. Kasaysayan

- pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng mga grupo, komunidad, lipunan at ng mga


pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan, ginagamit ang lapit-naratibo upang mailahad ang
pangyayaring ito.
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

6. Heograpiya

- pag-aaral sa mga lipunang sakop ng mundo upang maunawaan ang masalimuot na mga bagay kaugnay
ng katangian, kalikasan at pagbabago rito kasama na ang epekto nito sa tao, metodong kuwantitatibo at
kuwalitatibo ang ginagamit sa mga pananaliksik dito.

7. Agham Pampolitika

-pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika at mga patakaran, proseso at sistema ng mga gobyerno,
gayundin ang kilos-politikal, ng mga institusyon, gumagamit ito ng analisis at empirikal na pag-aaral.

8. Ekonomiks

- pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksyon, distribusyon at paggamit ng mga
serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa. Pinaniniwalaang ang mga kalagayang
pangekonomiya ng isang bansa ay may epekto sa krimen, edukasyon, pamilya, batas, relihiyon,
kaguluhan at mga institusyong panlipunan, empirikal na imbestigasyon ang lapit sap ag-aaral dito.

9. Area Studies

- interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at heyograpikong lugar, kuwalitatibo,


kuwalitatibo, at empirikal na obserbasyon at imbestigasyon ang lapit sa pananaliksik dito.

10. Arkeolohiya

- pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact at monument kaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain ng
tao.

11. Relihiyon

- pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang kultural at mga pananaw sa


mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan (uniberdo) bilang nilikha ng isang superyor at
superhuman na kaayusan.
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

Proseso sa Pagsulat ng Agham Panlipunan

a. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa itaas.

b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa. Wala pa bang nakapgatatalakay nito? Kung mayroon na, ano ang
bagong perspektibang dala ng pagtalakay sa paksa? Paano ito maiiba?

c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap. Karaniwang sa simula inilalagay itongunit maaari ding
sa gitna o sa hulihan. Sa ibang pagkakataon, hindi ito isinusulat ngunit nalilinaw sa takbo ng pagtalakay.

d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos. Maaaring gamitin ang interbyu, mass media,internet, social
media at new media, aklatan, sarbey, focus- group discussion, obserbasyon at iba pa.
e. Pagkalap ng datos bilang ebidensya at suporta sa tesis.
f. Analisis ng ebidensya gamit ang lapit sa pagsusuring kuwantatibo, kuwalitatibo, argumentatibo,
deskriptibo, at etnograpiko.
g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna at wakas),angkop, sapat at
wastong paraan ng pagsulat.
h. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng ibang may-akda

SIYENSIYA
• Ang salitang siyensiya o science ay galing sa salitang Latin na scientia, ibig sabihi’y karunungan.

• Ang layunin ng siyensiya ay maparami at mapalawak ang datos upang makapagbuo ng teorya.

TEKNOLOHIYA
• Pinagsamang salita ito ng Griyego na techne (sining, kakayahan, craft o paraan kung paano
ginagawa ang bagay); at logos o salita, pahayag, o binigkas na pahayag

• Umaasa ito sa mga teoryang pansiyensiya. Ito ang paglikha at paggamit ng iba’t ibang
pamamaraan o kaugnayan ng buhay, kapaligiran, kalikasan, at lipunan.

Kabutihan dulot ng Teknolihiya sa Larangan ng Kalakalan

1. Makapagliligtas ng oras, lakas, at salapi.


St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

2. Pagtaas ng antas ng produksyon

3.Pagpapabuti ng palitan ng impormasyon

4. Makatutulong ang teknolohiya upang makabuo ng mas magandang bentahe sa larangan ng kalakalan.

Kabutihan dulot ng Teknolihiya sa Larangan ng Edukasyon

1. Nakatutulong sa indibidwal na proseso ng pagkatuto sa bawat mag-aaral.

2. Ginagamit sa interaksyon ng mga mag-aaral at dalaguro sa loob ng klase.

3. Malaki rin ang nagagawa ng teknolohiya sa kakayahan ng mga mag-aaral na magsulat at


magbaybay.

4. Malaki rin ang papel na ginagampanan ng teknolohiya para sa mga pangkatang gawain at
pagkatuto ng mag-aaral.

5. Inihahanda ng teknolohiya sa klase ang mag-aaral sa totoong mundo ng trabaho na kailangan


nilang harapin sa hinaharap.

6. Ginagawang simple ng teknolohiya ang trabaho ng isang dalubguro.

Kabutihan dulot ng Teknolihiya sa Larangan ng Edukasyon

1. Hindi lahat ng akademikong inatitusyon ay may kakayahang gumamit ng teknolohiya.

2. Maaari itong makasagabal sa mga gawaing pagkatuto

3. Ang paggamit nito ay nangangailangan ng ibayong pagsasanay.

MGA DISIPLINA

SIYENSIYA TEKNOLOHIYA
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

- Biyolohiya – Nakatuon sa mga bagay na


buhay – ang estruktura, pinagmulan, - Information Technology (IT) – Pag-aaral at
ebolusyon, gamit, distribusyon, at gamit ng teknolohiya kaugnay ng pagbibigay at
paglawak ng mga ito paglilipat ng impormasyon, datos, at
pagpoproseso. Ito rin ang pag-unawa,
- Kemistri – Nakatuon sa komposisyon ng pagpaplano, pagdidisenyo, pagbuo, distribusyon,
mga substance, properties, at mga pagpoprograma, suporta, solusyon, at operasyon
reaksiyon at, interaksiyon sa enerhiya at ng mga software at kompyuter.
sa sarili ng mga ito.

SIYENSIYA TEKNOLOHIYA

- Pisika – Nakatuon ito sa mga property at - Inhinyeriya – Nakatuon sa aplikasyon


interaksiyon ng panahon, espasyo, ng mga prinsipyong siyentipiko at
enerhiya, at matter. Mula ito sa Griyego matematiko upang bumuo ng disenyo,
na Phusike o kaalaman sa kalikasan. mapatakbo, at mapagana ang mga
estruktura, makina, proseso, at sistema.
- Earth Science/Heolohiya – Sistema ng
planetang daigdig sa kalawakan –klima, - Aeronautics – Teorya at praktis ng
karagatan, planeta, bato, at iba pang pagdidisenyo, pagtatayo, matematika,
pisikal na elemento kaugnay ng pagbuo, at mekaniks ng nabigasyon sa
estruktura, at mga penomena nito. Kung kalawakan.
minsa’y tinatawag din itong Heolohiya.

SIYENSIYA
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

- Astronomiya – Pag-aaral ito ng mga bagay na selestiyal – mga kometa,


planeta, galaxy, bituin, at penomenang pangkalawakan.

- Matematika – Siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika, at ugnayan


ng mga numero, pigura, anyo, espasyo, kantidad, at estruktura na
ipinahahayag sa pamamagitan ng mga simbolo.

METODONG IMRAD

I – Introduksiyon – problema, motibo, layunin, background, at pangkalahatang pahayag;

M – Metodo – mga modelo at panukat na gagamitin, ano, kailan, saan, paano, gagamitin ang materyal.
Sino-sino ang sangkot?

R – Resulta ng ginawang empirikal na pag-aaral. Tama ba ang hipotesis? Ipapakita ito sa pamamagitan
ng mga tsart, graph, plot, at iba pang graphic organizer

A – Analisis ng isinagawang pag-aaral batay sa resulta.

D – Diskusyon at konklusyon ito ng isinagawang pag-aaral. Ano ang implikasyon ng resulta? Bakit? Ano
ang maitutulong nito sa lipunan sa hinaharap? May mga paglabag ba ito sa etika? Makabuluhan ba ito?
Masasabi bang malaking kontribusyon ito sa sangkatauhan?

INHINYERA
1. Karpentero- carpenter

2. Kantero- mason

3. Latero- roofer

4. Soldador- welder
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION


St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION


St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION


St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION


St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

MATEMATIKA

- Isa sa pinakamahirap ngunit pinakakailangang asignatura na nagbibigay kasagutan sa mga


tanong at problemang may kinalaman sa numero, sukat, kapasidad, istraktura at pagbabago.

- Ang komunikasypn at pagkatuto ay nararapat na magkaroon ng matatag na ugnayan upang


kahirapan sa pag-aaral sa anumang larangan o asignatura ay mapagtagumpayan sa
pamamagitan ng maayos at epektibong paraan ng pagbanggit ng mga ideya at suliranin (Daniel
at Housley-Gaffney,2009).

- Nabanggit nina Broadway ay Zamora (2018) na napakahalaga ng Matematika sa buhay ng tao


kaya’t mahalagang ikintal sa isipan ng mga mag-aaral ang aral na maibibigay nito sa kanila. Sa
katunayan, magmula sa simpleng pagbibilang hanggang sa pagkokompyut ng income tax return
at ng mga bayarin sa kuryente at tubig, makikita ang tungkuling ginagampanan ng Matematika.
Kaugnay nito, ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga dahilan kung kaya’t mahalagang
matutunan ng mga mag-aaral ang asignaturang ito tungo sa pagbuo ng kaalamang magagamit
nila sa pangaraw-araw na buhay.

- Sa Katunayan, ayon sa nasabing pag-aaral, mas madaling naipaliliwanag ng guro ang mga
konseptong pang-Matematika at mga panuto ukol ditto sa tulong ng wikang Filipino. Gayon din,
mas naipahahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga tanong ukol sa asignaturang gamit ang
wikang Filipino dahil komportable na sila sa paggamit ng wikang ito. Wala ring hadlang sa
pagsasalita lalo na sa talakayan.

- Acelajado 1996, na walang anumang naging pag-aaral na makapagsasabi at makapagpapatunay


na dapat ay ingles ang gimiting midyum sa matematika at wala pang matibay na magpapatunay
na ang Ingles, bilang midyum, ay magpapabago sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

- Pinatunayan din sa kaniyang artikulo na sa mga pagkakataong nahihirapan ang mga mag-aaral
na maunawaan ang aralin sa matematika na itinuturo sa wikang Ingles, nagiging mas kawili-wili
at madali ito gamit ang wikang Filipino.

- Binanggit naman ni Aldaba 1996, na may ilang pananaliksik na naisagawa na masigasig na


nagtataguyod sa Filipino bilang wika sa pagpapadali sa pag-aaral, lalo na sa agham at
matematika, kailangan lang pag-ibayuhin.

- Malaki ang maiaambag sa pagkatuto at sa pagpapdali at pagtuturo ang paggamit ng wikang


Filipino, maging sa mga asignaturang teknikal tulad ng matematika. Maaarong kulang sa
kasanayan ang ibang mga guro at mag-aaral sa paggmit ng sariling wika subalit malalasap ang
sarap na bunga ng pagtuturo at pagkatuto kung mahahasa sa paggamit sa wikang Filipino na
malapit sa ating puso.
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

DISKURSO
◄ Tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpapahatid ng mensahe.

◄ Pormal o sistematikong eksaminasyon ng isang paksa na ginagamit ang anyo ng diskurso ang
pasalita at pasulat.

◄Kapareho ng Komunikasyon

Halimbawa: sanaysay, panayam, artikulo, pagtatalumpati

DALAWANG ANYO NG DISKURSO

1. – mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang pangwika upang matiyak
na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang kanyang mensahe dahil maaaring iba
ang pagkaunawa ng tatanggap nito.

◄ isinalang-alang ang anyo ng sulatin o format, uri ng papel at iba pa.

TANDAAN: Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito ay nakasulat

2. PANANALITA – mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit minsan ay


naaapektuhan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang sosyal habang
nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang kakayahang komunikatibo.

TANDAAN: Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging sa taong kausap upang
makamit ang layunin.

LAYUNIN NG DISKURSO

● Makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa


St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

● Pagbibigay ng mallinaw na imahe ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya upang makalikha ng
isang impresyon o kakintalan

● Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig

● Makapagbigay ng isang sapat na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o


makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig.

KAHALAGAHAN NG DISKURSO

♥Fanksyunal – nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig, at ng manunulat at


mambabasa.

♥Nakapaparating ng mensahe ang isang tao sa kanyang kapwa upang siya ay lubusang maunawaan.

ELEMENTO NG DISKURSO

1. NILALAMAN

May pagbatid o mahalagang mensahe

May mahalagang impormasyon

May kaalamang mapapakinabangan

Makalilibang

2. PANANALITA

Madaling maunawaan

May tatlong bagay na makatutulong upang madaling gumagamit ng isang pahayag

Maraming gumagamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan


St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

APAT NA PARAAN NG DISKURSO

1. PASALAYSAY O NARATIV

Pangungusap na naglalahad ng isang katotohanang bagay. Dapat bigyan ng katuturan ang sin

asabi.

URI NG PASALAYSAY

a.) Pasalaysay na totoo – base sa tumpak o tiyak at tunay na mga pangyayari.

b.) Pasalaysay na likhang isip – kinabibilangan ng mga mito, pabula, parabulam maikling kuwento at
nobela.

KASANGKAPAN NG PAGSASALAYSAY:

a. Tema c. Pangyayari

b. Tagpuan d. Tauhan

2. PAGLALAHAD O EKSPOSITORI

Isang anyo ng psagpapahayag na naglalayong magbigang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o
paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa.

BAHAGI NG PAGLALAHAD

a.)Simula – ang simula ng pahayag

b.) Katawan – ang nilalaman ng pahayag.

c.) Wakas – maaaring buod, tanong, panghula sa maaaring mangyari, pangsariwa sa suliraning binanggit
sa simula, pagamit ng kasabihan angkop sa akda.

3. PANGANGATWIRAN O ARGUMENTATIB

May layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga pananalita.

2 URI NG PANGANGATWIRAN

a.) Pabuod – sinisimulan sa particular na pangyayari, katotohanan o kalagayan at tinatapos sa isang


katotohanang pangkalahatan
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

b.) Silohismo o deductive method – lohikal kung maghayag ng katotohanan, pangahawakan muna ang
isang pangunahing batayan, saka susundan ng pangalawang batayan at ditto ngayon ibabase ang
konklusyon.

4. PAGLALARAWAN O DESKRIPTIV

Isang anyo ng diskurso na nagpapahayag bg sapat na detalye o katangian ng isang tao, bagay, pook o
damdamin upang ang isang mambabasa ay makalikha ng isang larawan na aayon sa inilalarawan.

URI NG PAGLALARAWAN

a.) Pangkaraniwan – nagbibigay lamang ng tamang kabatiran sa inilalarawan.

b.) Masining – ang guni-guni ng bumabasa ay pinapagalaw upang Makita ang isang buhay na buhay na
larawan.

c.) Abstrak – gumagamit ng di-literal na paglalarawan; iniaaniban ito ng mga idyomatikong paglalarawan.

Marxismo – iyo ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa ugnayan at


hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng
kasaysayan at diyalektong pananaw ng pagbabago ng lipunan.

Gumagamit ng ekonomiko at sosyo-political na pag-uusisa ang metodolohiyang Marxista na siya naming


ginagamit sa analisi at sistematikong pagbabagong pang-ekonomiya.
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

GLOBALISASYON

- Ay pag-iimpluwensiya at interaksyon ng iba’t ibang organisayon, kompanya, at mga negosyo sa buong


mundo. Ito ay naglalayon sa pag-unlad at pag lago ng ekonomiya.

Ang teoryang marxismo sa usapin ng globalisasyon ay tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng
lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan.
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

Natutulungan nito ang mga mamamayan sa iba’t ibang aspekto”

1. Pag-unlad ng bansa.

2. Paglinang sa kamalayan ukol sa ibang kultura

3. Pag-abot sa mga mahal sa buhay.

Masamang epekto

1. Pagkabuo ng diskriminasyon laban sa ibang uri ng tao

2. Palala ng panlipunang hinarkiya.

3. Paglaho ng mabuting pag-uugali

SIKOLOHIYANG PILIPINO

- Bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyon ng Pilipino, batay sa kabuuang paggamkit ng


kultura at wikang Pilipino
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION


St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

GOD BLESS YOU ALWAYS! 😊

MAHABANG PAGSUSULIT SA MIDTERM

1. Ito ay may kaugnayan sa kultura at sining tulad ng sayaw, musika, arkitektura, pagpipinta,
pelikula, dula at panitikan?
- HUMANIDADES

2. Ano ang awiting bayan ng awit sa pamamangka?


- TALINDAW

3. Ito ay ang Pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksyon, distribusyon at
paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa?
- EKONOMIKS

4. Ang lahat ng nabanggit ay mga pinagtutuunan ng pansin nang Siyensiya, maliban sa isa:
- HYPOTHESIS
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

5. Ayon kay__________, may ilang pananaliksik na naisagawa na masigasig na nagtataguyod sa


Filipino bilang wika sa pagpapadali sa pag-aaral, lalo na sa agham at matematika, kailangan lang
pag-ibayuhin.
- ALDABA

6. Pormal o di-sistematikong eksaminasyon ng isang paksa na ginagamit ang anyo ng diskurso ang
pasalita at pasulat.
- MALI, DI-SISTEMATIKO

7. Ang pagsulat ng Agham ay kailangang simple, personal, direkta, tiyak ang tinutukoy,
argumentatibo, nanghihikayat at naglalahad.
- MALI, PERSONAL

8. Ang mga awiting bayan ay nasa anyo rin ng tula na may sukat, tugtog ay indayog ay maiikli
lamang.
- TAMA

9. Ang pananaliksik ay siya mismong obheto o layunin nito—isang paglikha upang muling makabuo
ng isang ideya o interpretasyon mula sa babasa, titingin, o makikinig dito.
- MALI, PANANALIKSIK

10. Ang wika ay salamin sa ating pagkatao.


- MALI, SA ATING PAGKATAO

11. Ayon kay________________, sa kaniyang pagtuturo napapansin niya na mas nalilito at


nahihirapan ang mga estudyante kung baybayin pa sa Filipino ang mga salitang nabanggit.
- MR. SALAZAR

12. Ang layunin ng _____________ ay maparami at mapalawak ang datos upang makapagbuo ng
teorya.
-

13. Dito nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig, at ng manunulat at


mambabasa.
- FANKSYUNAL

14. Ito ay ang interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at heyograpikong
lugar
- AREA STUDIES
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

15. Ito ay tumutukoy ito sa mga wikang ginagamit sa pormal na pagsulat o kabilang sila sa pormal na
antas ng wika.
- ISTANDARD NA WIKA

16. Ito ay sayaw ng pag-iisang dibdib ng Sulu.


- KANDINGAN AT SUA- SUA

17. Anong larangan ng siyensiya ang nakatuon sa mga bagay na buhay – ang estruktura,
pinagmulan, ebolusyon, gamit, distribusyon, at paglawak ng mga ito?
- BIYOLOHIYA

18. Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magbigay-linaw ang isang konsepto o kaisipan,
bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa.
- PAGLALAHAD/ EKSPOSITORI

19. Ito ay pormal o sistematikong eksaminasyon ng isang paksa.


- DISKURSO

20. Nangangahulugang sining, kakayahan, craft o paraan kung paano ginagawa ang bagay
- TECHNE

21. Salitang Latin na ang ibig sabihin ay karunungan.


- SCIENTIA

22. Tumutuon sa kugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan.


- MARXISMO

23. Gumagamit ng di-literal na paglalarawan.


- ABSTRAK

24. Sino ang Ama ng Sikolohiyang Pilipino?


- VIRGILIO VELASQUEZ

25. Kinabibilangan ng mga mito, pabula, parabulam maikling kuwento at nobela.


- PAGSALAYSAY NA LIKHANG-ISIP

26. Base sa tumpak o tiyak at tunay na mga pangyayari.


- PAGSALAYSAY NA TOTOO

27. Tao pa rin ang mahalaga sa mga larangang ito


St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

- SINING

28. Lohikal na pagpapahayag ng katotohanan.


- SILOHISMO/ DEDUCTIVE METHOD

29. Nagbibigay lamang ng tamang kabatiran sa inilalarawan.


- PANGKARANIWAN

30. awit sa paghaharana ng mga Tagalog


- PANANAPATAN

31. – 32.
Kumintang: awit sa pakikidigma
Dalit: AWIT NA PANRELIHIYON

33. - 34.
Siyensya: scientia
Teknolohiya: TECHNE AT LOGOS

35. – 36.
Marxismo: gumagamit ng ekonomiko at sosyo-political na pag-uusisa
GLOBALISASYON: interaksyon ng iba’t ibang organisayon, kompanya, at mga negosyo sa buong
mundo

36. – 38.
Biyolohiya: Bagay na buhay
PISIKA: Property at interaksiyon ng panahon, espasyo at enerhiya.

39. – 40.

Reversible process: reversibol na proseso

Chemical reaction: REAKSYONG CHEMICAL

41. – 42.

Addition:Lakta o Talulod

Calculator: PANTAYA
St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

43. – 44.

Agham Pampolitika: pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika at mga patakaran, proseso at sistema ng mga
gobyerno.

ARKEOLOHIYA: pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact at monument kaugnay ng nakaraang pamumuhay
at gawain ng tao.

45.- 46.

problema, motibo, layunin, background, at pangkalahatang pahayag: Introduksiyon

mga modelo at panukat na gagamitin, ano, kailan, saan, paano, gagamitin ang materyal. Sino-sino ang
sangkot: METODO

You might also like