You are on page 1of 6

Filipino 11

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at kulturang Pilipino


Unang Kuwarter - Linggo 1.1

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: _____________________


Pangkat at Taon: _____________________________________ Iskor: ______________________

Paksa: Barayti ng Wika

Kompetensi at Code:
 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, mga karanasan
sa nabasang pahayag mula sa blog, social media post at iba pa F11PS-Ib-86

Konsepto o Ideya:

Pagkakaiba at Baryasyon ng Wika


Ang wikang Filipino, tulad ng anumang buhay na wika ay nagtataglay ng iba’t ibang
barayti. Kung ating iisipin ang kasabihan sa Ingles na “Variety is the spice of life”, uusbong ang
ideya na ang pagkakaiba-iba ng wika ay hindi isang negatibong konsepto bagkus maituturing na
isang positibong katangian. Hayagang binanggit ni Constantino (2002) sa aklat ni Arrogante et al.
(2007), na may malaking kinalaman sa wika ang lipunan at ang lipunang ito ay may masining na
kulturang hinango sa mga tao at ang wika ay nagpapahayag ng kaluluwa ng tao na siya namang
bumubuo sa lipunan.

May pitong barayti ng wika:


1. Dayalek –ginagamit ng mga tao ayon sa particular na rehiyon o lalawigan na tinitirhan
Hal. Tagalog- Mahal kita Bisaya – Gihigugma ta ka
Not For Sale

2. Sosyolek – ginagamit ng isang partiluar na grupo o pangkat


Hal. Oh my Gosh! It’s so mainit.
a. Wika ng mga Beki ( Gay lingo) - Isang grupong nais mapanatili ang kanilang
pagkakakilanlan kaya naman binabago nila ang tunog o kahulugan ng salita.
Hal:
Churchill- sosyal Indiana Jones- nang-iindyan o hindi sumipot Bigalou- Malaki
Givenchy- pahingi Maui Taylor- mabaho ang kili-kili 9
b. Coňo - tinatawag ding coňotic o conyospeak isang baryant ng Taglish. Mas Malala
ang paghahalo ng tagalog at ingles na karaniwang ginagamitan ng pandiwang Ingles
na make na ikinakabit sa mga pawatas sa Filipino tulad ng make basa, make kain,
make lakad.
Hal:
Kaibigan 1: Let’s make kain na. Kaibigan 2: Wait lang. I’m calling Ana pa. Kaibigan 1:
Come on na. We’ll gonna make pila pa. It’s so haba na naman for sure. Kaibigan 2: I
know, right. Sige go ahead na.

3. Idyolek – personal na paggamit ng salita ng isang indibwal.Istilo sa pamamahayag ng


pagsasalita
Hal. Hoy Gising –Ted Failon Hindi ka naming tatantaan – Mike Enriquez

4. Register – wikang ginagamit ng mga propesyonal.


Hal. Medisina (x-ray), Guro (Chalk), Abogado (Your honor),

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale
5. Etnolek- wikang mula sa mga etnolongguwistikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula sa
mga salitang etniko at dialek.Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng
pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
Hal. Vakuul = tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o
saulan Bulanon= full moon Ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula,
gitna at dulo ng salitatulad ng shuwa(dalawa) sadshak (kaligayahan), pershen
(hawak).
Hal:Panghihiram ng salita - Ang paghiram natin ng salitang credit card mula sa
mga banyaga

6. Pidgin- ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native language’ o


katutubong wikang di pag-aari ninuman.Nangyayari ito kapag may dalawang taong
nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di
magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa.
Hal: Chinese Filipino“Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt”. (Suki, bumili ka na ng
paninda ko. Bibigyan kita ng diskawnt.)

7. Creole- wikang nagmula sa pidgin ay nagiging likas na wika o unang wika na ng


batangisinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit na ito ng mahabang panahon,
kaya’t nabuo ito hangggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinusunod na
ng karamihan. Ito ngayonang creole, ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging
unang wika sa isang lugar.
Hal:Buenas dias. (Chavacano) (magandang umaga.)

Gawain 1
Maghanap ng mga impormant mula sa mga nabasa o narinig na blog o social media na
nagsasalita ng ibang diyalekto. Itanong o hanapin ang mga katumbas na salita ayon sa wika na
Not For Sale

sinasalita ng impormante.

FILIPINO Wika MO Wika ng Impormant


Hal. Magandang Umaga Maayong Buntag – Bisaya Afyu Flapus – B’laan
Madjao na kamdag – Dabawenyo
Madeger Sal’am - Bagobo

1. Mahal Kita

2. masarap

3. bahay

4. Magandang buhay!

5. pagkain

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale
Gawain 2
Iguhit ang mapa ng Pilipinas, ilapat ang mga sumusunod na lugar at tukuyin ang uri ng
wikang sinasalita nito.

Mapa ng Pilipinas

Not For Sale

Krayterya: Kawastuhan – 10, Kalinisan -5 = 15 Kabuuang puntos

Mga Lugar:
1. Ilocos 6. Bicol
2. Davao Oriental 7. Iloilo
3. Batangas 8. Manila
4. Cebu 9. Pampanga
5. Leyte 10. Zamboanga

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale
Gawain 3

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang titk o
letra ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na


kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”
A. Etnolek C. Sosyolek
B. Dayalek D. Idyolek

2. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ng
mga taga- Metro Manila.
A. Dayalek C. Idyolek
B. Sosyolek D. Etnolek
3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang malutong niyang
“Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
A.Sosyolek C. Etnolek
B. Idyolek D. Dayalek
4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man
dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng
wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
A..Idyolek C. Pidgin
B.Etnolek D. Creole
5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal sa mga dalagang
taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang
naging unang wika ng mga naging anak nila.
A. Creole C. Dayalek
B. Pidgin D.Sosyolek
Not For Sale

6. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo a.k.a. “Dana” ang mga
salitang charot, bigalou at iba pa.
A. Register C. Etnolek
B. Idyolek D. Sosyolek
7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan.
Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito’y
alam niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.
A. Coño C. Sosyolek
B. Jejemon D. Register
8. Habang nakahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot at nakatatawa ang
ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga kagamitan at magsimula silang
mag-ulat sa harap ng klase at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal na paraan nila ng
pagsasalita.
A. Sosyolek C. Register
B. Etnolek D. Idyolek

9. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa Batanes.
Saanman siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay alam niyang ang salitang
ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit nilang pananggalang sa init at ulan.
A.Dayalek C. Sosyolek
B. Etnolek D. Idyolek

10.“Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang
programang Rated K.
A.Idyolek C. Pidgin
B. Register D. Creole

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale
A. Para sa mga may kakayahang gumamit ng online site.
Panoorin ang video mula sa https://www.youtube.com/watch?v=ZTN05QbNiLc at
pagkatapos mapanood ay bumuo ng venn dayagram na nagpapakita ng kaugnayan ng
wikang ginamit sa napanood at sa mga konsepto ng wika. Gamiting gabay ang rubric na
nasa ibaba

B. Para sa mga hindi makapanood ng video sa youtube ay maaring magmasid ka sa usapan ng


iyong pamilya sa bahay. Bumuo ng venn dayagram nagpapakita ng kaugnayan ng wikang
ginamit sa bahay at sa mga konsepto ng wika
Not For Sale

Sanggunian

Bernales, R., et al. Wika at Komunikasyon. Mutya Publishing House, Inc., 2013

Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc. 2016.

Magdalena O. Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon


City: Vibal Group Company, 2016.

Nuncio, R, et al. Sidhaya 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Quezon City: C & E Publishing, Inc. 2016

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale
Not For Sale

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale

You might also like