You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES )

Metro Manila)
Quezon City) S.S.

SINUMPAANG SALAYSAY

Kami sina ERLINDA M. MIQUE at FELIPA A. DEL CARMEN ,


Pilipino, may sapat na gulang, pawang may asawa at kasalukuyang
naninirahan sa 642 Sampaloc Site II, bf Home Quezon City at 644
Dalandan St. Purok 4, Sampaloc II F. Homes, Paranaque, at pagkatapos
manumpa ng ayon sa batas ay malayang nagsasabi at nagsasalaysay ng
buong katotohanan ng mga sumusunod:
1. Na personal naming kilala si RALLIEN PAUL DIAZ dahil siya ay
anak ng aming pinsan na si MILA V. DIAZ at sila ay tumira ng
ilang taon sa Pranaque bago tuluyang nanirahan sa Japan;
2. Na kilala naming si Juanito Protacio Arcangel bilang ama ni
Rallien Paul Diaz;
3. Alam naming sila ay hindi kasal at kailanman ay hindi naipakilala
ni Mila sa aming pamilya sa Bongabon, Nueva Ecija o nadala man
lamang sa lugar na iyon;
4. Na mula ng ipanganak si Rallien ay kilala naming siya bilang
Rillien Paul Diaz at kailan man ay hindi niya dinala o ginamit ang
apelyido ng kanyang amang si Juanito dahil hindi naman sila kasal
ni Mila;
5. Personal naming alam ito dahil kami mismo ang sumasama noong
sa kanyang paaralan noong siya ang aaral palang dito sa
Pilipinas;
6. Alam din naming hindi kailanman nag sama sa iisang bubong sila
Mila at Juanito dahil sa Mila ay nanirahan sa aming tiyuhin na si
___________________ bago pa ipanganak si Rallien hanggang
sa ito ay isinilang at bago pa maakalis ng bansa;
7. Na personal naming alam na kailanman ay hindi nakita o
nakasama ni Rallien ang kanang ama mula ng siya ay magka isip;
8. Na alam naming si Mila ay minsan lamang ikinasal at siya ay
kinasal sa isang hapon;
9. Ginawa namin ang Sinumpaang Salaysay na ito upang patunayan
ang buong katotohanan na aming salaysay at paninindigan ito
saan man at kanino man.

SA KATUNAYAN ay nilagdaan namin ito ngayong ika-_____ ng Hunyo,


2023 sa Lungsod ng _______________, Metro Manila.
ERLINDA M. MIQUE FELIPA A. DEL CARMEN

SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-___ ng


Agosto, 2023 dito sa ____________, Metro Manila.

You might also like