You are on page 1of 3

Department of Education

National Capital Region


Division of City Schools – Valenzuela

BIGNAY NATIONAL HIGH SCHOOL


Gitna St., Bignay, Valenzuela City

BANGHAY- ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


Petsa: Mayo 5,2021(Miyerkules)
Sekyon: Tagbanwa at at Ibaloi (8:20-8:50)
Badjao (9:55-10:25)
Mangyan(11:35-12:05)
LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag- unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa
pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo
sa pambansang kaunlaran.
Mga Kasanayang Pagkatuto
 Natatalakay ang konsepto at layunin ng patakarang piskal,
 Naipapakilala ang mga uri ng patakarang piskal at halimbawa nito

B. Layunin (LO)

Natutukoy ang konsepto ng Patakarang Piskal


Nauunawaan ang epekto nito sa ekonomiya ng isang bansa at natatalakay ang pagkakaiba ng
expansionary fiscal policy at expansionary fiscal policy
 Naiuugnay ang kahalagahan ng gobyerno sa pagpapatupad ng patakarang piskal sa pang-
kasalukuyang pag-unlad ng bansa.
 Nakilalahok sa mga aktibidad at talakayan.
I. NILALAMAN
Yunit III: EKONOMIKS

 PATAKARANG PISKAL

KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. TG at LM, Teksbuk : Modyul sa KI 19-22
2. LRMDC Portal : Aralin 18 patakarang piskal (slideshare.net)
B. Iba pang kagamitang Panturo: tree chart, PPT,Mnl Paper,Pentel pen,chalk,Laptop,
Projector/TV, Speaker
C. Pamamaraan: Pangkatang-gawain, Talakayan, Q&A at Pangkatang gawain (Discovery
Approach)

II. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagsasaayos ng silid-aralan
 Pagtsek ng atendans
B. Panlinang ng Gawain
1. Balik-aral
Piliin sa Hanay B ang halimbawa ng tax na inilalarawan sa hanay A.
Hanay A
• Buwis sa kinikita ng mamamayan A. amnusement tax
•Buwis sa mga may-ari ng sasakyan b.import duties tax
• Buwis sa mga may-ari ng negosyo c.road user’s tax
• Buwis sa mga binibiling kalakal d.value added tax
Buwis sa mga libangan tulad ng sinehan, parke, at sugalan e.business tax
• Buwis sa mga kalakal na galing ibang bansa f.incom tax

2.Paghahabi sa layunin

• Ipaliwanag ang mensaheng nabuo mo mula sa larawan.


• Ano ang gampanin ng pamahalaan sa pagsisigurong masigla at maunlad ang ekonomiya ng bansa?

3. Pagtalakay sa konsepto at kasanayan

a. Talakayan

Ang patakarang piskal ay nauukol sa mga hakbangin, pamamaraan, at pagdedesisyon ng pamahalaan upang
maisagawa at maipatupad ang isang gawaing pangekonomiya. Ito ay mahalaga upang makamit ng isang
ekonomiya ang layuning patuloy na umunlad at makontrol ang mga presyo ng pamilihan. Ang pamahalaan,
bilang pinakamalaki at pinakamakapangyarihan na institusyon na lipunan ang may responsibilidad na gumawa
at magpatupad ng mga patakarang ito. May dalawang paraan ang ginagamit ng pamahalaan sa ilalim nito:

1. Expansionary Fiscal Policy- isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng
bansa. Kabilang dito ang pamumuhunan ng Ano-ano ang tungkulin ng pamahalaan. at pagbabawas sa
ibinabayad na buwis. Ang ganitong gawain ay magpapataas ng demand, magpapababa sa presyo ng kalakal at
magpapalaki sa output ng ekonomiya.

2. Contractionary Fiscal Policy- layunin nito na bawasan ang sobrang kasiglahan ng ekonomiya dahil
magdudulot ito ng inflation. Kabilang dito ang pagbabawas ng gastusin ng pamahalaan, pagsasapribado ng ilang
pampublikong korporasyon at pagpapataas sa singil ng buwis. Ito ay magreresulta sa pagbaba ng demand,
pagtaas ng presyo ng kalakal at pagbawas sa output ng ekonomiya.

Ang pamahalaan ay nangangailangan ng salapi upang maisakatuparan ang napakarami nitong gawain.
Nakakalikom ang pamahalaan ng salapi sa pamamagitan ng buwis at kita mula sa interes ng salaping
nakadeposito sa BSP. Ang tawag sa kita nito ay REVENUE. Kapag mas malaki ang pondo ng pamahalaan
kaysa paggasta nito, magkakaroon ng budget surplus. Samantala, kapag mas malaki ang paggasta kaysa
pondo,makakaranas ito ng budget deficit.

4. Paglinang ng aralin
1. Ano ang gampanin ng pamahalaan upang maging balance ang takbo ng ekonomiya sa bansa?
2. Ano ang maganda at negatibong naidudulot ng overheating economy?

5. .Paglalahat ng aralin
Batay sa tree diagram,ilarawan ang iyong naintindihan ukol sa:
a.contractionary fiscal policy
b. Expansionary fiscal policy
at kalian ito ipinapatupad ng pamahalaan?

Patakarang
Piskal

Contractionar
Expansionary
y Fiscal Policy
Fiscal Policy

1. Pagtaas ng Buwis 1. Pagbaba ng Buwis


Pagbaba ng Paggasta 2. Pagtaas ng gasta ng
ng pamahalaan pamahalaan

Mga Epekto
Presyo ng mga bilihin
Peoduksyon
Demand
Manggagawa

6. Paglalapat ng aralin

Paano makakatulong ang isang aktibo at responsableng mamamayan sa pagkamit ng isang maunlad at
matatag na ekonomiya ng bansa?

7.Pagtataya ng aralin

III. TAKDANG-ARALIN
Gawain 8: Panuto: Gumawa ng poster o slogan para sa layunin ng BIR 2020 Tax Campaign na
“Pananaw 2020, Mahusay na Serbisyo, Ramdam na Pagbabago”. At sagutin ang mga
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mensahe na nais mong maalala at maunawaanng mga mamamayan na nasa drawing
mo?
2. Sa iyong palagay, paano magiging epektibo ang iyong ginawang drawing upang makahikayat sa
mamamayan na maging responsableng taxpayer? Patunayan

Inihanda ni: Reviewed By:

Aleli Rose Abalos Ma’am Angie Lim


Student Teacher Cooperating Teacher

You might also like