You are on page 1of 2

Name: Jessieca V.

Alejandro
Kriszel Joy S. Maderia
Section: 12STEM-1

LIWAY

Tunay ngang mapalad ang mga kabataan sa henerasyon ngayon sapagkat ang ating bansa ay
malaya na mula sa mga mananakop. Madaming kwento tungkol sa martial law, iba’t- ibang pananaw ng
mga tao sa kanilang mga karanasan ukol sa nangyari nuon ngunit sa dami ng mga kuro-kuro tungkol
dito ay hindi natin alam kung ano ang totoo. Isa ang Liway sa istorya mula sa panahon ng martial law.
Ito ay naghatid ng lungkot, sakit, at ito din ay naghatid ng napakadaming aral para sa mga taong
nakapanood nito.

Sa pagbibigay buhay sa mga nangyari noong Martial Law para sa akin ang penikulang
pinamagatan na Liway ay isang magandang penikula na kung saan ay ipinakita dito ang mga
pangyayaring naganap noon subalit napukaw ng aking pansin ang tila ba ang kwentong ito ay
nagpapakita lamang ng mga hindi magagandang karanasan na nangyari nuong kapanahunan ni Marcos.
Marahil madaming nasaktan at nawalan ng pamilya noong kasagsagan ng Martial Law ngunit lingid din
sa ating kaalaman na napakaraming magandang bagay na nangyari dahil dito. Martial Law ang naging
dahilan kung bakit maraming Pilipino ang nakaligtas sa kamay ng mga hapon, siguro nga diktador si
Marcos ngunit siya ang pinakamagaling na naging pangulo ng bansang Pilipinas. Marami akong
natutuhan sa Liway marami akong naisip ngunit sa kabila nito ay mayroon paring pagdadalawang isip
kung ito ba ay aking paniniwalaan o hindi dahil ang aking mga lolo at lola ay nakaranas ng Martial Law
at naibahagi nila sa akin na maganda ang epekto nito para sa kanila, ang Martial Law ang nakapagligtas
sa kanila mula sa pananakop ng banyaga. Siguro para sa amin maganda ang dulot ng martial law at para
sa iba ay hindi pero isa lang ang sigurado ko hindi tayo malaya ngayon kung hindi nagdeklara si Marcos
ng martial law noong panahong tayo'y napasama sa ikalawang digmaang pandaigdig. Sa lahat ng aral na
aking natutuhan ay may pinaka tumatak sa aking isipan ay ang lahat ng pagdurusa at kalungkutan ay sa
huli ito ay mapapalitan ng saya at kalayaan.

You might also like