You are on page 1of 6

Department of Education

Caraga Region
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE
FILIPINO SA PILING LARANG – TECHVOC

Pangkalahatang Panuto: Basahing mabuti at piliin ang titik ng tamang sagot. Itiman ang
titik ng inyong sagot sa sagutang papel.

Blg. 1-5: Piliin ang titik ng mga salitang nasa kahon na kukumpleto sa mga pahayag sa
bawat bilang.

A. naratibong pag-uulat B. rekomendasyon C. promotional materials

D. handbook E. marketing strategy F. pormal

1. Ang flyers/leaflet at brochure ay isang halimbawa ng __________.


2. Madalas makita sa huling bahagi ng feasibility study ang ________.
3. Isang uri ng dokumento ang _______ na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng tiyak na
pangyayari sa isang gawain.
4. Ang uri ng manwal na tungkol sa benepisyo at obligasyon ng mga manggagawa ay
tinatawag na ________.
5. Ang ginagamit na wika sa mga manwal ay ___________ upang mas malinaw ang pagbibigay
ng impormasyon.
6. Isang uri ng sulating napakahalaga sa paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa
propesyunal na pagsulat tulad ng ulat panglaboratoryo, mga proyekto, mga panuto, at
mga dayagram.
A. Akademikong Sulatin C.Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
B. Sanaysay D.Teknikal
7. Maliban sa pagbabahagi ng impormasyon, ano pa ang isa sa layunin ng teknikal na
sulatin?
A. maglarawan C. maglahad
B. mangatuwiran D. manghikayat
8. Ito ay isa sa mga importanteng elemento ng isang sulating teknikal-bokasyunal.
A. pahina C. proposal
B. teknikal na lathalain D. pagsulat
9. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin?
A. malinaw C. tumpak
B. subhektibo D. di-emosyunal
10. Alin ang hindi naglalarawan sa mga sulating teknikal-bokasyunal?
A. Nagbibigay ng mahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga produkto
at paglilingkod sa bawat industriya.
B. Paghahanda ng mga teknikal na dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya upang
mapabatid ito nang mas mabilis, episyente, at produktibo.
C. Pagsulat ng komunikasyon para sa mga ulat panglaboratoryo, proyekto, panuto,
dayagram, at manwal.
D. Pagsulat ng mga akdang pampanitikan na magtatampok sa kakayahan ng mga mag-
aaral
11. Upang maiwasan ang kamaliang gramatikal sa pagsulat ng teknikal bokasyunal na
sulatin, alin ang dapat tandaan?
A. Tama ang bantas at kayariang ginamit. B. Kinakailangan ng sapat na panahon
C. Maayos na paggamit ng mga titik D. May tumpak na nilalaman
12. Kung ikaw ay may balak magnegosyo, paano mo mabilis na maipakikilala ang iyong
produkto?
A. paggamit ng pahayagan C. pagpaskil ng sariling numero
B. paggamit ng flyers D. pagsali sa mga kompetisyon
13. Bakit hindi layunin ng teknikal bokasyunal na sulatin ang gumising ng emosyon ng
mambabasa?
A. sapagkat gumagamit ng sariling bokabularyo
B. sa kadahilanang hindi naman ito mahalaga
C. dahil hindi kasama ang sariling saloobin
D. dahil obhektibo ang layunin nito
14. Bakit mahalagang malaman at matutuhan ang pagsulat ng teknikal-bokasyunal na
sulatin?
A. nang guminhawa ang estado ng buhay
B. upang maging malikhain sa mga Gawain
C. para magamit sa iba’t ibang larangang kinabibilangan
D. upang magamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap
Para sa bilang 15-16.
A.lagda B. katawan C. patunguhan D. ulong-sulat

15. Anong bahagi ng liham makikita ang logo ng kompanya o institusyon na


pinagmumulan ng liham?
16. Anong bahagi ng liham pangnegosyo makikita ang layunin ng pagsulat nito?

Para sa bilang 17-18.

A. sulating inter-institusyonal
B. sulating ukol sa pagkain
C. sulating ukol sa isang produkto
D. sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal

17. Anong uri ng anyo ng sulatin napabilang ang manwal sa paggamit ng produkto?
18. Anong anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin ang tumutukoy sa sulating ibinibigay sa
isang indibidwal, organisasyon o institusyon upang maipabatid ang hangarin,
impormasyon o datos na makatutulong sa pagtamo ng layunin ng nagpapadala.
19. Isa sa katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin na espesyalisado ang bukabolaryo.
Ano ang ibig sabihin ng espesyalisado?
A. salitang pormal na ginagamit sa iba’t ibang larangan
B. salitang balbal na ginagamit ng mga kabataan
C. salitang kolokyal na ginagamit ng mga millenials
D. salitang teknikal na tatangi lamang sa larangang kinabibilangan
20. Obhetibo isa sa mga katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Ano ang ibig sabihin
ng salitang obhetibo?
A. pagkakaroon ng abilidad na tingnan ang mga bagay na hindi humahadlang sa
pansariling saloobin tulad ng emosyon at pagpili
B. pagkakaroon ng abilidad na tingnan ang mga bagay at magdesisyon
C. may abilidad na tingnan ang mga bagay ayon sa pansariling saloobin tulad ng
emosyon at pagpili
D. may sariling kakanyahan at kumikiling ayon sa pansariling saloobin
21. Komprehensibo ang manwal. Ano ang ibig sabihin komprehensibo?
A.malawak ang saklaw C. tiyak ang saklaw
B.maliit ang saklaw D. payak ang saklaw
22. Kailangang tiyak at tama ang detalye ng isusulat sa isang liham pangnegosyo. Ano
ang ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan?
A.pormal ang pananalita C. tamang gramatika
B.tama ang detalye D. wasto ang balangkas
23. Ang recipe at menu ay napabilang sa ______________.
A. sulating ukol sa pagkain C. sulating ukol sa isang produkto
B. sulating inter-institusyonal D. sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal
A. sulating inter-institusyonal
B. sulating ukol sa pagkain
C. sulating ukol sa isang produkto
D. sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal
24. Sa pagsulat ng manwal, alin sa sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod batay
sa maayos na pagkakalathala nito
1. Baguhin ang manwal kung ito ay may mga mali o nakalilitong instruksyon.
2. Gumawa ng isang script o balangkas.
3. Magpasya sa naaangkop na disenyo para sa manwal.
4. Tukuyin ang layunin ng manwal sa pamamagitan ng paggamit ng sino, ano,
kailan, saan, bakit, at paano.
A. 4,3,2,1 C. 1,4,3.2
B. 1,2,3,4 D. 2,1,3,4
25. Makikita sa huling bahagi ng manwal na naglalaman ng iba pang impormasyon.
A. Bibliograpiya C. Handbook
B. Apendise D. Talaan ng Nilalaman
26. Uri ng wika na gagamitin sa pagbuo ng isang maayos na manwal
A. Impormal C. Kolokyal
B. Pormal D. Balbal
27. Sa paglalarawan sa nilalaman ng isang mahusay na manwal ito ay naglalaman ng
sistematikong ______________.
A. Alituntunin C. Deskripsyon
B. Tuwirang Pahayag D. Limitadong impormasyon
28. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng tamang paggamit ng instruction manual o
owner’s manual?
A. Ito ay mga gamit sa bahay tulad ng mga appliances, kasangkapan, mga gadget at
iba pang elektronikong equipment na nangangailangan ng paggabay
B. Ito ay mga gamit sa komunidad tulad ng mga kagamitang imprastraktura sa mga gusali.
C. Ito ay mga gamit sa loob ng laboratoryo tulad ng gawaang pangmedisina na di nakikita
sa publiko.
D. Ito ay mga gamit pampribado tulad ng mga kagamitang teknikal sa ginagamit lamang
sa negosyo.
29. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pangunahing tungkulin ng isang
maayos na manwal?
A. Sa pagsulat ng manwal, mahalagang panatilihin ang pagiging payak sa kung para
kanino ang manwal.
B. Sa pagsulat ng manwal, kinakailangang nakaayos ang mga salitang teknikal batay sa
maayos na pagpapakahulugan.
C. Ang isang manwal ay binubuo ng isang tuwirang instruksyon na naglalaman ng mga
kinakailangang gawin ng isang mambabasa.
D. Ang isang manwal ay may maayos na paglalatag ng mga panuto na naglalaman ng
higit sa sampung (10) impormasyon
30. Bakit kinakailangang panatilihin ang pagiging payak sa pagkakabuo ng isang
manwal?
A. upang maiwasan ang kalituhan sa mambabasa.
B. upang mabilis na mabasa at maisagawa ang kinakailangang instruksyon.
C. upang mabigyang lagom ang pag-unawa sa dapat at hindi dapat gawin sa isinasaad
ng manwal.
D. upang maipabatid ang kaisipang nais gawin ng mambabasa
31. Ito ang tungkulin ng pangunahing paksang tinatalakay sa loob ng manwal.
A. halaga ang nilalaman ng manwal
B. pangunahing persepsyon ang mambabasa
C. angkop na instruksyon ang panimula ng manwal
D. sapat na kahalagahan ang paggamit ng manwal
32. Ang pamagat ng isang manwal ay kalimitang binubuo ng ______.
A. Paglilinaw tungkol saan at nilalaman nito.
B. Pagpapabatid kung ano ang kaukulang gamit.
C. Pagpapakilala sa nais na rekomendasyon.
D. Paglilinaw tungkol sa mga gagawin ng isang bagay.
33 Kailangan na magkaroon ng isang employees’ manual o handbook upang
____________________________________________________________________________
___________
A. makapaglahad ng mga kalakaran, alituntunin at iba pang prosesong mahalaga sa
kompanya
B. makapaglahad ng mga gawaing tutugma sa kakayahan ng isang empleyado.
C. maipakita ang kabuuang balangkas ng isang organisasyon at ang tunguhin nito.
D. makalikha ng mga batas na dapat sundin sa loob ng isang organisasyon
Basahin ang mga sitwasyon at tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang letra ng
tamang sagot.
Para sa bilang 34-37: Tukuyin ang hakbang sa pagbuo ng menu ng sumusunod na
sitwasyon.

A. Unang Hakbang: Pagpaplano


B. Pangalawang Hakbang: Pagsulat at Lay-out
C. Pangatlong Hakbang: Rebisyon
D. Pang-apat na Hakbang: Reproduksiyon

34. Si Aling Maria ay nag-iisip ng mga kahika-hikayat na detalye ngunit payak, sa pagkaing
ilalagay niya sa menu.
35. Sinisiguro ni Mang Andoy na may nakalagay na salitang “best seller” sa mga pagkaing
nakita niyang paborito ng mga kumakain sa kanilang restawran.
36. Pinag-iisipang mabuti ng mag-asawang Cris at Leo ang mga pagkaing ilalagay sa
menu kung saan ito ay masustansiya at gawang Pinoy na may iba’t ibang putahe.
37. Sa unang imprenta ng menu nakita ng may-ari na mali ang baybay ng salitang
chopsuey kaya agad niya itong ipinaayos at itinama.
Para sa bilang na 38-41: Tukuyin ang katangian ng menu (A-D) sa mga sitwasyong
ibinigay.
A. Mayroong Paglalarawan
B. Gumagamit ng mga larawan
C. Nakaayos ang uri ng pagkain
D. Mayroong nakalagay na presyo
38. Hindi matatawaran ang saya ng mga kumakain sa 3M Restaurant dahil sa menu pa
lang kitang-kita na kung gaano kasarap at kapresentable ang pagkaing ihahain.
39. Nakatitipid si Marlon sa tuwing kakain siya sa Maks Kainan dahil nakadetalye kung
magkano ang mga pagkain kaya naibabadyet na niya ang gagastusin sa araw-araw.
40. Si Alliyah ay giliw na giliw kumain sa Hapag ng Pinoy dahil madali siyang
nagpagpapasya ng kakainin lalo’t lalo na bawal sa kaniya ang baboy kung saan nakikita
niya agad kung saan nakalagay ang mga pagkaing angkop sa kaniya.
41. Ang bawat putaheng nakalagay sa menu ay pinalagyan ng maliliit na detalye ni Aling
Betina upang maiwasan ang pagkalito ng mga kumakain sa kanilang kainan.
42. Mahalaga ba ang larawan o grapikong presentasyon sa isang flyer?
A. Hindi, ang flyer ay ginagawa sa pamamagitan ng mga teksto lamang.
B. Hindi, nagpapagulo lamang ang mga larawan sa isang flyer.
C. Oo, higit na natatandaan ng mga tao ang mensahe sa tulong ng mga kasamang
imahe.
D.Oo, lalo kung marami at makulay ang larawan upang maging kahali-halina sa mga
mamimili.

Para sa bilang 43-50. Isaayos ang mga sumusunod na impormasyon upang makabuo ng
isang liham pangangalakal. Piliin lamang ang titik na akma sa bawat bilang.
A. Mahal na G: B. Mapitagang sumasainyo,
C. Purok 4 Santan St., George S. Conchu
Los Angeles, Butuan City
Agosto 25, 2022
D. Ang Tagapamahala ng Tauhan
National Cash Register Corporation
Gaisano Mall, Butuan City
E. Handa po akong kumuha ng pagsusulit na ibibigay ng kumpanya.
F. Ako po ay labinsiyan na taong gulang, binata at may malusog na pangangatawan.
G. Natapos ko po ang kursong bokasyonal sa Los Angeles National High School noong
Marso 2020.
H. Napag-alaman ko po sa anunsiyo sa radyo, Jobs in Butuan, 2022 na inyong kumpanya
ay nangangailangan ng 3 machine operators para sa paglilimbag.
Hinihiling ko po na ipaubaya sa akin ang isa sa mga puwesto.

43. ____________________
____________________
44. __________________________
__________________________
__________________________

45. ___________________

46.____________________________________________________________________
_______________________.
47.____________________________________________________________________
_______________________.
48.____________________________________________________________________
______
____________________________________________________________________________
______.
49. ____________________
50. ____________________

--------------------------------------------------------------WAKAS------------------------------------------------------

You might also like