You are on page 1of 7

Saint Joseph Institute of Technology

Montilla Blvd. Butuan City, Agusan Del Norte

4A’S Masusing Bahanghay Aralin

Bahagyang Katuparan

na Kinakailangan para sa Kurso

TLE- Technology and Livelihood Education in Elementary

Ipinasa ni: Dumosmog, Trixie Doreen D.

Ipinasa kay: Dr. Aida Abad

OCTOBER 2023
I. Layunin

Sa loob ng 60 minuto, ang mag-aaral sa ika-limang baitang ay inaasahang;

a. nakakatukoy kung anong ibig sabihin ng masustansyang pagkain;

b. napapahalagahan ang pagluluto ng masustansyang pagkain na pinakbet;

c. naisasagawa ang pagpaplano at pagluluto ng masustansyang pagkain.

II. Paksa

Paksa: Pagluluto ng Masustansyang Pagkain

Sangguinian: Internet at aklat

Kagamitan: Pandikit, Makukulay na papel, Marker, Internet, Larawan, Laptop, bidyo

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Estudyante

A. Panimula
• Panalangin at pagbati
Magandang umaga sa lahat, bago natin simulan ang
ating bagong aralin ay hinihikayat ko ang lahat na
tumayo at sundan ang ating manalangin.

Pangunahan mo ang panalangin Ange


Opo titser, magsitayo ang lahat upang tayo ay
manalangin.
(nanalangin) Amen.
Salamat Ange

Magandang hapon sa lahat!


Magandang hapon din po titser

Kumusta naman ang araw ninyo?


Okay lang po titser
Aba Mabuti naman!
• Pagsasaayos ng Silid-aralan
Bago kayo magsiupo, maari nyo bang pulutin muna
ang mga basura sa sahig at ayusin ang mga upuan?
Opo titser, (ang lahat ay kumilos at nag pinulot ang
mga kalat at nag siayos ng upuan)
Napakahusay! Ngayon ay pwede na tayong
magsiupo.

• Pagtala ng Liban sa Klase


Saima, maari mo bang ilahad kung ilan at sino-sino
ang lumiban sa klase ngayong araw?
Saima: wala pong lumiban ma’am
Magaling!

B. Pagganyak
Ngayon mga bata, handa naba kayo sa paksa na ating
tatalakayin?
Opo titser, handa na po kami!

Magaling, pero bago tayo dumako sa ating paksa


para sa araw na ito ay mag lalaro muna tayo.

Handa naba kayo mga bata?


Opo titse!

Papangkatin ko kayo sa dalawang pangkat. Ang sino


unang makabuo sa puzzle ay dapat na pumunta sa
harap at idikit sa pisara at sabihin kung ano ang
kanilang nabuo.
Naiintindihan ba mga bata?
Opo titser maliwanag

Ang puzzle:
Magaling mga bata!

C. Paglalahad
Base sa aktibidad na ating ginawa kanina, ano ang
inyong napansin na maaaring tatalakayin sa araw na
ito, jam? Jam: tungkol po sa pagluluto ng masustansyang
pagkain
Magaling! Sa makatuwid ang tatalakayin natin sa
araw na ito ay patungkol sa Pagluluto ng
Masustansyang Pagkain.
Handa naba making mga bata?
Opo titser handa na

D. Pagtatalakay
Mga bata! alaman nyo ba kung anong ibig sabin ng
masustansyang pagkain?
Yes, titser

Ano iyon Saima?


Saima: Ang masustansyang pagkain ito ay ang mga
gulay at ang mga prutas na makakatulong ating
katawan na maging masigla.
Magaling Saima!

Ang masustansya ay makakatulong at nakakabuti sa


ating katawan. Kaylangan nating kumain ng
masustansyang pagkain upang matulungan tayong
lumakas at maaari nating magawa ng maayos ang
ating mga gawain sa pangaraw-araw.
Malinaw ba mga bata?
Opo tetsir!
Ngayon mga bata meron akong inihanda na bidyo
namakakatulong sainyo kung paano magluluto ng
masustansyang pagkain na pinakbet.

Bidyo ng pagluluto ng masustansyang pagkain


na pinakbet.

Ngayon mga bata, meron bakayong natutunan


kung paano magluto ng masustansyang
pagkain na pinakbet?
Opo tetsir!

Magaling mga bata!

E. Paglalahat
Ngayon ay madami na kayong natutunan maaari ba
na banggitin kung anong ibig sabihin ng
masustansyang pagkain?
Ako tetsir!

Ikaw na Rutchel ang sumagot.


Rutchel: Ang masustansyang pagkain ay
nakakatulong saating katawan upang tayo ay masigla
kaya dapat araw-araw tayo kumain ng
masustansyang pagkain.
Mahusay!
Ano naman ang inihanda ko sa pag luluto ng
masustansyang pagkain na pinapanuod ninyo sa
bidyo?
Ako titser!

Cyril anong sagot mo?


Cyril: ito ay ang pagluluto ng masustansyang pagkain
na pinakbet po tetsir!

Magaling mga bata, dahil naintidihan ninyo ang


tinalakay natin.
F. Paglalapat
Papangkatin ko kayo sa dalawang pangkat at meron
akong mga larawan ibigay sainyo at ididikit ninyo ito
sa pisara kung ito ay masustansyang pagkain at di
masustansyang pagkain. Kung sinong unang
makatapos ay mayroong limang puntos.

Malinaw ba mga bata?


titser!

Unang pangkat:

Masustansyang Pagkain

Di- masustansyang pagkain

Pangalawang Grupo:

Masustansyang Pagkain

Di- masustansyang Pagkain

IV. Pagtataya
a. Pagbigay ng pamantayan
Panuto: Isulat ang T kung Tama at M nakang kung
mali.

_____1. Ang masustansyang pagkain ay nakakabuti


sa ating kalusugan.
______2. Ang pag kain ng gulay ay hindi makakabuti
sa ating kalusugan.
______3. Pagluluto ng Masustansyang Pagkain ay
napakahalaga sa atin upang tayo ay magkaroon ng
mabuting katawan.
_____4. Ang pag kain ng junk foods ay nakakatulong
sa ating katawan.
_____5. Nakakatulong kung araw-araw tayong
kumain ng gulay at prutas.

b. Pagwawasto
Lahat na ba ay na tapos na?

Opo titser!

1. T
2. M
3. T
4. M
V. Takdang Aralin 5. T
Layunin: Pagluluto ng masustansyang pagkain gamit
ang pag bidyo.

You might also like