You are on page 1of 6

MGA MAG-AARAL, LUMAHOK SA DISTRICT PRESS CON.

Nakiisa ang mga mag-aaral ng Paaralang Elemetarya ng Oogong sa ginanap ng


District Elementary Campus Media and Research Conference ( DECMARC ) sa
Paaralan ng Santa Cruz Integrated National High School, Mayo 9.
Ito ay nilahukan ng mga piling mag aaral mula sa ikaapat na baitang hanggang
anim.
Sa English Category, News Writing ay si Jhelz Cazzandra V. Manzanares,
Editorial Cartooning; Kian Arelie Z. Zaguirre, Science and Technology Writing; Zian
Karylle D. Abenido, Copyreading and Headline Writing; Arvhin F. Saguinsin, Sports
Writing; Luis Lawrence F. Dardo at sa Column Writing; Faith Miracle Canon.
Sa Filipino Category naman ay sina Kiel P. Faeldin para sa Pagsulat ng Balita,
Reiann Carla S. Manuel sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita, Yuzen Jello B.
Resurreccion sa Pagsulat ng Editoryal, Ahbi Richna C. Canlas sa Pagsulat ng Kolumn,
Sean Mhyron S. Namit, Euzziel J. Tatel sa Pagsulat ng Lathalain, Bhela Patrice A. De
Leon sa Pagkuha ng Larawan, Vana B. Monteveros sa Pagsulat ng Balitang Isports at
si Matheo M. Tomas para sa Pagsulat ng Agham at Teknolohiya
Ito ay sa tulong at gabay na din ng kanilang mga gurong tagapayo sa Journalism
na sina G. Eugene D. Collo, Gng. Adeline M. Irog, G. Gil S. Delos Reyes, Gng Lora G.
Cervantes, Gng. Jocelyn M. Matienzo, Bb. Jenifer P. Cajayon at Gng. Ceejay R.
Baybayon.

OESnian, wagi sa larangan ng pagsulat

Wagi ang mga mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Oogong matapos nilang


ipamalas ang kanilang husay sa pagsulat at pagbabalita sa naganap na District
Elementary Campus Media and Research Conference ( DECMARC ) sa Paaralan ng
Santa Cruz Integrated National High School, Mayo 9
Nakuha ng mga mga mag-aaral na sina Jhelz Cazzandra V. Manzanares para sa
larangan ng News Writing at Faith Miracle Canon sa Pagsulat ng Kolumn ang ikalimang
pwesto.
Samantala, nasungkit naman nina Reiann Carla S. Manuel, Kiel P. Faeldin at
Yuzen Jello B. Resurreccion ang ika-apat na pwesto sa larangan ng Pagwawasto ng
Sipi at Pag-uulo ng Balita, Pagsulat ng Balita at Pagsulat ng Editoryal.
Nakamit naman nina Zyanne Karylle D. Abenido ang ikalawang pwesto sa
larangan ng Pagsulat ng Agham at Teknolohiya at Noraine P. Esquilona para sa unang
pwesto sa larangan ng pagbabalita.
Sina Abenido at Esquilona ang kakatawan sa paaralan na lalahok sa darating na
Division Schools Press Conference ( DSPC) na gaganapin sa Pedro Guevara Memorial
National High School ( PGMNHS ) sa Santa Cruz, Laguna, sa darating na, Mayo 13.
Blended learning sa OES, muling sinimulan

Isinagawang muli ang Blended Learning sa Oogong Elementary School, Mayo 2.


Sa ulat ng PAG-ASA, lumalagpas sa 40 degrees celsius ang temperatura sa ibang
panig ng bansa lalo na sa Katimugang Luzon. Kaya naman maraming mga mag-aaral
at mga guro ang nagkakasakit kaugnay nito.
Dahil dito ay nagkaraoon ng isang survey sa mga magulang at paaralan kung dapat
nga bang ibalik muli ang klase ng mga mag-aaral sa Blended Learning. Ang naging
tugon at pasya ng karamihan ay ibalik sa Blended Learning.
Kaya naman noong ika 2 ng Mayo ay sinimulan muli ang Blended Learning ng mga
mag-aaral ng OES. Ito ay sa pangunguna ng punungguro ng paaralan, Gng. Aimee V.
Cambel kasama ang mga guro nito.
Ang nasabing klase ay nagsisimula ng alas-siyete ng umaga hanggang alas-onse para
sa face to face classes. At sa hapon naman ay isinsagawa ng mga mag-aaral ang
modular learning.
Layunin nito na maging ligtas at nasa maayos na kalagayan ang bawat isang guro at
mga mag-aaral
Sa ngayon, ay wala pang anunsyo ang paaralan kung kailan muli magbabalik ang oras
ng klase sa dati hanggat hindi pa umaayon ang panahon para sa mga mag-aaral.

DAMI NG MAY NORMAL NA TIMBANG, TUMAAS

Tumaas ang bilang ng mga mag-aaral na may normal na timbang dahil sa


patuloy na isinasagawang Feeding Program ng Oogong Elementary School sa
pangunguna ni Bb. Jenifer P. Cajayon ( Feeding Coordinator ).
Mula 339 sa mga mag-aaral na kulang sa timbang ay bumaba ito sa 239 nang
maisakatuparan ang School Based Feeding Program ( SBFP ) sa tulong na din ng
canteen manager ng paaralan na si Gng. Lhea Myr G. Sta. Ana at patnubay ng kanilang
punungguro, Gng. Aimee V. Cambel.
Layunin nito na maiiangat at matulungan ang kaantasan ng kalusugan ng mga
mag-aaral ng paaralan.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsasagawa ng programa . Ito ay nagaganap
ng dalawang beses kada buwan, tuwing ikatlong linggo ng Huwebes at Biyernes.

MGA GURO, BINIGYANG-PUGAY SA WORLD TEACHER’S DAY

Binigyang-kulay ng mga mag-aaral ng Oogong Elementary School ( OES ) ang


pagdiriwang ng World Teacher’s Day noong Oktubre 5.
Bilang pagpupugaysa itinuturing na kabayanihang ipinamalas ng mga guri sa
pagtataguyod sa kinabukasan ng mga kabataan, naghanda ang mga mag-aaral sa
pangunguna ng Supreme Pupils Government ng isang programa na nagtatampok ng
paghahandog ng bulaklak, tsokolate, liham-pasasalamat at marami pang iba.
Ikinatuwa ito ng mga guro naman ito ng guro kung saan ipinahayag nila ns isang
malaking bagay ang ginawa ng mga mag-aaral na nagpapamalas ng pagpapahalaga sa
kanilang naging papel sa mga buhay nito bilang guro at pangalawang magulang sa
paaralan.
“ Lubos naming ikinagagalak ang pagpapahalaga sa amin sa araw na ito,” ayon kay G.
Eugene D. Collo, guro sa ikaanim na baitang.
DOH, DepED nagsagawa ng School-based Deworming

Nagkapit bisig sa paglulunsad ng School-based deworming ang Department of


Education ( DepEd ) at Department of Health ( DOH ) sa lahat ng pambublikong
paaralan.
Ang nasabing programa ay isinagawa sa paaralang ng Oogong noong Abril 21.
Katuwang ng DOH ang DepEd sa pagbibigay ng libreng deworming sa lahat ng mga
mag-aaral sa bawat paaralan.
Nilalayon ng programang ito na ang pagtatanggal ng bulate sa bituka ng isang tao sa
pamamagitan ng pag-inom ng gamot. Ang mga bulate kasi ang kumukuha ng nutrisyon
na dapat ay para sa taong apektado. Nagdudulot ito ng pananakit ng tyan at
pagsusuka. Maaari din itong maging sanhi ng malnutrition ng bata.
Ito ay isinasagawa taun-taon bilang pangangalaga sa kalusugan ng bawat mag-aaral
Kalakip nito, hangad nilang maitaas ang kalusugan at nutrisyon sa Pilipinas ng sa
gayon ay malabanan ng bawat isa ang malnutrisyon

Earthquake drill sa paaralan, isinagawa


Nagsagawa ng drill tungkol sa paghahanda sa panahon ng lindol ang Oogong
Elementary School ( OES ) na nilahukan ng nga guro at mag-aaral na naglalayong
maging handa at alerto ang bawat isa sa oras ng kalamidad.

Nakasaad sa Executive Order No. 137 s. 1999 ang memorandum.


( Memorandum Pangkagawaran Blg. 71, s. 20140, na nagtatakdang tuwing buwan ng
Hulyo idinaraos ang National Disaster Consciousness Month na may iba’t ibang tema
kada taon. Kaya naman kailangan gumawa ang mga paaralan ng mga pagsasanay na
may kaugnayan sa kahandaan sa panahon ng sakuna at pagbibigay kaalaman sa mga
mag-aaral.
“ Kailangan nating mag-handa at itanim sa isip ng mga mag-aaral natin ang
kahalagahan ng mga ganitong akitibidad upang sila ay maging handa. Hindi natin alam
kung kailan darating ang kalamidad, “ ani ni G. Eugene D. Collo tagapamahala sa
nasabing drill.
Isinagawa ng mga mag-aaral ang duck-cover and hold nang tumunog ang sirene
na siyang hudyat upang simulan na ang pagpapatupad sa drill. Dagdag pa rito, kabilang
sa bahagi ng nasabing drill ang pagpunta at pananatili ng mga bata sa ibat-ibang lugar
sa paaralan kung saan sila nakadestino.

Gandang Flores De Mayo sa Paaralan, aabangan!

Magsasagawa ng Gandang Flores De Mayo ang Paaralang Elementarya ng


Oogong sa darating na Mayo 27.
Ito ay isang proyekto na isasagawa ng General Parents-Teachers Association
(GPTA) pangunguna ng kanilang Presidente G. Jackson B. Abenido kasama ang
kanyang mga opisyales o ang bumubuo ng pamunuan.
Ang nasabing aktibidad ay lalahukan ng mga piling magulang ng paaralan.
Bawat isang seksyon sa bawat baitang ay may kakatawan na magulang na isa o higit p
sa dalawa.
Layunin ng nasabing programa ang makalikom ng pondo na gagamitin ng
samahan para maisagawa ang proyekto nila para sa taong panuruan na ito na
makakatulong sa paaralan lalo’t higit sa mga mag-aaral.
Sa ngayon ay higit na sa dalawampu ang kalahok at ito ay inaasahan
madaragdagan pa. Kaya naman puspos at dobleng kayod ang ginagawang
pagsusumikap ng samahan para maisaayos ang lahat.
Mga bagong programa, proyekto inilatag

Naghain ng mga programa at proyekto ang punungguro ng Oogong Elementary School,


sa mga guro ng paaralan, Pebrero 7
Sa ginanap na School Learning Action Cell ( SLAC ) sa InSet na may temang
Workshop to Address Learning Gaps ang Losses via Project Learn Fast ( Learning
Enhancement Activities in Reading and Numeracy Focalized thru Accorded
Supervision and Technocal Assistance In Response to Matatag: Bansang Makabata,
Batang Makabansa) ay indinetalye ng punungguro ng paaralan Gng. Aimee V. Cambel
ang mga proyekto ng bawat isang guro ng paaralan.
Ang mga nasabing proyekto ay ang mga sumusunod; Project DORP ( Drop-out
Rduction Program, Project WE CARE ( Watch Every Child fon Assurance of Risk-free
Environment ), Project GARDENS ( Growing Abundant Root Crops and Vegetables
Direct Ways to Embark on Nutrition Sustainability ), Project CLINIC ( Hygiene Exercise,
Active, Lifestyle toward Holistic body and mind ), Project SAGIP
(Suporta ,Aruga,Gabay: Ibayong Pagkalinga )sa Eskwela, Project ETURO (
Empowering Teachers Using Real Time Output ), Project FEED ( Food Nutrition
Essential to Everychild's Development), Project MRP ( Moral Values Redefining
Positive Traits ) at Project LIPI (Lahing Itinatangi Pilipinong Ipinagpupunyagi ).
Sa ngayon ay patuloy ang pagsasagawa ng mga nasabing proyekto. Inaasahan na
patuloy na mahahasa at mapapaunlad ng mga proyekto at programang ito ang mga
talento at kakayahan ng mga mag-aaral at kaguruan ng Oogong Elementary School.

OES PASADO, SA F2F VALIDATION

Aprubado ng District Level School Readiness Evaluation ang Oogong Elementary


School para sa pagsasagawa nito ng face-to-face classes batay na din sa nakuha
nitong resulta sa ebalwasyon, Marso 22, 2022.
Ang nasabing balidasyon ay pinangunahan ni Gng, Redella P. Vista, EPS sa Agham at
Teknolohiya, kasama ang Tagamasid Pampurok ng bayan ng Santa Cruz na si G. Luis
M. Germina gayundin ang mga namamahala sa Municipal Health Office, Santa Cruz
MPS at ng local IATF Validation Team. Sila ay nagsagawa ng mga ebalwasyon sa
mga pasilidad ng paaralan at inisa isang tingnan ang mga papeles para sa bawat
domain ng Self- Assessment Tool (SSAT).
Layunin ng nasabing ebalwasyon na
Matapos maisagawa ang post conference kasama ang punungguro ng paaralan ay
nagbigay naman ng suhestiyon at ilang paalala ukol sa mga dapat gawin ang chaiman-
focal person sa mga guro batay sa pagsasagawa ng face-to-face classes.

Klase sa Katesismo, ibinalik muli

UPANG MAGABAYAN ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang pananampalataya,


inumpisahan muli ng mga katekista ang klase ng katesismo sa paaralan,
Sa pamumuno ng mga katekistang sina -----ang mga mag-aaral ay lingguhan ng
nakaririnig ng mga turo tungkol sa Diyos.
Ang klase ay nagaganap tuwing Martes ng Hapon sa ganap na ika 1:00 ng hapon sa
mga estudyante mula sa ikatlong baitang hanggang anim.
Layunin ng nasabing programa na mapaunlad ang buhay espiritwal ng mga bata. Dahil
natututunan nila dito ang tamang pagsunod sa mga utos ng Diyos at pagmamahal sa
kapwa tao.
Sa kabila ng hirap ng daang kanilang tinatahak, sila ay patuloy pa rin sa kanilang
layunin maisagawa ang tungkuling kanilang sinumpaan sa harap ng Poong Maykapal.
Brigada Eskwela, isinagawa

Bitbit ang mga walis, sako, pala, pandakot, bolo at iaba pang kagamitan sa
paglilinis.
Sama -samang nagtungo ang mga mamamayang ng Brgy. Oogong katuwang nag mga
pulis, guro, magulang at mga kabataan tungo sa kanilang paaralan upang simulan ang
Brigada Eskwela 2022.

Sa pangunguna ni Gng. Aimee V. Cambel, punungguro ng paaralan at Lhea Myr G. Sta


Ana punong tagapamahala kasama ang nga guro ng paaralan ay binuksan ng OES
ang Brigada Eskwela ngayong taon bago dumating ang pasukan.

Matapos ang programa ay sinimulan na ng bawat isa ang paglilinis ng mga silid-aralan,
pagpipintura ng buong paaralan, pagtatanim ng mga halaman sa bawat gilid ng loob at
labas ng paralan, pagpuputol ng mga sanga ng puno na nakakasagabal at delikado sa
mga bata at pagtatapon at pag aalis ng mga basura.
Walang inaksayyang oras ang bawat isa upang maibalik ang ganda ng nasabing
paaralan. Lahat ay may hawak na walis, pala at mga kagamitang panlinis na hindi
alintana ang pagod at init ng sikat ng araw.

Sa limang araw na paglilionis at pagpapaganda sa paaralan, ang bawat isa ay


nakibahagi ng may ngiti sa mukha at masiglang sinalubong ang Taong-Panuruan 2022-
2023.

OES, naguwi ng parangal sa Gawad Pinakalikasan


Tumanggap ang Paaralang Elementarya ng Oogong ng parangal para sa katatapos
lamang na patimpalak ng Gawad Kalikasan na ginanap sa Cultural Center, Santa Cruz,
Laguna, sa ganap na ika 9:00 ng umaga, Abril 26.
Ang nasabing Patimpalak ay dinaluhan ng mga punugguro at mga gurong tagapag-
ugnay sa Gawad Pinakakalikasan mula sa mga pampublikong paaralan sa distrito ng
Santa Cruz.
Nakamit ng Paaralang Elementarya ng Oogong ang Bronze Award kasama ang
sampung libong piso Php. 10, 000.00 bilang parangal at tinanggap ito ng punong
tagapamahala para sa Gawad Pinakakalikasan Gng. Irene D. Abenido kasama ang
kanyang punungguro nito Gng. Aimee V. Cambel.
Layunin ng proyektong ito na maitanim sa kamalayan ng mga
kabataan/mag-aaral/magulang ang kahalagahan ng disiplina, pagkamapamaran,
pakikiisa at kamulatan sa malinis, maganda at kaaya-ayang kapaligiran.
Dagdag pa dito ay ang layunin na pag-isahing lakas ang pamahalaang bayan at mga
paaralan tungo sa isang mithiin at adhikain na maging malinis at luntian ang lahat ng
lugar para sa magandang kalusugan ng mga mamamayan.
Kaya naman ang Paaralang Elementarya ng Oogong ay lubusang nakikiisa at
sumusuporta sa pagsasakatuparan ng gawain ito na isinasagawa taun-taon.
No Plastic Policy, ikinasa
Gulayan sa Paaralan, patuloy sa pag-ani

Inanunsyo ng Punungguro ng Paaralan, Gng. Aimee V. Cambel sa InSet ng isa sa mga


School Learning Action Cell ( SLAC ) sa mga guro na ipabatid sa mga mag-aaral na No
Palstic Policy sa Oogong Elementary School, Pebrero 6.
Nakiisa naman ang mga guro at mga mag-aaral kasama ang nagtitinda sa nasabibg
polisiya na agarang gagawin sa nasabing buwan.
“Gumamit at magdala na lamang ng mga thumbler ang mga bata para sa paglalagyan
ng bibilhin nitong mga inumin sa kantina,” pahayag ng punungguro.
“Mga dahon ng saging at mga recycled paper na lamang ang gamitin para sa
paglalagyan ng iba pang mga bilihin o pagkain ng mga bata, “ dagdag pa niya
Karamihan naman ay tumalima at pumabor sa batas na ipinatupad sa paaralan.
Dahil dito, mas natuto ang mga mag-aaral na mahalin at pangalagaan ang kalikasan.
Ang nasabing polisiya ay kaugnay sa ipinapatupad na ordinansa sa mga ibang bayan
malapit sa Sta. Cruz na pagbabawal at paglilimita sa paggamit ng palstic bilang lagayan
ng mga produkto o bilihin.

Early Registration sa mga paaralan, alamin

PTA, nakiiisa sa paghahanda sa pagligsahan ng Gulayan sa Paaralan

Tumulong ang samahan ng General Parents Teachers Association (GPTA) sa


paghahanda ng Gulayan ng Paaralan ng Oogong para sa Pandistritong Paligsahan ng
mga Pambulikong Paaralan, Marso 2
Sa pangunguna ng kanilang pangulo na si G. Jackson B. Abenido ay maagang
nagtungo ang samahan ng PTA sa paaralan bitbit abg itak, pala at walis upang makiiisa
sa pag sasaayos ng gulayan sa paaralan.
Maaga pa lamang ay nagtanim, nagbunot ng damo at nagdilig ang mga kasapi ng PTA.
Isinaayos din nila ang mga lupang punlaan sa gulayan. Nagawa din sila ng mga balag
o lalakaran ng mga halamang gumagapang gaya ng ampalaya at patola.
Sa tulong nadin ng gurong tagapamahala ng Gulayan sa Paaralang, Gng Lora G.
Cervantes ay naisayos at naihanda ang mga kakailanganin sa nasabing paligsahan.

You might also like