You are on page 1of 2

1st Grading Period

BANGHAY ARALIN
SA FILIPINO 2
(Sityembre 25-28 Week 8)
Nilalaman: Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paghahanap ng maikling salitang matatagpuan
sa loob ng isang mahabang salita at bagong salita mula sa salitang-ugat.
Pamantayang Pangnilalaman:
 Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan.
Pamantayan sa Pagganap:
 Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan paghanap ng maikling salitangmatatagpuan sa loob ng
isang mahabang salita
Kompetensi:
 Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng magkasing-kahulugan at magka-
salungat na mga salita.
Learning Targets:
 Nakatutukoy ng salitang-ugat ng mahabang salita.
 Natutukoy ang kahulugan ng salita mula sa salitang-ugat nito; at
 Nakabubuo ng bagong salita mula sa salitang-ugat
 Nakabubuo ng maikling salita mula sa mahabang salita.
 Nakapagbibigay ng salitang kasingkahulugan;
 Nagagamit ang mga salitang kasinghulugan nang
naaayon sa sitwasyon.
Transfer Goal:

STAGES ACTIVITIES
(Day 1)
PAGTUKLAS Pagganyak:
 Ipabasa sa mga mag-aaral ang maikling kuwento.
 Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
● Sino ang dalawang magkaibigan?
● Ano-ano ang kanilang pagkakaiba?
● Ano-ano ang kanilang pagkakaparehas?
 Ipabasa at bigyang-pansin ang mga salita mula sa kuwento.
(Day 1)
PAGLINANG  Tumawag din ng mga mag-aaral na magbibigay ng halimbawa ng
mga salitang magkasingkahulugan.
 Ipagawa ang pagsasanay na ito sa mga mag-aaral.
 Tukuyin kung ang pares ng salita ay magkasingkahulugan.
thumbs-up - magkasingkahulugan
thumbs-down – magkasalungat
(Day 2)
 Ipaliwanag ang salitang-ugat.
 Magbibigay ng halimbawa ng mga salitang-ugat.
 Hanapin ang mga salitang-ugat. Ipasagot ito sa mga mag-aaral sa
gamit ang kanilang whiteboard at marker.
(Day 3)
 Ituro naman sa mga mag-aaral na ang mga pagdaragdag ng letra sa
salitang-ugat ay tinatawag na paglalalapi (paglalagay ng panlapi).
 Ipatukoy din ang salitang-ugat at panlapi sa mga mag-aaral.
 Magbigay ng halimbawa.
 Ukol sa pagbigkas, ipaliwanag na ang mga salita ay binubuo ng
mga pantig.
 Ipabasa ang mga salitang nakasalungguhit. Tanungin kung ilang
pantig ang bumubuo sa bawat salita.
 Magbigay ng halimbawa.
 Ipaliwanag na makatutulong ang pagpapantig upang matiyak na
wastong mababaybay ang mga salita.
 Ipapili sa mga mag-aaral ang wastong panlaping ikakabit sa
salitang-ugat upang mabuo ang pangungusap.
(Day 4)
Gawain 1

PAGPAPALALIM

Gawain 2
Panuto: Isulat ang kasingkahulugan ng mga nasalungguhitang salita.

PAGLILIPAT PERFORMANCE TASK


GRASP
 Kokompletuhin mo ang talahanayan. Ikaw ay bubuo ng mga
pangungusap na may mga salitang magkasingkahulugan at
magkasalungat. Gagawin mo ito sa tulong ng mga larawang
binigay.
VALUES INTEGRATION
 Bakit kailangang matukoy ang salitang-ugat ng mga salita?

RUBRICS for the PERFORMANCE TASK

CRITERIA POINTS
Presentasyon 5
Kalinisan 5
Total 10 points

Prepared by: Checked by:


Mary Danica P. Ragutana Sr. Agatha I. Caoili, SIHM
School Teacher School Principal

You might also like