You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI
Division of Butuan
San Carlos District
MATALANG CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

QUARTER 1 SUMMATIVE TEST NO. 4


Mga Layunin CODE Bahagda Bilang ng Kinalalagyan
n Aytem ng Bilang

Naisasagawa ang mga hakbang na


makatutulong sa pagbuo ng isang
desisyon na makabubuti sa pamilya sa
50% 10 1-10
paggamit ng impormasyon sa
pamamagitan ng magasin o
pahayagan.
Naisagawa ang mga tamang hakbang
na makatutulong sa pagbuo ng isang
desisyon na nakabubuti sa pamilya sa 50% 10 11-20
paggamit ng impormasyon sa
pamamagitan ng internet/social media.
Kabuuan 100 20 1 – 20
GRADE 6 – ESP
www.guroako.com

Republic of the Philippines


Department of Education
Region XI
Division of Butuan
San Carlos District
MATALANG CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

ESP 6 Summative Test No. 4


www.guroako.com

Name: ___________________________________________ Date: ___________ Score: _______


I. A. Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na mga sitwasyon.
Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____1. Nabasa sa magasin ni May na may paligsahan sa pag-awit. Ang mga kalahok ay
kailangang magdeposito ng isang libong piso sa nakalagay na bank account sa magasin. Ano
ang dapat gawin ni May?
a. Magdeposito kaagad ng pera para makasali.
b. Ipagbigay alam sa magulang at suriin kung ito ay legal na patimpalak.
c. Mang-engganyo ng iba pang kasama para makasali.
d. Manghihingi ng pera sa magulang at hindi ipagbigay alam kung saan gagastusin ito.
_____2. May patalastas sa pahayagan tungkol sa isang produkto na pampakinis ng kutis.
Gustong-gusto mo rin na kuminis at maging maputi ang iyong kutis ngunit alam mo na
nagkaka-allergy ka sa balat tuwing ikaw ay gagamit ng pampakinis. Gagamit ka din ba ng
produktong ito?
a. Oo, dahil makatotohanan ang nababasa mong patalastas.
b. Hindi, ipapatsek mo muna ito sa iyong doktor kung mabisa ang produktong ito sa
iyong balat at kung wala itong masamang epekto.
c. Oo, dahil ito na ang sagot mo sa iyong mithiin na maging makinis ang
iyong balat.
d. Oo, dahil murang-mura lang ang produkto.
_____3. Nabalitaan mo sa dyaryo na sa sangkot ang inyong alkalde sa illegal na droga sa inyong
bayan. May kaklase ka na anak ng inyong alkalde. Bilang isang mag- aaral, paano mo
pakikitunguhan ang nasabing kaklase?
a. Pagtawanan siya
b. Hindi mo ito kikibuin at layuan dahil hindi siya mabuting kaibigan
c. Bigyan mo siya ng lakas na loob at hindi kaagad manghusga tungkol sa kanyang
ama.
d. Ipamalita sa mga kaklase ang nabalitaan at lalayuan ninyo siya.
_____4. Nagbabasa kayong magkakaibigan ng isang kuwento at napili ng isa mong kaibigan ay
isang kuwento na may malalaswang eksena. Bilang kaibigan, ano ang dapat mong gawin?
a. Hayaan lamang ang kaibigan sa nais nitong kwentong babasahin.
b. Magsawalang kibo na lamang.
c. Palitan ang binabasa na kwento na angkop sa inyong magkakaibigan.
d. Paalisin na lang siya.
_____5. May sakit na leukemia ang iyong kapatid na babae. Ikaw ay naawa na sa kanya sapagkat
nakikita mo siyang naghihirap sa kanyang dinaramadam na sakit. Isang araw, may nabasa ka sa dyaryo
na lunas sa leukemia. Bilang isang kapatid, ano ang dapat mong gawin?
a. Komunsulta muna sa doktor kung ito ay mabisa o hindi.
b. Ipainom kaagad ito upang gumaling na ang iyong kapatid.
c. Magsawalang kibo lamang sa nabasang impormasyon.
d. Ipapa-sa Diyos na lamang ang sitwasyon ng kapatid.

B. Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang sitwasyong isinasaad ay tama at ekis (x) kung ito ay
mali.
____6. Paggamit ng pahayagan sa komunikasyon sa pamilya na nasa ibang bansa
____7. Pagbabasa ng magasin habang kumakain
____8. Pagbabasa ng mga mararahas na mga kwento sa magasin
____9. Pagbabasa ng dyaryo/magasin na hindi angkop sa edad ng mambabasa
____10. Pagbabasa ng magasin na rated PG
II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____11. Ginagamit ito ng nakakarami para sa komunikasyon tulad ng mga nagtatrabaho bilang
Overseas Filipino Workers (OFW).
a. Telebisyon b. Telepono c. Telegram d. Social media
_____12. Ano ang karamihang pinagpupuyatan ng mga kabataan sa gabi na minsan ay hindi na
maganda sa kanilang kalusugan?
a. Facebook b. Aklat c. Telebisyon d. Paglaro ng chess
_____13. Ang masasamang epekto ng social media ay maiiwasan kung _______.
a. May sapat na patnubay ang mga magulang sa kanilang kabataan.
b. Hahayaan ang kabataan sa gusto nila.
c. Bigyan ng maraming oras ang kabataan na mag-explore sa social media.
d. Walang pakialam ang mga magulang.
_____14. Ang social media para sa kabataan ay mahalaga dahil___________
a. Natututo silang magbigay ng comments sa facebook mabuti man o hindi.
b. Nagiging daan ito tungo sa pakikipag-usap sa kapwa kaklase o guro para sa
mabisang ugnayan.
c. Nagkakaroon ng sapat na oras upang panoorin ang ipinagbabawal sa kanila.
d. Natututo sila sa mga uso kahit hindi bagay sa kanila.
_____15. Ang isang batang responsible sa paggamit ng social media ay _________
a. Nagiging tamad.
b. Hindi sumisipot sa paaralan.
c. Naging mas mahusay sa pag-aaral at may positibong pananaw.
d. Naging aktibo sa latest na bagay kahit walang kakayahan sa buhay.
_____16. Nakita mo na nanonood ng malaslaswang palabas sa social media ang iyong kapatid. Ano
ang iyong gagawin?
a. Hayaan na lamang na parang walang nakita.
b. Makinood na rin kasama ang iyong kapatid.
c. Pagsasabihan ang kapatid na huwag manood ng malalaswang palabas.
d. Tulungan ang kapatid na maghanap ng mga kaparehong palabas sa social media.
_____17. Tama bang i-post mo sa social media ang sama ng loob mo sa isang tao?
a. Tama, dahil ito ay ang magandang pagakakataon upang malaman niya ang saloobin ko
tungkol sa kanya.
b. Mali, dahil ang social media ay isang pampublikong proporma kung saan nababasa
ng lahat.
c. Tama, para makasagot kaagad siya dahil mabilis ang pagdaloy ng mga impormasyon sa
social media.
d. Mali, dahil pwede mo namang siyang sugurin sa kanilang bahay at
ipagsigawan sa lahat ang sama ng loob mo sa kanya.
_____18. Niyaya ni Mike ang kaibigan niyang si Reymond na huwag nang pumasok sa klase dahil
maglalaro nalang sila ng online game sa internet café. Tama ba ang ginawa ni Mike?
a. Tama, dahil malilibang silang dalawang magkaibigan sa online game.
b. Mali, kasi pwede naman silang maglaro ng habulan sa parke ng kanilang
barangay.
c. Tama, sapagkat marami naman silang mapupulot na aral sa online game.
d. Mali, dapat mas maging prayoridad nila ang kanilang pag-aaral kaysa sa online
game dahil ito ang magbibigay sa kanila ng mga iba’t ibang kaalaman.
_____19. May nabasa kang isang post sa social media, alam mong ito ay isang fake news. Ano
ang gagawin mo?
a. Maglalagay ako ng comment na fake news ito at huwag ng i-share pa sa iba.
b. I-share ko sa iba para marami pang makabasa nito.
c. Maglalagay ako ng like comment at i-share sa iba para masaya.
d. Hayaan ko na lamang na kumalat ang fake news na nabasa ko. Ang mahalaga
alam kong hindi iyon totoo.
_____20. Isang gabi, nakita ka ng nanay mo na nakatutok pa rin sa cellphone mo at naglalaro ng
online game na ML. Pinagsabihan ka ng nanay mo na tigilan na ito kasi gabi at may pasok ka
kinabukasan. Ano gagawin mo?
a. Magalit sa nanay kasi inistorbo ka niya sa laro mo.
b. Susundin ang nanay para hindi mahuli sa pagpasok sa klase kinabukasan.
c. Sasabihing matutulog na, pero magtatakip ng kumot at maglalaro pa rin.
d. Hayaan lamang si nanay na parang walang narinig.

SUMMATIVE TEST 4 ANSWER KEY:

I. A. II.
1.B. 1.D.
2.B. 2.A.
3.C. 3.A.
4.C. 4.B.
5.A.
5.C.
B.
1.√ 6.C.
2.X 7.B.
3.X 8.D.
4.X 9.A.
5.√ 10.B.

You might also like