You are on page 1of 3

School Lucena West IV Elementary School Grade Level Three

Teacher Diana G. Oblea Subject ESP


Date/Time October 16,2023 Quarter First

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng sariling kakayahan,
Pangnilalaman pagkakaroon ng tiwala, pangangalaga at pag-iingat sa sarili tungo sa
kabutihan at kaayusan ng pamilya at pamayanan.
B. Pamantayan sa Naipakikita ang natatanging kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan nang may tiwala, katapatan at
Pagganap katatagan ng loob.
C. Mga Kasanayan Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng sariling kalusugan at kaligtasan.
sa Pagkatuto
II.PAKSA

A.Sangunian
1.Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2.Mga Pahina ng Kagamitang
p. 1-8
Pang-magaaral
3.Mga Pahina ng Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa LRPortal
B. Kagamitang Pangturo Power point
III. GAWAIN SA
PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral
(Activity) Paano ka magbibigay ng puna sa maling kilos ng iba upang siya ay magbago?
2. Pagganyak
Basahin ang tula.

Tu
ngkol saan ang tula?

ZB. 1. Paglalahad Ang araling ito ay naglalaman lamang ng isang aralin na


(Analysis) nakatuon sa pangangalaga ng sarili upang magkaroon ng isang
malusog na katawan, damdamin, at isipan.
Pagkatapos ng mga gawain sa modyul na ito, inaasahan na
naipamamalas mo ang kakayahang:
 Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi sa
pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan
2. Pagtatalakayan Mahalaga ang bawat isa sa atin, kaya pangalagaan natin ang ating sarili upang magkaroon tayo
ng mabubuting pangangatawan. Matatamo lamang natin ito kung maisasagawa natin ang tamang
gawain para maipagpatuloy natin ang ating malusog, aktibo at ligtas na pangangatawan sa kahit
na anong
karamdaman.
Ang pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan ng
bawat tao ay isa sa pinakamahalagang aspekto ng buhay. Ito
ay nakaaapekto sa pag-unlad ng ating bayan lalo na sa
kalusugan at kalagayan ng ating damdamin at kaisipan. Ang
malusog na pangangatawan ay magdudulot sa atin ng
magandang gawain sa pang-araw-araw.
Mga Gabay sa Pangangalaga sa Sarili:
1. Maligo araw-araw. Nakagagaan at nakagiginhawa ng pakiramdam ito sa simula ng iyong
araw.
2. Alagaan ang buhok. Mag-shampoo tatlong beses o mahigit sa isang linggo. Suklayin ito at
gumamit ng brush para kumintab at matanggal ang mga dumi sa anit.
3. Magsipilyo ng mga ngipin pagkatapos kumain. Upang masigurong walang sira ang mga
ngipin, bumisita sa dentista dalawang beses o higit pa sa isang taon.
4. Kumain nang sapat sa tamang oras. Ang pagkaing masustansiya ay kailangan ng katawan
upang manatiling malusog.
5. Uminom ng anim hanggang walong basong tubig araw-araw.Ang katawan ay
nangangailangan ng sapat na tubig.
6. Maghugas ng mga kamay bago at matapos kumain, at tuwing manggagaling sa palikuran.
7. Putulan at linisin ang mga kuko sa kamay at paa.
8. Mag-ehersisyo araw-araw. Ang madalas na pag-eehersisyo ay nagdudulot ng malakas na
pangangatawan.
9. Matulog sa tamang oras. Iwasang magpuyat para maging masigla ang katawan at pag-iisip.
Itanong:
Paano mo isasagawa ang mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng sariling kalusugan at
kaligtasan?
3.Pinatnubayang Gawain Mga Gawain
(Guided Practice) Group 1-Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan ang pagsasagawa ng mga wastong kilos at gawi
sa pangangalaga ng sariling kalusugan at kaligtasan.
Group 2-Pagguhit ng pagsasagawa ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng sariling
kalusugan at kaligtasan
Group 3-Paggawa ng dayalogo na pagsasagawa ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga
ng sariling kalusugan at kaligtasan
4.Malayang Gawain
(Independent Practice)

5. Paglalahat Ano-ano ang dapat isagawa na mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng sariling kalusugan
(ABSTRACTION) at kaligtasan?

6. Paglalapat Bakit dapat nating isagawa ang mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng sariling
(APPLICATION) kalusugan at kaligtasan?
IV. Pagtataya Panuto:Ilista sa bituin ang 5 pagsasagawa ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng
sariling kalusugan at kaligtasan
V. TAKDANG ARALIN Magdikit ng larawan o gumuhit ng nagsasagawa ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga
ng sariling kalusugan at kaligtasan.
VI. TALA 5x =
Proficiency Level 4x =
3x =
2x =
1x =
0x =
=

Ginawa ko sa mga batang ______ nagbigay ng karangdagang Gawain/learning activity sheets


nakakuha ng mababang
iskor/marka. ______ nagpapanood ng video na may kaugnayan sa aralin

______ nagsasagawa ng pagsasanay/drill

______nagsasagawa ng remedial classes

Prepared by:

DIANA G. OBLEA
Teacher III

Inspected by:

ENELYN HERMITA BAYANI


Principal

You might also like