Professional Documents
Culture Documents
PT G7 Filipino
PT G7 Filipino
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem. Titik lamang ang isulat sa aytem.
Bulahan ug bulahan
Ang tagbalay nga giawitan
_____14. Ang awiting pamasko na nasa itaas nasa itaas ay labis na nagpapahalaga sa tradisyong
nauukol sa:
A. Kapistahan C. Araw ng Patay
B. Relihiyon D. Visita Iglesia
_____15. Anong emosyon o damdamin ang namamayani sa awitin bilang pagpatunay sa kaugalian ng
kabisayaan?
A. Masaya C. Maramdamin
B. Malungkot D. Masakit
Ang Kinabuhi sa tawo sama sa usa ka binhi
Kung alimahan pag-ayu muturok kini’g mulambo
Unya ug abto’g kahamtong sama sa atong tanom
Kay inumol man sa gugma, gugma sa isig kaingun
Halaw mula sa awiting panrelihiyon na: Ang Kinabuhi sa Tawo
_____19. Batay sa awiting nasa itaas anong tradisyon kalimitang nangyayari ang hindi pagpayag ng
mga magulang kapag walang kayamanan ang lalaking humingi sa kamay ng babae?
A. Binyag C. Lamay
B. Panliligaw D. Pamamanhikan
_____20.Ito ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.
A. Impormal C. Pormal
B. Balbal D. Kolokyal
_____21.Ito ay mga salitang ginagamit sa paaralan, sa mga panayam, seminar, gayundin sa pagsulat
ng aklat at mga ulat.
A. Impormal C. Pormal
B. Balbal D. Kolokyal
_____22.Ito ay mga salitang naporma mula sa pagtatanggal ng ilang titik o pantig sa isang salita.
A. Balbal C. lalawiganin
B. Kolokyal D. Pormal
_____23.Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsya o kaya ay partikular
na pook kung saan nagmula o kilala ang wika.
A. Balbal C. Lalawiganin
B. Kolokyal D. Pormal
_____24.Alin sa mga sumusunod na dayalogo ang gumagamit ng antas ng wika na kolokyal?
A. Iba na talaga ang mga bagets ngayon kaysa noong panahon namin.
B. Tinatawag ka ni Mama. Kaon daw.
C. P’re, baka naman may maipahihiram ka sa akin ngayon.
D. Hindi lamang salapi ang makapagbibigay ng tunay na kasiyahan.
_____25.Alin sa mga sumusunod na dayalogo ang gumagamit ng antas ng wika na lalawiganin?
A. Iba na talaga ang mga bagets ngayon kaysa noong panahon namin.
B. Tinatawag ka ni Mama. Kaon daw.
C. P’re, baka naman may maipahihiram ka sa akin ngayon.
D. Hindi lamang salapi ang makapagbibigay ng tunay na kasiyahan.
_____26. Ano ang karaniwang paksa na tinatalakay sa Alamat?
A. Katapangan at kagitingan
B. Pag-ibig at Kabutihan
C. Kababalaghan at hindi pangkaraniwang pangyayari
D. Lahat ng nabanggit
_____27. Ito ay isang kuwentong -bayan na maaaring pinagmulan ng bagay, pook o pangyayari at
maaari rin itong kathang-isip lamang.
A. alamat C. pabula
B. epiko D. duplo
_____28. Ano-ano ang mga taglay na magagandang katangian ng Alamat?
A. Kasamaan at kasakiman
B. Kataksilan at pagiging makasarili
C. Kalinisan ng kalooban, katapatan at katapangan
D. Kabutihan at kasaganahan
_____29. Sila ang mga dayuhan na nagdala ng mga kani-kanilang kulturang nakaambag sa patuloy na
pag-unlad ng mga alamat sa ating kapuluan.
A. Amerikano at Arabe C. Tsino at Pakistan
B. Arabe at Malay D. Tsino, Indian at Arabe
_____30. Ito ay pagsasaayos ng mga salita na ayon sa antas o tindi ng kahulugan ng ipinahahayag.
Ano ito?
A. Pagkiklino C. Pangulong tudling
B. Pagbasa D. Pang-gramatika
_____31. Ang anak ay (buti)________ kung marunong siyang sumunod sa payo ng magulang. Kaysa
maging suwail.
A. nabuti C. mabubuti
B. mabuti D. nabubuti
_____32. Sa ngayon, (marami)________ kabataan ang nalulong sa paglalaro ng video games kaysa
noong nagdaang panahon.
A. maraming C. mararami
B. madami D. marami
_____33. Ang tamang paggabay sa mga anak ay (mainam)_________ pa ring paraan ng pagtuturo
kaysa sa labis na pamamalo o pananakit ng bata.
A. nainam C. mas mainam
B. maraming mainam D. mainamnam
_____34. Natutuhan natin mula sa binasang alamat na sa lahat pala ng puwedeng gawi ng anak
( masakit)__________ sa isang magulang ang pagsuway ng anak na humahantong sa sarili niyang
kapahamakan.
A. pinaka masakit C. mas masakit
B. masasakit D. masakit siya
_____35. Kaya bata, piliin mo sanang maging (masunurin)________ ngayon kaysa noong bago mo
mapag-aralan ang ating aralin.
A. lalong masunurin C. pinakamasunurin
B. Higit na masunurin D. mas masunurin
_____36. Ang editoryal ay isang lathalain sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng _________.
A. balita. C. kuro-kuro.
B. pakikipagtalo ng editor. D. bajet sa pagpapaimprenta.
_____37. Ang editoryal ay isang artikulong nagbibigay-kahulugan sa __________.
A. balita. C. panahon.
B. paksa. D. pangyayari.
_____38. Ang nangingibabaw sa katangian ng isang editoryal ay ang napapanahong pagtalakay sa
__________.
A. mahahalagang balita. C. seguridad ng editor.
B. suliranin ng bansa. D. pagkakaisa ng buong staff.
_____39. Ang editoryal ay kailangang magtaglay ng isa lamang __________.
A. kakintalan. C. ideya.
B. paninindigan. D. tono.
_____40. Nagsisimula muna ang editoryal sa mga detalyeng __________.
A. kilala patungo sa di-kilala.
B. di-kilala patungo sa kilala.
C. kongklusyon patungo sa panimula.
D. mabisa patungo sa kaakit-akit.
_____41. Iniiwasan sa editoryal ang __________.
A. magbigay-puri. C. magpaunawa.
B. manuligsa. D. magbanta.
_____42. Ang editoryal na naglalaman ng katotohanan ng pangyayari ay __________.
A. Nagpapabatid. C. Nagpaparangal.
B. Nagpapakahulugan. D. Nagbibigay ng reporma.
_____43. Pinaparangalan o pinupuri sa editoryal ang mga taong __________.
A. kapapanganak lamang
B. may malaking kontribusyon sa larangang kanyang napili.
C. sumasang-ayon sa balita.
D. sumusulat ng editoryal bilang libangan.
_____44. Sa editoryal, ang wakas ang __________.
A. nagpapakilala ng paksa.
B. nakalilibang.
C. naglalahad ng tahasang sabi.
D. nagbibigay ng tagubilin o mungkahi.
_____45.Sa pagsulat ng editoryal, ang pagtawag-pansin, pagtatanong at pagsasalaysay ay ilan lamang
sa magagamit na __________.
A. pamagat. C. katawan.
B. panimula. D. Wakas
_____46. Ito ang nagpapakilala sa mga katangian ng isang bayan at ng kanyang mamamayan.
A. Kultura C. Paniniwala
B. Tradisyon D. Mithiin
_____47. Ito ang iilan sa mga tradisyong isinasagawa natin na may kaugnayan sa relihiyon maliban sa
isa:
A. Pagdiriwang ng Pista ng Patron
B. Flores De Mayo
C. SantaCruzan
D. Parada ng mga magagarang kasuotan
_____48. Anong bansa ang may pinakamahabang Pagdiriwang ng Pasko kung saan bahagi na ng
tradisyon ang pangangaroling, pagdalo sa siyam na simbang-gabi, at pagsasalo-salo ng pamilya sa
noche buena.
A. Amerika C. Italya
B. Pilipinas D. Paris
_____49. Isang uri ng teksto na nagpagpapahayag o nagbibigay ng mga kaalaman o mga kabatiran at
kuro-kuro.
A. Impormatibo C. ekspositori
B. Deskriptibo D. persuweysib
_____50. Isang katangian ng mahusay na paglalahad na kailangang may kaugnayan ang lahat ng
bahagi ng talata.
A. Kalinawan C. Kaugnayan
B. Katiyakan D. Diin