You are on page 1of 1

Kailangan ba nating gumamit ng dahas para makamit ang kalayaan ng bansa?

Noong
panahon ni Rizal ang mga tinatawag nilang mga Pilipino Ilustrado, o Propagandista, ay
nagtulak ng mga reporma at pagbabago sa Pilipinas habang nasa ilalim ito ng kolonyal
na pamumuno ng mga Espanyol. Ang kilusang ito ay kilala na ngayon bilang Kilusang
Propaganda. Katulad ni Jose Rizal sila ay gumamit ng pagsusulat na pinaglalaban ang
kalayaan ng ating bansa laban sa gobyerno ng España.
Ang mga layunin ng mga Propagandista ay magdala ng mga pagbabago sa ating
pantay na karapatan sa politika at kalayaan ng lipunan habang umiiral na sistemang
kolonyal. Hangad nila na maresolba ang mga suliranin tulad ng diskriminasyon laban sa
mga Pilipino, limitadong pagkakataon para sa edukasyon at trabaho, at pang-aalipusta.
Ang kanilang mga kontribusyon ay napakahalaga sa kamalayan ng mga mamayanan at
paghahanda para sa mga nalalapit na laban para sa kalayaan. Sa pamamagitan ng
kanilang mga nakasulat na akda, nakalimbag na materyales, at diplomatikong aksyon,
isiniwalat nila ang hindi patas na pagtrato at pagmamaltrato sa pamahalaang kolonyal
ng Espanya, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
Ang mga Propagandista ay nag-ambag sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino
sa kanilang pagkakakilanlan, pagpapaunlad ng nasyonalismo, at paghahanda ng
batayan para sa tuluyang pakikipaglaban para sa kalayaan. Sa kabila ng hindi ganap na
malaya mula sa Espanya sa sandaling iyon, sila ay mga ihemplo para sa kanilang
dedikasyon sa pagtataguyod para sa kanilang mga kapwa mamamayan at mga layunin.
Ang paglaban para sa ating kalayaan ay di kailangan gumamit ng dahas upang
makamit ito. Ang Kilusang Propaganda ang naging daan para sa mga pangyayari sa
hinaharap na naging dahilan ng pagkakaroon ng kalayaan ang Pilipinas. Ang kanilang
buhay ay nakasalalay sa pag udyok ng reporma, at sa pagpapatuloy sa kalayaan ng
mga susunod na henerasyon.

You might also like