You are on page 1of 17

IKALAWANG MARKAHAN

ARALIN 2.1
Panitikan :Tanka at Haiku ng Hapon
Teksto :Tanka ni Ki No Tomonori
Haiku ni Basho
Wika :Ponemang Suprasegmental
Bilang ng Araw :5 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IIa-b-45)


 Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-IIa-b-45)


 Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng
tanka at haiku.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-IIa-b-45)


 Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa
tanka at haiku.

PANONOOD (PD) (F9PD-IIa-b-45)


 Napaghahambing ang sariling damdamin at ang damdamin ng
bumibigkas batay sa napanood na paraan ng pagbigkas ng tanka at
haiku.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-IIa-b-47)


 Nabibigkas ang isinulat na tanka at haiku nang may wastong
antala/hinto, at damdamin.

PAGSULAT (PU) (F9PU-IIa-b-47)


 Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-IIa-b-47)


 Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa
pagbigkas ng tanka at haiku.

Ikalawang Markahan | 1
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IIa-b-45)


 Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku.

II. PAKSA

Panitikan :Tanka at Haiku ng Hapon


Teksto :Tanka ni Ki No Tomonori
Haiku ni Basho
Wika :Ponemang Suprasegmental
Kagamitan :Larawan, Pantulong na biswal
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Dr. Romulo N. Peralta
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: KILATISIN… KILALANIN…

Gabay na Tanong:
 Sa tulong ng larawan,patunayan na ang Japan ay
isang bansang maunlad.

 Ilahad ang naging kontribusyon ng bansang Japan sa


larangan ng panitikan.

Ikalawang Markahan | 2
2. Pokus na Tanong
a. Paano naiiba ang Tanka at Haiku sa ibang uri ng tula?

b. Bakit mahalaga ang ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng


anomang uri ng tula?

3. Presentasyon ng Aralin

Mungkahing Estratehiya: BIGKASIN KO…ITONO MO…


Basahin ang sumusunod na saknong. Bigkasin ito ayon sa tamang hinto,
intonasyon at damdamin.
Tula A Tula B
Sa isang iglap… Hila moy tabak
Naglaho sa kawalan Ang bulaklak nanginig
Sumilip sa liwanag Sa paglapit mo…
Tahimik ang paligid
May pag-asa ba?.

ANALISIS

Tula A Tula B
Bilang ng Taludtod
Paksa
Mensahe
Tono

4. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Ang bansang Japan ay may mahigit na tatlong libong pulo na


matatagpuan sa baybayin ng Pasipiko.Larawan ng pag-unlad ng bansang ito
sapagkat isa ito sa nangunguna sa larangan ng teknolohiya at ekonomiya.
Sa pagbigkas ng isang tula, mahalagang isaalang-alang ang tamang
pagbigkas nito, ang tono o intonasyon at maging ang damdamin o
mensaheng ipinahahayag nito.
Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: SHARE UR KNOWLEDGE


Bakit marami ang nahihilig sa pagsulat ng tula? Masasalamin ba sa tula
ang bansang pinagmulan? Paano malalaman ang tono ng isang isinulat
na tula?
Ikalawang Markahan | 3
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: MADAMDAMING PAGBIGKAS


Basahin at suriin ang tono ng tula.

Katapusan ng Aking Paglalakbay


ni Oshikochi Mitsune
Isinalin sa Filipino ni M. O. Jocson

Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.
.

IV. KASUNDUAN

 Basahin ang “Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku” salin


ni M. O. Jocson

 Itala ang mahahalagang detalye ukol dito.

Ikalawang Markahan | 4
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-IIa-b-45)


 Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng
tanka at haiku.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-IVa-b-45)


 Nabibigyang - kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa
tanka at haiku.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-IVa-b-47)


 Nabibigkas ang isinulat na tanka at haiku nang may wastong
antala/hinto, at damdamin.

II. PAKSA

Panitikan :Tanka at Haiku ng Hapon


Teksto :Tanka ni Ki No Tomonori
Haiku ni Basho
Wika :Ponemang Suprasegmental
Kagamitan :Larawan, Pantulong na biswal
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Dr. Romulo N. Peralta
Bilang ng Araw :2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: LARO…MAG-UNAHAN TAYO!
Magbigay ng mga pahayag sa paraang patula na naglalaman ng
talinghaga at puno ng damdamin.
Halimbawa:
Ulan, ulan
Putak,putak Pantay kawayan
Batang duwag Bagyo, bagyo
Matapang ka’t nasa pugad. Pantay kabayo.
Ikalawang Markahan | 5
2. Presentasyon ng Aralin

Paglinang ng Talasalitaan:
Ipaliwanag ang kahulugan ng sumusunod na matatalinghagang salita o
pahayag na ginamit sa pangungusap.

1. Payapang ganap ang palgid nang siya ay dumating.


Kahulugan __________
Paliwanag __________

2. Sa tagsibol na panahon niya nadama ang kasiyahan ng


kalooban
Kahulugan __________
Paliwanag __________

3. Sa ganda ng panahon, bakit kaya di mapalagay ang cherry


blossoms?
Kahulugan __________
Paliwanag __________

4. Ang paglundag ng palaka ang nakapagpatinag sa lumang lawa.


Kahulugan __________
Paliwanag __________

5. Muling tumahimik ang lumang lawa pagkatapos ng mga


pangyayari.
Kahulugan __________
Paliwanag __________

 Pangkatang Pagbasa sa Kaligirang Pangkasaysayan ngTanka


at Haiku.

3. Pangkatang Gawain

Pangkat 1
MIRROR…MIRROR ON DA WALL
Paano makikita ang kultura ng bansang Japan sa kanilang tulang
tanka at haiku? Ano ang mga pagkakakilanlan?

Pangkat 2
READ – REACT - REENACT
Paano nagsimula ang tanka at haiku sa Japan?

Ikalawang Markahan | 6
Pangkat 3
VENN DIAGRAM
Ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Tanka at Haiku

Pangkat 4
SABAYANG PAGBIGKAS
Sumulat ng isang halimbawa ng Tanka at Haiku. Lapatan ng diin
at tono.

. RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais nais iparating o kaisipan na iparating sa
Kaisipan o iparating sa sa manonood nais iparating manonood (1)
Mensahe manonood (4) (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Pagkamalikhain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan pamamaraang
pamamaraang ginamit ng ang ginamit ng pangkat
ginamit ng pangkat sa pamamaraang sa presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon ginamit ng
presentasyon (2) pangkat sa
(3) presentasyon
(1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas pagkakaisa ang
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa bawat miyembro sa
(3) bawat miyembro sa ang bawat kanilang gawain (0)
miyembro sa kanilang miyembro sa
kanilang gawain gawain (2) kanilang
(3) gawain (1)

4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

Ikalawang Markahan | 7
ANALISIS

1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Tanka at Haiku.

2. Masasabi bang ang Tanka at Haiku ang pagkakakilanlan ng bansang


Japan? Ipaliwanag.

3. Paano makatutulong ang Tanka at Haiku sa pagkilala ng kultura ng


bansang pinagmulan nito?

4. Patunayan na ang Tanka at Haiku ay nagpapahayag ng masidhing


damdamin tulad ng karaniwang tula.

7. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Magkaibang uri ng panulaan ang Tanka at Haiku, bagama’t nagsimula


ang mga ito sa Japan. Mayroon itong kanya - kanyang katangian ng pagiging
magkaiba.
Ang Tanka, isang uri ng tula na maaaring awitin ay may kabuuang
tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod. Ang hati ng pantig sa mga
taludtod ay 7-7-7-5-5, 5-7-7-7-5 o maaaring magpalit-palit nang nananatili ang
kabuuang bilang ng pantig na talumpu’t isa.
Ang Haiku naman ay higit na maikli sa Tanka. Binubuo ito ng tatlong
taludtod na may bilang ng mga pantig na 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit
nang di nababago ang kabuuang bilang ng mga pantig na labimpito.
Tungkol sa kalikasan at pag-ibig ang paksa ng Haiku at pagbabago,
pag-iisa at pag-ibig naman ang karaniwang paksa ng Tanka.
Tayo naman sa Pilipinas, ay may TANAGA, isang uri ng sinaunang
tula na nagpapahayag ng kaisipan at binubuo ng apat na taludtod na may
tigpipitong panting sa bawat taludtod.
Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: THINK AND ANALYZE


Suriin ang Tanka at Haiku batay sa pagkakabuo nito.

 Bakit sinasabing magkaiba ang tanka at haiku bilang uri ng tula?

Ikalawang Markahan | 8
Tanka Haiku
Katapusan ng Aking Paglalakbay Bashō

Ni: Oshikochi Mitsune Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat


Isinalin sa Filipino ni M. O. Jocson
Ambong kaylamig
Napakalayo pa nga Maging matsing ay nais
Wakas ng paglalakbay Ng kapang damo
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya; TULA KO…IBABAHAGI KO!


Sumulat ng sariling tula - Tanka man o Haiku. Pagkatapos ay bigkasin sa
klase nang may wastong damdamin.

EBALWASYON

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang titik
ng tamang sagot.

_____ 1. Tulang mula sa Hapon na binubuo ng 31 pantig.


a. Tanka
b. Haiku
c. Tanaga
d. Awit

______ 2. Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at tanka ng Japan?


a. May tugma ang tanaga, sa tanka ay wala.
b. Mas mahaba ang tanka kaysa tanaga.
c. Ang paksa ng tanaga ay tungkol sap ag-ibig, ang tanka ay
sa panahon
d. Ang tanaga ay nagpapahayag ng kaisipan, ang tanka ay sa
pag-iisa at pag-ibig

_____ 3. Ang haiku ay higit na maikli kaysa tanka, binubuo ito ng tatlong
taludtod at may kabuuang pantig na ______.
a. labing-anim
b. labimpito
c. labingwalo
d. tatlumpu’t isa
Ikalawang Markahan | 9
_____ 4. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng cherry blossoms sa mga tanka
ng Japan?
a. Mainit na panahon
b. Malapit na ang taglamig
c. Paglipas ng panahon
d. Taglagas

_____5. Payapang ganap ang paligid nang siya ay dumating. Ano ang ibig
ipakahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Tahimik na kapaligiran
b. Puno ng kalungkutan
c. Kapighatian
d. Kasiyahan

Susi sa Pagwawasto

1. A 2. D 3. B 4. C 5. A

Pagkuha ng Index of Mastery


Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Sumulat ng isang tanka/haiku.

 Paano nakatutulong ang diin, tono at antala sa pagbigkas ng tula?

Ikalawang Markahan | 10
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-IIa-b-47)


 Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa
pagbigkas ng tanka at haiku.

II. PAKSA
Panitikan :Tanka at Haiku ng Hapon
Teksto :Tanka ni Ki No Tomonori
Haiku ni Basho
Wika :Ponemang Suprasegmental
Kagamitan :Larawan, Pantulong na biswal
Sanggunian :Panitikang Asyano ni Dr. Romulo N. Peralta
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: EMOTE…TICONS
Bigkasin ang sumusunod na pahayag at sa tulong ng emoticons, ilahad
ang damdaming nangingibabaw dito. Ipaliwanag ang iyong sagot.

1. Tag-init noon
Gulo ang isip

2. Lagi ka umaaligid
Hanga ka sa ganda ko

3. Bakit ako may luha


Sa aking mga mata

Ikalawang Markahan | 11
2. Presentasyon ng Aralin
Subuking basahin ang mga tula.

A B
Gulong ang buhay Buhay ng tao
Hindi totoong Puno ng sakit
Paraiso ang lasap Nasaan ang ginhawa?
Ng sinumang nilalang
Bukas ay di mo piho.

ANALISIS

1. Ilahad ang paksa ng mga tula. Ipaliwanag ang mensaheng


nangingibabaw sa tula.

2. Pansinin ang mga bahaging may salungguhit sa tula. Isa-isahin kung


paano mo binigkas ang mga ito.

3. Paano nakatulong ang diin, tono at antala sa iyong pagbigkas?

4. Ano ang ponemang suprasegmental? Paano ito nakapagpapabago ng


kahulugan?

 Pagsasanay: Bigkasin mo…


Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares na salita
na pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas.

/SA:ka/ /sa:KA/
/BU:hay/ /bu:HAY/
/ki:ta/ /ki:tah/
/ta:la/ /ta:la?/

3. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Ponemang Suprasegmental

Ang ponema ay makabuluhang yunit ng tunog. Sa paggamit ng


suprasegmental, malinaw na naipahayag ang damdamin, saloobin, at
kaisipang ipinahahayag upang matukoy ang intensyon ng nagsasalita.

1. Diin – ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng


isang pantig ng salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa
mga salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin
ay nakapagpapabago ng kahulugan nito.

Ikalawang Markahan | 12
Halimbawa:
A:so – isang uri ng hayop
A:SO – usok

2. Tono/Intonasyon – ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring


makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang
damdamin, makapagbigay-kahulugan, at
makapagpahina ng usapan upang higit na maging
mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
Nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais
ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Sa
pagsasalita ay may mababa, katamtaman, at
mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa
mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa
mataas.
Halimbawa:
Totoo = 2 – 3 – 1
nagpapahayag ng pagpapatunay
Totoo = 2 – 1 – 3
Nagpapahayag ng pag-aalinlangan

3. Antala/Hinto - Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na


maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa
kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit ( , ) ,
dalawang guhit na pahilis (//), o gitling ( - ).

Halimbawa:

a. Hindi Juan, Rodrigo ang pangalan ko.


(Pagbigkas ito na ang HINTO ay nasa Juan.
Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay
nagsasabing siya si Rodrigo.)

b. Hindi, Juan Rodrigo ang pangalan ko.


(Pagbigkas ito na ang HINTO ay pagkatapos ng
hindi. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang
nagsasalita ay nagsasabing siya si Juan Rodrigo
na maaaring napagkamalan sa ibang pangalan.)

c. Hindi Juan Rodrigo ang pangalan ko.


(Pagbigkas ito na ang HINTO ay nasa hulihan. Ang
nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Juan
Rodrigo.)
Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.

Ikalawang Markahan | 13
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: EKSPLEYN ‘N REACT


Paano nakatutulong ang diin, tono at antala sa pagbigkas?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: Subukin mo….


Sumulat ng isang Tanka at isang Haiku tungkol sa sumusunod na paksa.
Lagyan ng pananda ang tulang ginawa upang maging gabay sa
pagbigkas nito.

“Kagandahan ng Kalikasan”

EBALWASYON

Panuto:Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon na tumutugon sa bawat


tanong sa ibaba.
.
Diin Tono/Intonasyon Ponema

Antala/hinto Ponemang Suprasegmental

_____ 1. Ito’y nagpapahayag ng lakas at bigat o bahagyang pagtaas ng


tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Isa rin itong ponema
sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay at
nakakapagpabago ng kahulugan.

_____ 2. Nagpapahayag ito ng bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang


higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa
kausap.

_____ 3. Ito ay makahulugang tunog at malinaw na naipahahayag ang


damdamin, saloobin at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.

_____ 4. Uri ng ponema na tulad din ng musika na may tono, bahagyang


pagbaba, katamtaman at mataas na tono.

_____ 5. Ito ang pinakamaliit na yunit ng salita at makabuluhang yunit ng


tunog.

Ikalawang Markahan | 14
Susi sa Pagwawasto

1. Diin 2. Hinto 3. Ponemang Suprasegmental

4. Tono 5. Ponema

Pagkuha ng Index of Mastery


Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Magsaliksik ng mga salita na may parehong baybay. Ipakita ang


pagbabago ng kahulugan batay sa diin.

 Humanda sa pagsulat awtput.

Ikalawang Markahan | 15
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F9PU-IIa-b-47)


 Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 2.1 :Pagsulat ng Sariling Tanka at Haiku


Kagamitan :Pantulong na biswal, aklat
Sanggunian :Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
A. Mungkahing Estratehiya: Sabayang Pagbigkas

Talim ng kidlat Malikot lagi


sa dilim umiiyak itong munting isipan
ang puting tagak. batang makata
diwa niya’y naglalakbay
lampas sa kalawakan

Ulilang damo Naghihintay ako, oo


Sa tahimik na ilog Nanabik ako sa ‘yo
Halika, sinta ko Pikit – mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas.

ANALISIS
Sagutin ang hinihingi sa loob ng kahon batay sa binasang tula.

Paksa Mensahe Pagkakabuo

Ikalawang Markahan | 16
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: LEARN… EN… LEARNED


Tapusin ang pahayag upang mabuo ang mahalagang konsepto ng araling
tinalakay.

Pagkatapos matalakay ang aralin, nalaman ko na _____________.

APLIKASYON

2. Pagpapaliwanag ng guro sa gagawing Awtput.

GRASPS
GOAL Nakasusulat ng sariling payak na tanka at haiku na
may tamang anyo at sukat.
ROLE Isa ka sa mga apo ng iyong Lolo at naatasan kang
mamahala sa kanyang kaarawan
AUDIENCE Lahat ng inimbitahang kamag-anak, pinsan, kaibigan
at kakilala ng iyong Lolo
SITUATION Magkakaroon kayo ng Family Reunion bilang
pagdiriwang sa ika-80 kaarawan ng iyong Lolo.
Napagkasunduan ng angkan na magsagawa ng
paligsahan sa pagtatanghal. Upang maging kakaiba
sa lahat, naisip ninyo na sariwain ang mga Tanka at
Haiku na nasulat ng inyong Lolo noong panahon ng
pannakop ng Japan.
PERFORMANCE Makasulat ng tulang tanka at haiku at mabigkas ng
may damdamin.
STANDARDS Wastong bigkas 40%
Malinaw na pagbasa at interpretasyon 40%
May angkop na damdamin 20%
Kabuuan 100%
3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

5. Pagkilala sa mahusay na awtput ng mga mag-aaral.

IV. KASUNDUAN

 Ano ang pabula?

 Bakit hayop ang ginagamit na tauhan sa pabula?

Ikalawang Markahan | 17

You might also like