You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
District of Doña Remedios Trinidad
PULONG SAMPALOC ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa Filipino 5


Ikaunang Markahan – Ikalimang Linggo

Septyembre 25, 2023

I. LAYUNIN:
 Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar.
 Nakagagamit ng mga salitang pamilyar at di pamilyar sa pangungusap.
 Nalalaman ang kahalagahan ng pagaaral ng mga salitang pamilyar at di
pamilyar.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: Mga Salitang Pamilyar at Di Pamilyar
B. Sanggunian: Alab Filipino pp 21-29, F5PT-Ie-18
C. Kagamitan: Mga Larawan ng mga pamilyar at di pamilyar na bagay, video clip,
kahon, pentelpen

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1.Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban sa klase
B. Balik-Aral
Tanungin: Ano ang Kailanan ng Pangngalan?
C. Pagganyak
- Ipababatid sa mga mag-aaral ng guro ang kanilang kaalaman tungkol sa
mga salitang pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng pagtatanong at
pagbibigay ng halimbawa.

D. Pagtatalakay
1. Ipakita ang mga video clip na naglalaman ng mga pamilyar at di
pamilyar na salita sa klase.
2. Hilingin sa mga mag-aaral na maglista ng mga salitang pamilyar at
di pamilyar na kanilang narinig gamit ang lapis at papel.
3. Pagkatapos, magkaroon ng talakayan tungkol sa mga salitang naitala
ng mga mag-aaral.

E. Pagsasanay
Tutukuyin ng mga magaaral ang kahulugan ng mga salitang di-pamilyar sa
kwentong babasahin ng guro.

F. Paglalahat
1. Magbigay ng mga salitang di pamilyar?
2. Ano-ano ang kahalagahan ng pagaaral ng mga salitang di pamilyar sa pang araw-araw
na pamumuhay?
3. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malawak na bokabularyo sa iba't ibang
aspeto ng pag-aaral at buhay ng mga mag-aaral.
G. Paglalapat
Hahatiin sa tatlong grupo ang mga mag-aaral. Bawat grupo ay
makakatanggap ng kahon na may ibat-ibang di pamilyar na salita sa loob
nito na kailangan ng mga mag-aaral alamin ang kahulugan at gamitin sa
pangungusap.

IV. PAGTATAYA
Bigyang kahulugan ang mga parirala sa ibaba.
1. Isang mainit na bola - _______
2. Ibinubulong sa Poon-________
3. Itulos ang kandila-__________
4. Mababang loob-____________
5. Dumilim na ang mga mata-________

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Gumawa ng isang kuwento na naglalaman ng mga pamilyar at di
pamilyar na salita. Pagsamahin ang mga ito sa isang maikling kuwento na mayroong
malinaw na kahulugan.

Inihanda ni:

MICHELLE D. DAYOC
Teacher 1

Binigyang Pansin ni:

RONA C. CASTRO
Head Teacher 1
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
District of Doña Remedios Trinidad
PULONG SAMPALOC ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa Filipino 5


Ikaunang Markahan – Ikalimang Linggo

Septyembre 26, 2023

I. LAYUNIN:
 Nalalaman ang kahulugan ng pangngalan ayon sa kalikasan at ang panghalip
pananong.
 Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay
tungkol sa sarili, sa tao, hayop, lugar, bagay, at pangyayari.
 Nalalaman ang kahalagahan ng paggamit ng pangngalan at panghalip sa
pangungusap.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: Pangngalan ayon sa Kalikasan, Panghalip Pananong
B. Sanggunian: Alab Filipino Yunit I Aralin 5
C. Kagamitan: kartolina

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1.Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban sa klase
B. Balik-Aral
Magbigay ng halimabawa ng mga di-pamilyar na salita.
C. Pagganyak
Ipakita ang mga pangungusap na may mga panghalip pananong. Ipabasa
ang mga ito sa mga mag-aaral at ipaalam sa kanila na tukuyin kung ano ang
tinitingnan o tinatanong sa bawat pangungusap.

D. Pagtatalakay
May tatlong uri ng pangngalan ayon sa kalikasan o pinagmulan nito.
1. Likas- pangngalang natural na sa isang bagay at kadalasang hango sa kalikasan.
Halimbawa: apoy, lindol, ligaya
2. Likha- pangngalang hinango ng mga dalubhasa dahil sa pangngailangan. Halimbawa:
agham, talahanayan, sining
3. Ligaw- pangngalang hiniram mula sa mga salitang banyaga. Halimbawa: titser,
demokrasya, relihiyon

Ang panghalip pananong ay mga salitang ginagamit sa pagtatanong gaya ng ano,


ano-ano sino, sino-sino, nino, alin, at alin-alin.

D. Pagsasanay
Lapatan ng angkop na panghalip pananong ang mga pangungusap sa ibaba.
1. _______ ang iyong hinanap?
2. ______ ang mga dadalo sa pagpupulong?
3. ______ ang mga kinakailangang ihanda para sa darating na Araw ng mga Guro?
E. Paglalahat
1. Ano ang 3 uri ng pangngalan ayon sa kalikasan?
2. Magbigay ng halimbawa ng panghalip pananong.
3. Ano ang kahalagahan ng mga panghalip pananong?
F. Paglalapat

Hanapin sa kahon ang kalikasan ng pangngalan na may salungguhit sa bawat


pangungusap.
Likha Ligaw Likas

______1.Maraming bata ang nangangarap na maging titser sa kanilang paglaki.


______2. Ang apoy ay isang bagay na dapat pag-ingatan, kasabuhan ng matatanda-
hindi baleng mabaha huwag lamang masunugan.
______3. Pagkakaisa ang daan upang makamit ang demokrasya.
______4. Lindol ang isang bagay na lubhang nakakatakot.
______5. Natural na penomeno ang sumalanta saVisayas at Mindanao kamakailan.

IV. PAGTATAYA
Bilugan ang kalikasan ng pangngalan na ginamit sa bawat pangungusap.
1. Walang sisidlan ang ligaya nina BAdet nang makita ang mabuting tao na nagpapaluto
ng pansit para sa kanila.
2. Marami ang nag-aaral ng kursong Batsilyer sa Agham ng pagsasaka.
3. Sikat sa larangan ng sining si Gerry Alanguilan.
4. Malakas ang ulan sa may bulubundukin kanina.
5. Lungkot ang nadarama ng mga biktima ng kalamidad.

V. TAKDANG-ARALIN
Magbigay ng dalawang halimabawa ng sawikain.

Inihanda ni:

MICHELLE D. DAYOC
Teacher 1

Binigyang Pansin ni:

RONA C. CASTRO
Head Teacher 1
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
District of Doña Remedios Trinidad
PULONG SAMPALOC ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa Filipino 5


Ikaunang Markahan – Ikalimang Linggo

Septyembre 26-27, 2023

I. LAYUNIN:
 Nalalaman ang kahulugan at gamit ng sawikain o idyoma.
 Nagagamit nang wasto ang sawikain o idyoma sa pangungusap.
 Nalalaman ang kahalagahan ng paggamit ng sawikain o idyoma.

II. PAKSANG ARALIN:
A. Paksa: Pangngalan ayon sa Kalikasan, Panghalip Pananong
B. Sanggunian: Alab Filipino Yunit I Aralin 5, F5PN-Ie-3.1
C. Kagamitan: tsart ng sawikain (tarpapel) Larawan, plaskard

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1.Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban sa klase
B. Balik-Aral
Ano ang panghalip panao?
Ano-ano ang tatlong uri ng pangngalan ayon sa kalikasan?

C. Pagganyak
Iparinig ang mga pangungusap na may sawikain sa mga bata at itala ang aking
babanggiting mga salita.
1. Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa
lang ahas.
2. Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak-dalita.
3. Ang masasamang bagay na ginawa mi sa iyong kapwa, gaano man kaliit, ay
muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.
4. Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang
hindi manganib ang buhay.
5. Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng
buhay

D. Pagtatalakay
Ano ang kahulugan ng salitang ahas? anak-dalita? itaga mo sa bato? mahina
ang loob?at isang kahig, isang tuka?
Ang salitang ahas, anak-dalita, itaga mo sa bato, mahina ang loob, at isang
kahig,isang tuka ay sawikain.
Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang
gamit. Ito’y nagbibigay ng di-tuwirang kahulugan.

G. Pagsasanay
Hatiin ang mag-aaral sa tatlong pangkat. Ipagawa ang Pagyamanin Mo.
(Gabayan ang mga bata sa pangkatang Gawain)
Bigyan ng oras ang pag-uulat ng pangkat.

H. Paglalahat
(Gabayan ang mag-aaral sa pagbibigay ng kasagutan)
Ano ang sawikain o idyoma?

I. Paglalapat
Ipagawa ang Isapuso Mo
IV. PAGTATAYA
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na idyoma.
1. Itaga mo sa bato
2. Nagsusunog ng kilay
3. Bukal sa loob
4. Iguhit sa tubig
5. Bukas ang palad

V. TAKDANG-ARALIN
Hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain.
1. utang ng loob
2.patay-gutom
3. nagbibilang ng poste
4. maaliwalas ang mukha
5. makalaglag-matsing

Inihanda ni:

MICHELLE D. DAYOC
Teacher 1

Binigyang Pansin ni:

RONA C. CASTRO
Head Teacher 1
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
District of Doña Remedios Trinidad
PULONG SAMPALOC ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa Filipino 5


Ikaunang Markahan – Ikalimang Linggo

Septyembre 28-29, 2023

I. LAYUNIN:
 Nalalaman ang wastong pagsulat ng tula.
 Nakasusulat ng maiksing tula.
 Naipapahayag ang damdamin sa pamamagitan ng tula.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: Pagsulat ng Maikling Tula
B. Sanggunian: Alab Filipino Yunit I Aralin 5, F5PU-Ie-2.2
C. Kagamitan: Tula (Tarpapel) larawan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1.Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban sa klase
B. Balik-Aral
Ano ang sawikain o idyoma?
C. Pagganyak
Magbugtungan Tayo
Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang makapagbugtungan.
Tumawag ng mag-aaral upang basahin ang bugtong na nakasulat sa tsart.
Hayaang tumawag ang napiling bumasa ng kamag-aaral na sasagot sa bugtong.
Ano ang napansin ninyo sa mga salitang ginamit sa bugtong?
Kailan magkatugma ang mga salita?
D. Paglalahad
Ipabasa ang tula sa Basahin Mo

E. Pagtatalakay
Batay sa tulang nabasa, ano-ano ang katangian ng taong malusog?
Ano ang mg pagkaing nagpapalakas ng buto at nagpapatibay ng ngipin?
Ano pa ang mga pagkaing nagpapalusog ng katawan?
Bakit masasabing isang kayamanan ang malusog na pangangatawan?
Ilang saknong mayroon ang tula?
May tugma ba ang mga taludtod?
Talakayin ito sa mga mag-aaral upang maging gabay nila sa pagsulat ng sarili
nilang tula.
Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng tula?

F. Pagsasanay
Paggagawa ng mga bata ng sariling tula.(Subaybayan ang mga bata sa
pagsulat ng tula)

G. Paglalahat
Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng tula?

H. Paglalapat
Pumili ng ilang bata at ipabasa ang nabuo nilang tula.
Ipabigkas ang nabuong tula ng may wastong tono, diin, antala at damdamin sa
mga mag-aaral.
IV. PAGTATAYA
Gamitin ang rubrics sa pagmamarka sa nabuong tula ng mga mag-aaral.
Panuto: Sumulat ng maikling tulang binubuo ng dalawa hanggang tatlong saknong na
may apat na linya tungkol sa kapaligiran o kalikasan.

5 4 3 2 1
Malalim at Makahulugan Bahagyang Bahagyang May
makahulugan ang ang kabuuan makahulugan ang may lalim ng mababaw na
kabuuan ng tula ng tula lalim ng kabuuan kabuuan ng kaisipan ang
ng tula ngunit may tula kabuuan ng
ilang bahagi ang tula
hindi buo
Piling-pili ang Sa malaking Sa kalahati ng tula Sa maliit na Piling-pili ang
mga salita at mga bahagi ng tula bahagi ng ilan lamang sa
pariralang tula mga salita at
ginamit sa pariralang
kabuuan ng tula ginamit.

V. TAKDANG-ARALIN
Sumulat ng tula tungkol sa inyong pamilya.

Inihanda ni:

MICHELLE D. DAYOC
Teacher 1

Binigyang Pansin ni:

RONA C. CASTRO
Head Teacher 1

You might also like