You are on page 1of 7

9 Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LIGAO CITY
Binatagan, Ligao City

Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 3—Week 6

1
SDO LIGAO CITY LAS_2021
LAS DEVELOPMENT TEAM

Schools Division Superintendent: Nelson S. Morales, Jr.


Assistant Schools Division Superintendent: Maylani L. Galicia
Chief Education Supervisor - CID: Tita V. Agir
EPS - LRMDS: Nestor B. Bobier
EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao: Jovito P. Oriola
__________________________________________________________________________
Writers: Mary Ann C. Orcio
Dolor M. Lopez
Marina G. Saenz
Content Editor: EsP Contextualization Team
Language Editor: Jaime Perdigon, Jr.
Cover Page Illustrator: Jed T. Adra
Lay-out Artist: Cristina A. Delfino

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office of Ligao City


CID, Learning Resources Management Section
Binatagan, Ligao City

Telefax: (052) 485-24-96

Email Address: ligao.city@deped.gov.ph

0
GRADE Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Linggo 6
9 GAWAING PAGKATUTO 6

Pangalan: ________________________________________________________

Seksiyon: ____________________________________Petsa: _________________

Panimulang Konsepto

Masipag ka ba? Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili? Patunayan mo na


taglay mo nga ang katangiang ito lalo na ngayong tayo ay may pandemya,
sa pamamagitan ng paggawa at pagsagot sa mga katanungang nakapaloob
sa gawaing pagkatutong ito.

Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Inaasahang maipamamalas ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan


at pag-unawa:
12.3 Napatutunayan na:
a. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain
na naaayon sa itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang
sariling pagkatao, kapwa, lipunan at bansa (EsP9KP-IIIf-12.3)
b. Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi
tungo sa pagtupad ng itinakdang mithiin
12.4 Nakagagawa ng chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad
ang itinakdang gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi.

Mga Gawain

Gawain 1.
Inaasahang malilinang sa iyo sa mga gawaing ito ang mga dapat mong
maunawaan, pagninilay-nilayan, pagsangguni at tamang pagpapasya bago
kumilos tungkol sa kasipagan at pagpupunyagi ay kailangan upang umunlad
ang sariling pagkatao, kapwa, lipunan at bansa.

GAWAIN 1
Panuto: Punan ang nasa ibabang tsart ng mga hinihinging datos.

1
1. Magtala/magsulat sa unang kolum ng tao o manggagawang kilala
mo na nagtagumpay sa buhay maari silang kamag-anak, magulang,
kapitbahay, guro, kamag-aral at iba pa.
2. Isulat sa ikalawang kolum ang mga katangian nilang taglay, maaring
magsulat ng kahit ilan.
3. Isulat sa ikatlong kolum ang mga pinagdaanan/dinanas patungo sa
tagumpay.
4. Isulat sa ikaapat na kolum ang mga patunay na sila ay naging
matagumpay sa buhay

Mga taong Mga Mga Patunay na napaunlad


kilala na Katangiang pinagdaanan sa ang sariling pagkatao,
nagtagumpay taglay buhay upang kapwa, lipunan at bansa
sa Buhay magtagumpay
Hal. -Kasipagan -pagod -Naging Punong-Guro
Carmelita A. -Disiplinado -hirap IV
Sinson -Positibong -pagsasakripisyo -Napa-unlad ang LNHS
Pananaw -Naging disiplinado ang
mga mag-aaral ng
LNHS
-nagbigay karangalan sa
bansa dahil sa
pagkapanalo ng choir ng
paaralang
pinamumunuan
1.

2.

Sagutin Mo:
1. Ano kaya ang naging tuon o nagbigay gabay sa mga taong isinulat mo sa
unang hanayupang sila ay maging matagumpay?
____________________________________________________________

2
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Paano nakatulong ang mga katangiang itinala mo sa ikalawang kolum upang


mag-tagumpay ang mga taong isinulat mo sa unang hanay? Ipaliwanang.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Patunayan na ang hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig tungo sa pagtupad


ng itinakdang mithiin?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Pagpapalalim

 Ang kasipagan ang tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang
kanyang pagkatao. Nagagamit niya ito sa mabuting pakikipagrelasyon niya
sa kaniyang kapwa at mula sa kasipagan na taglay niya ay makatutulong
siya na mapaunlad ang bansa at lipunan na kaniyang kinabibilangan.
 Lahat ng tao ay naghahangad ng magandang buhay. Ito ay hindi lamang para sa
ating mga sarili, kundi pati na rin sa ating mga minamahal sa buhay. Kung mas
maganda o magiging sagana ang ating buhay mas magkakaroon pa tayo ng higit
na pagkakataon na makapagbigay o tumulong sa ating kapwa. Mahalaga sa tao
ang maging masipag upang siya ay mayroong maabot o marating na magandang
bukas. Kung ikaw ay masipag sa iyong pag-aaral ay makapagtatapos ka. Kung ang
isang empleyado ay masipag siya ay kikita at aasenso. At kung ang isang nilikha
ng Diyos ay masipag na gumawa ng kabutihan makakamit niya ang buhay na
walang hanggan. Lagi nating tandaan na ang kasipagan sa paggawa ng may
kabutihan ang magpapaunlad sa ating bayan.
 Bilang kabataan ay dapat lagi mong ipakita sa lahat ng oras at pagkakataon ang
iyong kasipagan sa iyong gawain.
 Ngunit lagi mo ring tatandaan na sa isang gawain ay tiyak na makararamdam
ka ng hirap, pagod ng katawan at isipan, mga pagsubok at mabibigat na
problema ngunit sa mga ganitong pagkakataon ay hindi dapat sumuko
sapagkat ang pagsuko ay kaduwagan.
 Pag-isipan mo ito: Pagkatapos ng ulan ay sisikat ang araw, pagkatapos ng gabi
ay darating ang umaga, at pagkatapos ng hirap ay darating ang ginhawa. Ibig
sabihin lamang nito ay gaano man ang iyong pagdaraan na hirap sa iyong gawain
ay pagsumikapan mo itong mabuti sapagkat darating ang araw na malalasap mo
ang kaligayahan at tagumpay na dulot nito.
 Tingnan na lamang natin si Thomas Edison, isang Amerikanong imbentor.
Siya ang nakaimbento ng electric light bulb. Bago niya natapos ito ay

3
dumaan siya sa maraming pagsubok. Maraming beses siyang nagkamali
ngunit hindi siya tumigil bagkus nagpatuloy pa siya ng husto hanggang sa
nakuha niya ng tama ang kanyang imbensyon. Mula dito ay nakilala siya
hindi lamang sa bansang Amerika kundi sa buong panig ng daigdig. Ngunit,
paano kaya kung siya ay sumuko sa bawat pagkakamali niya sa kaniyang
imbensyon? Paano kung itinigil na niya ito at hindi na nagpatuloy? Ano kaya
ang mangyayari? Ikaw, katulad ka din ba ni Thomas Edison? Hindi ka rin ba
sumusuko hanggat hindi mo natatapos ng buong husay ang iyong gawain?
Kung ikaw ay may ganitong katangian ay ipagpatuloy mo lamang sapagkat
ito ay magbubunga ng tagumpay. Isang tagumpay na maaring
makapagbigay sa iyo ng masagana at magandang buhay.

Pagtataya
A. Panuto: Patunayan na totoo ang mga sumusunod na konsepto o
pananalita sa pamamagitan ng isang halimbawang tiyak(specific) na
sitwasyon nanaranasan mo o ng isang kakilala:

1. “Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na


naayon sa itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling
pagkatao, kapwa, lipunan at bansa”.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. “Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng nagpupunyagi tungo
sa pagtupad ng itinakdang mithiin".
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
B. Panuto: Suriin ang bawat hakbang at pagkatapos isulat ito sa bawat hanay
ayon sa tamang pagkakasunod-sunod.
Pagsasaing ng Bigas
A. Lagyan ng tubig at haluin F. Maghugas ng kaldero
B. Bawasan ang lakas ng apoy sa kalan G. Isalang ang kaldero sa kalan
C. Ilagay sa kaldero ang bigas H. Haluin ang sinaing at takpan
D. Lagyan uli ng tubig at tantyahin I. Magtakal ng bigas
E. Bantayan ang sinaing hanggang sa kumulo J. Itapon ang tubig

Mga Hakbang sa Pagsasaing ng Bigas

1. 6.

4
2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

I. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS ng Gawain 1


Mga Pamantayan 5 3 1
-Nakumpleto ang bawat kolum Taglay ang Taglay
-Tiyak ang mga itinala sa bawat Taglay lahat dalawang ang isang
kolum ng detalye detalye detalye
-magkatugma ang mga itinala sa
bawat hanay.

Sanggunian
1. Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM pahina 162-177
2. Daily Lesson Plan sa EsP 9 pahina 147-152
Mga Larawan:
1. https://www.google.com/search?q=steps+clip+art&rlz=1C1CHBF_enPH930P
H930&source=lnms&tbm=isch&biw=1223&bih=609&dpr=1.5#imgrc=dwGGCft
NfQx2SM&imgdii=Zp5DWvIQpzhx7M
2. https://www.google.com/search?q=book+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwj
mlOjw063vAhWMAKYKHdoTBaAQ2-
cCegQIABAA&oq=book+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzIFCAAQsQMyAggA
MgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BggAEAcQHjoECA
AQQzoHCAAQsQMQQ1Dp_wxY2ZQNYNmfDWgAcAB4AYABtAOIAYALkgE
JNS4yLjEuMC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=
vuNMYOa9IIyBmAXap5SACg&bih=609&biw=1223&rlz=1C1CHBF_enPH930
PH930#imgrc=8hhoN3QQcoaduM&imgdii=Q5XfaaHcQ2N_QM
3. https://www.google.com/search?q=writing+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEw
iqyoTZ1K3vAhWqG6YKHXKxBGUQ2-
cCegQIABAA&oq=writ+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgYIABAHEB4yB
ggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIA
BAHEB4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB46AggAOgQIABBDOgcI
ABCxAxBDOgUIABCxA1C-
8BNYyIgUYJicFGgAcAB4AIABWIgBnQWSAQE4mAEAoAEBqgELZ3dzLXdp
ei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=meRMYOqZBqq3mAXy4pKoBg&bih=609&bi
w=1223&rlz=1C1CHBF_enPH930PH930#imgrc=1p2p2DCBNTl7_M

You might also like