You are on page 1of 6

IKAAPAT NA MARKAHAN SA

ARALING PANLIPUNAN 10
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat ito sa sagutang papel.
1. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa
isang bansa? Ito ay upang _________.
A. magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
C. mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
D. maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

2. Dapat maisakatuparan ng isang mamamayan ang kanyang mga tungkulin at pananagutan


upang _______.
A. mapatatag ang samahan ng gobyerno, tao at ng iba’t ibang bansa
B. maging masaya at mataas ang turismo sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas C.
magtuloy-tuloy ang kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran ng kinabibilangang lugar D.
mas maraming mga Pilipino ang magkaroon ng magandang trabaho at sapat na sahod

3. May mga dumalo na nagkukuwentuhan sa loob ng bulwagan. Magsisimula na ang


pambansang awit bilang panimula ng programa. Ano ang dapat mong gawin? A. Huwag
kumibo at patuloy na umupo sa upuan.
B. Sawayin ang mga nagkukuwentuhan at pagalitan ang mga ito.
C. Sumali sa nagkukuwentuhan at pabayaan ang iba na kumakanta.
D. Pagsabihan ang mga nagkukuwentuhan na tumahimik muna at lumahok sa
pagkanta.

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nakapaloob sa artikulo ng Saligang Batas ng 1987
tungkol sa pagkamamamayan.
A. mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. ang ama ay ipinanganak sa Pilipinas at ang ina ay sa ibang bansa.
C. mamamayan ng Pilipinias sa panahon ng pagpapatibay ng saligang batas. D.
mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino.

5. Ano ang isang dahilan kung saan maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang
indibidwal?
A. Nagtrabaho at nakapag-asawa sa ibang bansa
B. Tumakbo sa senado na hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
C. Nanumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng Pilipinas sa tamang edad. D.
Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa sa panahon ng digmaan.

6. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang mas higit na maipapakita ang
pagkamamamayan?
A. Iniisip ang sariling kapakanan.
B. Pagtangkilik sa mga lokal na produkto ng ating bansa.
C. Lumahok sa iba’t-ibang programa na may pagtutol sa pamahalaan.
D. Alamin ang mga layunin ng gobyerno para sa ikauunlad ng lipunan.
7. Sa mga sitwasyon sa ibaba, alin ang nagpapakita ng lumawak na konsepto ng
pagkamamamayan?
A. Si Amy ay sumasali sa mga kilos-protesta upang ipakita ang kanyang karapatang
pantao.
B. Si Ruben ay nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
C. Si Angelie ay nakikilahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang
lokal na pamahalaan.
D. Si Mico ay lumalahok sa isang non-governmental organization upang makatulong
sa kapwa.

8. Paano mo maisasabuhay ang pagkamamamayan?


A. Mabuting pakikitungo sa kapwa Pilipino.
B. Pagtakbo sa halalan upang makatulong sa mga nangangailangan.
C. Magtrabaho at maglingkod sa ibang bansa sa loob ng maraming taon. D. Sundin
ang mga batas at ordinansa na ipanapatupad ng gobyerno sa komunidad.

9. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng pagpapahalaga ng isang mamamayan sa


kaniyang papel para sa pagbabago ng lipunan?
A. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naapi sa kanilang komunidad. B.
Nakikibahagi at nangunguna sa mga programa tungkol sa pagkamamamayan. C.
Ipinapakita ang pagsuporta sa mga proyekto na isinasagawa ng gobyerno sa bansa. D.
Ipinapaubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang desisyon sa mga programa ng
komunidad.
Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Kaya Ko Ang Pagbabago”
Ito na ang simula ng pagbabago
Mula sa pagkadapa ako'y babangon
Isusulong ko'y adhikaing umunlad at makatulong
Para sa pamilya at sa kapwa
Lilinangin sa mga palad ang bagong pag-asa
Pasan ko sa balikat ang mga munting pangarap
At ang bawat hakbang ay papunta sa tagumpay
Ako ang papanday ng aking buhay
10. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa papel ng mamamayan para sa
pagbabago?
A. Pagkakaisa ng mamamayan para sa pag-unlad ng bansa.
B. Pagbangon upang ipagpatuloy ang mga nasimulan para sa bayan.
C. Pagsulong sa mga adhikain patungo sa inaasam na pagbabago at pag-unlad.
D. Pagsasakripisyo upang makamit ang minimithing pagbabago para sa bayan.

Sa isang barangay, nakilahok ang mga miyembro sa isinagawang information


drive patungkol sa tamang pagtapon at pagreresiklo ng mga basura sa kanilang
lugar.

11. Ano ang malawakang pagbabago sa lipunan ang iyong nabatid mula sa tekstong
binasa? A. Pagkokolekta ng mga basura sa bawat tahanan.
B. Paghihiwalay ng mga basura sa bawat tahanan.
C. Paglilinis ang mga tao ng ilog tuwing piyesta ng barangay.
D. Paggawa ng Material Recovery Facility ng mga opisyal sa barangay.

12. Ang pamilya Cruz ay isa sa pinakamayamang pamilya sa bayan ng Midsayap. Naging
aktibo sila sa mga gawain sa komunidad, pagtulong sa mahihirap at pagbabayad ng
buwis. Ano ang mahihinuha mo mula sa sitwasyon?
A. Isang kilalang mamamayan ang pamilya Cruz.
B. Nagbabayad ng tamang buwis ang pamilya Cruz.
C. Mabuting halimbawa ang pamilya Cruz sa ibang pamilya sa komunidad. D.
Sumusunod sa tamang proseso ng pamumuhay sa komunidad ang pamilya Cruz.
13. Basahin ang sumunod na mensahe Pangulong John F. Kennedy:
“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country”.
Ano ang nais ipaabot nito?
A. Ang mga opisyal ng pamahalaan ay may tungkulin sa bansa.
B. Ang mga mamamayan ay may pananagutan sa pag-unlad ng bansa. C. Ang
mga mamamayan ay may responsibilidad at obligasyon sa bansa. D. Ang
pamahalaan ay dapat manguna sa lahat ng proyekto para sa mamamayan.

We all are born free and equal. Everyone is entitled to these rights no
matter your race, religion or nationality. Everyone has the right to life,
freedom and safety.
14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang sumusuporta rito?
A. Ang bawat tao ay may karapatan at obligasyon.
B. Dapat na ipagmalaki ng idibidwal ang kanyang mga karapatan.
C. Likas sa tao ang kanyang karapatan na dapat niyang matamasa sa buhay. D.
Itinatakda ng batas ang mga karapatan na dapat na tinatamasa ng bawat indibidwal.

15. Bakit mahalaga ang Right to Privacy?


A. Nalilimitahan nito ang mga krimen sa kumunidad.
B. Nakaiiwas ito sa paghuhusga ng kapwa lalo na sa kanyang kulay at tribo. C.
Nakatutulong ito na mapigilan ang mga maling impormasyon laban sa isang tao. D.
Nakapagbibigay ito ng siguridad sa indibidwal mula sa hindi makatwiran pag
hahanap at pang-aagaw.

16. Taong 2020 dininig sa kongreso ang pag-rerenew ng prangkisa ng ABS-CBN. Dahil sa
nakitang di umanoy’ mga paglabag sa batas ng estasyon hindi naibigay sa kanila ang
hinihingi nitong renewal. Ang nangyari sa ABS-CBN ay isang halimbawa ng ________.
A. Karapatang Politikal C. Statutory Rights
B. Constitutional Rights D. Karapatang Sibil

17. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga uri ng mga karapatan.
A. Natural Rights C. Statutory Rights
B. Constitutional Rights D. Socio- economic Rights

18. Ayusin ang mga dukomento batay sa pagkabuo ng mga karapatang pantao mula sa
sinaunang panahaon hanggang sa kasalukuyan.
I- Cyrus Cylinder II- Petition of rights
III- First Geneva Convention IV- Universal Declaration of Human Rights A.

I,III,IV,II B.I,II,III,IV C.II,IV,III,I D.III,I,II,IV

19. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa


mga karapatang pantao MALIBAN sa _________.
A. pakikilahok sa mga gawaing tumutugon sa problema sa karapatan.
B. pagsasagawa ng information drive upang malaman ang mga karapatan. C.
panghihingi ng pondo upang tulungan ang mga naghihirap na pamilya. D.
pagpapatupad ng batas upang masugpo ang karahasan sa mga kababaihan.

20. Paano nakatutulong ang mga karapatang pantao sa pagtugon sa isyu ng child labor?
A. Maiiwasan ang paglaganap ng krimen sa lipunan.
B. Mababawasan ang bilang nga mga batang palaboy sa lipunan.
C. Mawawakasan ang pang-aabuso ng magulang sa mga kabataan.
D. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makapag-aral.
21. Ang mga karapatang pantao ay nilikha upang maging gabay tungo sa maayos at ligtas na
lipunan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtatamasa sa mga karapatang
pantao?
A. Binigyan ng libreng edukasyon ang mga batang mahihirap.
B. Pagbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng mga kalamidad.
C. Isinara ang mga pook pasyalan upang hindi masira ang kapaligiran.
D. Kinuha ang mga detalye tungkol sa personal na buhay ng isang tao.

22. Bilang isang mamayan na may kamalayan sa iyong mga karapatan dapat ba na maging
aktibo ka sa pakikilahok sa mga gawaing panlipunan?
A. Oo, dahil iniuutos ito sa atin ng pamahalaan.
B. Oo, dahil dapat nating suklian ang karapatang ito sa gobyerno.
C. Oo, dahil nagpapakita ito ng ating pagiging responsabling pagkamamamayan. D.
Oo, dahil ito ay daan upang makuha ang ating mga pangangailangan mula sa
gobyerno.

23. Tungkulin ba ng pamahalaan na ipakilala nito ang mga karapatang pantao ng mga
mamamayan?
A. Hindi, dahil likas naman sa mga tao ang mga karapatang ito.
B. Oo, sapagkat ang pamahalaan ang pangunahing institusyon na nagtataguyod ng
mga karapatan ng tao.
C. Hindi, dahil tungkulin ito ng mga magulang at guro bilang sila ang pangunahing
humuhubog sa mga kabataan.
D. Oo, sapagkat ang pamahalaan ang pumapataw ng mga batas sa isang indibidwal o
institusyon na lumaabag sa karapatang pantao.

24. Maituturing bang paglabag sa karapatang pantao ang lumalaking populasyon ng mga
squatters sa mga malalaking lungsod?
A. Hindi, dahil kagustuhan naman nila ang manirahan sa lugar.
B. Hindi, dahil pinayagan naman sila ng pamahalaan na tumira sa lugar. C. Oo, dahil
hindi natatamasa nga mga kabataan na makapag aral at bumuo ng mga pangarap.
D. Oo, dahil hindi natutugunan ang karapatan ng mga mamamayan sa seguridad at
maayos na pamumuhay.

25. Paano nakakaapekto ang pakikilahok ng isang mamamayan sa mga gawaing pansibiko na
nakatuon sa pangkabuhayan?
A. Magiging maayos at tahamik ang ating pamayanan at bansa.
B. Magkakaisa ang lahat ng Pilipino sa mga suliraning pangkapaligiran. C. Madaling
maisasagawa ang mga gawain at proyekto sa lahat ng mamamayan. D. Makakamit
ang maayos at matapat na pamahalaan sa tamang pagpili ng manunungkulan.

26. Ang mga sumusunod ay mga epekto ng pakikilahok sa gawaing pansibiko MALIBAN sa
_____________.
A. natututong magmalasakit sa iba
B. nagiging aktibo ang mga miyembro ng komunidad
C. natutukoy ang mga problema na kinakaharap ng bansa
D. nabibigyan ng halaga ng bawat miyembro ng komunidad

27. Ayon kay Larry Diamond (1994) bakit mahalagang makilahok ang mamamayan sa mga
Non-Governmental Organizations at People’s Organization?
A. Mas nasolusyonan ang mga problema sa senado sa pagsugpo ng mga problemang
panlipunan at panpolitikal.
B. Mas napaghuhusay ng mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong
pakikilahok sa mga gawaing panlipunan.
C. Mas napapatatag ng Saligang batas ang ugnayan ng mga mamamayan sa iba’t
ibang organisayon na kanilang itinatag sa Pilipinas.
D. Mas natutulungan ang mga mamamayanng Pilipino sa kanilang mga problemang
kinakahararap tulad ng kahirapan sa mga lungsod.
28. Mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga
nangyayari sa kanilang paligid dahil _____________.
A. mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga
nangyayari sa bansa
B. kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng
saligang-batas
C. malaking bahagi ang ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga
isyu at hamong panlipunan
D. mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging
aktibo ang mga mamamayan sa bansa

29. Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang
lumahok sa isang samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa
sumusunod ang nararapat niyang salihan?
A. People’s Organizations C. Grassroot Support Organizations B. Funding-Agency
NGOs D. Non-Governmental Organizations

30. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng
mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa pamahalaan.
A. Civil Society C. Grassroots Organizations B. People’s Organizations D.Non-
Governmental Organizations

31. Anong uri ng NGO ang nagbibigay ng suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng
pagbibigay ng legal at medical na mga serbisyo?
A. GUAPOs B. TANGOs C. DJANGOs D. FUNDANGOs

32. Alin sa mga sumusunod na programa at proyektong maaaring lahukan ng mga


mamamayan sa may kaugnayan sa gawaing pansibiko?
A. Deforestation C. Spiritual Engagement B. Stress Debriefing D. Clean and
Green Campaign

33. Mahalaga ba ang pagsasagawa ng participatory governance sa isang bansa?


A. Hindi, dahil mawawalan ng silbi ang opisyal ng pamahalaan
B. Oo, upang may pagkakaabalahan ang lahat ng mamamayan.
C. Oo, upang magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan.
D. Hindi, dahil mahihinto ang mga proyekto ng pamahalaan para sa komunidad.

34. Isa si Marvin sa mga gumawa at bumuo ng alituntunin sa kanilang pamayanan tungkol sa
pagbabawal ng pagsusunog ng plastic. Tama ba ang ginawa ni Marvin? A. Tama, dahil
makikilala si Marvin sa kanyang ginawa
B. Mali, dahil sarili lang ni Marvin ang kanyang iniisip.
C. Tama, dahil nagpakita ito ng malasakit sa kanyang komunidad at kalikasan. D.
Mali, dahil nalilimitahan nito ang paggamit ng plastic sa kaniyang pamayanan.

35. Maituturing ba na pinakamataas na paraan ng pakikilahok sa pamamahala ng isang


komunidad ang mungkahi nina Koryakov at Sisk?
A. Hindi, dahil nangangalap pa ng impormasyon.
B. Hindi, dahil hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng bawat mamamayan. C.
Oo, dahil kasama sa pagpapatupad ng mga programa at batas ang bawat isa. D.
Oo, dahil may pagsang-ayon ang ilan sa mga makapangyarihan pagdating dito.

36. Ang Pilipinas ay isang Estadong Republikano at Demokratiko. Ito ay nagsasaad na ang
_______________.
A. karapatan ay nasa iilang tao lamang
B. ang makaboto at makilahok sa gobyerno ay mga makapangyarihan lamang C.
mahihirap lang ang makakabenipisyo sa mga programa at adhikain ng gobyerno D.
ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat
ng mga awtoridad na pampamahalaan.
37. Ang mga sumusunod ay nagpakita ng participatory governance MALIBAN sa
_______________.
A. pagsakatuparan ng pagbabago na iginigiit ng pamahalaan
B. pagkiling sa mga grupo na taliwas ang layunin sa pamahalaan
C. pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan D. pakipag-
ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan upang bumuo ng mga karampatang
solusyon sa mga hamon ng lipunan

38. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong papel sa pamamahala ng ating
komunidad?
A. Makikilahok sa mga gawain ng barangay.
B. Susunod sa alituntunin at patakaran ng komunidad.
C. Makikiisa at magiging aktibo sa mga organisasyon sa isang komunidad. D.
Makikinig sa mga anunsiyo ng paaralan tungkol sa mabuting pamamahala.

39. Ang bayan ng Magpet ay nakakuha ng parangal na Seal of Good Local Governance
noong 2015. Ito ay nagbibigay pugay sa mabuting pamamahala sa isang lugar. Ano ang
ibig sabihin ng mabuting pamamahala?
I. Pagsasagawa ng liga sa bawat barangay.
II. Pagsusuporta sa gawaing pang turismo sa isang bayan.
III. Pagiging organisado at bukas sa mga dokumento ng pamahalaan
IV. Pagpapagawa ng mga daan para maayos na maihatid ang mga produkto. A. I at
II B. II at III C. III at IV D. II, III at IV

40. Paano matitiyak ng mamamayan kung nananaig ang mabuting pamamahala sa isang
lipunan?
A. Maraming mga proyekto ang nagagawa ng lokal na pamahalaan lalo na sa
imprastruktura.
B. Nakikilahok ang iba’t-ibang sektor ng lipunan sa pagpaplano at pagpapatupad
ng mga programa.
C. Naalagaan ng lokal na pamahalaan ang mga kabataan, senior citizen at mga
kababaihan.
D. Natutugunan ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan ang pangunahing
pangangilangan ng mga mamamayan.

You might also like