Ang mga nilalaman nitong critical analysis paper ay
tungkol sa Suliraning Pang-ekonomiya na kung saan ipapakilala ang paksa, ang depinisyon kung ano ang Migrasyon at ang mga dahilan kung bakit ito naging suliranin. Nakalagay rin dito ang paglalahad at pagsusuri ng mga datos, konklusyon at solusyon sa Migrasyon. bilang panimula, alamin muna natin ang kahulugan ng migrasyon ano nga ba ang migrasyon? ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag- alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito may ay pansamantala o permanente. Ayon sa commission on filipino overseas may tinatayang milyong mga pilipino noong 2009 ang naninirahan sa iba't ibang bansa, sa loob naman ng pilipinas nakatatanggap ng pinakamaraming migranteng pilipino ang malaking lungsod, lalo na sa kalakhang manila.
Nakalahad dito kung bakit nga ba ang migrasyon ay isa sa
halimbawa ng isyu o suliraningpang ekonomiya. Bawat bahagi ng analysis na ito ay may kaakibat na datos o impormasyon patungkol sa migrasyon. Kalakip ng paksa, nakatala ang: karagdagang kahulugan ngmigrasyon, ang pagkakaiba ng flow at stockfigures, ang iba't ibang uri ng migrasyon. (temporary migrants,permanent migrants, irregular migrants),ang mga salik na dahilan kung bakit nag ma-migrate ang mga mamamayan at ang mga isyung kalakip ng migrasyon. Sa mga sumusunod pang datos, nakalahad dito ang mga kaukulang impormasyontungkol sa migrasyon kung saan nakatutulong sa pag alam ukol sa paksa. Makikilala din ang ibat ibang organisasyon kung saan ito ang mga nananaliksik sa kaukulang porsiyentong mga mamamayang nasasangkot sa nasabing migrasyon. Nakalahad din ang mgaporsiyento ng mga taong naabuso dahilan ng migrasyon. Masusuri din ang paglaganap ng migration transition at kung ano ang ibig sabihin nito. Nakasaad din sa pagsusuring ito angmga positibo at negatibong epekto ng migrasyon sa Pilipinas maging sa ekonomiya,politika, edukasyon at karapatang pantao. Nakapaloob dito ang mga perspektibo at pananaw. Sa pag aaral na ito, malalaman natin ang mga dapat gawin at solusyon upangmasugpo ang migrasyon sa suliraning pangekonomiya tungo sa pambansang kaunlaran.
SULIRANING PANG- EKONOMIYA;
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag alis o
paglipat mula sa isang lugar oteritoryong politikikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.Mayroong dalawang termino ang migrasyon ito ay ang flow at ang stockfigures. Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon. Ang stockfigures naman ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan. Mahalaga ang flow sa pag unawa sa trend o daloy ngpaglipat o modality ng mga tao habang ang stock naman ay makatutulong sa pagsusuri samatagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon. Ang migrasyon ay may ibat ibanguri. Una ay ang tinatawag na Temporary migrants, ito ay tawag sa mga mamamayan nanagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho atmanirahan ng may takdang panahon. Halimbawa nito ay ang foreign students na nag aaral sa bansa at ng mga negosyante na maaari lamang manirahan pansamantala ng anim nataon. Pangalawa ay ang Permanent migrants Ito naman ang mga Overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa hindi lamang dahil sa trabaho kundi angpermanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ngpagkamamayan o citizenship. Pangatlo ay ang Irregular migrants ito naman ang mgamamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit paramagtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan. Maraming pamilya angnangingibang pook at isa sa dahilan nito ay ang hanapbuhay. Hanapbuhay na nakapagbibigay kita ng inaasahang maghahatid ng masaganang buhay. Pangalawa ay ang paghahanap ng ligtas na tirahan, marahil ito ay badya ng sakuna o terorismo. Pangatlo ay panghihikayat ng mga kapamilya na matagal nang naninirahan sa ibang bansa. Pang apat ay ang pagaaral o pagkuha ng mga teknikal na kaaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado.
Ang migrasyon ang tawag sa pagpunta o pagdayo ng
isang tao o grupo ng tao sa isang lalawigan, barangay, bayan, ibang bansa o isang mas malayong lugar. Sa pananaw ng maraming Pilipino, talagang isang oportunidad ito para sa kanila. Maraming maaaring benepisyong hatid ang pagpunta o paglipat ng isang tao sa isang pook. Ngunit sa kabila ng maraming maganda at mabuting epekto nito, may nakaabang din itong masamang resulta o panganib sa buhay. Subalit marami parin
. PAGLALAHAD;
Ang migrasyon ay ang paglipat ng isang
tao patungo sa isang bansa para humanap ng mgakalakal para sa ikabubuhay nila. Ang mga pinag-ugatan nito ay naayon sa mgapangangailangan ng bawat indibidwal at ng pamilyang kinabibilangan. Sa panahon ngayon,marami na tayong kilalang mga kapwa Pilipino na nagiibayong-dagat. Bawat taon nalanglumalawak ang migrasyon sa Pilipinas. Bakit nga ba patuloy ang pagtaas ng bahagdan ngmga Pilipinong nag-iibang bansa? Maraming sanhi ang paglabas ng mga manggagawangPilipino sa bansang sinilangan. Isa sa mga pangunahing salik nito ay ang alala nangkawalan ng trabaho dahil sa krisis pang-ekonomiya na tinatamasa ng bansa. Mahigitkalahati sa ating populasyon ngayon ay walang mapasukang trabaho. Isa pang salik ngpagdami ng mga Pilipinong migranteng manggagawa ay ang mababang pasahod sa mgamapapasukang trabaho. Paulit-ulit nalang nababanggit ang realidad na kulang ang sweldopara tugunan ang pangangailangan ng mga manggagawa at ng pamilya nito ngunit wala paring pagbabago ang nagaganap sa ating Sistema dahil kulang pa rin ang pondo nanaibabahagi ng gobyerno sa mga sektor ng bansa.
KONKLUSYON;
Gayumpaman, napakaraming epekto ng migrasyon sa
Pilipinas maging sa karapataangpantao, edukasyon, politika, at ekonomiya. Isa na dito ay nag kakaroon ng panustos sapang araw araw na pangangailangan ng isang taong naghahanapbuhay sa kanyangpaglipat ng lugar, ngunit may dulot din ito na hindi mabuti gaya ng labis na dami ng tao saiisang lugar at nag sisikip ang mga tao sa lungsod. Nahihirapan din ang gobyerno namagbigay ng serbisyo sa dumaraming bilang ng tao sa lungsod. Ang epekto nito sakaparatang pantao ng isang indibiduwal ay ang pang aabuso ng mga recruitment agency,nagkakaroon ng illegal recruiter at nagiging biktima ng international syndicate o organizedcrime syndicate Sa edukasyon, maraming positibong epekto ang dulot nito dahil maymalaking demand para sa mga skilled workers at mga propesyunal. Marami ring kabataanang nahihikayat na kumuha ng kurso tulad ng engineering, marinetransportation, marineengineering at iba pa dahil mataas ang demand Sa politika, May mga republic act na kungsaan pumoprotekta sa mga migranteng OFW tulad ng R.A. No. 8042 o migrant worker andother Filipinos act of 1995 At sa ekonomiya naman, ayon sa bangko sentral ng Pilipinas,makaki ang naitutulong ng remittances ng OFWs sa paglago ng ekonomiyang bansa.Sa usaping ito, may mga isyung kalakip ng migrasyon kung saan kailangang hanapan ngkaramparang solusyon. May mga pagkakataon kasi na mapanganip ang maibibigay ngmigrasyon. Sa isang banda, ang mga migranteng manggagawa ay nakapagdadala sakanilang pamilya ng libo libong dolyar na remittance malaki ang nito sa pag-ahon ngkanilang pamilya sa kahirapan. Sa pagpapagawa ng bahay, pantustos sa pagpapaaral atpambayad sa gastusing pangkalusugan habang nakakatulong sa ekonomiya ng bansangpinagtrabahuhan. Ngunit sa kabilang banda naman ay may mga migranteng namamatay,nasasadlak sa sapilitang pagtatrabaho, at nagiging biktima ng trafficking, ang mgakaranasan ng karamihan sa mga migrante ay nasa gitna ng dalawang mukhang ito ngmigrasyon. Tila napakaraming positibong epekto ang migrasyon ngunit kalakip din nito angmga suliraning kinakaharap sa iba't ibang aspekto kung saan kinakailangan bigyan ngkarapatang solusyon. SOLUSYON;
Kinakailangang isipin at tandaan na mayroong mga salik ng
migrasyon na tumutulong athumihila. Ang mga ito ay makikita sa aspekto ng ekonomiya, lipunan, at kapaligiran.Maraming mabuti at di mabuting epekto ang migrasyon sa lipunan, politika at kabuhayan ngisang bansa. Naaapektuhan ng migrasyon ang ugnayang panlabas ng Pilipinas. Maraminghamon na kinakaharap ng mga migranteng Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa,kabilang dito ang maprotektahan ang kanilang karapatang pantao, maging ligtas saanumang gulo at mabigyan ng sapat na tulong sa mga nasasakdal.Isa sa maaaring solusyon sa suliraning migrasyon ay ang pagtatalaga ng gobyerno ng masmaraming oportuninad para sa magandang trabaho upang mahikayat ang mganasasakupan nito na manatili na lamang at huwag ng umalis pa o lumipat sa kanilangbayan. Maaari rin naman magtayo ng sariling negosyo kung mayroong magagamit napuhunan upang masuportahan hindi lamang ang pamilya, kundi na rin ang bansangkinabibilangan sa pagbibigay ng pagkakataon sa iba na magkaroon rin ng trabaho. Iba pangmaaring maging solusyon nito ay ang pagsasa- pambansang industriyang pagmamay-ari ngmga dayuhan. Maaari din ang pag iimbita ng mga namumuhunan at ang pagpapatayo ngmga bagong negosyo. Isa pa ay ang pagsasabuha ng mga proyektang pang imprastraktura.Isa di sa mga maaring maging hakbang sa pagtugon sa problemang migrasyon ay angpagkakaroon ng sapat na pag-aaral at pagbibigay pahintulot sa mga umaalis atnangingibang bayan. Pagbabantay at pagsiguro na ang mga kwalipikasyon ng ang positiboat negatibong epekto nito sa ekonomiya, mga epekto ng migrasyon sa karapatang pantao,politika at edukasyon, mga salik na dahilan kung bakit nag ma-migrate ang ibang tao, mgaisyung kalakip ng migrasyon, mga pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon, ang mgaperspektibo at pananaw na kaugnay nito, ang mga dapat gawing upang mabawasan angmigrasyon ng bawat pamilya sa bansa, at higit sa lahat ang solusyon kung paanomabawasan ang isyu sa migrasyon patungo sa pambansang kaunlaran.Sa isyung ito madaragdagan ang ating kaalaman at mas mapapalawak ang ating kaisipantungkol sa migrasyon. May mga kinakailangan tayong isipin at tandaan tulad ng mabuti at dimabuting epekto ng migrasyon sa lipunan, politika at kabuhayan ng isang bansa.lahat nanagnanais mangibang bansa ay naayon sa regulasyon at ibinigay na kategorya. Paranaman sa gobyerno, maaaring magsagawa ng mga programang makapagbibigay ngdagdag at angkop na trabaho upang hindi na kailanganin ng iba na umalis at mandayuhanpa sa iba pang bansa.