You are on page 1of 2

Alamat ng Sitio Tamaraw

Noong unang panahon, mapayapang namumuhay ang mga tao sa isang malawak na

lupain. Payak ang uri ng kanilang pamumuhay, malayo sa gulo. Malayo sa kadiliman ng

nakaraan.

Walang opisyal na lider ang nabuong pamayanan, ngunit itinuturing ng mga tao si Araw

bilang kanilang tagapamahala. Si Araw ang pinakamatandang babae sa lupain at isa sa mga

naunang indibidwal na nanirahan doon. Siya rin ang nagpasyang ayusin muli ito pagkatapos ng

giyera, at kupkupin ang mga taong wala nang tirahan. Simula noon, inalay na niya ang sarili para

sa mga tao. Nanatili siya sa iisang paninindigan: gawin ang tama, palagi.

Isang hapon, habang palubog na ang araw, iniipon na ni Araw sa dalang bayong ang

napitas niyang mga prutas at gulay. Humuhuni pa siya nang bigla siyang makarinig ng sigawan.

Unti-unti niya ring napansing may kakaibang amoy sa hangin. Sa pagmamadali, naiwan na niya

ang bitbit na bayong. Tinakbo niya ang ilang linya ng mga puno, at sumalubong sa kanya ang

tanawing nagpaluha sa kanya. Nasusunog ang pinakamalaki nilang kubo, kung saan naroon ang

kanilang mga pagkain at salapi.

Dali-dali siyang sumugod at tumulong sa mga tao. Matanda man o bata. Muntik na rin

niyang pasukin ang nasusunog na kubo kung hindi lang siya pinigilan ng ilang tao.

"Hayaan niyo na ako! Naroon ang mga pangangailangan natin. Pati na rin ang pamana ng

mga magulang ko," pagmamakaawa niya.

"Mas mahalaga po ang inyong buhay!"

Magsasalita pa sana si Araw nang biglang may narinig na boses ang lahat mula sa

kalangitan.
Tama, Araw.

Paulit-ulit ito, hanggang sa sinabayan na ng buong pamayanan.

Tama, Araw.

Pagkalipas ng maraming taon, nakabangon muli ang pamayanan mula sa trahedya ng

kahapon. Matagal na ring nagpapahinga si Araw pagkatapos magsilbi buong buhay niya. Kaya’t

bilang tanda ng kanilang pagbangon at pasasalamat kay Araw, tinawag nilang Sitio Tama Araw

ang kanilang lupain.

Lumaon ay naging magkadikit na ito at naging Sitio Tamaraw na hanggang ngayon.

You might also like