You are on page 1of 9

FILIPINO SA PILING LARANG (TECHVOC)

MODYUL 4: ANG AWDIYENS BILANG UNIVERSITY OF MAKATI


MAMBABASA AT ANG KAHALAGAHAN NG HIGHER SCHOOL NG UMAK
KOLABORATIBONG PAGSULAT

Oras ng Pagsisimula : ___________


Oras ng Pagtatapos : ___________

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
1. nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan
at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyonal at

2. nakalilikha ng isang sanaysay ayon sa tema paksa tungkol sa teknikal-bokasyonal


na naglalaman ng pagsasaalang-alang sa awdiyens bilang mambabasa.

PANIMULA
Ang pagkilala at pagtukoy sa iyong awdiyens bilang mga mambabasa ay isang
napakahalagang salik na nararapat mong isaalang-alang sa pagbuo ng anomang uri ng
sulatin. Sa panahon ng modernong teknolohiya na lantad ang karamihan sa iba’t ibang uri
ng babasahin, ang mga mambabasa ay nagiging mapili sa mga impormasyong may interes
lamang sila. Karaniwan, mas binibigyang-tuon nila ang mga material na kailangan nila
kung ano lamang ang makatutulong sa kanila.

PANGUNAHING NILALAMAN
Kompleks na gawain ang naidulot ng pandaigdigang komunikasyon sa larangan ng
komunikasyong teknikal. Sa mga taong nagpupunta sa ibang bansa, mahalagang
kasanayan sa komunikasyong teknikal ang kinakailangan. Samakatuwid, ang pagtukoy at
pagkilala sa iyong awdiyens bilang mambabasa at tagatanggap ng mensahe ay higit na
mahalaga upang malinaw mong maiparating ang iyong mensahe.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


KOLABORATIBONG PAGSULAT

Bawat babasahin ay may nakatakdang awdiyens. Ito ang


pangunahing tuntuning hindi mo dapat makaligtaan. Dahil dito,
mahalaga ang pag-alam sa profile ng iyong awdiyens bago ka
lumikha ng anomang uri ng komunikasyon. Paano mo sila
makikilala? Narito ang ilang gabay na dapat mong pagnilayan:
1. Sino ang magbabasa?
2. Ano ang kailangan nilang impormasyon?
3. Saan nila ito babasahin?
4. Kailan nila ito babasahin?
5. Bakit kailangan nilang basahin ang impormasyon?
6. Paano nila ito babasahin at uunawain?

Ang mga gabay na ito ang tutulong sa iyo upang mahubog at makilala kung anong uri
sila ng mambabasa. Sa pamamagitan nito, magagawa na ring matasa o masuri ang
kanilang kakayahan, kasanayan, karanasan, pangangailangan, saloobin at pagpapa-
halaga.

Apat na Gabay sa Pagtatasa sa mga Mambabasa ng


Komunikasyong Teknikal

1. Karamihan sa mambabasa ng komunikasyong teknikal


ay nakatuon lamang sa mahahalagang impormasyong
iyong ibinabahagi. Hindi nila binabasa ang materyal
upang maglibang, bagkus, inaalam nila kung anong
aksiyon o desisyon ang nararapat nilang gawin.
ABM & LANGUAGES DEPARTMENT
KOLABORATIBONG PAGSULAT

Babasahin lamang nila ang tekstong kailangan nilang malaman.


2. Ang mga mambabasa ang nagbibigay ng interpretasyon ng tekstong iyong isinulat.
Inaasahan na madali nilang mauunawaan ang paraan ng iyong pagsulat lalo’t hindi
mo ito maipapaliwanag sa kanila sa lahat ng pagkakataon.
3. Tandaan, kung mas maikli ang teksto, mas binabasa nila ito.
4. Sa kasalukuyan, isa sa preperensiya ng mga mambabasa ang infographics sa halip
na puro teksto lang ang kanilang nakikita. Ang infographics ay isang biswal na imahe
tulad ng tsart at dayagram na ginagamit upang maglahad ng datos o impormasyon.

Makatutulong ang apat na ito sa pagtukoy ng awdiyens upang mabisang maihatid


ang mensahe.

Apat na Uri ng Mambabasa

Primaryang mambabasa Sekondaryang mambabasa

Apat na Uri ng
Mambabasa

Tersariyang mambabasa Gatekeepers

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


KOLABORATIBONG PAGSULAT

Mayroong apat na uri ng mambabasa na kailangang isaalang-alang sa


komunikasyong teknikal Ang primaryang mambabasa ay ang mga tuwirang
pinatutunguhan ng iyong mensahe na umaaksiyon o nagbibigay-pasya. Sa sekondaryang
mambabasa naman, sila ang nagbibigay-payo sa primaryang mambabasa. Karaniwan,
ang mga sekondaryang mambabasa ay mga ekspertong may espesyal na kaalaman
upang matulungan sa pagpapasya ang primaryang mambabasa. Maaaring abogado,
doctor, inhinyero o mga espesyalista sa iba’t ibang propesyon ang mga sekondaryang
mambabasa. Ang mga tersiyaryang mambabasa naman ay maaaring may interes sa
impormasyong matatagpuan sa dokumento. Nagsisilbi rin silang ebalweytor o interpreter
gamit ang iba’t ibang perspektiba. Karaniwan sa kanila ay mga reporter, analyst,
historian, mga grupong may kani-kaniyang isinusulong na adbokasiya at iba pa.
Samantala, ang mga gatekeepers naman ay ang namamahala sa nilalaman ng
dokumento gayundin sa estilo nito bago pa man ito ipahatid sa primaryang mambabasa.
Ang mga nailahad na uri ng mambabasa ay may kani-kaniyang papel na ginagampanan
upang higit na mapaghusay ang mensaheng nakalahad sa mga dokumento. Gayunman,
ang mga primaryang mambabasa ang siyang may pinakamahalagang gampanin dahil sa
kanila tuwirang ipinahahatid ang mga impormasyon. Mula sa mga ito, kinakailangan rin
ang pagtukoy sa pangangailangan, pagpapahalaga, at saloobin. Dapat na maunawaan
na ang pangangailangan ay tumutukoy sa mga impormasyong kinakailangang matugunan
o maaksiyunan ng iyong mambabasa. Ang pagpapahalaga naman ay kinapapalooban ng
mga usapin o adyenda, tunguhin o mga paniniwala na mahalaga sa mga mambabasa,
at ang saloobin naman ang nagsisilbing tugon ng mambabasa sa iyong isinulat na maka-
aapekto sa kanila.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


KOLABORATIBONG PAGSULAT

Susi naman sa isang matagumpay na proyekto ang pagkakaroon ng kolektibo at


kolaboratibong pagkilos. Pangunahing prinsipyo nito na maipamalas ang kalakasan at
konsentrasyon ng bawat indibidwal na maibahagi niya sa grupo. Ang estratehiyang ito ay
matagal nang napatunayang mabisa ng napakarami at malalaking kompanya sa daigdig.
Ilan sa mga bentahe ng kolaboratibong gawain ay ang mga sumusunod:
1. Nakasentro sa kalakasan ng bawat miyembro. Napaghahati-hati nito ang kompleks
na gawain sa pamamagitan ng wastong distribusyon.
2. Napalulutang ang pagkamalikhain. Nagagawa nitong mabigyang-diin ang magkaka-
ibang perspektiba ng bawat miyembro na nagpapalakas sa kaalamang panggrupo.
3. Napalalakas ang paniniwalang pansamahan. Sa kasalukuyan, malakas ang impact
ng pananaw na shared responsibilities sa alinmang larangan. Sa pamamagitan nito,
nagiging kaaya-aya ang daloy ng proyekto.

Apat na Yugto ng Kolaborasyon

Forming

Norming

Storming Performing

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


KOLABORATIBONG PAGSULAT

Kaakibat ng salitang kolaborasyon ay ang pagtatakda ng tunguhin at layunin na


nais matamo ng isang organisasyon o grupo. Narito ang apat na yugto ng kolaborasyon.
Ang forming ay ang pagbibigay- buhay sa misyon, pagtatakda ng mga layunin, pagtukoy
sa mga responsibilidad, at pagmamapa ng iskedyul. Ang storming naman ay tumutuloy sa
wastong pamamahala ng mga tunggalian, tensiyon sa pamumuno at pamamahala, at
pagkadismaya. Gayundin, ang norming ay pagtasa sa kaisahan ng grupo, sa
napagkasunduan, pagpapakinis ng mga itinakdang layunin, pagpapatibay ng samahan,
at pagpopokus sa papel na ginagampanan ng bawat miyembro. At ang performing ay
ang pagbabahagi ng tunguhin, paghahati-hati ng gawain, pagtugon sa mga tunggalian,
at ang pagkakaiba-iba ng pananaw ng bawat miyembro. Sa yugto ng forming at storming,
ang grupo ay higit na nakadepende sa lider nito tungo sa wastong paggabay. Ang huling
dalawang yugto naman ay nagpapakita na ng kalakasan ng bawat miyembro dahil sa
pagkakaroon na nila ng ganap na pagkaunawa sa kabuuang proyekto.

GAWAIN
GAWAING PAGGANAP 2: SANAYSAY
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa hilig o interes mula sa inyong kamag-aral.
Maaaring ang tema ay tungkol sa mga paboritong kasuotan, musika, palabas, laro o may
kaugnayan sa larangan ng teknikal-bokasyonal, halimbawa ay kung bakit pinili ang
kursong teknikal-bokasyonal. Kinakailangang magsagawa ng maikling panayam sa
kamag-aral at gagawa ng isang balangkas ng magiging daloy ng sanaysay. Mula rito
ay bubuo ng sanaysay. Nasa ibaba ang magiging pormat:

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


KOLABORATIBONG PAGSULAT

BALANGKAS NG SANAYSAY

PANGALAN:

Baitang at Pangkat:

PANGALAN NG KINAPANAYAM

Baitang at Pangkat

I. Pamagat

II. Nilalaman/ Katawan ng Sanaysay

a. Subtopic I

b. Subtopic II

c. Subtopic III

III. Konklusyon

Pormat ng Sanaysay
Times New Roman, 11
Margin: Lahat ng pagitan ay 1”
Spacing: 1.5

Pamantayan ng Pagmamarka:
PAMANTAYAN PUNTOS
Mayaman ang datos na nakalap mula sa 10
mga mag-aaral
Malinaw ang mensahe ng sanaysay at 10
mahusay

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


KOLABORATIBONG PAGSULAT

Mahusay na paglalahad ng sanaysay 10


Kabuuan 30 puntos

SARILING PAGTATASA/ KABATIRAN


Panuto: Ipaliwanag ang ideyang nakapaloob sa talata.
Ang kolaborasyon ay isang mabisang sistema sa alinmang uri ng proyekto
lalo’t higit na naipamamalas ng indibidwal ang kasanayan at kakayahang taglay nila
na nagsisilbi na ring ambag nila sa grupo. Mabisang susi rin ng kolaboratibong pagdulog
ang pagkakaroon ng wastong pamamahala at katiyakan ng papel na ginagampanan
ng bawat miyembro.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

TAKDANG-ARALIN
Panuto: Magsagawa ng isang balik-aral tungkol sa mga natalakay na paksa bilang
paghahanda sa Mahabang Pagsusulit at Panggitnang Pagsusulit sa semestre na ito.

Mga Paksa:
a. Batayang Kaalaman sa Pagsulat
b. Mga Pananaw, Kahulugan, at Kasaysayan ng Komunikasyong Etikal at Varayti ng
Wika sa Larangang Teknikal- Bokasyonal

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


KOLABORATIBONG PAGSULAT

c. Mga Elemento at Etika ng Komunikasyong Teknikal sa Lokal at Pandaigdigang


Pakikipagkomunikasyon
d. Ang Awdiyens bilang Mambabasa at Kahalagahan ng Kolaboratibong Pagsulat

MGA BATAYAN/ SANGGUNIAN


https://www.coursehero.com/u/file/56648986/Ang- AwdiyensBilangMambabasadocx/?justUnlocked=1#doc/qa

Francisco, C. at Gonzales, M. (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex Bookstore Publishing
Inc. Sampaloc, Lungsod ng Maynila.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT

You might also like