You are on page 1of 6

Division of Masbate

Cataingan West District


ABACA ELEMENTARY SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Filipino IV

Pangalan:___________________ Baitang:_________ Guro:______________ Petsa;___________

I. Makinig sa talatang babasahin ng guro ng dalawang beses at sagutin ang mga tanong.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Sino ang pamilyang kilala sa pagiging huwaran at modelo?


a. Pamilya Orias c . Pamilya Osias
b. Pamilya Tobias d. Pamilya Topias
2. Ilarawan ang kanilang pamilya.Sila ay __________.
a. Nagdadayaan c. nagkakasakitan
b. Nagkakaniya-kaniya d. nagkakaunawaan
3. Ano ang silbi ng kanilang tahanan sa pamayanan?
a. Hindi sila tanggap
b. Tampulan ng usapan
c. Nakapinid ang pintuan ng kanilang tahanan sa lahat.
d. Nakabukas sa nangangailangan ang kanilang tahanan.

Para sa bilang 4-5 muling makinig sa maikling kuwento na babasahin ng guro at sagutin ang
mga tanong pagkatapos. Bilugan ang letra ang titik ng tamang sagot.
4. Sa pahayag ng matandang babae, “ Umuwi ka na, sa loob ng tatlong buwan, mangyayari
ang nais ng iyong asawa.Ayusin mo ang iyong buhay”.
a. Nagagalit c. nanunuya
b. Nananakot d. nanghihikayat
5. Anong damdamin ang ipinahahayag sa hulihan ng kuwento?
a. Kalungkutan c. kasiyahan
b. Kapootan d. kayabangan

Panuto: Para sa aytem 6-7.Makinig ng mabuti sa babasahing panuto ng guro. Sundin ang
panuto.( 2 puntos)

Panuto : Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
Iba ka sa mga kababata mo Luis! Kung sila ay tutulog- tulog, ikaw ay lagging gising. Nagsusumikap ka
palagi , ituloy mo ang pakikibaka.
8. Ano ang pagkakaiba ni Luis sa kaniyang mga kababata?
a. naglalaro siya c. nagsisikap siya
b. natutulog siya d. namamasyal siya
9. Sino ang tinutukoy na bata sa talata?
a. Larry c. Lazaro
b. Leo d. Luis

Panuto: Ipakilala ang iyong sarili.Piliin sa mga salitang nasa loob ng kahon at punan ng
angkop na panghalip ang mga patlang.

Mo akin iyo sila

tayo kami amin ako

Ako si Jeleth. Sina Izel, Jessa, at Princess ang (10)._________ mga kaibigan .
Mababait at mapagkakatiwalaan ko(11) ______________. Lagi(12) ___________
magkakasama. Sa (13)_____ magkakaibigan (14)______ ang laging tahimik at hindi
sumasali sa kakulitan nilang tatlo.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na kahulugan ng salitang nilagyan ng guhit sa
pangungusap.Isulat sa patlang ang tamang sagot .
__________15. Isang mabuting katangian ng pamilyang Pilipino ang arugain ang mga
magulang sa kanilang pagtanda.
___________16. Hindi kaagad nasisira ang isang pamilyang may matatag na pundasyon.
___________17. Nagwagi sa patimpalak ng pagkanta ang kaibigan kong si Charmina.
___________18. Ang pagkakabuklod at pagmamahal sa bawat miyembro o kasapi nito ay
pundasyon ng matagumpay at maunlad na pamilya.
___________19. Isang malaking kalungkutan ang mararamdaman kapag nabigo sa
pagkamit ng mga pangarap.
Matibay sandigan alagaan pighati tagumpay

Punan ng tamang pangngalan ang sumusunod na pangungusap.Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.
a. Kabataan b. proyekto c. bansa d. Lea Salonga e. pamahalaan

20. Ang _____ ay pag-asa ng bayan.


21. Gagawa kami ng ____ para sa pangangalaga sa sarili.
22. Tunay ngang katangi-tangi an gating _____.
23. Katangi-tanging Pilipino si ____ sa larangan ng pagkanta.
24. Malaki ang responsibilidad ng ____ sa taong bayan.
Panuto : (25-28)Basahin ang pangungusap.Tukuyin kung ang salitang may salungguhit ay
pangngalang PANTANGI o pangngalang PAMBALANA.Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa patlang.
A.PANTANGI B. PAMBALANA
25. _______Si Lorna ang kanyang nanay.
26. _______Melchor Store ang pangalan ng tindahan.
27.______ Malinis na papel ang ginawang saranggula ng mga bata.
28. _____Abaca ang pangalan ng aming barangay.

Panuto:Para sa (29-32)Tukuyin kung anong kasarian ng pangngalan ang salitang


sinalungguhitan sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
a. pambabae b. panlalaki c. walang kasarian d. di-tiyak na kasarian

29. _____Kinabukasan, hindi namalayan ni Pedro na pumasok siya na walang mga takdang –
aralin.
30_____.Masipag ang mga mag-aaral sa Ikaapat na baitang.
31. ____Masayang masaya ang ate ko sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo.
32._____ Pupunta kami ng lungsod bukas ng umaga.

Panuto:Para sa bilang 33-35.Basahin ang tula sa ibaba. Sipiin ang mga magagalang na salita
at sumulat ng kahit tatlo nito sa sagutang papel.

Magagalang na Salita
Magagalang na salita
Halina’t isagawa
Hindi lamang sa matatanda
Kundi sa buong madla.
Sa tahanan at paaralan
Paggalang natutuhan.
Ito’y laging tatandaan
Huwag nating kalilimutan.
Salamat po, kumusta po
Magandang umaga po.
Magandang gabi rin po
Paumanhin po at paalam po.
33.____________________________________________
34.____________________________________________
35.____________________________________________
Bilugan sa bawat pangungusap ang mga panghalip na panao.

36. Ikaw man ay matatawag ding bayani.


37. Ako ay kabilang sa mga kabataang tumutulong sa nasunugan.
38. Naibigan niya ang damit na ito.

Bilugan sa bawat pangungusap ang mga panghalip na pamatlig.

39. Doon na lamang sila pupunta sa City Hall.


40. Sa likod ng upuan ni Ana may nakita kaming pera. Diyan ko inilagay sa tabi niya

Inihanda ni: Iniwasto ni : Inaprubahan ni:

JERJINA G. SENOC ESTRELLA S. BRIOSO RAMIL P. DELOS SANTOS


Guro Q & E Member Head Teacher -I

Division of Masbate
Cataingan West District
Abaca Elementary School
Talaan ng Espesipikasyon
Unang Markahang Pagsusulit
Filipino IV

Area of Content/ Objectives(Layunin) No.of Item


Items Placement
Bilang Aytem
Nasasagot ang mga tanong sa napakinggang kuwento 3 1-3

Natutukoy ang damdamin ng tagapagsalita ayon sa tono, diin, bilis, at intonasyon 2 4-5

Nasusunod ang napakinggang panuto o hakbang ng isang gawain 2 6-7

Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento 2 8-9

Nagagamit ang panghalip sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan 5 10-14

Naibibigay ang kasingkahulugan ng salita sa pamamagitan ng kasingkahulugan gamit ang 5 15-19


pahiwatig sa pangungusap
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili, sa mga tao, 5 20-24
lugar, bagay at pangyayari sa paligid
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa ibat ibang sitwasyon tulad ng pagbili sa 3 33-35
tindahan o anumang gawain
Natutukoy ang panghalip na pamatlig 2 39-40

Natutukoy ang panghalip na panao 3 36-38

Natutukoy ang kasarian ng pangngalan at nagagamit sa sariling pangungusap 4 29-32

Natutukoy ang pangngalang pangtangi at pambalana pangungusap o talata 4 25-28

Total/Kabuuan 40 40

Inihanda ni: Iniwasto ni : Inaprubahan ni:

JERJINA G. SENOC ESTRELLA S. BRIOSO RAMIL P. DELOS SANTOS


Guro Q & E Member Head Teacher -I
Ang Modelong Pamilya Tobias
Pinarangalan ang pamilya Tobias sa pagiging huwaran at modelo sa kanilang komunidad.
Namamahala sa tuwina ang pag-uunawaan ng pamilya . Bukas ang kanilang tahanan sa sinumang
nangangailangan . Karaniwan na sa kanila ang pagpapakita ng pagmamahal sa isat isa.

4-5
May isang pamilya na nakatira sa may tabing-dagat . Masaya silang mag-anak. May sariling kubo
at sobra ang inaani sa sariling lupa.
Isang araw, lumapit ang asawa ni Mang Alejandro sa kaniya at nakiusap.Ipagbili mo na ang ilang
bahagi ng ating lupa at magpatayo tayo ng mas malaking bahay. Lumalaki na ang anak natin
Kaagad kinausap ni Mang Alejandro ang matandang babaeng nakatira sa gilid ng bundok.
Parang anak ang turing nito sa kaniya. Sinabi niya ang problema.
Umuwi ka na. Sa tatlong buwan ay mangyayari ang nais ng iyong asawa. Ayusin mo ang iyong
buhay”
Naganap ang sinabi ng matanda. Nagkaroon sila ng malaking bahay at laging sagana sa buhay.

6-7
Isulat ang pangalan ninyo sa loob ng tatsulok sa loob ng bilog.

You might also like