You are on page 1of 7

"MEET ME WHERE THE SUN SETS"

Scene 1
Pabagsak akong umupo sa kama habang inilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Malinis at
nasa ayos ang mga gamit tulad pa rin noon.
"Ahh how I miss having a vacation like this," Humiga ako sa kama at napangiti. "Alone and
peaceful."
Napatayo ako sa kama at napagpasyahan na ayusin ang mga gamit sa maleta ko. Inilagay ko
iyon sa kabinet saka ko napagpasyahang lumabas at tumungo sa dagat.
Sumalubong kaagad sa akin ang malamig na simoy ng hangin at ang tunog ng mga alon.
"Now this is solitude," I murmured as I placed my hand inside my pockets.
Medyo malayo ang dalampasigan sa rest house namin pero kung ganito ang makikita ko,
araw-araw akong pupunta dito.
Sobrang tahimik, walang gulo.
I sighed before picking up small stones at binato iyon sa dagat. I was having a good time
when suddenly, a man came into the picture at sa gulat ay naibato ko sa kanya ang hawak
kong maliit na bato at natamaan siya sa noo.
Sa sobrang taranta ko ay nilapitan ko kaagad siya.
"Oh, my god! I'm so sorry! I didn't mean to hit you!" I apologetically said.
He groaned. "It's fine, miss." He said. "I thought you’re someone I know. Sorry if I startled
you." He added.
I bit my lip, kinakabahan parin at nagi-guilty sa nagawa.
"Are you okay? I'm really sorry, I didn't mean to hurt you."
"I'm fine, malayo sa bituka. Don't worry." He said and flashed a smile. "You're new here?"
He asked.
I shook my head. “Kakabakasyon ko lang dito."
"Really? Where are you staying?" He asked, amused.
I hesitated, thinking if he’s someone that I shouldn’t trust, so I vaguely gave him an answer.
“We have a rest house here.”
“Oh! You’re the daughter of Mr. Costales?”
Medyo nagulat ako sa sinabi niya, nagtataka kung paano niya nakilala si papa. “Yeah! How’d
you know?” I couldn’t help the excitement in my voice.
“Well, the only family who has a rest house here is yours.”
“Right…” I chuckled awkwardly, “Are you sure you’re okay? I’m really sorry.”
“How about this, let me tour you around as compensation for hitting me on the head.”
“What’s in it for you?”
He shrugged, “Nothing, I just want to. Besides, mukha kang mawawala kapag ikaw lang
mag-isa,” his face was serious, as if he didn’t insult me.
I slapped his arm, “Mean!”
He laughed, “I was just kidding,” he raised his brow, “So? You in?”
I nodded, mukha naman siyang mapapagkatiwalaan. Tiningnan ko ulit ang dagat at
napabuntong hininga.
"It's beautiful 'no?" I mumbled.
I saw him nodded on my peripheral vision and that made me smile.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa tuluyan nang lumubog ang araw.
Ang kulay kahil na kalangitan at napalitan ng dilim at unti-unting nagsilabasan ang mga
bituin.
I looked at the guy, "I gotta go. Gabi na rin kasi at magluluto pa ako."
He nodded, "Sure, go on."
I flashed a small smile before giving him a wave. Umalis na ako roon at tinungo ang rest
house upang makapagluto na ng makakain. Wala si Ate Jenna kaya ako na ang nagluto.
Matapos kumain ay nanatili ako sa kwarto at nagpalipas lang ng oras sa panonood ng nga
YouTube videos sa laptop ko hanggang sa antukin ako at nakatulog.

Scene 2
Nagising ako sa ingay ng katok sa aking kwarto. Iminulat ko ang mata saka pipikit-pikit pa
na tinungo ang pintuan upang buksan ito. Bumungad sa akin si Ate.
I yawned, “What is it, Ate?”
“Good morning! Ano gusto mong umagahan?”
Kinusot ko ang aking mata, “Ikaw na bahala, Ate. Thank you.” I smiled.
“Sige, tatawagin nalang kita kapag naihanda ko na ang pagkain.”
Tumango ako at naligo bago bumaba papuntang hapag kainan, nandoon si Ate at inaayos na
ang lamesa. Ngumiti ako sa kanya at tinulungan siya.
“Ako na, Sol, umupo ka nalang dyan.”
“I want to help,” Sabi ko at hinayaan na niya ako. Sabay kaming kumain nang tahimik.
Pagkatapos ay tumayo na ako. “Ate, I have lakad today, I’m going to buy some things, may
ipapabuy ka ba?”
“Wala nang stock ng flour, pwede bumili ka ng isang kilo? Tas alam mo ba kung paano mag-
commute papunta do’n?” taas isang kilay niyang sabi.
Natahimik ako at napaisip. Paano nga ba na makakapunta kao doon? I scratched my head in
embarrassment. “No…” I laughed awkwardly.
Natawa siya ng mahina. “Ako nalang ang bibili at baka mawala ka-“
“No!” I protested, “Let me, please?” I pleaded.
“Baka mawala ka pa, Solene. Magagalit pa si Sir Victor sa ‘kin niyan.”
I shook my head, “No, I promise.”
She looked at me for a couple of seconds before sighing, meaning she will let me.
“Fine…” she said with a sigh, as if she was forced to agree. Napangiti nalang ako sa reaksyon
niya.
…….
Sinigurado ko munang wala akong nakalimutang importanteng gamit bago ako lumabas ng
bahay. Tinandaan ko talaga ang mga sinabi ni Ate Jenna kanina tungkol sa pagcommute.
Kung saan sasakay at kung anong sasabihin ko sa driver.
Hindi naman bago sa akin ang pag commute kasi iyan naman ang ginagawa ko sa city no’ng
nag-aaral pa ako, pero iba kasi dito.
“Thank you po, Kuya.” Nakangiting sabi ko matapos siyang bayaran ng pamasahe.
Tumalikod at pumasok sa grocery store upang bilhin ang kailangang bilhin.
I got everything that I needed in my cart. Shampoo, Conditioner, a few snacks, and the likes.
Pero may isa pa akong hindi mahanap. Halos libutin ko na ang buong grocery pero hindi ko
pa rin makita kung saan nakalagay ang harina. Hindi ko mapigilan ang inis ko. Saan ba kasi
nilagay ‘yung letcheng harina?!
Sakto namang may nakita akong isang lalaki na tumitingin sa mga asukal kaya nilapitan ko
siya. Nakatalikod siya sa akin kaya bahagya ko itong kinalabit.
“Excuse me, Kuya, do you know where the flours are?” I asked politely.
Humarap siya sa akin, “Ahh yes, miss-oh! It’s you! Kita mo nga naman nawawala ka na.”
Natatawa niyang sabi.
I raised my brow, “And you’re that guy na super funny.”
The side of his lips rose, “Bakit? Benta ba sa ’yo ‘yong joke ko?”
I flashed a fake smile. “Oo, dinaig mo pa desyerto sa sobrang dry ng humor mo.”
Imbis na mainsulto, tumawa lang siya na mas lalong nakapag-irita sa akin.
I rolled my eyes. “Apaka gago”
“Inis ka na niyan?” He asked while laughing.
“Can you just tell me where the flour is?” I asked, irritated.
“I won’t tell you unless sumama ka sa ‘kin.”
“Oh please, I’m in a hurry.”
He shrugged, “Okay, ikaw bahala,” sabi niya at akmang tatalikod na. Hindi ko napigilan ang
sarili, hinawakan ko siya sa braso dahilan para matigil siya sa pagtalikod.
He looked at me, “What? What do you want, Solene?”
Nagulat ako at hindi kaagad nakapagsalita. Kilala niya ako? Paano? Hindi ko naman sinabi sa
kanya ang pangalan ko kahapon kaya bakit?
“Itikom mo na ang bibig mo at hali ka na,” sabi niya at hinila ako sa kung saan man siya
pupunta.
Nakuha ko ang gusto ko ngunit tulala pa rin ako dahil sa nangyari kanina. Wala ako sa sarili
habang palabas ng grocery store ngunit naalala ko na kailangan ko na palang umuwi kaya
natauhan ako.
“Hala, how am I gonna get home? Saan ako sasakay?” Problemado kong tanong sa sarili.
Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at tinawagan si Ate Jenna pero hindi siya sumasagot kaya
mas lalo akong kinabahan.
Natatakot naman akong magtanong sa kahit sino dito kaya tinawagan ko ulit si ate pero hindi
talaga siya sumasagot. Ilang beses ko siyang tinawagan hanggang sa may isang lalaking
humarang sa harapan ko. Nakangisi pa ito at sobrang nakakairita iyon.
“Seriously, you look like a lost kitten.” Nang-aasar na aniya.
I rolled my eyes. “You’re such a pest!”
“Hop in, I’ll take you home.”
“Why? Why are you doing this?” I asked.
He sighed. “Stop asking and come on.”
Nagdadalawang isip pa ako kung sasakay ba ako kung sasakay ba ako o hindi pero nong
maisip ko na kailangan ko na palang umuwi at kung magmamatigas pa ako ay ako rin naman
ang magsa-suffer kaya sa huli ay sumakay na ako.
True to his word, hinatid niya ako sa tapat ng rest house. Kaagad naman akong bumaba.
“Thanks.” I said. “Btw, how’d you know my name? I never told you.” I asked
He flashed an annoying smile. “Secret.” He answered. “See you when I see you, Sol.” He
winked.
Umismid ako sa ginawa niya at pinanood lang siyang paandarin and motor niya. He looked at
me and smile.
“Leon. Leon Valderama.” He said before he left.

Scene 3
Music’s one of my favorite things in my life. I listened to the chords I’ve strummed, running
my fingers through the strings of my guitar.
I was in that state for a couple of minutes when I heard a knock. I put down my guitar at
pinuntahan ang pintuan para buksan. Bumungad sa akin si ate na naka-apron pa.
“Yes?” I asked.
“May naghahanap sa iyo sa ibaba,” sabi niya.
“Huh? Sino?”
She looked at me maliciously, “Ikaw ha akala mo hindi ko nakita ‘yong paghatid niya sa ‘yo
kahapon! Ano ‘yon?” She asked making me confused.
Anong nakita niya kahapon? Paghatid? -Oh, does she mean Leon?
“What is he doing here?” I asked. My mood turned sour.
‘what is that pest doing here?’
“May ibibigay daw siya sa ’yo. Bumaba ka nalang at naghihintay siya sa sala.”
Kumunot ang noo ko sa inis, “Tell him I’m still sleeping!” I don’t want to see him! Sa
gianawa niya kahapon, sa tingin niya babatiin ko siya na may matamis na ngiti?
“Nagsasalita ba ang tulog?” rinig ko ang kanyang boses mula sa baba. Tumawa pa siya!
I can feel my face heat up because of embarrassment and annoyance. Padabog akong bumaba
galing sa kwarto ko at sinalubong siya na nakakunot-noo.
“What do you want?” I asked, irritated.
He flashed an annoying smile. “Good morning,Sol!” He greeted.
I took a deep breath. “Tell me what it is that you want.”
Inilahad niya ang isang tupperware sa harap ko. Tiningnan ko ito ng ilang segundo bago
ibinalik sa kanya ang tingin ko.
“What is that?”
“Adobo, niluto ‘yan ni mama and naisipan ko na dalhan ka. Consider it as a welcome gift
from your neighbor.” He said then wink.
“You’re my neighbor?” I asked.
He laughed, “I was just kidding.” He said. “Ano na? take it. Nangangawit na kamay ko.”
I hesitated at first pero tinanggap ko rin iyon. Nakita ko ang ngiti sa mga labi niya at himala
ata dahil hindi ako nairita. Palihim akong napangiti.
Umiwas ako ng tingin. “Paki sabi sa mama mo thank you.” I said.
“Ay? You won’t say thank you to me?” He asked.
I looked at him. “Thank you!”
“Parang labag naman sa loob ‘yan.” Aniya.
I rolled my eyes. “Edi wag mong tanggapin thank you ko.”
He sighed, “Are you free this afternoon?” he asked.
Nangunot ang noo ko. “Why?”
“I told you, didn’t I? Ito-tour kita.” He said.
Bigla kong naalala ang una naming pagkikita at ang pagpayag ko sa offer niya.
“Seryoso ka talaga non?" I asked.
“Do I look like I’m joking?” Tanong niya.
I gave him a plain look. “Yeah. Mukha ka kasing nagpapatawa.” I retorted.
Napahawak siya sa dibdib niya at umaktong nasasaktan. “Ouch, ang straightforward mo
naman.”
“Where are you even taking me?” Tanong ko imbis na patulan ang kabaliwan niya.
Sumeryoso siya. “Sa lugar na hindi mo ala-“ umamba akong tatalikod. “Joke lang! Ito naman
hindi mabiro. Do’n tayo sa Old Church, pagkatapos sa sunken cemetery to watch the sunset.”
“Are you really sure don mo ako dadalhin?” Nakataas kilay na tanong ko.
“Mukha ba akong kidnapper?”
I nodded seriously. “See you at 2.” Sabi ko bago iniwan siyang nakanganga.

Scene 4
I checked my dress on the mirror para masiguro kung bagay ba sa akin. I don’t know kung
bakit ko pa ba ‘to ginagawa eh papasyal lang naman.
“Solene! Nandito na si Leon sa baba!” Narinig kong sigaw ni ate Jenna sa baba.
I don’t know but for some reason, kinabahan ako. Kinuha ko ang sling ko sa kama saka ko
chineck ulit ang sarili sa salamin at ng masigurong okay na ay lumabas na ako ng kwarto.
Pagkababa ko ay nakita ko kaagad si Leon na kausap si ate Jenna at nagtatawanan pa sila.
Nakita ako ni Leon kaya napaayos siya ng tayo.
“Saan ang punta mo at nakaayos ka ng ganyan?” Pang-aasar niya. “Punta ka mall, miss?”
Dagdag niya pa.
I rolled my eyes. “Stop annoying me for once, will you?”
He laughed. “Oo na, pikon mo naman.”
“You know what? Why don’t we go na?” naiiritang tanong ko saka nauna nang lumabas ng
bahay.
Naramdaman ko siyang sumunod sa akin.
“Why are you in such hurry?” He asked.
“’Cause I remember the exact ‘pagkatapos sa sunken cemetery to watch the sunset’ came
from your lips.” Pabalang na sagot ko.
“Hay nako, Solene. Your outfit will be put to waste if you are that grumpy.” He said making
me look at him sharply. “Sabi ko nga shut up na.”
Nanguna ako papunta sa kanyang motorsiklo at kinuha ang spare helmet niya doon. Narinig
ko ang kanyang mahinang tawa kaya nilingon ko siya, “Bilisan mo nga!” naiinis na sambit
ko.
“Oo na, ito na!” tawa niya. Sumakay na siya at umangkas naman ako sa likod.
Makalipas ang ilang minuto ay bigla kaming huminto. Tinanggal ko ang aking helmet,
“We’re here?” I said.
Tinanggal niya rin ang kanyang suot na helmet, “Ah hindi,” pabalang niyang sabi.
Dahil sa inis ko ay padabog kong binigay sa kanya ang helmet, “Are you purposely being
annoying or are you just born a nuisance?” I asked sarcastically.
He took a step closer and stared at me, “Did you make yourself pretty or were you born
beautiful?”
I couldn’t stop myself from blushing, so pushed his face away and took a step back.
“Shut up!” Sabi ko saka nagkukunwaring nandidiri.
Inilapit niya ulit ‘yong mukha niyan. “Are you blushing?” Nang-aasar na tanong niya.
I rolled my eyes. “Hell no!” sigaw ko, “Tara na nga! Bagal mo!”
“Yes po, madam, ito na po.”
Sabay kaming naglakad papuntang entrance ng sinasabi niyang Old Church, kinausap pa niya
ang isang lalaking mukhang taga-bantay roon. May inabot itong dalawang kandila saka niya
ako tinawag na pwede na kaming pumasok.
Pagpasok namin ay namangha ako. Kaya siguro ito tinawag na old church dahil ang
istruktura ay giba na pero naroon parin ang ganda nito. Napupuno kasi ng mga moss ang
pader at

You might also like