You are on page 1of 92

Kahulugan at

Kalikasan ng
Pagsusulat
A. Kahulugan ng Pagsulat
at Akademikong Pagsulat

Alamin natin ang kahulugan ng


pagsulat ayon sa mga sumusunod na
personalidad:
❑ Peter T. Daniels

Ayon sa kanya, ang pagsulat ay isang


sistema ng humigit-kumulang na
permanenteng panandang ginagamit
upang kumatawan sa isang pahayag
kung saan maaari itong muling
makuha nang walang interbensiyon
ng nagsasalita.
❑ Arapoff

Para sa kanya, ang pagsulat ay


isang proseso ng pag-iisip na
inilalarawan sa pamamagitan ng
mahusay na pagpili at pag-
oorganisa ng mga karanasan.
❑ Florian Coulmas

Sabi naman niya, ang pagsulat ay


isang set ng nakikitang simbolong
ginagamit upang kumatawan sa
mga yunit ng wika sa isang
sistematikong pamamaraan.
Dagdag pa niya, ito ay may
layuning maitala ang mga
mensahe na maaaring makuha o
mabigyang-kahulugan ng
sinuman na may alam sa wikang
ginagamit at mga pamantayang
sinusunod sa pag-eenkoda.
B. Pinagmulan ng
Salitang Akademiko

Ano nga ba at saan nga ba


nanggaling ang salitang
akademiko?
Ang salitang akademiko o
academic ay mula sa mga
wikang Europeo (Pranses:
academique at Medieval
Latin: academicus) noong
gitnang bahagi ng ika-16 na
siglo.
Tumutukoy ito sa o may
kaugnayan sa edukasyon,
iskolarsyip, institusyon o
larangan ng pag-aaral na
nagbibigay-tuon sa
pagbasa, pagsulat, at pag-
aaral kaiba sa praktikal o
teknikal na gawain.
Pagkakaiba sa
Katangian ng
Akademiko at Di-
akademiko
Akademiko Di-akademiko
Layunin: Layunin:

Magbigay ng Magbigay ng
ideya at sariling opinyon
impormasyon
Akademiko Di-akademiko
Paraan o Paraan o
Batayan ng Batayan ng
Datos: Datos:

Obserbasyon, Sariling
pananaliksik, at karanasan,
pagbabasa pamilya, at
komunidad
Akademiko Di-akademiko
Audience: Audience:

Iskolar, mag- Iba’t ibang


aaral, guro publiko
(akademikong
komunidad)
Akademiko Di-akademiko
Organisasyon ng Organisasyon ng
Ideya: Ideya:

- Planado ang ideya. - Hindi malinaw


- May ang istruktura.
pagkakasunod- - Hindi
sunod ang kailangang
istruktura ng mga magkaugnay
pahayag. ang mga ideya.
- Magkakaugnay ang
mga ideya.
Akademiko Di-akademiko
Pananaw: Pananaw:

- Obhetibo - Subhetibo
- Hindi direktang - Sariling opinyon,
tumutukoy sa tao pamilya, o
at damdamin komunidad ang
kundi sa mga pagtukoy.
bagay, ideya,
facts, at iba pa.
Akademiko Di-akademiko
Pananaw: Pananaw:

- Nasa pangatlong - Subhetibo


panauhan ang - Sariling opinyon,
pagkakasulat. pamilya, o
- Hindi direktang komunidad ang
tumutukoy sa tao pagtukoy.
at damdamin at
hindi gumagamit
ng pangalawang
panauhan.
C. Benepisyo ng
Pagsusulat
Narito ang pangkalahatang
benepisyo na maaaring
makuha sa pagsusulat:
1. Masasanay ang
kakayahang mag-organisa
ng mga kaisipan at
maisulat ito sa
pamamagitan ng
obhetibong paraan.
2. Malilinang ang
kasanayan sa pagsusuri
ng mga datos na
kakailanganin sa
isinasagawang
imbestigasyon o
pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng
mga mag-aaral sa
mapanuring pagbasa sa
pamamagitan ng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng
mga kaisipang isusulat batay
sa mga nakalap na
impormasyon.
4. Mahihikayat at
mapauunlad ang kakayahan
sa matalinong paggamit ng
aklatan sa paghahanap ng
mga materyales at
mahahalagang datos na
kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ito ng
kasiyahan sa pagtuklas
ng mga bagong kaalaman
at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-
ambag ng kaalaman sa
lipunan.
6. Mahuhubog ang
pagpapahalaga sa
paggalang at pagkilala sa
mga gawa at akda ng
kanyang pag-aaral at
akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang
kasanayan sa
pangangalap ng mga
impormasyon mula sa
iba’t ibang batis ng
kaalaman para sa
akademikong pagsusulat.
D. Mga Akademikong
Sulatin
Ang iba’t ibang akademikong
sulatin ay nauuri ayon sa
LAYUNIN, GAMIT,
KATANGIAN, at ANYO.
Ano ang
akademikong
sulatin?
Ayon kay Dr. Eriberto Astorga
Jr. sa kanyang libro na
“Pagbasa, Pagsulat, at
Pananaliksik” (2001), ang
akademikong sulatin ay may
layuning mapabatid sa tao o
lipunan ang paniniwala,
kaalaman, at karanasan ng
taong sumulat.
Ayon naman kay Mabilin sa
kanyang aklat na “Transportibong
Komunikasyon sa Akademyang
Filipino” (2012), ito ay may
dalawang bahagi na may
pagkakaparehong layunin kahit na
magkaiba man ang mga
pangyayaring nakikita,
nararamdaman, at nauunawaan ng
isang manunulat.
Dalawang Bahagi ng
Akademikong Sulatin Ayon
kay Mabilin:

❑ Personal o Ekspertibong
Bahagi
❑ Panlipunan o Sosyal na
Bahagi
Ang mga
Layunin sa
Pagsulat
1. Impormatib na Pagsulat

- Kilala rin sa tawag na


expository writing.
- Ito ay naghahangad na
makapagbigay ng
impormasyon at mga
paliwanag.
Halimbawa:

▪ Pagsulat ng report ng
obserbasyon, mga istatistiks na
makikita sa mga libro,
ensayklopidya, at balita
▪ Pagsulat ng teknikal o business
report
2. Mapanghikayat na
Pagsulat

- Kilala sa tawag na persuasive


writing.
- Ito ay naglalayong makumbinsi
ang mga mambabasa tungkol
sa isang katwiran, opinyon o
paniniwala.
Halimbawa:

▪ Editoryal
▪ Sanaysay
▪ Talumpati
▪ Pagsulat ng proposal
▪ Pagsulat ng konseptong papel
3. Malikhaing Pagsulat

- Kilala ito sa tawag na creative


writing.
- Ang pangunahing layunin ng
awtor dito ay magpahayag
lamang ng kathang-isip,
imahinasyon, ideya, damdamin
o kombinasyon ng mga ito.
Halimbawa:

▪ Maikling kwento
▪ Nobela
▪ Tula
▪ Dula
▪ Komiks
▪ Pelikula
4. Pansariling
Pagpapahayag

- Tumutukoy ito sa pagsulat


o pagtatala ng mga bagay
na nakita, narinig, nabasa o
naranasan.
Halimbawa:

▪ Pagsulat ng Dyornal
▪ Sketch Map
▪ Note-taking
Mga Katangian
ng Akademikong
Pagsulat
Mga Uri ng
Pagsulat
1. Malikhaing Pagsulat
(Creative Writing)

▪ Pangunahing layunin nito ay


maghatid-aliw, makapukaw-
damdamin, at makaantig ng
imahinasyon at isipan ng mga
mambabasa.
Halimbawa:

▪ Maikling kwento
▪ Nobela
▪ Tula
▪ Dula
▪ Komiks
▪ Pelikula
2. Teknikal na Pagsulat
(Technical Writing)

▪ Ang uring ito ay ginagawa sa


layuning pag-aralan ang isang
proyekto o kaya naman ay
bumuo ng isang pag-aaral para
lutasin ang isang problema
▪ Ang inaasahang higit na
makaunawa sa ganitong uri
ng sulatin ay ang mga
mambabasa na may
kaugnayan sa tinatalakay na
proyekto o suliranin na may
kinalaman sa isang tiyak na
disiplina o larangan.
Halimbawa:

▪ Feasibility Study on the


Construction of Platinum Towers
in Makati
▪ Project on the Renovation of
Royal Theatre in Caloocan City
▪ Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog
ng Marikina
3. Propesyonal na Pagsulat
(Professional Writing)

▪ May kinalaman ang sulating ito sa


isang tiyak na larangang natutunan
sa paaralan. Binibigyang-pansin
nito ang paggawa ng sulatin o pag-
aaral tungkol sa napiling
propesyon o bokasyon ng isang
tao.
Halimbawa:

(Para sa mga Guro)


▪ Pagsulat ng lesson plan
▪ Paggawa at pagsusuri ng
kurikulum
▪ Paggawa ng pagsusulit
Halimbawa:

(Para sa mga Doktor)


▪ Paggawa ng medical report
▪ Pagsulat ng narrative report
tungkol sa resulta ng physical
examination ng pasyente
4. Dyornalistik na Pagsulat
(Journlistic Writing)

▪ Ito ay may kinalaman sa mga sulating


may kaugnayan sa pamamahayag. Ang
mga taong sumusulat nito ay dapat
bihasa sa pangangalap ng mga totoo
at makabuluhang balita o isyung
nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan.
Halimbawa:

▪ Balita
▪ Editoryal
▪ Lathalain
▪ Artikulo
5. Reperensiyal na Pagsulat
(Referential Writing)

▪ Layunin ng sulating ito na


bigyang-pagkilala ang mga
pinagkunang kaalaman o
impormasyon sa paggawa ng
konseptong papel, tesis, at
disertasyon.
▪ Layunin din ng sulating ito
na irekomenda sa iba ang
mga sangguniang maaaring
mapagkunan ng mayamang
kaalaman hinggil sa isang
tiyak na paksa.
6. Akademikong Pagsulat
(Academic Writing)

▪ Ito ay isang intelektuwal na


pagsulat.
▪ Nakatutulong ito sa pagpapataas
ng kaalaman ng isang tao sa iba’t
ibang larangan.
Mga Halimbawa
ng Akademikong
Sulatin

You might also like