You are on page 1of 22

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Nasusuri ang mga Salik na
Nakakaapekto sa Pagkonsumo

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5- Nasusuri ang mga Salik na Nakakaapekto sa
Pagkonsumo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Benalyn J. Bertulfo


Tagasuri : Elma M. Larumbe (QA, Moderator)

Tagapamahala:
SDS: Marilyn S. Andales
ASDS: Leah B. Apao
: Ester A. Futalan
: Cartesa M. Perico CID Chief: Mary Ann P. Flores EPS in LRMS: Mr. Isaiash T. Wagas
EPS in Aral. Pan.: Mrs. Rosemary N. Oliverio

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: Sudlon Lahug Cebu City

Telefax: (032) 255-6405; (032) 255-4401

E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
9

ARALING PANLIPUNAN
Unang Markahan – Modyul 5
Mga Salik na Nakakaapekto sa
Pagkonsumo

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang ika-21 siglong mga kasanayang
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito ay naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

ii
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

ii

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
i

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay
at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

iv
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o
sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag- aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kaming, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

v
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
Alamin

Panimula
Sinasabing ang lahat ng tao ay konsyumer. Ang pagkonsumo ay bahagi ng tao
simula nang kaniyang pagsilang sa mundo. Habang patuloy na nabubuhay ang tao ay
patuloy pa rin siya sa pagkonsumo. Ang pagbili ng produkto at serbisyo ay
nangangahulugan ng pagtatamo sa kapakinabangan mula rito bilang tugon sa
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang napakaraming pangangailangan at
kagustuhan ng tao ang dahilan kung bakit may pagkonsumo. Ayon nga kay Adam Smith sa
kanyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations” ang
pangunahing layunin ng produksiyon ay ang pagkonsumo.
Sa modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.
2. Nakakabuo ng mga sitwasyong nagpapakita ng mga salik sa pagkonsumo.
3. Naipakita ang pagiging responsableng konsyumer.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan
ang pangangailangan.
a. distribusyon b. pagkonsumo c. pamimili d. produksyon
2. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na, “ang lahat ng tao ay konsyumer”?
a. Ang pagkonsumo ay masyadong mahal at magastos.
b. Ang pangangailangan ng tao ay may hangganan at katapusan.
c. Mula sa pagkasilang hanggang sa nabubuhay ang tao ay patuloy siya sa pagkonsumo
ng mga produkto at serbisyo.
d. Sa tuwinay may gusto ang taong maabot sa buhay.

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik ng pagkonsumo?


a. Kita c. Mga Alternatibo
b. Mga Inaasahan d. Pagbabago ng Presyo

4. Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagbili ng produkto maliban sa .


a. kagustuhan mong magkaroon ng investment para sa hinaharap.
b. ito ay pangunahing kailangan upang mabuhay.
c. may malaking pakinabang sa iyo.
d. mayroon nito ang iyong kapitbahay.

1
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
5. Isang pamantayan sa pamimili na naglalarawan sa isang makatuwiran at matalinong
konsyumer na tinitimbang ay mga bagay-bagay ayon sa kaniyang badyet.
a. Makatuwiran c. Pamalit
b. Mapanuri d. Sumusunod sa badyet

Balikan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa sagutang papel.

1. Ito ay mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo.


a. alokasyon b. deplasyon c. inobasyon d. pagkonsumo
2. Sistemang tumutukoy sa isang institusyunal na kaayusan at paraan upang maisaayos
ang paraan ng produksiyon at paglinang ng likas na yaman.
a. pang-alokasyon c. pang-inobasyon
b. pang-ekonomiya d. pang-tradisyunal
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa sistemang pang-ekonomiya?
a. command b. market c. mixed d. retrieval
4. Unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya na nakabase sa kultura at paniniwala.
a. command b. market c. mixed d. traditional
5. Ayon kay John Watson Howe, “There isn’t enough to go around.” Ano ang ibig sabihin
ng pahayag na ito?
a. Kakaunti na lamang ang likas na yaman meron ang bansa.
b. Gumawa ng paraan upang magiging sapat ang pagkukulang.
c. Humingi ng ibang pinagkukunang-yaman sa ibang bansa.
d. Limitado lamang ang ating pinagkukunang-yaman kung kaya dapat gumawa ng
tamang desisyon kung paano gagamitin na mahusay ang mga likas na yaman.

2
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
Tuklasin

Gawain I. MATALINO AKONG KONSYUMER

Ngayong alam mo na ang katangian ng isang matalinong konsyumer, suriin mo naman ang
iyong sarili bilang isang konsyumer. Mahalagang sagutin ang tsart nang buong katapatan
upang magsilbi itong gabay sa pagpapaunlad ng iyong katangian bilang konsyumer.
Markahan ang iyong sarili bilang konsyumer. Lagyan ng tsek (√) ang bawat bilang ayon sa
inyong kasagutan.
1 - napakatalino 3 - di-gaanong matalino
2 - matalino 4 - mahina

Katangian Bilang Konsyumer 4 3 2 1


1. Madaling maniwala sa anunsiyo

2. Mapagmasid

3. Alam kung anong gagawin sa oras na makabili ng depektibo

4. Mahilig tumawad

5. Matipid

6. Alam ang karapatan at pananagutan

7. May listahan ng bibilhin

8. Mabilis magdesisyon

9. Sumusunod sa badyet

10. Mahilig sa mura ngunit dekalidad na bilihin

3
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
Suriin

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo

May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Ang pagkakaiba-
iba ng kanilang katangian ang dahilan ng kanilang pagkonsumo. Sa ibaba ay mababasa ang
ilan sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay John Maynard
Keynes, isang ekonomistang British, sa kaniyang aklat na “The General Theory of
Employment, Interest, and Money” na inilathala noong 1936, malaki ang kaugnayan ng kita ng
tao sa kaniyang pagkonsumo. Ayon sa kaniya, habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin
ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo. Sa kabilang banda,
ang pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang kumonsumo. Kaya
naman, mapapansin na mas maraming pinamimili ang mga taong may malalaking kita kung
ihahambing sa mga taong may mababang kita lamang.

A. MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO


1. Pagbabago Ng Presyo - May pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng
produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan mas mataas ang konsumo kung
mababa ang presyo, samantalang mababa ang pag-konsumo kapag mataas ang presyo.
Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga konsyumer ang produkto o serbisyong may mababang
presyo. Samantala, kaunti naman ang kanilang binibili kung mataas ang presyo nito.

Halimbawa:

Noong ₱10.00 palang ang kilo ng mangga nakabibili ang nanay mo ng 5 kilo samantalang
ngayong ₱50.00 ang kilo na ang halaga nito ay isang kilo nalang ang kanyang nabibili.

2. Kita - ito ay isa sa nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao.

Halimbawa:

Si Ana ay kumikita ng ₱50,000.00 kada buwan samantalang ₱10,000.00 lamang kay Nena
kaya noong sila ay nag grocery ₱20,000.00 ang kabuuang halaga na nabili ni Ana habang
₱2,500.00 lamang kay Nena.

4
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
3. Mga Inaasahan - ang inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa
pagkonsumo sa kasalukuyan. Ang mga tao ay pinipilit na huwag munang gastusin ang salapi
at binabawasan ang pagkonsumo upang mapaghandaan ang mangyayari sa mga susunod na
panahon o araw. Kung positibo o maganda naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa
inaasahan ay tumataas na ang pagkonsumo kahit hindi pa natatanggap ang inaasahang
salapi gaya ng pagtanggap ng bonus at iba pang insentibo.

Halimbawa:

1. Kung inaasahan ng mga tao na magkaroon ng pagtataas sa presyo ng softdrinks sa


pasko at mawawalan ng supply nito, tataas ang pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon
bilang paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap.

2. Nangungutang sina Ana at Maria ng pera upang ipambili ng pagkain dahil alam nilang
may paparating na bonus.

4. Pagkakautang - Kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaring
maglaan siya ng bahagi ng kaniyang salapi upang ipambayad dito. Ito ay magdudulot ng
pagbaba sa kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyang kakayahan na makabili ng
produkto o serbisyo. Tataas naman ang kakayahan niyang kumonsumo kapag kaunti lamang
ang binabayaran niyang utang.

Halimbawa:

Sa halip na bibili si Ana ng meryenda ito ay kaniyang ipinagpaliban dahil mayroon siyang
babayarang utang.

5. Demonstration Effect - madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa


radio, telebisyon, pahayagan at maging sa internet at iba pang social media. Ginagaya ng
mga tao ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanood sa iba’t ibang uri ng media kaya
naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa nasabing salik. Ang mga taong hindi naman
naiimpluwensiyahan ng nabanggit ay may mababang pagkonsumo lalo na sa mga bagay na
uso at napapahon lamang.

Halimbawa:

May isang patalastas sa telebisyong tungkol sa isang sabong nakapuputi ng kutis sa loob
lamang ng isang linggo matapos gamitin ang produkto ng tatlong beses sa isang araw. Sa
ganitong sitwasyon, tataas ang pagkonsumo ng konsyumer sa sabong ito.

5
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
B. MGA PAMANTAYAN SA PAMIMILI
Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito ay nasusulit natin
ang bawat sentimong ating ginagastos para sa bawat produkto. Ang mga sumusunod ay ilan
sa mga pamantayan sa pamimili:

1. Mapanuri
Bago bilhin ang isang produkto, matiyagang sinusuri ang sangkap, presyo, timbang,
expiration date at iba pa. Kung may pagkakataon pa, inihahambing ang mga produkto sa isa’t-
isa upang malaman o makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa
ibabayad.

2. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo


- Ang kalidad ng produkto at ang kapakinabangan na matatamo sa pagbili ng
produkto ang isinasaalang-alang at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo na ginagamit.

3. May Alternatibo o Pamalit


- May mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang
produktong dati nang binibili. Maari ring nagbago na ang kalidad ng produktong dati nang
binibili. Ang matalinong pamimili, sa ganitong pagkakataon, ay marunong humanap ng pamalit
o panghalili na makatutugon din sa pangangailangang tinutugunan ng produktong dating
binibili.

4. Sumusunod sa Badyet
- Alam natin na dumadagsa ang mga konsyumer kapag may midnight sale, buy one,
take one promo, at mga give away na produkto dahil ang ganitong sitwasyon ay
makakatulong sa kanilang badyet. Hindi nagpapadala sa mga anunsiyo at popularidad ng
mga produkto na may mataas na presyo. Hangga't maaari ay iniiwasan ng tao na mangutang
para may pantustos sa kaniyang pamimili.

5. Hindi Nagpa panic- Buying


- Ang matalinong konsyumer ay hindi nababagabag sa artipisyal na kakulangan
ng mga produkto sa pamilihan. Alam niya ang ganitong kalagayan ay pansamantala
lamang na umiiral.

6. Hindi Nagpapadaya

- May mga pagkakataon na ang mamimili ay mapapatapat sa isang tindero o


tinderang may hindi magandang hangarin. Ang matalinong mamimili ay laging handa, alerto at
mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.

7. Makatuwiran

- Lahat ng konsyumer ay nakararanas ng kakulangan sa salapi o limitadong badyet.


Kaya sa pagpili ng isang produkto ay isinaalang-alang ang presyo at kalidad nito. Isinasaisip
din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng produkto pati na rin kung gaano
katindi ang pangangailangan nito. Makatuwiran ang konsyumer kapag inuuna ang mga bagay
na mahalaga kompara sa mga luho lamang.

6
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
Pagyamanin

Gawain 1: Tama o Mali.


Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ito ay nagpapakita ng wastong pahayag, MALI naman
kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sinusuri ang mga produktong bibilhin at tinitingnan ang mga sangkap at ang
pagkakagawa nito.
2. Marunong humanap ng pamalit sa produkto na panghalili sa pangangailangan.
3. Bumili lagi ng mga mamahaling brand para makasiguro.
4. Bilhin ang produktong gusto kahit pa wala ito sa badyet.
5. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo na ginamit.

Gawain 2. Concept Map. Pagbuo ng Konsepto.


Ang Venn Diagram sa ibaba ay nagpapahiwatig sa ugnayan ng pagkonsumo sa iba’t
ibang salik. Batay sa binasang teksto, buuin ang Venn Diagram tungkol sa mga salik na
ito. Pagkatapos nito ay sagutin ang mga pamprosesong tanong sa sagutang papel.

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo

Pamprosesong Tanong:
1. Anu-ano ang mga maging batayan mo sa pagbuo sa venn diagram?
2. Anu-ano kaya ang dahilan sa pagsasaalang-alang ng mga bagay na ito bilang salik na
nakakaaapekto sa pagkonsumo? Pangatuwiran ito.

7
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
Gawain 3: Isaayos Mo!
Panuto: Batay sa mga naging sagot mo sa gawain 2 isaayos ang mga ito ayon sa iyong
pinaniniwalaan na siyang pinakamahalagang salik na kinakailangan isaalang-alang
sa pagkonsumo. Isaayos ang mga ito mula sa itaas bilang pinakamahalaga at
pinakababa bilang panghuli sa halaga.

Isaisip

1. Tungkulin ng konsyumer na maging mapanuri, mapagmasid at alerto.


2. Makiisa sa pagkilos at pagbabantay sa pagpapatupad ng mga bagong presyo
sa pamilihan.
3. Bilang isang Pilipino kailangang tangkilikin natin ang ating sariling mga produkto.

8
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
Isagawa

PAGSULAT NG SANAYSAY
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa inyong sagutang papel ang
mga sagot. Gamitin ang rubrik sa pagwawasto nito.

Nilalaman………………. 5
Pagkakasulat…………... 3
Kalinisan……………….. 2
Kabuuang Puntos 10

1. Bakit mahalaga ang pagiging isang matalinong mamimili? Pangatuwiran.

2. Alin sa mga katangian ng isang mamimili ang pinakamahalaga? Patunayan.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag/tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sa command economy ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control
at regulasyon ng ___.

a. konsyumer b. pamahalaan c. pamilihan d. prodyuser


2. Bilang isang rasyunal na mag-aaral, ano-ano ang dapat mong isaalang-alang sa
paggawa ng desisyon?
a. ang dinadaluhang okasyon
b. ang hilig at kagustuhan
c. ang relihiyon, paniniwala, mithiin at tradisyon
d. ang trade-off at opportunity cost
3. Nauuso ang barter sa ngayon dahil sa pandemic. Bilang isang matalinong
mamimili, paano ka nakakasigurong hindi ka maloloko?
a. huwag agad maniwala sa mga post sa social media
b. siguraduhing kakilala at malapit lang ang ka-barter
c. tiyaking makita ng personal ang produktong ipapalit
d. lahat ng nabanggit ay tama

9
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
4. Nagkaroon ng pagkukulang ng suplay ng mga gulay sa palengke. Bilang isang
konsyumer, paano mo matutugunan ang kakulangang ito?
a. hintayin na lamang na magkaroon ng sapat na suplay ng gulay
b. maghanap ng ibang produktong hindi kailangan ng gulay
c. magtanim sa bakuran ng mga gulay lalo na sa panahon ng tag-ulan
d. magtungo sa ibayong lugar upang hanapin ang sangkap
5. Paano nakaaapekto ang pagkakautang ng isang tao sa kaniyang pagkonsumo?
a. Kapag nagkaroon ng pagkukulang sa mga produkto ay mangutang ulit.
b. Nababawasan ang badyet sa pagkonsumo dahil naglalaan ng perang
pambayad sa utang.
c. Tataas ang kakayahang umutang ulit dahil may pambayad naman
d. Wala sa mga nabanggit.

Karagdagang Gawain

Gawain: KARAPATAN MO, IPAGLABAN MO!


Ipagpalagay na ikaw ay nakabili o nakagamit ng produkto o serbisyo na binanggit sa ibaba.
Sumulat ng isang letter of complaint na nagpapabatid ng inyong reklamo sa kinauukulang
ahensiya ng pamahalaan. Mamili lamang ng isang sitwasyon at isulat sa isang long bond
paper ang iyong liham.
1. Depektibong Cellphone
2. Lip Balm na nagiging sanhi ng pamamaga ng labi
3. Double Dead na karne ng manok
4. Maling timbang ng asukal
5. Serbisyong hair rebonding na nagiging sanhi ng pagkasunog ng buhok
Sample Template:

Letter of Complaint

To: ( Ahensya ng Pamahalaan)

. Complainant:

Signature Over Printed Name

1
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
Rubrik sa Pagmamarka ng Liham
Napakahusay Mahusay (4) Nangangailangan Nakuhang
(5) ng Pagpapabuti Puntos
(3)
Nilalaman Lubusang Katamtamang May kakulangan
naipahayag naipahayag na naipahayag
ang reklamo ang reklamo ang reklamo o
o hinanaing o hinanaing hinanaing sa
sa sa produktong nabili
produktong produktong sa kaukulang
nabili sa nabili sa ahensiya ng
kaukulang kaukulang gobyerno
ahensiya ng ahensiya ng
gobyerno gobyerno
Paggamit ng Walang mali May 1-3 May apat o higit
mga salita sa paggamit maling na di-wastong
ng mga salita paggamit ng paggamit ng mga
mga salita salita
Kabuuang Napakaayos May 1-3 bura Hindi gaanong
presentasyon at napakalinis o dumi sa Mabasa at may 4
ng pagkakasulat o higit n abura o
pagkakasulat dumi sa
pagkakasulat
Kabuuang Puntos

11
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
Susi sa Pagwawasto

12
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
Sanggunian

Balitao, B., Garcia, E., at Marcos L. 2006. Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng Araling
Panlipunan IV (EKONOMIKS). Pilipinas. Department of Education(DepEd)-Philippine
Deposit Insurance Corporation (PDIC).

https://brainly.ph/question/756359#readmore
Aralin 5: PAgkonsumo - LinkedIn SlideShare
https://www.slideshare.net/maflechoco/aralin-5-pagkonsumo

Ang Konsyumer/Mamimili: Mga Katangian, Karapatan at


Tungkulin https://www.slideshare.net/kazekage15/ang-konsyumermamimili-
mga

13
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepE
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: *

14
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-

You might also like