You are on page 1of 28

MGA TEORYA

NG WIKA
A theory can be proved by experiment; but
no path leads from experiment to the birth
of a theory.
— Albert Einstein

Ika-22 ng Enero, 2022


Ang teorya ay
maaaring isang
magkakatugmang
pangkat na nasubukan
sa pangkalahatang
mungkahi, na
Ang salitang teorya ay hinango mula sa itinuturing bilang tama
salitang Kastilang teoría. Ang salitang Ingles na o tumpak, na maaaring
theory ay hinango mula sa isang katagang
teknikal sa pilosopiya ng Sinaunang Gresya. gamitin bilang mga
Ang salitang theoria, na may kahuluang "isang prinsipyo ng paliwanag
pagtingin sa, tinatanaw, pagmamasid", at at prediksiyon (hula)
tumutukoy sa pagdidilidili (kontemplasyon) o
espekulasyon (pagbabaka-sakali), na para sa isang uri ng
kabaligtaran ng aksiyon. kababalaghan.
Teorya ng Wika
Tore ng Babel
Teoryang Bow-Wow
- Ayon sa teoryang ito, maaaring ang
Language Evolution wika raw ng tao ay mula sa
panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang
mga primitibong tao diumano ay kulang na
kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil
dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid
ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan
ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil
ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag
ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing
insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa
lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa
panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang
tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw.
Teoryang Ding-Dong
Ayon sa teoryang ito, sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha
ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit
ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga
kalikasan lamang kundi maging sa mga
bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang
ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog
na siyang kumakatawan sa bawat isa at
ang tunog niyon ang siyang ginagad ng
mga sinaunang tao na kalauna’y
nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t
ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max
Muller na simbolismo ng tunog.
Teoryang Pooh-Pooh
Unang natutong magsalita ang mga
tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya
ay napabulalas sila bunga ng mga
masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa,
sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba
pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong
napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y
napapa-Aray! Samantalang ang mga
Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng
naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama
ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?
Teoryang Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond na ang tao ay
natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert
ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y
nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o
nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak.
Teoryang Ta-Ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang
kumpas o galaw ng kamay ng tao na
kanyang ginagawa sa bawat partikular na
okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng
pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at
kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na
sa wikang Pranses ay nangangahulugang
paalam o goodbye sapagkat kapag ang
isang tao nga namang nagpapaalam ay
kumakampay ang kamay nang pababa at
pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na
galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang
ta-ta.
Teoryang Sing-Song
Iminungkahi ng linggwistang
si Jesperson na ang wika ay
nagmula sa paglalaro, pagtawa,
pagbulong sa sarili, panliligaw at
iba pang mga bulalas-emosyunal.
Iminungkahi pa niya na taliwas sa
iba pang teorya, ang mga unang
salita ay sadyang mahahaba at
musikal, at hindi maiikling bulalas
na pinaniniwalaan ng marami
Teoryang Coo-Coo
Ayon sa teoryang ito, ang
wika ay nagmula sa mga tunog na
nalilikha ng mga sanggol. Ang
mga tunog daw na ito ang ginaya
ng mga matatanda bilang
pagpapangalan sa mga bagay-
bagay sa paligid, taliwas sa
paniniwala ng marami na ang mga
bata ang nanggagaya ng tunog ng
mga matatanda.
Teoryang La-la
Mga pwersang
may kinalaman sa
romansa. Ang salik
na nagtutulak sa tao
upang magsalita.
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga
ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos
lahat ng gawain tulad ng sa
pakikidigma, pagtatanim, pag-aani,
pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa
sa nagkasala, panggagamot, maging sa
paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga
ritwal na iyon ay ang pagsasayaw,
pagsigaw at incantation o mga bulong.
Teoryang Ma-ma
Ayon sa teoryang ito, nagmula
ang wika sa mga pinakamadadaling
pantig ng pinakamahahalagang
bagay. Pansinin nga naman ang mga
bata. Sa una’ y hindi niya masasabi
ang salitang mother ngunit dahil
ang unang pantig ng nasabing salita
ang pinakamahalaga diumano, una
niyang nasasabi ang mama bilang
panumbas sa salitang mother.
Ang wika ay maaaring nagagamit ng tao sa
dalawang kaparaanan: pagtamo at pagkatuto.
Nagbigay si Krashen (1981) ng magandang
paliwanang hinggil sa pagkakaiba nito.

Ang pagtamo ay nagaganap nang hindi


namamalyan at katulad ito halos kung paano natin
natutuhan an gating unang wika.
Sa kabilang dako ang pagkatuto ay isang binalak
na proseso kung saan pinag-aralan ang wika sa isang
organisadong paraan at may sinusunod na isang tiyak na
programa. Sa pagkatuto ng wika rin ay may yugto-
yugtong proseso kong saan pinag-aaralan ang wika sa
isang paraang organisado at sistematiko: organisado
kung saan may pangkat na nagpapatupad ng wikang
sinasalita ng isang bansa; sistematiko kung saan may
sistema ang isang bansa kong paano gagamitin ang
wika.
ECHOIC STAGE
Ito ang yugto ng
pagkatuto ng wika kung saan

ginagaya mo ang sinasabi ng


mga taong nasa iyong paligid.
Habang nanood ng mga komersyal sa
telebisyon ginagaya mo ito at dahil
inuulit-ulit mo lamang ang iyong
napapakinggan nakabisado at
nasasalita mo ito kahit hindi mo ito
lubos na nauunawaan.
PANINIWALA NG MGA INNATIVIST

Ayon sa kanila ang mga bata ay ipinanganak


na may “likas na salik” sa pagtamo ng pagkatuto sa
wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975, 1965) na ang
kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas
itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-
interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ito’y
mabibigyang kahulugan lamang kapag may
interaksyong nagaganap sa kapaligiran.
Language-Acquisition Device (LAD). Ang
LAD ang tumatanggap ng impormasyon mula sa
kapaligiran sa anyo ng wika. Ang wikang ito ay
sinusuri at pagkatapos marinig bubuuin na sa isipan
ng mga tuntunin, at inilalapat ang mga tuntunin
habang nakikipag-usap ang bata.
PANINIWALA NG MGA
COGNITIVIST

Ang pagkatuto ng wika ay isang


dinamikong kung saan ang mga mag-aaral ng
wika ay kailangang palagiang mag-isip at
gawing may saysay ang bagong tanggap na
kaalaman at impormasyon mula dito mas
napapaunlad nila ang pagkatuto nila sa wika.
Habang ginagawa ang prosesong ito
hindi maiiwasan nag pagkakamali. Ayon sa
mga kognitibist ang pagkakamali ay isang
palatandaan ng pagkatuto at
eksperimentasyon at hindi ito kagyat at
tuwirang iwinawasto.
PANINIWALANG MAKATAO

Ang paniniwala nila ay nakapokus sa damdamin at emosyon ng


isang tao. dagdag pa dito , mas mabilis nila natututunan ng tao ang wika at
wala siyang pag-alinlangang gamitin ito at malaya niyang nailalahad ang
kanyang saloobin. Tungkulin ng isang guro na maglaan at lumikha ng isang
kaaya-ayang kapaligiran sa silid-aralan at isang talakayang walang
pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at
malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutunan.
Kailangan ding linangin ng guro ang pagpapahalaga sa sarili ng mga mag-
aaral.
GAWAIN:
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan/sitwasyon
nang hindi bababa sa limang pangungusap.
1.Alin sa mga Teorya ng Wikang tinalakay ang hindi kapani-paniwala sa iyo
na maging dahilan ng pagsisimula ng wika ng tao. Malalim na ipaliwanag.

2. Sa panahong kasalukuyan ay maraming mga bata ang nahihirapang


magsalita ng wikang Filipino sa maraming kadahilanan. Magbigay ng isang
dahilan na lubos mong pinaniniwalaan na siyang salik sa kahirapang
matamo ito.

3. Naniniwala ka ba na kapag maraming salitang alam ang bata sa isang


wika, siya ay mas maalam/matalino kaysa sa batang limitado lamang ang
alam? Kapag oo ipaliwanag, kung hindi naman, paano mo nasabi?

You might also like